nuffnang

Saturday, April 30, 2011

Bitter and better

Habang busy ang iba sa paggawa ng blog tungkol sa Royal wedding na nangyari kahapon ata, hindi ako sure kasi hindi ko pinanood, dahil hindi ako affected, hehehe, as in keber lang.

keber ko, bakit close ba kami ng prinsipe o ang prinsesa? hmp!!!

Para sa akin mas importante ang wedding day ng mga kaibigan ko at syempre ang wedding namin ng heaven ko, hehehe, mas may keber ako don, kahit hindi sila royal blood. Eh ano ngayon kung royal blood sila? Dugong bughaw naman kami, at dugong maharlika, taeness kung anu-ano nalang ang dugo, may berde pa, hahaha. Napapaisip tuloy ako kung ano ang pagkakaiba ng mga dugo na yan?


Anyway, hindi tungkol sa chuva wedding at dugo ang post na ito, wala lang, gusto ko lang magkaroon ng nakakainis at bitter na intro, hahaha.

Alas dose na ng tanghali dito, break time namin, kaya kailangan ko nang maihanda ang mga gamit para sa nalalapit na ritual ko tuwing ganitong oras. Oo, mayroon akong ginagawang preparasyon pagganitong oras, ang matulog. Puwedi rin niyo ito gayahin kung applicable sa lugar ng iyong opisina.

Mga kagamitan

Una, isang pahaba na karton. At pangalawa, Isang 1 pack na kukon bond A4 copy paper.

Ganito lang ito, simply.

Ilapag ang karton sa ilalim ng table, tapos ay ilagay naman sa dulo ng karton ang isang pak na A4 Copy paper at patayin ang ilaw. Pagkatapos ay mahiga na at nanamnamin ang sarap ng panandaliang pagkawala sa sarili.

Note: Siguradohin naka-lock ang pintoan para siguradong pagkagising mo ay may trabaho ka pa.



Better






Thursday, April 28, 2011

Pagsasayang ng oras

Babala: Ang blog na ito ay sadyang isinulat ng mga akda upang masayang ang oras mo.

Hindi ko alam kung ano ang magandang intro, siguro okay na ito, kunwari may mga sinasabi akong mahahalagang bagay dito, at tuwang tuwa ka naman dahil para na akong tanga, tapos hindi mo alam ganoon ka din. Puwedi na ata yan, break it down na yowwhhh.

Sa totoo lang wala naman akong naiisip na e-blog, wala akong magiling na kalokohan at wala rin akong mahuling guni-guning ligaw sa utak ko. So, sa mga ganitong pagkakataon ang ginagawa ko ay sinusundan ko nalang kung anu man ang pumasok sa ipisisipan ko.

Sa sobrang pagkabusy ko kasi kunwari sa work e halos wala na akong maisip na mga bagong ideas na kakapulotan niyo ng magandang aral, ung magagandang aral na puweding ipalabas sa MMK at batibot.

Kung umabot ka na dito sa pagbabasa, kongrats dahil nasayang ang ilang minuto ng buhay mo.


Paano hanggang sa muling pagsasayang ng oras!

Teka pahabol...


Kanina pala, may nakita akong batang arabo, akala ko sa atin lang mga pilipino ang may batang uhugin. Nakamanputcha, ito ang unang beses at sana ay ito ang huling beses kong makakita ng batang arabo na uhugin.


Sayang nga lang hindi ko nakunan ng litrato, pero maisasalarawan ko naman parang ganito siya...Ako yung nakadamit red ang kulay, at ganoon din reaksyon ko.
v
v
v
v
v
v
v
v
v
v
v
v
v
v
v
v
v
Pindotin ang litrato ng dahan-dahan


Ganyan na ganyan ung nakita kong bata, tapos ganyan din ang naging reaksyon ko, "eewwwwwwwwwwwwwwwwwssss" sabi ko na nakapilantik pa ang mga daliri ko.



Wednesday, April 27, 2011

Blog-ibig page13

Blog 13: Conditional love

Sa buhay pag-ibig natin, isa sa pinakamasarap at masayang makamtan (lalo na sa lalake) ay ang makuha niya ang matamis na pag-ibig ng kanyang pinapangarap na tao (may hindi ba tao?), lalong lalo na kung patungkol sa unang pag-ibig o tinatawag na first love.

Kaming dalawa lang ni Kamil sa loob ng kwarto, hindi ko maitindihan ang nararamdaman ko, sobrang kinakabahan ako, nagpapanic na ako sa loob ko.

“Ano gagawin ko, ano gagawin ko?” umiikot na katanongan sa akin utak.

Nakaupo si Kamil sa silya na nakapatong  ang mga kamay sa table, may hawak na ballpen at may iginuguhit sa isang maliit na papel, pero napansin ko na walang tenta ang ballpen. Nakatuon lang ang pansin niya doon at ako naman ay nasa di kalayuan sa kanya na pinagnanasa pinagmamasdan siya. Tuwing iaangat niya ang kanyang ulo na parang susulyapan ako, ako naman ay kunyaring yuyuko o iiiwas ko ang aking paningin sa kanya na parang may hinahanap na kung ano sa kawalan.

Ilang minutong ganun lang kami, nag-aantayan kung sino ang unang babasag sa aming katahimikan. Naririnig ko ang palakpakan ng mga tao sa labas dahil sa selebrasyon na nagaganap, nasisilip ko sa bintana ang mga taong naglalakad at nagkukwentuhan. Malapit na matapos ang programa kailangan kumilos na ako, pagkakataon ko na para makapagtapat sa kanya ng harap-harapan. Huminga ako ng malalim, nilakasan ko ang aking loob, PILIPINO AKO!

Pagkalapit ko sa kanya ay ako na ang bumasag sa aming katahimikan,

“BLAAAGGZZZZ!!” basag ang katahimikan

Nakatayo ako sa kabilang table kung saan nakaupo naman siya sa kabila nito, pinatong ko ang aking kamay,

"ano yang ginagawa mo?" sabi ko sa kanya at napatingala naman siya sa akin.

"wala" sabi niya sabay tumayo at humiga siya sa table (iba ata iniisip mo), natuwa ako sa aking nakita, ang ganda niyang pagmasdan habang nakahiga sa table, parang natutulog lang, hehehe jk.

“Totoo ba ‘yung sinabi mo sa sulat?” biglang tanong ko sa kanya na kamuntikan ko nang malunok ang aking dila. Ang nasa isip ko, bahala na si Kiko, touch move na ito, wala nang bawian.

Napansin kong medyo nahiya siya at pumula ang kanyang pisngi na lalo naman nagpasigla sa akin dahil sa kagandahan nakikita ko, bumangon siya at sinampal ako, hehehe jk ulit. Bumalik siya sa pagkakaupo niya at kinuha ulit ang kanyang ballpen na walang tenta at gumuguhit-guhit sa maliit na papel.

Tinanong ko siya ulit,

“Totoo ba ‘yung sabi mo sa sulat?” tanong ko ulit sa kanya,

Isang matamis na ngiti ang ipinakita sa akin na parang nagpapahiwatig na "OO, totoo ang mga sinabi ko sa sulat na 'yun", pero dahil sa siguristo ako, gusto kong marinig mula sa kanyang bibig na gusto din niya ako.

Tinanong ko ulit siya,

“Ano, totoo ba ‘yun?!” parang NBI agent na pagtatanong ko, hehe jk.

"OO" sabay ngiti at kitang kita ko na kinikilig siya,

Nakaramdam na naman ako ng kakaibang kirot sa aking pangangatawan, ‘yun ang unang pagkakataon maramdaman ko ang tinatawag nilang kilig, kilig na kilig na kilig ako, as in ang killliiiiiiiiiiigggggg. Pero hindi ako nakuntento sa sagot na narinig ko, I want more, so I ask her if she does love me.

Do you love me? Tanong ko sa kanya, pero in tagalog…inenglish ko lang ngayon para cool basahin.

Hindi na naman siya sumagot at namula na naman ang kanyang pisngi, napansin kong may isinusulat sa papel pero hindi ko mabasa dahil sa walang tenta ito, binigay niya sa akin ang maliit na papel, at pilit kong inaaninag ang bakat ng ballpen and it says “I love you”. Hindi na naman ako satisfied kahit pinipigil ko ang kilig sa loob ko dahil alam ko ang nakaguhit sa maliit na papel.

“Hindi ko mabasa...ano ‘to?” painosenteng sabi ko.

Sumimangut siya,

“Basahin mo kaya ng maayos” sabi sa akin na halatang peke ang simangot niya dahil halatang kinikilig din si Kamil,

Pero mas matibay ako kaysa kanya, hinding hindi ko inamin na nababasa ko ang isinulat niya sa papel gamit ang ballpen na walang tenta.

Tiningnan niya ako na maaliwalas na ang mukha at sinabi na ang salitang hinahangad kong marinig.

Note para sa nagbabasa nito: Kumapit ka na dahil ito na, ito na ang matagal ko nang hinintay.

“Oo, I love you Akoni” Sabi ni Kamil

“I love you akoni, I love you akoni, I love you akoni” umiikot-ikot na naman sa isip ko at pati sa buong katawan ko, nararamdaman ko na sumasanib na sa akin ang spiritu ng unang pag-ibig.

Parang lumakas ang hangin ng pagkasarap-sarap sa pakiramdam at ako lang ang nakakaramdam, hindi ko maramdaman ang aking sarili dahil sa narinig ko mula kay kamil “ I love you akoni”, nawawala na ata ako sa aking sarili, mapupunit na ang bibig ko sa super pag-smile ko sa kanya. Nakita kong natatawa siya, dahil sa nakikita niyang nangyayari sa akin.

Nahimasmasan ako mula sa ilang minutong pagkabaliw ko dahil sa sobrang saya. Girlfriend ko na ang babaeng pangarap ko, ang babaeng unang nagpaibig sa akin, ang babaeng unang nagdugtong ng pangalan ko sa salitang “I love you”.

Lumabas na kami sa kwartong iyon na nagbigay saya sa aking buhay, nagpaalaman kami sa isa’t isa na pumunta sa kanya-kanyang mga kaibigan, pumunta siya sa mga kasamahan niyang majorettes, pumunta naman ako kay Diamond at Jay na masayang masaya.

Habang naglalakad ako ay napapalingon ako sa mahiwagang kwartong nagbigay ng ligaya sa akin, naisip ko ang mga napag-usapan namin ni Kamil, lalo na ang mga conditions niya sa aming relationship.


IchuchoLHULOY

Tuesday, April 26, 2011

Blog-ibig page12

PANIC ROOM

Pagkatapos ko ihatid si SEY sa klasrum namin ay pinuntahan ko naman ang dalawang pogi.

“Oh Jay...ano mayroon?” Tanong ko sa kanya sabay tapik sa balikat ni Arvin.

“Eh ito si Arvin, may plano kumandidato for president”. Sabi ni jay at nakangisi lang si Arvin.

“Kailangan namin ng tulong mo, marami kang connections lalo na sa mga sophomore at freshmen”. Sabi ni Arvin.

“aaahh..plano niyong dalawa sakopin ang kaharian ito?” biro ko sa kanila at natawa sila.

“Walang problema mga pogi, sige susuporta ako sa inyo.” Sabi ko sa kanila at nakipagkamay ako kay Arvin.

Kilala si Arvin sa mga 3rd year at 4th year, dahil sa pagiging active niya sa mga...sa lahat ng gawain aktibidad sa skwelahan.

“Tara na pasok na tayo sa room, dadating na si ma’am” yaya ni Arvin sa amin ni JAY.

Huli akong pumasok sa room, nakita ko si Kamil na nakaupo sa unahan, hiyang hiya ako sa kanya, hindi ko alam, siguro normal lang ‘yun sa mga bagong umiibig, bumalik na naman sa utak ko ang laman ng liham niya, kinilig naman ang kalamnan ko, at umangas ang puso ko.

Nagkasalubong ang aming mga mata, nataranta ang utak ko, hindi ko alam ano gagawin ko, pero ilan seconds lang parang automatic ang bibig ko, gumuhit ng isang napakatamis na ngiti, nakita kong kumislap ang kanyang mga mata, senyales na the feelings is mutual.

Para akong lumulutang sa ere, hindi ko maramdaman ang pressure ng unang araw sa school, ang saya-saya ko. Kung gaano ako kakulit, ganun din ako kamahiyain pagdating sa babae. Torpe ako sa salitang kanto, kaya hanggang tingin lang ako sa kanya, ni hindi ko nga magawang makisabay sa kanya tuwing recess e. Mula noon lagi ko na lang siya pinagmamasdan, at nangingiti na lang siya sa akin, sa ganun  lang ay kumpleto na ang maghapon ko.

June 12, Independence day. Kailangan magparade, lahat ng school ay magtitipon-tipon sa City Hall para gunitain ang araw ng kalayaan. Member siya sa majorettes, kaya lalo akong humahanga sa kanya dahil bagay na bagay sa kanya ang kanyang uniporme, at ang galing-galing niyang gumiling (bontiyaya bontiyaya boom-boom-boom).

Pagkatapos ng parade, hinanap ko na agad kung saan ang pulutong ng mga majorettes, siya agad ang hinanap ko.

“Saan mga majorettes, si kamil?” tanong ko kay mayen at jhengpot habang kumakain sila ng ice cream.

“Doon...” nguso naman ni Jhengpot sa kinaroroonan nila, nag-eenjoy naman si mayen sa ice cream niya, slluurrrppssss.

Pumasok akong nanlilisik ang mga mata ko, at tumutulo ang laway ko, (hehehehe) joke. Kasama ko si Diamond at Jay, pumasok kami sa kwartong iyon, naabutan namin silang nagtatawanan kasama niya ang ibang majorettes.

Uyyyyy.uyyyy..uyyyy..” umugong sa loob ng bakanteng room, (security room ata ‘yun)

Nagkaintindi naman ang ibang kasamahan niyang majorettes kaya lumabas sila, binigyan ko naman ng pera si Diamond at Jay para pambili nila ng ice cream.

Kami lang dalawa ang natira sa loob ng room, kaya nag-panic ako...



itsotsoLHULOY

Monday, April 25, 2011

Mahal na araw


Galing sa gugol
 Mahal na araw ngayon April 25, 2011, mahal na araw namin ngayon ng aking heaven. Mahal na araw namin ngayon, dahil ngayon ‘yong araw na nagkapares ang ulo namin, ngayon ang araw na naging apat na ang mga tuhod at mga kamay namin, at ngayon ang araw na nagkaroon ako ng permamenteng kadaaupan labi.

Ngayon araw ang dahilan kung bakit ako nawala noon ng ilang araw, dahil pumunta ako sa kanya, trip to heaven. Para sa mga hindi nakakaalam, magkahiwalay kami ng aking heaven, dito ako sa baba ng puson ng Saudi at doon naman siya sa dulo ng dila ng Saudi.

Halos pitong oras ang biyahe papunta sa lugar niya, kaya halos pitong oras din ako magbubutas ng upuan sa bus, halos pitong oras din titiisin ang  maanggong amoy ng mga ibang lahi sa loob ng bus, at syempre lahat ng klaseng posisyon sa pag-upo ay nagagawa ko sa loob ng halos pitong oras.

Pero ayos lang dahil pagdating ko naman ay “heaven ang feeling” ang kapalit, at magiging walang silbi akong nilalang, dahil wala akong ibang gagawin kundi kakain, matulog, (censored), mag-relaks, magmahal at mahalin, heaven talaga, 2days in heaven.

Na-realized ko, ganoon talaga ang buhay, laging may pagsasakripisyo para masalap mo ng isang daan pursyento ang kaginhawaang papalit, kung may hirap na dinadaanas, lagi mong asahan na may kaginhawaan din na dadating, at huwag kakalimutan magpasalamat. Korek nga ang laging sinasabi ng mga magtataho, “Kung may tiyaga, may hilaga”, sa akin naman “Kung may biyahe, may heaven”.

Maligayang mahal na araw sa amin ni heaven!

Sunday, April 24, 2011

Kili-kili

Bago ang lahat gusto kong malaman mo na walang kinalaman dito ang kili-kili, sadyang nilagay ko lang yan dahil pinagpawisan ng bonga ang kili-kili ko kanina dahil sa sobrang pagka-busy sa work, pagtae lang ata ang pahinga ko.

Kanina habang ako'y nakaupo sa inidoro, may pumasok na idea sa utak ipis ko. Bigla ko naalaala na mayroon pala akong natatangin kapangyarihan, ooohhh yeeahhh you read that right, may kapangyarihan ako sa pamamagitan ng isip. Malakas ako mag-isip, dahil ito ang kadalasan kong ginagawa.

Bago ka muna ma-excite dyan, sasabihin ko na kung ano ang aking kakayahan. *Hinga malalim* may telek telicni tekel tleksis kileki kakayahan ako magpagalaw ng isang bagay sa pamamagitan ng aking isip.

Syempre hindi ko naman ito sasabihin o ibubunyag sa inyo kung wala akong ebedesya, kaya para sa inyo gumawa ako ng video na magpapatunay na kaya kong pagalawin ang isang bagay dahil sa naisip ko.

Babala: Huwag gagayahin dahil maari kang masiraan ng ulo, tangin mga katulad ko lang ang may kakayahan gumawa ng ganito, pero kung interesado ka parin, e-mail mo ako.

Eksena: Huwag pansinin ang magulo kong table, ang tutokan mo ay ang PEPSI...then, sppoooffff gagalaw ito, at wag mabibigla kong bigla ka nalang manigas dyan dahil sa nakita mo.

okay ang dami ko nang satsat ito na.....


video


Ngayon alam mo na ang natatanging kapagyarihan ko, bilib kana ba?

Saturday, April 23, 2011

Kunwari...

Tssaarraaannnnnn….!!!!!

                                      


Biglang umakyat sa blog roll mo ang akonilandiya noh? Hehe,

kunwari isa ka sa mga sumusubaybay sa mga kaganapan sa akonilandiya, kunwari nagulat ka at natuwa ng makita mong umakyat sa blog roll mo ang akonilandiya, at syempre kunwari nagtataka ka rin kung bakit now lang gumalaw ang akonilandiya, tapos kunwari sasagotin kita. -Naglakbay ako patungo sa tuktok ng HEAVEN, ikuwento ko din sa’yo ang ibang details sa ibang araw ah, kunwari excited kang malaman.

Tapos kunwari, itatanong ko kung sino namiss niyo?!!!! Tapos kunwari, sasagot naman kayo ng, si AKONNNIIIIII….!!!! Tapos kunwari, kikiligin naman ako at magpapasalamat kunwari sa inyo, tapos kunwari sasabihin ko din na namiss ko kayong lahat at salamat.

Tapos kunwari, masaya ako dahil makakasama ko na naman kayo palagi dito sa bahay ko, tapos kunwari magbabasa ako ng mga previous at present post ninyo dahil ang dami kong namissed.

Pero, pero, pero, hindi ko kayang magkunwari dahil ang totoo, namiss ko kayo (choss), namiss ko itong blog site ko, namiss kong magbasa ng mga sulat niyo, namiss ko maglibot-libot sa mga bahay niyo at  namiss ko ang mga comments niyo. Halos tatlong buwan ko na kayo nakakasama araw-araw walang paltos at tagos, kaya mahirap magkunwari na hindi ko kayo namiss at hindi ko namiss ang mga nakasanayan ko dito sa blog sphere.

Mahirap magkunwari na hindi mahalaga sa’yo ang isang bagay/tao/alien/hayop kapag bukal sa loob mo ito pinapahalagaan.

Mga peeps, namiss ko kayo na walang halong pagkukunwari (drama lang).

Monday, April 18, 2011

Extra trip

Para sa mga sumusubaybay ng BLOG-IBIG series ko, pasensya po, naisulat ko naman ang blog-ibig page11, pero dahil sa hindi maganda ang mood ko, parang hindi ko nagustohan ang result, parang wala lang, hehehe, edit ko muna.

Pero aaliwin ko parin kayo, pagtiyagaan niyo na itong maiksing kwento ko. Bahagi ito ng sinusulat kong kwento na hanggang ngayon ay hindi ko parin matapos tapos,  hehehe, ang title ay "KAPITAN BOLA", ito ang ilan sa mga eksena.



Nasa likod ako ni Liwanag habang lumilipad kami, nakahug ako sa kanya, at naamoy ko ang mabangong buhok niya, ang bango niya.
Liwanag: alisin mo ‘yang kamay mo sa dibdib ko kundi ihuhulog kita
Akoni: ay sorry mali lang nakapitan ko, pasensya na.
Nakita namin ang taong palaka, hinabahol ang mga tao…….lumapag kami sa tuktok ng building, nang biglang may narinig na naman akong boses.
Boses: ungas, may kapangyarihan ka, hindi mo lang alam..gamitin mo na..
Baka tama ang naririnig kong boses baka may kapangyarihan nga ako dahil don sa nangyari.
Boses: ulopong, may pabulong-bulong kapang nalalaman dyan e naririnig din naman kita..meron kang kapangyarihan tado.
Akoni: ok fine, gagamitin ko na kung ano man un.
Akoni: Liwanag leave it to me, ako na ang bahala sa taong palaka na ‘yun.
Liwanag: ha?(nakapamaywang)
At bigla akong tumalon mula sa building………
Akoni: waaaaahhhhh..ayan na ako taoooong paaaalaaakkkaaaaa..waaaahhhh
Boses: HOY!!!BAKIT KA TUMALON????!!!!!
Akoni: lilipad ako syempre, may kapangyarihan naman ako e, diba?
Boses: AYYY TANGAAAA!!!!!!ANG TANGA MO TALAGA!! SINABI KO BANG NAKAKALIPAD KA??!!
Boses: Isip ang kapangyarihan mo ungas…bolahin mo si taong palaka..pambobola ang kapangyarihan mo. PATAY TAYO SA’YO!!!
Akoni: ANO??!!WWAAAAAHHHH……LIIWAANAAAAAAAAAAAAAAAAAAGGGGGGGGGGGG!!!! TUUUULLLOOOONGGGGGGGGG!!!!!!

Saturday, April 16, 2011

Lihim ni AKONI

"Walang sekretong hindi mabubunyag", iyan ang kadalasan natin naririnig sa mga matatanda at feeling matanda. Pero totoo ba 'yan? Teka, may sekreto ba ako na ayaw kong ipaalam?

Wala akong maisip e, siguro dahil pati sa sarili ko ay sinisekreto ko ito, kaya tuloy hindi ko rin alam kung may sekreto din ako, hehehe, may alzheimer ako kaya hindi ko maalala kung may sekreto ako, hayy naku, buti nalang wala akong sakit na alzheimer.

Pero para sa kapakanan ng mga mambabasa ko, magsasabi ako sa inyo ng isang sekreto ko sa buhay na hindi ko pa sinasabi sa publiko dahil ayaw kong pagkagulohan ng press people, hahahaha.

Ito po.

FYI, I used to be a beauty queen, I am a former beauty queen and a young lady such as myself in those days many years ago. Anyway, I still wish you all a good luck and world peace. I thank you!

Ohh diba? Bongga ko ever!!




Congrats sa mga nanalo sa binibining PILIPINAS chuva!


Seryoso, mga gay friends ko 'yung tatlo. Mga ka-batch ko dito sa Saudi at super kukulet nila..hehehe, I love them.

From left: Noel cacay, Ricky, Tito, and AKONI.

Sila ung sinasabi kong GAYDIES friend ko.


Ang blog na ito ay hatid sa inyo ng Bb. PILIPINAS WINNERS, I thank you.






Thursday, April 14, 2011

Bago

Babala: Bawal ang may sensitive na bituka.

Umaatake na naman ang katamaran sa akin katawan lupa ngayon, halos one week narin kasi akong napupuyat, 4 hours lang ang pinakamahabang tulog ko, gawa ng 16 hours straight na pagtatrabaho, click mo kung gusto mong malaman.

Syempre dahil pilipino ako, marami akong alam na paraan para libangin ang sarili ko, lalo na kapag ganitong tinatamad ako.

Ito ang una:
Magpakyut





at ang pangalawa:
Mangulangot gamit ang THUMB



Sana ay nakatulong ako sa inyo, maraming salamat at hanggang sa muli.





Ang blog na ito ay hatid sa inyo ng bagong inumin na...

TANG NEMO ORANGE JUICE FLAVORED NEMO FISH


Kaya, TANG NEMO!! BILI NAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Monday, April 11, 2011

Blog-ibig page9

Touch move


Bakasyon na, wala nang pasok kinabukasan, wala parin si Leorap, at wala parin nakakaalam kung saan siya nagpunta. Pagkakataon ko na ito para ipaalam kay kamil ang nararamdaman ko, baka may dumating na naman at maunahan na naman ako, bahala na kung ano ang mayroon sila ni leorap. BAHALA NA SI KIKOMAXXX.

Habang nagkakagulo na naman sa loob ng klasrum, lalo na ang mga boys at lalo na si Diamond, dahil sa pagpapakyut nila sa bagong dating na si LEAH, sumiple ako sa tabi ni MAYEN.

"Mayen, puwedi ka bang makausap?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, bakit?" sagot niya sa akin.

"Doon tayo sa Canteen, ang ingay dito." sabi ko sa kanya at lumabas na kami.

Palabas na kami ng pinto ng bigla kami sinundan ni Jhengpot.

"Hooyyyy....saan punta niyo, kayo ah, baka iba na 'yan." panunukso ni Jhengpot at sumama na sa amin.

"Wala ah, may hihingiin lang akong favor kay Mayen at.......dahil nandito ka na rin, halika, may hihingiin akong favor sa inyong dalawa." sabi ko.

Nasa Canteen na kami, umorder na. Nagsabi na ako sa dalawang kaibigan ni Kamil.

"Oist, baka naman puwedi niyo ako tulongan, pabor naman oh, tell Kamil, i like her at gusto ko sana manligaw." Sabi ko sa kanila na ikinagulat nilang dalawa.

"Ha? Kay Kamil?!!" sabay pa sila with matching NANLALAKING MGA MATA.

"Akala ko si Iya Khin ang gusto mo, diba lagi kayo sabay noon pauwi?" Sabi ni mayen.

"Akala ko nga, kayo na eh" Pang-iintriga na naman ni Jhengpot at sabay tawanan ang dalawa.

"ha? Hindi, si Iya at ako ay close friends, Oo crush ko siya, pero I don't think so na papatulan ako noon, mataas ang standard noon sa mga lalake, astig 'yon e." sabi ko at lalong tumawa ang dalawa.

"eh paano ka naman nakakasiguro na papatulan ka ni Kamil, aber?" sabi ni Jhengpot na parang nang-aasar ang bruha, pero napaisip ako sa kanyang sinabi.

"Alam niyo, What the fact to ah...Elementary palang, kilala ko na si Kamil..." sabi ko na napa-aaaaaahhhh..nalang ang dalawa sabay inom ng Juice.

"Sige, dahil nilibre mo kami ng Zesto "lang", ayaw namin..." sabi ni Jhengpot at laugh trip na naman ang dalawa.

"Ito naman oh, ubos na baon ko e..pagtiyagaan niyo na 'yan, wala naman pasok bukas e." sabi ko sa kanila.

"Ikaw kaya ang magsabi kay kamil, mas maganda 'yon." Sabi ni Mayen.

"eh nahihiya ako e, pakiramdam ko maiihi ako kapag kaharap ko siya, e how much more pa kung magtatapat na ako sa kanya baka matae na ako" Sagot ko naman at laugh trip kaming tatlo.

"Ang arte mo, sige na...puntahan mo, ayun siya oohh..."Sabi ni Mayen sabay turo kay Kamil na nasa Garden namin.

"Sige na...gooooowwwwhhh" sabi ni Jhengpot.

"Sige na nga, bahala na si KIKOMAXXX, salamat sa suporta ah, tseeeeee" sabi ko at tumayo na ako at iniwan ang dalawang pinsan ni sisa na nagtatawanan.

Nag-isip ako ng paraan, kung paano ako magtatapat kay Kamil at dahil sa pilipino ako, nakaisip ako agad ng paraan.

Kumuha ako ng maliit na papel, wala pa kasi akong Stationary. Sinulat ko nalang mga sasabihin ko kay Kamil, at unang beses ko 'yon gumawa ng sulat para sa isang babae.

Nasa harap na ako ni Kamil, parang nalunok ko ang aking dila, pinagpawisan lahat ng kasukasuan ko, natatae na ata ako at nasusuka sa sobrang kaba, hindi na ako puweding umatras pa, nasa harapan na ako ni Kamil, nakatitig sa akin, touch move na ito, wala nang bawian.

Bago mangyari ang disaster naiabot ko kay Kamil ang maliit na papel sabay takbo palabas ng gate, diretso na akong umuwi. Parang hindi ako makahinga kapag naiisip ko 'yon, hindi ko alam pero parang punong puno ako ng pagsisisi sa mga oras na 'yon, kinabahan ako bigla, baka magalit siya, punong puno ang isip ko ng mga katanongan na "BAKA", baka magalit, baka hindi na ako pansinin, baka sila na ni leorap, baka....pero naibigay ko na, touch move, walang bawian.

Dear Kamil,

Hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan, pero matagal na kitang gusto.

P.S.

Ang iyong kagandahan ay higit pa sa mga bulaklak sa iyong paligid.

Akoni



BEHIND THE SCENE: Kwento ni Leorap





Sunday, April 10, 2011

Blog 101: Palakpakan



oooohhhh yeah, lumelebel up na ako, naka-one-hundred-one blogs na ako.

Dahil dyan magbabalik tanaw ako sa nakaraan, huhukain ko ang mga paborito kong blog at ito na silaaaa…

Mga paborito kong blogs

15. Blog-ibig – Ito ay tungkol sa buhay pag-ibig ko, pinaghalong fiction at katotohanan, 75 % true story at 25 % fiction. Paborito ko ito dahil ginagamit ko ang pangalan ng mga ka-bloggers ko.

14. Akoni at ang akonilandiya –  Akala ninyo ay fiction ito, pero may kunting fiction naman, 5 % lang. hehehe. Ang unang pangalan ko ay IMRAN, at dahil sa sakitin ako noon, nang minsan may nanggamot sa mama ko, pinapalitan niya name ko.

13. AIDS AKO – Dahil sa Pagmamahal ko sa akin trabaho, naisulat ko ito. Pinagtripan ko ang mga ka-office mates kong arabo.

12. Unang kagat – Masarap alalahanin ang unang kagat, minsan may mga pangyayari sa atin nakaraan na gustong gusto natin laging iniisip, pero ayaw na natin balikan.

11. Gusto kong magkaSALA – sino ba ang taong ayaw magkasala? Ako, pangarap ko ang magkasala. Gusto ko ang blog na ito dahil naiyak at kinabahan dito si mama at si heaven ko. hahaha, syempre ayaw nila ako magkasala.

10. Destiny – Dahil naniniwala ako na lahat ng mangyayari at nangyayari sa atin sa planetang ito ay naka-destined na sa atin at paninindigan ko to.

9. “Ganito nalang ba palagi?” – Ako’y isang OFW, hindi maiwasan mag-drama.

8. Imbentor – Walang kasing sarap ang makasama mo ang mahal mo sa buhay.

7. May Gaydies friends – Meet my three gaydies friend, sila ang mga batch ko dito sa Saudi na nag-aruga sa akin, itinuring nila ako bilang kapatid, chooosssss..i love them.

6. Dear Diary – Nakakamiss ang magsulat ng diary, sabi nila parang diary din daw ang pagbablog, pero para sa akin magkaiba. Sa Diary, personal life ko, dito sa blogsphere mga pananaw ko sa buhay ang kadalasan kong sinusulat (naks).

5. Ang alamat ng itlog ng manok – Original ang storya, 100 percent galing sa kaibuturan ng aking kalokohan at guni-guni.

4.” Beh, buti nga” –  Ito ang pinakamabilis na naisulat ko sa lahat ng blogs ko, 3 to 5 minutes lang ata. Tapos habang sinusulat ko ito ay namimilipit ako sa sakit.

3. Kaibigan – Tungkol sa amin ng aking Kaibigan, kapatid, at true friend. Mga tips kung paano namin naiguhit ang aming pagkakaibigan.

2. Love story AKONI – Tungkol sa pagmamahalan ng dalawang nilalang, isang babaeng tao at isang lalakeng alien. Tunghayan ang kanilang storya.


Special mention:

According to AKONI 1 and 2

At dahil pang 101 blogs ko na ito, puwedi ko nang pabayaan itong blog ko...hahaha..kung kailan gusto ko magsulat saka na rin ako mag-a-update, may karapatan na ako…LOL..echooss lang.

Saturday, April 9, 2011

First time



Nilulunod na ako ng lalim ng gabi, sobrang daming kagat na sa akin ng dilim, ginagahasa na ako ng antok, Putek ganito pala ang mag part time job.

First time ko ngayon subukan ang mag part time job, dito sa tindahan ng office mate kong arabo. Kulang daw siya ng tauhan, e kailangan niya ng may mukhang mapagkakatiwalaan, syempre mayroon pa bang iba? Edih akoni, sigurado akong may mukha naman akong mapagkakatiwalaan, hindi ko lang alam sa sampung mga daliri ko.

7:00 am ang pasok ko sa opisina, 4:00 pm naman ang labas namin. Ngayon, magiging 11:00 pm na ang uwi ko ng bahay. Haaaaay...ako na, ako na ang lalakeng kunti lang ang pahinga, ako na si Kuracho, as in kukurapkurap ang kamachohan dito sa tindahan ni boss na kakapiranggot palang ang laman, kaya ang laman loob ko ay nauubos nang gilingin ng makina ko sa loob ng tiyan dahil sa gutom.

Hindi ko alam kung tatagal ako dito, mahirap kalaban ang antok, pero mas mahirap kalaban ang pangangailangan.

Binigyan naman ako ni boss ng isang linggo, para pakiramdaman ko ang situation dito, kung magugustohan ko daw, tsaka na namin pag-uusapan ang talent fee. Putcha, talent fee? Eh, tatlong oras na ako dito, ni bangaw ay wala pang napasok dito.

Ang gusto ko lang dito e may sariling internet, kaya kahit paano ay may napaglilibangan din ako, tsaka may kasama naman akong pilipino na nakakausap at puwedi kong ka-eye to eye, wag lang sana kami maging ala brokeback mountain, dahil hindi ko siya uurongan.





According to AKONI II: Pag-ibig



Aral mula sa...................Bati-bot!!!




Sa tinagal-tagal ko sa mundong ito, maraming beses na akong nasaktan sa pag-ibig, maraming beses nadapa at maraming beses kumapa. Maraming beses din ako nakasakit, kaya maraming beses na ako nasampal at naisumpa, lahat ata ng klaseng mura at sumpa ay naidugtong na sa pangalan ko. Dahil doon, nalaman ko ang pagkakaiba ng LOVE at LUST.

LOVE nakakapaghintay, kahit masakit.

LUST hindi makapaghintay, dahil masakit.

Napag-alaman ko rin na dalawa ang klase ng puso ng mga umiibig, ito ay ang PUSO at ang PUSOn. Ang LOVE ay para sa PUSO, at ang LUST ay para sa PUSOn. Mali ang kanta na “Sana dalawa ang puso ko”, dahil dalawa talaga ang PUSO natin, isa sa taas at isa sa baba.

Puwedi kang magmahal ng dalawa, isa gamit ang PUSO mo at ang isa gamit ang PUSOn mo, ayos ba?


Pero kung magmamahal ka gamit ang PUSO mo, dapat handa kang masaktan emotionally.
At kung magmamahal ka gamit ang PUSOn mo, dapat handa kang masaktan physically.

Hanggang sa pagbabalik muli ng bati-bot!


Paaaaallllaaaaaammmmmmmmmmm....

Thursday, April 7, 2011

PA-CONTEST

Papampam ka ba at mahilig magpakitang gilas?

Kung OO, sali na DITO.


Note: Sa mga interesado sumali, sundan niyo lang ang paraan ng pagsali. Sa mga hindi interesado, nagmamakaawa po kami sa inyo, sumali naman po kayo, pppwweeelllllleeeewwwwwssssssssshhhh?!



Wednesday, April 6, 2011

Blog-ibig page8

"IKAW PARIN"


Sabi nila, ewan ko kung sinong "sila", basta ang sabi nila "habang may buhay may pag-asa. Ang nangyari kasi, biglang kumampi sa akin ang tadhana. Dininig ata ng may kapal ang hiling ko sa kanya, kadalasan kasi dinadaan ko ang lahat sa dasal. Ang hindi ko pa nasusubukan ay ang daanin sa santong paspasan ika nga nila, pero balang araw susubukan ko din yan.

Isang milagro ang nangyari, isang araw bigla nalang nawala si LEORAP, hindi na pumasok, dahil pina-salvage ko na siya at ipinatapon ko ang katawan kupal niya sa ilog, hehehe jk. Hindi ko alam kung saan pumunta at hindi rin ako interesado na alamin, pakialam ko sa kanya, pumunta siya sa imperno kung gusto niya, wala akong pakialam, sorry amplaya ulam ko kagabi.

Nasa second grading na kami nang biglaan nawala si LEORAP sa eksena, daming naghahanap sa kanya at nagtatanong kung nasaan na siya, lalo na ang mga babae. Pero alam ko, alam ito ni KAMIL SHAKE ayaw lang niya magsalita at doon ako nasasaktan.

Sabi nila ulit, kapag may nawawala may dumadating. Isang araw, ang ingay sa labas ng room namin tela may pinagkakagulohan doon ang mga boys ungas, ayyy naku akoni naman ay na-curious ulit.

"Ano ba 'yun?" tanong ko kay Acre of Diamond.

"Ha? may bagong transferee ulit, galing Treasure High School." sagot ni Acre na nakangiti.

"Oh bakit ka naman nakangiti?" tanong ko ulit.

"Ang ganda niya 'tol, grabeeeeeeeee...ganda palang niya, kinikilig na akooooowwwwhhhooooo..." sagot ni Acre sabay nakipag-apir sa akin.

"Sira, anong section siya mapupunta?" tanong ko ulit.

"Syempre, dito sa atin, matalino daw eh." Sagot ulit ni Acre na parang cellphone na nagba-vibrate sa kilig.

"Tol kalma lang, putcho mo ooohh, lumalabas na dyan sa mga mata mo." sabi ko at tawanan kaming dalawa na parang mga anak ni sisa.

Ilan minuto ang lumipas, pumasok ang advicer namin kasama ang advicer ng kabilang section.

"Class, this is MISS LEAH, bagong klasmet niyo, pamangkin ni titser KALOKANG PINAY" sabi ng titser namin.

Nagkatinginan kami ni Acre, parang nangungusap na naman ang mga mata niya, napa-WOW ako tuloy.

Inaamin ko, namangha din ako sa lakas ng dating ni LEAH, napalingon tuloy ako kay Kamila na tahimik lang. Dahil doon napangiti ako at nasabi sa sarili na...

"Kamil, huwag kang mag-alala, ikaw parin..." bulong ng akin diwa.









Tuesday, April 5, 2011

Blog-ibig page7

PAGE 1

Sabi ng puso ko...

Lagi nalang nagpapapansin si Leorap kay Kamil, sabay pa sila mag-recess, parang nagkakaintindihan na ata sila.

"OUCH!" sabi ng puso ko.

Hindi na ako nakakalapit kay Kamil Shake dahil sa kupal na 'yon, naiinsecure ako sa mga arte niya, naiinis ako, nagseselos ako. Minsan sinusubokan kong makipag-compete sa kanya, pero hindi kaya ng powers ko.

"Kamil, yung sa project natin, natapos mo na ba 'yung sa'yo? gusto mo ako na gumawa?" sabi ko kay Kamil.

"Ha? Nagawa na ni Rap-e" sagot ni Kamil.

Nak ng...wala akong maipapel kay Kamil, kasi lagi ako nauunahan ni Leorap. Nasasaktan ako tuwing nakikita ko silang dalawa, parang gusto kong iuntog sa pader ang ulo ni Leorap at ibalik siya sa pinanggalingan niyang planeta. Pero dahil sa busilak ang akin kalooban, hehehe, hindi ko ginagawa, sport tayo, pilipino ako.

"aaaayyyyyyy.....!!!!!!!!!" parang nakureyenteng sigaw ni Jhengpot na nakadungaw sa bintana, na kinikilig na parang naputol na buntot ng putiki.

"Ano ba yan?! ano nangyayari sayo dyan?" Sigaw naman ni Mayen sa kanya.

"Tingnan niyo dalliiiiiiiiiiii...." kinikilig na sigaw ulit ni Jhengpot.

Pati tuloy ako na-curious kaya napatakbo narin ako sa may bintana. Natulala ako sa akin nasaksihan, tsunami at lindol ang naramdaman ko sa akin mundo.

Unti-unting lumalabo ang paningin ko, nararamdaman kong may tutulong tubig mula sa akin mga mata, kaya bigla nalang ako mapatakbo sa health corner namin. Doon ay nagsisi ako, sana hindi nalang ako dumungaw sa bintana, hindi ko sana nakita ang sweetness ni Leorap at Kamil Shake, hindi ko sana nakita na naglalakad silang nagkukulitan.

"aawwww....they're so cute, bagay na bagay sila noh?" narinig kong sabi ni mayen at parang tinusok na karayom ang puso ko.

"Ano ang ibig sabihin ng mga nakita namin, sila na ba?" tanong ng isip ko.

"OUCH" sabi ng puso ko.

Araw-araw ganun ang nasasaksihan ko, at araw-araw din parusa ng pag-ibig ang sumasakop sa akin. Natuto na ako makipagbarkada, lagi na ako lumiliban sa klase, nag-e-escape na ako, at panay nood nalang ako ng sine.


itutuloy....



Monday, April 4, 2011

What the FACTS

Ako na, ako na ang busy, ilang araw na ito at hanggang ngayon ay hindi ko pa natatapos. Hay naku, sobrang love na talaga ako ni boss, hindi niya ako hinahayaan na antokin.

Anyway, hindi tungkol sa affairs namin ng boss ko ang entry ko, secret 'yun. Gusto kong marelaks ang utak ko ngayon, kaya magbibigay ako sa inyo ng mga facts, hindi naman tungkol sa akin ang facts na ito, ito ay tungkol......hay naku, basahin mo nalang, ito na...



What the facts!!!!!!!!

1. Mag Chewing gum kapag magbabalat ng sibuyas o manghihiwa ng sibuyas, maiiwasan mong maluha o maiyak kung hindi mo mahihiwa ang isa sa daliri mo.

2. Kapag kulay pink ang dila, ibig sabihin wala itong germs o kumain ka lang ng alamang. Kapag kulay puti naman, ibig sabihin mayroon na itong thin firm of barteria, yaks.

3. "The best or nothing", ang motto ng Mercedez-Benz. Tandaa mo yan, dahil itatanong  yan sayo sa kabilang buhay.

4. Ang titanic ang unang barko na gumamit ng SOS signal, at unang pilekula na pinanood ko ng higit sa dalawang beses.

5. 300 times a day ang laugh trips ng 6 years old na bata, 15 to 100 times naman sa mga adult. Hahahahahha, pang-limang tawa ko na yan.

6. Ang mga paniki ay nagle-left turn paglabas ng kweba, hindi sila puwedi sa mga daan na no left turn.

7. Sa damit, nasa bandang kanan ang botones ng damit na para sa mga lalake, sa bandang kaliwa naman ang botones ng damit na para sa mga babae. Kaya siguro laging biktima ng pangangaliwa ang mga babae.

8. Hindi nakakatilaok ang tandang hanggat hindi ito mai-extend ang leeg, lalo na kapag nagilitan at ginawang barbeque.

9. Nakakapagpakalma ang kulay BLUE, nailalabas nito ang charming hormones natin sa katawan. I am so blue.

10. Bawat bahing natin ay ilang brain cells ang namamatay, aaacchooooooooo!, patay.

11. Mas maliit ang lung natin sa bandang kaliwa kumpara sa bandang kanan, para may tamang lugar ang atin puso. Kaya siguro laging nasa tamang lugar ang desisyon ng puso.

12. Volney ang pangalan ng lion na nasa MGM LOGO, hindi pala samba.

13. 1,792 steps ang Eiffel tower, hindi makatulog kaya binilang nalang ang steps ng eiffel tower.

14. Aglets ang tawag sa plastic na nasa dulo ng shoelaces, at piglets naman ang tawag sa mga nasa babang posisyong ng goberno.

15. 200 million couples ang nagse-sex araw-araw, 400,000 ang pinapanganak na sanggol at 140,000 ang namamatay at 1 sira ulo ang nagbilang 'yan.

16. Ang ibig sabihin ng "COLGATE' sa Spanish speaking countries ay "Go hang yourself", Colgate senyorita me amor.

17. Mizaru, Mazaru at Mikazaru, ang pangalan ng tatlong unggoy na bulag, pipi at bingi.

18. Mas mabilis ng dalawang beses kumurap ang mga babae kaysa mga lalake. Kaya sila naiisahan lagi ng mga lalake, kurap ng kurap. Huwag kang kukurap!

19. 10:10 ang time displayed kadalasan sa mga relo, para parang naka-smile. At 7:07 naman ang time displayed sa mga digital, para LOL ang dating pagbinaliktad.

20. Kung ang statue sa isang park na ang tao ay nakasakay sa isang kabayo na nasa ere ang dalawang front legs nito, ibig sabihin ay 'yung taong nakasakay ay namatay sa WAR, kung ang isang paa lang naman ang nakataas, ibig sabihin ay nasugatan sa WAR na sanhin ng kanyang ikinamatay, kung walang nakataas sa mga paa ng kabayo, ibig sabihin ay natural case ang ikinamatay ng tao, at kung nakaupo naman ang kabayo, ibig sabihin ay natae sa isang WAR ang taong nakasakay.


Maraming salamat,

Prof. Akoni