nuffnang

Wednesday, April 30, 2014

Diary ng dating OFW 1



Napapakamot nalang ako ng betlog ulo kapag na nakikita ko ang date sa relo ko, I was like “Putcha 3 months palang pala ako dito sa Pinas pero bakit pakiramdam ko ay 3 years na?” ang bagal ng oras. Last na naramdaman ko ito ay noong after graduation, nagsecond degree pa ako noon para tuloy-tuloy ang allowance at baon pero tumigil din dahil sa pag-aakalang kaya nang tumayo ang titi mag-isa sa sariling mga paa.

Isa ako sa mga naging tambay noon pagkatapos mag-aral ng koliheyo. Naalala ko pa nung seniors night, I was like “Yohooo…nakatapos narin ng pag-aaral, kikita na ako ng sarili kong pera” pero laking pagkakamali, mas magiging malala pa pala ang situation. 

Mahigit isang taon ako naging tambay noon, sa una masaya, iyo ang oras ng buong-buo, pero nong tumagal na ang hirap pala. Pabagal nang pabagal ang oras, sa umaga naghihintay na gumabi, sa gabi naman matutulog ng maaga para mag-umaga na. Parang chorus ng kanta ng naging buhay ko, repeat chorus 3x.

Balik tayo sa ngayon, ganun ang nangyayari ngayon, no, mas malala, dahil noon may mga kaibigan akong kasama sa pagtambay sa mga kanto. Ngayon, mag-isa na lang. Wala na din kanto, walang overnight o sleepover. Naging taong bahay na lang, maghapon umiikot sa loob ng bahay, upo don, upo dito. Higa don, higa dito. Masturbation? No, hindi na masyado. Nakakatamad, ang init kasi dito, nakatulong din yun, lumalabas ang “init ng katawan” ng kusa kahit papaano, saka busy ang utak ko mag-isip ng kung anu-ano. No time for that shit!

Akala ko noon nasa abroad pa ako, nauna ako sa mga kaibigan ko, naging advance ang buhay ko. Mali pala, bulsa ko lang ang nauna ng kaunti, pero ang “life” huling-huli, narealize ko ngayon nandito na ako. Wala akong inabotan dito, lahat nag-move on, huling huli na ako sa biyahe ng buhay. Nakailang trip na silang lahat pero ako pasakay palang sa first trip, no, papunta palang sa terminal. Sucks!

Nasaan ang mga kaibigan ko?

Nasaan ang mga katambay ko?

Nasaan ang nanay ko?

Wala!

May mga sarili na silang buhay. Ang nanay ko lang ang wala nang buhay.

Oo, mag-isa na lang ako ngayon. Ang anak ko? Pati siya may sarili nang buhay, para akong kabute na bigla na lang sumulpot sa buhay niya. Siya lang ang tao dito na kailangan kong ipilit ipasok ang buhay ko, dahil siya lang ang natitirang “life line” ko dito. Ang tatay ko? Nandon sa probinsiya, may sarili na rin buhay. Kasama parin ako pero hindi na gaya ng dati,  hindi na gaya ng dati na puwedi akong mag-wala sa harap niya kapag trip ko o kapag wala akong pambili ng yosi. Kaya ko parin gawin yun, pero hindi na kaya ng konsensya ko. May sarili na akong pamilya. Ayy putcha! May sarili na akong pamilya pero nasaan? WALA! Ayon nasa kabilang mundo ang asawa ko, nasa abroad (kailangan bumalik for some shit reasons), ang anak ko nandito na parang wala, ako nasa kalawakan.

Pero HEY! Fuck it!

I am a big guy now, big guys don’t cry motharfuker!



Monday, April 21, 2014

Hindi ako makatulog…Masakit ang likod ko, tang inomin niyo!




Okay, aaminin ko na, hindi ako makatulog dahil nakadrugs ako. At aaminin ko din, nagsisinungaling ako. Ano ako 23 years old na nagdadrama sa buhay?
May iba’t ibang dahilan ang mga tao kung bakit hindi dalawin ng antok. Pero, tang inumin nila, wala akong pakialam sa dahilan ninyo kung bakit hindi kayo makatulog, shit ninyo niyan. Shit ko ito kaya ito ang sasabihin ko.

Hindi ako makatulog dahil…

1. Masakit ang likod ko. Naggigym na ako ngayon, surprise mothafackers?! Yes, nag-gym ako kahit may takot akong nakakaliit daw ng tete ang paggigym. Tang inomin kasi yung kaibigan namin, sabi niya bawat buhat mo daw ng dumbbell ay siya naman urong ng tete mo kaya maliliit daw ang tete ng mga nag-gi-gym, lalo na yung malalaki na ang dibdib. Tang inomin, maliit na nga itong akin eh, lalo pang liliit?!!! Pero fuck that shit! Hindi siguro…ang importante nakakatuka kapag may laban!

2. Masakit ang likod ko. Naglaba ako buong araw, yes, isa akong house husband for 3 months na. Nag-aalaga ng isang napakakulit na 2.7 years old na batang babae. At tuwing lunes ang laundry day ko. Bilib ako sa mga house wife kung paano nila nakakaya ang mag-alaga ng bata at ilang shit na gawain sa bahay, pero mas bumilib na ako ngayon sa mga house husband. Sempre hindi nila trabaho yun eh, hindi sila sanay sa ganun trabaho, hindi nakaprogram yun sa software nila, pero tang inumin nakakaya nila.

3. Masakit ang likod ko. Nabasa ko sa isang magazine na isa sa epekto ng masturbation ay ang pananakit ng likod. Nuff said.

4. Masakit ang likod ko. I am officially enrolled sa course na tambiology, so, maghapon nakaupo sa harap ng computer at nanonood ng kung anu-ano kapag nakatulog na ang anakis. Kung gusto mo makakuha ng idea sa kung anu yung mini-mean ko sa kung anu-anong pinapanood ko ay basahin mo ang number 3.

5. Masakit ang likod ko. Dapat natutulog na ako ngayon para maipahinga ko ang likod ko, pero tang inumin niyo. Wala naman ako pasok bukas sa trabaho, wala naman ako dahilan para matulog ng maaga, eh bakit ako matutulog ng maaga? 

Therefore, hindi ako makatulog ngayon hindi dahil sa masakit ang likod ko, hindi ako makatulog dahil isa akong malayang Pilipino.




Wednesday, April 9, 2014

Ano ang nangyari…





Ganito ang nangyari, pagkatapos ng maraming taon pagiging OFW, napagdesisyon kong umuwi na ng Pilipinas for good, for bad, for average, for love, for care, for lust, etc…

Ganun nga ang nangyari, nandito na ako sa Pilipinas. Sa una masaya, sempre dami pera eh, dami ipon, Don Juan!  Tapon don, tapon dito. Kalat dito, kalat don. Bawal magtapon ng basura.

Kaya ganito na ang nangyayari ngayon, ubos ang ¾ sa pera. Ngayon tipid dito, tipid don. Bawal magkasakit, lalo na ang magmahal (hey para yan sa mga tambay na wala pang asawa). Naging typical father na lang at tambay sa bahay, at ilang buwan na lang ay puwedi nang sumali sa that’s my tambay ng Eat bulaga. Pero masaya, namiss ko din ito eh, nakakapagod pero masaya, oo masaya. Putangina ang saya!

Maghanap ng trabaho, ah hindi mag-apply, that’s my shit now. Tanong don, tanong dito. Putanginang Pilipinas. Kailangan ko ng kaperasong papel para matanggap sa trabaho, yes, kailangan kong pumasa muna sa Civil Service. Nakalimutan kong nasa Pilipinas pala ako, ito yung bansa na kailangan maganda ang nakasulat sa resume mo kesa alam mong gawin, at kahit alam mo na ang trabaho kailangan may papel kang itatapal sa puwet nila. And yes, kailangan kilala mo ang putanginang boss nila o isa sa boss nila. Tatanggapin ka hindi dahil sa kung sino ka o dahil sa karunongan mo kung hindi dahil kilala mo si kuwan, anak ka ni kuwan, kamag-anak ka ni kuwan, etc... Tawagin na lang natin, REPUBLIKA NG KUWAN ang Pilipinas.

Almost 10 years ako nawala sa Pilipinas, isang dekada halos, oo, inulit ko lang. Ang hirap pala magbalik pilipinas, una, wala kang aabotan sa mga kaibigan mo. Syempre, noong umalis ka ipinagpatuloy nila ang kanilang buhay…na wala ka. Puno na ang dyip ng buhay nila, gustohin ka man nila isakay, wala ka nang masisingitan pa. Suwerte ka kung pasabitin ka. GAGO!

Pagtading mo’y hahanapin mo ang iyong sarili, mag-iisip at magtatanong. Saan nga ba tumigil ang buhay ko noon dito sa Pilipinas? Oo, kailangan mong hanapin ang dating “ikaw” na iniwan mo dito sa Pinas para makapagpatuloy ka. Bumalik ka sa nakaraan mo, kailangan mag-umpisa don sa sitwasyon mo nong bago ka umalis. Kailangan mo uli hanapin ang sarili mo, ang dating sarili mo. Yes, pang maalaala uli ang peg mo.

Pero kahit ano mangyari o nangyari, there’s no place like home.