nuffnang

Monday, February 20, 2012

Kwentong Akonilandiya: Tayo ulo sa baba, pugot ulo sa taas. Part 6




Babala: Ang inyong mababasa ay may temang R-18. Ito ang hinahanap ng mga batang mambabasa at mga may murang kaisipan, kaya mga batang below 18, have fun, ito’y para sa inyo.

Mga naunang parte: [Part 1], [Part 2], [Part 3], [Part 4], [Part 5]




TAAS ULO SA BABA, PUGOT ULO SA TAAS



Pumasok sa kwarto si Tonto, nakita nga niyang nakahandusay ang katawan ni Empi sa tabi at wala na itong ulo sa taas.

Kinabahan ang kawal na Tonto, hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin, nanginig ang kanyang mga kamay at ang kanyang mga labi, at nagmistulang dildo vibrator ang kanyang katawan.

“Adik ka ba?” tanong ng hari.

“Hindi po mahal na hari, kailangan ko lang magyosi.” Sagot ng kawal.

“Nandito kana sa loob, at nasa isang paligsahan ka. Umpisahan mo na ang paghuhugas sa aking reyna” sabi at utos ng hari.

Nakadamit pa ang reyna kaya nagsinyas na din sa kanya ang hari na tanggalin na ang kanyang saplot. Muli, tumambad na naman ang mala-paraisong katawan ng reyna kay Tonto. Napatakip ng mga mata si Tonto dahil sa kakaibang luto ng diyos na nakikita.

Nakatakip parin ang mga mata ni Tonto…

“Mahal na hari, puwedi bang humiling bago ako mag-umpisa?” Pakiusap ng kawal na Tonto.

“Mukhang hindi mo ata kayang lumapit sa nakahubo kong reyna, sige, pagbibigyan kita, ano ‘yun?” Nawawalan pag-asang wika ng hari dahil pakiramdam niya ay walang papasa sa mga magigiting niyang kawal para maging bantay ng kanyang reyna sa pagluwas niya sa Akonilandiya. Paano na ang pagdalo niya sa concert ni Justin Beiber at Miley Cyrus sa Kaharian ng Akonilandiya? Nababahala na ang hari.

“Gusto ko lang po muna magyosi.” pakiusap ni Tonto.

“Gusto kong may pumasa sa inyo para ako’y makadalo sa concert na gaganapin sa akonilandiya, kaso ang mga mambabasa’y gusto nilang lahat kayo’y mapugotan ng ulo, mga salbahe ang mga basahero ng kwentong ito. Pero bibigyan kita ng chance, baka mabago mo rin ang pag-iisip ng author.” Paliwanag ng hari.

“Maraming salamat mahal na hari, sisikapin kong magtagumpay.” Natutuwang sagot ni Tonto at tumakbo na siya palabas ng kwarto.

Nadaanan ni Tonto si Khato at Palakanton sa labas habang kumakain sila ng pancit kanton na parang feeling nila ay nasa kanto lang sila. Nashocked ang dalawa ng makita nila si Tonto, ang buong akala nila ay nagwagi ito sa paligsahan.

“Tontttooo!!! Nagwagi kaaaaaaaaaa???!!!” sabay tanong ni Khanto at Palakanton kay Tonto na patakbo niya silang dinaanan,  tinatahak nito ang daan papuntang smoking area.

“Hindi!” Papalayo na siyang nagwika sa dalawa.

“Eh saan ka pupunta?!! Bakit ka nagmamadali?” pasigaw na tanong ni Palakanton dahil papalayo na si Tonto.

“Basahin ninyo nalang ang kwento, para malaman ninyo kung bakit ako nagmamadali, 7 minutes lang ang binigay sa akin ng hari para gawin ang gusto kong gawin bago mag-umpisa.” Nakalabas na ang Tonto at boses lang naririnig ng dalawa.

“Tarantadong Tonto na ‘yun, basahin daw natin ang kwento, eh ang dami na niyang sinabi. Kung ‘yun, ang dahilan ang sinabi niya edi nalaman na natin, hindi na kailangan pa magbasa, diba? Tangna niya.” Nakangusong wika ni Khanto.

“Ewan, ang labo niya. Pati ang author ng kwento na ito ang labo narin.” Sagot naman ni Palakanton kay Khanto.

“Tarantado ka, ‘wag mo ko dinadamay sa kwento ninyo.” Sagot ng author kay palakanton.

Makalipas ang limang minuto’y natapos na din si Tonto, nagmadali nanaman siyang pumasok sa kwarto at hindi na siya pinansin ng dalawa, si Khanto at Palakanton. Oo, pitong minuto 'yun dapat.

Nasa loob na ulet ng kwarto si Tonto, tanaw niya ang nakakatulong laway at nakakalabas t*m*d na katawan ng reyna.

Hindi ako dapat maapektohan ng pagnanasa ko sa reyna, kaya ko ‘to. Sa dami ng hinitnit kong yosi kanina, malamang impotent na ako ngayon, bwahahahaha” bulong ni Tonto sa kanyang sarili, oo pati tawa niya at pabulong din.

Lumapit si Tonto sa nakahubong reyna, hindi niya naaamoy ang halimuyak ng reyna dahil ang usok ng yosi ang naaamoy niya, kaya natatawa si Tonto sa kanyang isipan.

"Hahaha, epiktib ang pagyoyosi ko, hindi ko siya maamoy, hahaha, *ubo* *ubo* *ubo*" wika ng diwa ni Tonto at naubo na din ang kanyang isip.

Naghubo narin si Tonto dahil isa sa requirement na kailangan nakahubo din ang contestant. Pagkatapos niyang maghubad ay nag-umpisa nang punasan ang katawan ng Reyna. Epiktib ang ginawa niyang pagyoyosi ng dalawang reams (tama ba?) sa loob lamaang ng pitong minuto, mukhang inutil na ata ang kanyang angry bird.

Mula ulo hanggang paa at mga kasuloksulokan ng katawan ng reyna ay napunasan na niya gamit ang bimpo na hindi siya tinatayuan, tagumpay si Tonto sa level 1. Level 2 at last level naman, ang paglalagay ng body lotion sa katawan ng reyna.

Nagpatak ng lotion si Tonto sa kanyang kaliwang kamay, ngunit dahil sa situation na nakikita niya na nakahubad na katawan ng reyna, biglang naglaro sa isip niya ang patak ng lotion na nasa palad niya, naisip niya ang ginagawa niyang paglalagay ng lotion sa palad niya tuwing nagsasariling sikap siya sa kama niya bago matulog. Pilit nilalabanan ni Tonto ang alaala na 'yon. Nagpatak pa ulet ng lotion sa kanyang palad, iba na ang naramdaman niya, parang t*m*d na niya ang naramdaman niyang pumatak sa kanyang palad. 

Nawawalan na siya ng kontrol, doon na niya naramdaman na tumatayo na ang kanyang angry bird. Ang bilis ng mga pangyayari, nagdilim ang kanyang paningin.

Narinig niyang nagwika ang hari.

“Pulutin mo ang ulo ng kawal na ‘yan at itabi mo kasama ang kanyang katawan.” Sabi ng hari.

“Patay tayo dyan…...” huling wika ng diwa ni Tonto.

Saturday, February 18, 2012

Labing isang mga utos





Nagmamadali ako kaya wala nang intro shitness, go na ito. Ito nga pala ay dedicated kay Jhengpot at Rence (click niyo ang links para malaman kung bakit), sa mga gusto pang makakilala sa akin, at para sa mga magta-tag ulet sa akin.

-Post 11 random things about yourself
-Answer the tagged questions
-Create 11 questions for the people you tag to answer


11 Random (Wagas) Things.


1. Paborito ko ang prito at nilagang itlog ng manok at ang prutas na saging.


2. Mahilig ako magpuyat.


3. Buong buhay ko, isang beses palang ako nagka-wet dream, kaasar.


4. Pinakaayaw ko ang ginugulat ako o kinikiliti, puweding ikasira ng pagkakaibigan natin ‘yun o ika-turn off ko sa’yo, ganun level
.

5. Taong kwarto ako. Hindi ako mahilig gumala, lalo na sa gabi.


6. Boxing freaks ako.

7. Ayaw ko sa makulet, ‘yung childish ang kakuletan. May kasamahan ako dito ganun siya, kapag sinuway mo lalong mangungulet, muntik ko siyang masampal ng paa. Pasalamat siya, nirerespeto ko ang tatay niya. Hanggang ngayon hindi mawala ang inis ko sa kanya, kapag naaalala ko ang moment na ‘yun.

8. Kumain ng tatlong beses sa isang araw lang ang talent ko. 

9. Madali ako mainis, pero hindi ko kayang ipakita.

10. Hindi ako mahilig sa mga gadgets.

11. Ayaw na ayaw kong pinaghihintay ako, maigsi lang ang pasenseya ko. Umuuwi ako kapag matagal na hindi dumating ang katagpo ko, kahit sino pa siya. Kaya hindi rin ako naghihintay ng matagal sa mga pila.



11 (Wagas) Questions from Jhengpot


1. Anong ibig sabihin ng pangalan mo?
-Habib ang tunay kong pangalan, na ang ibig sabihin ay LOVE. Akoni ang pen name ko, na ang ibig sabihin ay It’s me. Kaya Akoni Habibi ang complete pen name ko, na ang ibig sabihin ay It’s me my love.

2. Kung bibigyan kang pagkakataon pumili ng magiging presidente ng Pilipinas other than PNoy, sino ito at bakit?
-Si Kris Aquino, isagad na natin para kalerky.

3. Wagas experience mo about love?
-Love story namin ni Heaven, check mo sa blog ko ang kwento, LOL.

4. Anong kulay ng puso mo ngayon, seryoso, bakit?
-Seryoso, edi kulay pula dahil ‘yun naman ata ang normal na kulay ng puso eh. Kung sinabi mo sana na hindi seryoso pipili sana ako ng ibang kulay at may meaning.

5. Sa anong bagay mo maihahalintulad ang sarili mo at bakit?
-Sa vicks, dahil nakakapagbigay ako ng ginhawa, isang himas este pahig lang sa’yo.

6. Sinong karass mo, maliban sakin (lol)?
-Muli, hindi nasabi kung isang blogger o hindi, sayang ulet. So, si Marian Rivera.

7. Kung papalitan mo ang pangalan mo, ano ito at bakit?
-Naruto Uzumaki, dahil gusto kong maging NINJA.

8. Anong ginagawa mo pag malungkot ka?
-Nagtitikol, LOL. Hindi ko alam, dahil sabi ko nga, hindi ako nalulungkot.

9. Paanong gagawin mo pag nakita mo yung katapat mo sa jeep may nakalabas na kulangotsa ilong?
-Deadma, hindi ko nalang titingnan, moment niya ‘yun kaya hahayaan ko siya.

10. Gaano ka kasarap magmahal (wagas na wagas)?
-Para kang nag-triple extra rice.

11. Ano ang gusto mong itanong sayo ng mga tao?
Tungkol sa Holy books, LOL.


At hanggang dito nalang ang tag na ito.




Friday, February 17, 2012

Saging sa saging


Nakita ko lang ito nun sa FB. Natawa ako at namangha, hindi ko alam kung sino ang gumawa nito, pero bilib talaga ako sa kanya, ang lapad  ng utak niya. Ito ang tinatawag na pinaglaruang saging ni pepe, hayop talaga sa pagkakagawa. Ang sipag at ang tiyaga niya,  imagine ginawang aliens? Ang tindi diba?

Kung may kakatakotan si B1 at B2, ito na 'yun. 

SAGILIENS


DRANANA


Nung makita ko mga 'yan, parang naisip ko na paano kaya kung magkatotoo 'yan, tapos lusobin tayong mga tao. Kukunin nila ang mga puso natin at papalitan ng puso ng saging, tapos magiging alipin na nila ang mga tao. Nakakatakot!

Kaya naman, gumawa ako ng superhero na lalaban sa kanila. Ang kapangyarihan nito ay magpasabog ng mga puson.

Siya si................

................................*drum roll*................................
v
v
v
v
v
v
v
v
v
v
v
v
v
v
BANANA MAN



Galit na galit siya





Wednesday, February 15, 2012

Ang alamat ng PEDOPHILE



Nung unang panahon, may isang batang henyo na ang pangalan ay Pedo pero hindi Dida ang kanyang apelyedo. Dahil sa sobrang katalinohan nito ay napapabayaan na niya ang kanyang kabataan. Hindi ito nakikipaglaro o nakikisalamuha sa ibang bata sa labas, kahit mismo sa kanilang bahay ay hindi naglalaro. Mas ginugusto nalang niya na magkulong sa kanyang kwarto at magbasa ng magbasa ng mga libro.

Isa lang ang ultimate dream ni Pedo, ito'y ang makagawa ng time machine. Gusto niyang makapaglakbay sa future, dahil gusto niyang malaman agad-agad kung ano siya paglaki niya o kung magtatagumpay ba siya bilang isang imbentor.

Isang gabi, habang nagbabasa siya ng libro, biglang may kakaibang tumunog sa loob ng kanyang banyo at kasabay pa nito ang nakakasilaw na ilaw.

Kinabahan siya sa kanyang nasaksihan, nakanganga siyang nakatingin sa pintuan ng kanyang banyo nang biglang may lumabas na lalake.

Natakot si Pedo....

"Sino ka?" Tanong ni Pedo.

"Hello, little me...Ako'y ikaw! Galing ako sa future...." Sabi ng lalake na hindi pa natatapos magsalita ay sumabat na si bata.

"Ha?!! Galing ka sa future, ikaw ay ako, ako'y ikaw? Ibig mong sabihin magtatagumpay ako sa aking pangarap, ang makaimbento ng time machine?" Natutuwa at namamanghang sabi ni Pedo.

"Oo, magiging mayaman ka." sagot ng Pedo na galing sa future.

"Bukod sa pagiging imbentor, ano pa "ako" sa future. Sisikat ba ako, I mea tayo?" Excited na pagtatanong ni Batah.

"Hhihihihihihihi...Oo, sisikat tayo. Pag-uusapan ang atin pangalan, magiging most wanted tayo sa buong bansa, hhihihihihihihi." Sagot ng Pedo na galing future.

"Most wanted? Magiging in demand ako.....Wow, hindi na ako makahintay na lumaki." Sabi ng batang Pedo.

"Most wanted sa mga pulis din....haahahahahahahahahaha...hahahaha" Sabi ng Pedo na galing sa future at tawa ng tawa.

"Ano ang ibig mong sabihin......?" Pagtatanong ng batang Pedo.

"hihihihihi....hihihhihihi...." Ngiting manyak na ang Pedo na galing future,lumakad ito papunta sa may pintuan at nilock ito, sabay tawa pa.

Nakatingin lang sa kanya ang batang Pedo, nagugulohan sa kanyang nakikita.

"Parang mababaliw ata ako, paglaki ko.....nakakatakot naman ako sa future." Sabi ng batang Pedo sa kanyang sarili, habang pinagmamasdan ang kanyang sarili na galing sa future.

"Ano nangyayari sa'yo, bakit ka tawa ng tawa at bakit mo nila-lock 'yan pintuan?" Pagtatanong ng batang Pedo.

"hahahaha...hahahahaha, akin ka, hihihihi.....fresh na fresh na katawan...hahahahaha" Tawang manyak parin ng Pedo na galing sa future, at nag-umpisa na maghubad.


******THE END******

Summary: Si Pedo ay nagbalik sa nakaraam sakay ng time machine at minolestiya ang kanyang sarili nung bata pa siya. Kaya paglaki ng batang Pedo, naging Pedophile siya dahil sa nangyari. Still a better love story than twilight.



Monday, February 13, 2012

Palabas IV: May tanong ka ba? May sagot ako eh.


Magtanong ay 'di biro kay Akoni.....part IV!


GALING KAY: Gord
URL:
TANONG: Patpat kong matigas lakas pasok sa butas, pag iyong diniin kiliti ang marating. ano ito?
Haha. Wala lang. Trip lang. Pero eto yung seriousness: Kung bibigyan ka ng isang pagkakataon sa buhay mo na gusto mong balikan, anu ito at bakit? Pang miss universe yan pardz!

SAGOT:
-Akala ko ipapasagot mo talaga sa akin ang unang tanong mo, joke lang pala. Sasagotin ko sana ng cotton buds para hindi bastos.

Kung bibigyan ka ng isang pagkakataon sa buhay mo na gusto mong balikan, anu ito at bakit? 'yung kanina lang, mga 5 seconds ago. Bakit? wala lang, masabi lang na nakabalik ako sa nakaraan, BOOM!! Ayaw ko bumalik ng pagkalayo-layo sa aking nakaraan, dahil baka masira o maiba lang ang “buhay ko” ngayon kapag binalikan ko ang “buhay ko” noon, gets? Satisfied na ako sa kung anong mayroon ako ngayon, at sapat na sa akin na sariwain nalang sa isipan ang kahapon. Gagamitin nalang ang mga nangyari sa nakaraan para sa paghahanda sa  "bukas ko" At gagamitin para maitindihan ko ang "ngayon." I thank you!

Oo nga pala, world peace to everyone, I love you all.


****************


GALING KAY: Quin
URL: www.resurgenceoflife.blogspot.com
TANONG: naks may ganitong pagbabago na sa blog mo? ang tanong ko taga saan ka ulit kuya? Hehehe
May dalawa akong tanong akoni!! naisip ko lang to habang nagbabasa ako sa blog mo lels!! kapag ang lalaki ba pag umiihi na nakaupo sa bowl eh sasayad yong toti niyo? hahahaha Second: bakit ang lalaki trip umihi sa mga public na pader? anong meron? may lahing aso ba ang lalaki? hahahaha

SAGOT:
-Ang dami mo tanong, sa susunod may bayad na ang lalagpas ng dalawang tanong. Muli, magkaibang araw mo pinadala ang mga tanong mo, kaya pagsasabayin ko nalang.

naks may ganitong pagbabago na sa blog mo? Ang tanong ko taga saan ka ulit kuya? Oo, may ganito akong shitness. Taga Marawi City ako, siguro sapat na yan, hehe.

Kapag ang lalaki ba pag umiihi na nakaupo sa bowl eh sasayad yong toti niyo? Bago ko ‘to sinagot ay umihi muna ako para bantayan ang toti ko kung sasayad ba sa bowl. Pero hindi naman sumayad, dahil nakatayo akong umihi, ang haba naman ng toti ko kung sasayad sa bowl sa ganun puwesto ko, diba? Kabayo?! Pero para malaman ang kasagotan sa tanong mo ay sinubokan ko din umihi na nakaupo sa bowl, muli, hindi ulet sumayad ang toti ko. Siguro dahil sa ang bowl dito ay naka-designed para sa mga malalaking tao, para sa mga arabo, kaya malalim ang bowl, puweding gawin bathtub ni Dagul. Sa pinas may bowl na minsan sumasayad ang toti ko kapag nalulumbay ito at walang magawa sa buhay. So, may bowl na minsan nasayad ang toti namin mga lalake, pero bihirang bihira lang 'yun.

Bakit ang lalaki trip umihi sa mga public na pader? anong meron? may lahing aso ba ang lalaki? Dahil ang mga lalake ay mahihilig sa quickie o mahihilig sa mabilisan. Ang importante ay matapos na, ganun. Higit sa lahat, walang ginagawang orasyon sa loob ng toilet ang mga lalake, dahil ang pakay lamaang ay maibuhos ang ihi, wala nang iba then sibat na. Sa mga babae naman, ay ‘wag ko na sabihin dahil baka mag-end of the world na ay hindi pa ako matapos.

Wala naman lahing aso ang mga lalake, dahil kung mayroon ay itataas din namin ang isang paa namin habang umiihi, diba? Pinapakita pa nga namin sa mga aso na hindi na kailangan itaas pa ang paa para lang makaihi. Ibig sabihin, ang aso ang may lahing tao.

Commercial

Nung bata ako, lagi ko sinusubukan kung gaano kalakas ang ihi ko. Sa isip ko kasi mas malakas ang daloy ng ihi, mas malakas na toti. 'yun ang nasa isip ko, may pader na malapit sa bahay namin nun, tapos nagguhit ako ng bilog at araw-araw yun ang tinatarget ko. Hindi ko alam pero gusto kong makita kung mabubutas ko ang pader gamit ang ihi ko, para mapatunayan na malakas ang toti ko. Ooiisssshh..wwooisssshhhh..(insert wang-wang) Nagtutunog bombero pa nga ako habang umiihi, ang lakas lang ng trip. In fairness naman, medyo nagkaroon ng kunting butas ang pader na hallow block pagkaraan ng isang taon. And I am now a full pledge NINJA TOTI.


****************


GALING KAY: psst
URL:
TANONG: Ang ibig sabihin ba ng "AKONILANDYA" is Ako Nilandi Nya?

SAGOT:
-HINDI, aksidente lang o nagkataon lang ang pagkakaroon ng ibang meaning ng Akonilandiya, hindi ‘yan ang intention ko. Ang unang URL ko dati ay gentle-devil, pero dahil sa hilig ko manood ng mga pelikula na may mga kaharian ang tema at may mga magic-magic, pinalitan ko ito ng Akonilandiya, para tunog kaharian, may LAND eh, parang AKONI'S LAND. Pero dahil sa mga sinusulat ko na may temang kalandian, nagkaroon ng buhay ang salitang “landi” sa salitang Akonilandiya, at doon na nagkaroon ng makulit na meaning ang Akonilandiya. Pero gusto ko ‘yan ha, ang "Ako Nilandi Nya."


****************



GALING KAY: Tabian
URL: www.tabianmuchtoomuch.blogspot.com
TANONG: Ano ang paborito mong kulay? Who's your first crush? May kinakatakotan ka ba? Ano? at bakit? (please explain in 5 sentences) not following instructions matutulad kay pareng Rizal.

Ano ang paborito mong kulay? Green, Who’s your first crush? 'yung titser ko nun sa elementary na nasilipan ko ng panty, wag mo na itanong kung paano. May kinkatakotan ka ba?  Ano? at bakit? Hahaha, Mali ang basa ko nun una, akala ko may kinakant…..kaba? LOL, kinakatakotan pala. Mayroon naman, seryoso ang isasagot ko dito. Natatakot akong dumating ang araw na wala nang lakas ang bird ko, dahil malungkot ang pakiramdam na walang silbi, gets? Para sa mga dirty minded, ang ibig kong sabihin ay natatakot ako na tumanda dahil ayaw kong maging pabigat sa pamilya ko.

May five sentences ka pang nalalaman. Fyi, this is my kingdom, I make the rules, this is spartaaaaaaaaaaaaaa! *tadyak* LOL.


****************



GALING KAY: Joey
URL: joelventura@gmail.com
TANONG: Ano? Saan? Kailan? At Bakit?

SAGOT:
Ano? Tao.
Saan? Lugar.
Kailan? Takdang panahon.
Bakit? Kapalaran.


****************


GALING KAY: Kol me empi
URL: www.macropaolo24.blogspot.com
TANONG: Totoo bang matatalino ang mga taong nerd? kung totoo, bakit? kung hindi, bakit pa rin? Hehehe

SAGOT:
Totoo bang matatalino ang mga taong nerd? kung totoo, bakit? kung hindi, bakit pa rin? Hindi lahat, may nerd na kaya lang natawag na nerd ay dahil sa kakaibang mga ginagawa sa buhay. Sila yung mga takot o nahihiya makihalobilo sa mga tao o nakakarami, nasa isang sulok lang, kung walang lalapit masaya na, kung mayroon masaya na, ganun lang ang mga gago. Ang pagiging nerd ay hindi dumedepende sa mga grades mo, ito ay dahil sa kakaibang kilos at hitsura lang. Base ito sa experienced ko, dati may classmate ako, mukhang nerd pero hindi naman matalino dahil sabay kaming nakikikopya ng assignments sa iba. Kaya hindi totoong basta nerd ay matalino.



****************


GALING KAY: me
URL:
TANONG: mahal mo pa ba ako?

SAGOT:
HINDI na kita MAHAL, dahil may asawa na ako at mahal na mahal ko. Sa susunod kasi, PM mo ako. Think before you click.


Maraming salamat ulet sa mga nagpadala ng kanilang mga katanongan. Hanggang sa susunod na PALABAS ng "Itanong mo kay AKONI"




Saturday, February 11, 2012

Good news sa FEB



Hello earthlings!


Mga kalandi at mga kaloko, kamusta na kayo? Ahem, malapit na ang February 14, alam na. Ang mga puso ninyo, ayos lang ba? Eh ang mga puson niyo, handa na ba? Nakipila na ba kayo sa mga nagbibigay ng libreng condoms? Buwan ngayon ng big discounts sa mga motel nakapag-reserved na ba kayo? Kailangan ninyo ba ng discount card? PM me, LOL. Kung wala ka o zero ka at "nganga" ka this Feb. 14, don't worry may kasabihan tayo dyan, "Wala ba kayong mga kamay......?" LOL again.

Anyway, maka-intro lang ako, LOL na naman. Wala muna ako kwentong kalokohan ngayon. May good news ako sa inyong lahat. Naalala ninyo pa ba 'yung kwentong jologs ko na "Sa isang gasolinahan..."? Hindi? Okay, magfinger ka DITO at namnamin ang aking kwento.

Nanalo 'yan sa isang writing contest (writing contest talaga, para social basahin,LOL powhz.) ni Gasolinedude.com, pumasok sa top 10, actually top 10 to be exact, LOL shit again. Pero napakalaking karangalan na yan sa akin, biruin ninyo ayy wag ninyo biruin, 65 bloggers lahat ang sumali, tapos nandon pa yung mga hinahangaan kong bloggers, pero pumasok parin ako, astig diba? Haaayy ang sarap talaga ng pakiramdam. Alam mo 'yun? 'yung parang kakatapos mo lang tumae at ang daming lumabas galing sa tiyan mo? Ganun ang feeling, ang sarap nun diba?


"The story's twist is a bit expected. The ability to write a fiction while maintaining the normal kanto-life is appreciated. The author could have tried something new though, not sticking to the expected tragedy (yes, one can see it coming while reading the first half of the article)."


'yan ang comment ng judge, dyan palang panalo na ako, bilang amatuer sa paglikha ng mga guni-guning kwento, kailangan ko 'yan para lalo ko mapahusay ang susunod na ikukuwento ko. Ang galing niya mag-comment at mag-English noh? Yeah, I know, heavy ang mga judges, nag-aalmusal sila ng English.

Ang mapasama sa top 10 at kasama pa ang mga bigatin na bloggers ay napakalaking karangalan na sa akin 'yun. Hindi talaga ako makapaniwala pero naniniwala na ako ngayon, PANALO AKO. Yehey!!

Kaya gasolinedude, maraming salamat dude, hindi man natin pina-follow ang isa't isa dito sa blog sphere, maraming salamat sa'yo, nahihiya kasi ako na e-follow ka, LOL damn again. Sa mga Judges, hindi ko kayo kilala pero maraming salamat din sa inyo, wala nang LOL. Lalo na sa nagbigay ng komento sa akin, maraming salamat sayo, susubokan ko gawin ang payo mo.


Next blog....."May tanong ka ba? May sagot ako eh."


Tuesday, February 7, 2012

February Sh*t




February na pala. Sabi nila, araw daw ng mga puso ang buwan na ito, tssh. Araw daw ng pagmamahalan, tssh, sabi ko naman, okay whatever. Sa totoo lang kung may seksing babae na genie na lalabas dito sa iniinum kong kape at bibigyan ako ng isang wish, ang hihilingin ko ay mabura sa kalendaryo ang buwan ng February.

Para sa akin ang February ay buwan ng sakit at hapdi, parusa sa akin ang buwan na ito. Sa tuwing sumasapit ang buwan ng shit na ito ay nagpa-file ako ng bakasyon sa work ko at nagkukulong nalang sa kwarto. Parang gusto kong uminom ng zonrox with downy kapag buwan ng February.


Flash back

Nag-aaral pa ako nun sa College, year 2009 nang may milagro o kung anu man tawag don na nangyari sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan. Sabado, may kailangan akong taposin na term paper sa isang subject ko. Kinailangan ko mag-overnight sa isang internet café. Mas makakatipid kasi kapag overnight dahil 60 pesos lang tapos may free snack pa, isang mamon at isang zest-o, at madaming chicks.

February 07, 2009. Alas kwatro palang ng hapon ay nagpareserved na ako sa suki kong internet shop, mahirap na baka maubosan ako ng pwesto, punuan kasi ‘yon lalo na kapag araw ng sabado dahil walang pasok kinabukasan, at tuwing sabado, madami ang mga chicks.

Alas 6 ng gabi hanggang 6 ng umaga ang oras ng magdamagan, six to six ika nga. Kaya 5 ng hapon palang ay umalis na ako ng bahay. Dadaan pa kasi ako sa grocery para makapamili ng mga junks food na babaonin ko sa magdamag na pagreresearch para sa term paper ko, sa pakikipagchat ko at sa panonood ko, wala nga lang porn kasi naka-blocked, madami kasing chicks.

Bilisan natin ang kwento, natapos ko na ang research ko, nakadalawang pilekula na ako, naubos ko na mga junks food ko, tinamad na akong makipagchat, isa lang ang kulang, ang mga chicks.

Kaya umidlip o naidlip ako sandali, nagising ako dahil sa isang buzz sa YM, kaya napamura ako ng level 5. Tangna suot ko pa pala ang headset, pakiramdam ko eh nalusaw ang mga tutuli ko at magiging luga na. Tiningnan ko kung sino ‘yung nag-buzz, mumurahin ko sana maganti man lang. Hindi ko kilala, Cheese_me ang name, natigil muna ako ng ilang seconds para alalahanin kung may namolestiya ba akong nagngangalan Cheese_me, pero wala ako matandaan dahil virgin pa ako sa time na ‘yon.

CHAT

Cheese_me: Mahal ko kamusta kana?

After ng limang “buzz” yan ang message niya. Naisip ko baka naligaw lang ito, imposible naman may tatawag sa akin ng mahal, eh hindi pa nga ako nakakakita ng nest ng angry bird sa totoong buhay eh, sa mga porn movies lang ako nakakakita.

Akoni_helpvirginpaako: Hehe…mahal ka dyan, naliligaw ka ata iha. =))

Cheese_me: Mahal kong Akoni, ako ito, si Cheska, sa future ako ngayon…anyway, wala na akong oras, gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal parin kita. At I am so sorry sa sobrang sakit na binigay ko sa’yo, pinagsisisihan ko ang lahat, kung maibabalik ko lang sana. I am so sorry Akoni.

Naalog ako utak ko sa aking nabasa, kilala niya ako? Galing sa future? Hahaha. Siguro may nagti-trip lang sa akin. Nagpalingon-lingon ako sa ibang customers baka may kakilala ako, pero bigo ako, wala. Eh sino ito?

Akoni_helpvirginpaako: Ang lakas ng trip ah…hahaha. Tarantado ka, kapag nalaman ko kung sino ka sa mga friends ko isasampal ko sa’yo itits ko. =))

Cheese_me: Ako nga ito, diba may nunal ka sa bird mo, tatlo? binigyan ko pa nga ng pangalan ang bird mo eh, si krillin ng dragon ball Z dahil may tuldok din siya sa ulo, hahaha. Tapos hindi ka pa nagsusuot ng uderwear. =))

Ayy puta, paano niya nalaman ‘yun?

Akoni_helpvirginpaako: Itay, inay kayo ba yan? Totoo naman pong nagresearch ako eh, hindi po ako tumitingin sa mga porn sites, promise naka-blocked po dito. :(

Oo, ang nanay at tatay ko ang naisip ko na baka sila ‘yun, sila lang naman ang may alam na may tatlong nunal sa bird ko at hindi ako nagsusuot ng brief eh. Syempre sila palang ang nakakakita noh, sabi ko nga virgin pa ako. Kaya imposibleng may ibang taong nakakita sa bird ko na walang malay sa makamundohang pangyayari sa mundo.


Cheese_me: hahaha..luko-loko ka, natawa ako tuloy sa’yo. Hindi na ako magtatagal, alis na ako. Basta tandaan mo mahal ko, mahal na mahal kita at sana mapatawad mo ako, sana…. :(

Cheese_me: Hindi ko talaga sinasadya ang lahat.

WTF??!! Baliw ito sabi ko sa akin sarili, baliw ang babaeng ito o lalakeng ito. Kaya hinahayaan ko nalang siya, putek siya. Ang lakas lang ng trip.

Cheese_me: Alam ko, hindi ka naniniwala sa akin. Kaya ako nandito ngayon dahil gusto lang kita warningan mahal ko, mamaya makikilala mo ako paglabas mo. Please wag na wag mo ako papansinin, please Akoni, mangako ka sa akin, please…uwi kana diretso pls.

Tangnina na ito, ang lakas ng trip talaga, sabi ko ulet sa sarili ko. Pagkatapos nun, wala nang sumunod na messages galing sa kanya dahil naglog-out na ako, nabwiset ako. Hindi ko namalayan umaga na pala, kaya kinuha ko bag pack ko at nagdesisyon nang lumabas at umuwi na.

Sa aking paglalakad biglang sumakit ang ulo ko, sakto nasa tapat ako ng isang coffee shop. Pumasok ako at nag-order ng black coffee, inaantok na talaga ako, kaya hindi ko na inubos ang kape ko.

Naglalakad ako nang biglang may sumitsit sa akin, paglingon ko isang napakagandang babae.

Babae: Naiwan mo bag mo, hehe.

Ako: Ayy wow, maraming salamat…

Sa sobrang kagandahan niya ay hindi ko na mapigilan magpakilala…

Ako: Maraming salamat ha, ako nga pala si Akoni.

Sabi ko sabay alok ko ng aking kamay.

Babae: Ako nga pla si Cheska.


Buwan ng February 2009 ko siya nakilala at naging kami, nagmahalan at nangako sa isa’t isa na habang buhay kaming magmamahalan, at walang magluloko.

Buwan ng February 2011. Araw ng Sabado nung maiwan niya ang kanyang selpon sa house namin, at makita ang hindi ko inaakalang magagawa niya sa akin. Napanood ko ang isang video sa selpon niya na may kaseks siyang lalake, guess what? Hindi ako 'yun. Hindi ko alam kung sinadyan niyang iwan ang cell phone niya para makita ko o aksidente lang niya naiwan. Ang alam ko, walang kasing sakit ang ginawa sa akin ni Cheska.

February 07, 2012 na ngayon, tatlong taon na ang nakakaraan, pero parang kanina lang ang nangyari. Bumabalik muli sa aking isipan ngayon ang ginawa sa akin ni Cheska. Kung nakinig lang sana ako sa kanya nun, kung pinaniwalaan ko sana nung ka-chat ko siya, hindi sana ako ngayon nadudurog.



Maraming salamat sa pagbabasa.




*FUCKTION pala ito

Monday, February 6, 2012

Test



Test! Test! Test...

Testosterone 1, 2, 3!

Nandyan pa ba kayo?

Test! Test! Test...

Testosterone 1, 2, 3!

Nandito na ako ulet.

Test! Test! Test...

Testosterone 1, 2, 3!

Game?!