nuffnang

Monday, February 13, 2012

Palabas IV: May tanong ka ba? May sagot ako eh.


Magtanong ay 'di biro kay Akoni.....part IV!


GALING KAY: Gord
URL:
TANONG: Patpat kong matigas lakas pasok sa butas, pag iyong diniin kiliti ang marating. ano ito?
Haha. Wala lang. Trip lang. Pero eto yung seriousness: Kung bibigyan ka ng isang pagkakataon sa buhay mo na gusto mong balikan, anu ito at bakit? Pang miss universe yan pardz!

SAGOT:
-Akala ko ipapasagot mo talaga sa akin ang unang tanong mo, joke lang pala. Sasagotin ko sana ng cotton buds para hindi bastos.

Kung bibigyan ka ng isang pagkakataon sa buhay mo na gusto mong balikan, anu ito at bakit? 'yung kanina lang, mga 5 seconds ago. Bakit? wala lang, masabi lang na nakabalik ako sa nakaraan, BOOM!! Ayaw ko bumalik ng pagkalayo-layo sa aking nakaraan, dahil baka masira o maiba lang ang “buhay ko” ngayon kapag binalikan ko ang “buhay ko” noon, gets? Satisfied na ako sa kung anong mayroon ako ngayon, at sapat na sa akin na sariwain nalang sa isipan ang kahapon. Gagamitin nalang ang mga nangyari sa nakaraan para sa paghahanda sa  "bukas ko" At gagamitin para maitindihan ko ang "ngayon." I thank you!

Oo nga pala, world peace to everyone, I love you all.


****************


GALING KAY: Quin
URL: www.resurgenceoflife.blogspot.com
TANONG: naks may ganitong pagbabago na sa blog mo? ang tanong ko taga saan ka ulit kuya? Hehehe
May dalawa akong tanong akoni!! naisip ko lang to habang nagbabasa ako sa blog mo lels!! kapag ang lalaki ba pag umiihi na nakaupo sa bowl eh sasayad yong toti niyo? hahahaha Second: bakit ang lalaki trip umihi sa mga public na pader? anong meron? may lahing aso ba ang lalaki? hahahaha

SAGOT:
-Ang dami mo tanong, sa susunod may bayad na ang lalagpas ng dalawang tanong. Muli, magkaibang araw mo pinadala ang mga tanong mo, kaya pagsasabayin ko nalang.

naks may ganitong pagbabago na sa blog mo? Ang tanong ko taga saan ka ulit kuya? Oo, may ganito akong shitness. Taga Marawi City ako, siguro sapat na yan, hehe.

Kapag ang lalaki ba pag umiihi na nakaupo sa bowl eh sasayad yong toti niyo? Bago ko ‘to sinagot ay umihi muna ako para bantayan ang toti ko kung sasayad ba sa bowl. Pero hindi naman sumayad, dahil nakatayo akong umihi, ang haba naman ng toti ko kung sasayad sa bowl sa ganun puwesto ko, diba? Kabayo?! Pero para malaman ang kasagotan sa tanong mo ay sinubokan ko din umihi na nakaupo sa bowl, muli, hindi ulet sumayad ang toti ko. Siguro dahil sa ang bowl dito ay naka-designed para sa mga malalaking tao, para sa mga arabo, kaya malalim ang bowl, puweding gawin bathtub ni Dagul. Sa pinas may bowl na minsan sumasayad ang toti ko kapag nalulumbay ito at walang magawa sa buhay. So, may bowl na minsan nasayad ang toti namin mga lalake, pero bihirang bihira lang 'yun.

Bakit ang lalaki trip umihi sa mga public na pader? anong meron? may lahing aso ba ang lalaki? Dahil ang mga lalake ay mahihilig sa quickie o mahihilig sa mabilisan. Ang importante ay matapos na, ganun. Higit sa lahat, walang ginagawang orasyon sa loob ng toilet ang mga lalake, dahil ang pakay lamaang ay maibuhos ang ihi, wala nang iba then sibat na. Sa mga babae naman, ay ‘wag ko na sabihin dahil baka mag-end of the world na ay hindi pa ako matapos.

Wala naman lahing aso ang mga lalake, dahil kung mayroon ay itataas din namin ang isang paa namin habang umiihi, diba? Pinapakita pa nga namin sa mga aso na hindi na kailangan itaas pa ang paa para lang makaihi. Ibig sabihin, ang aso ang may lahing tao.

Commercial

Nung bata ako, lagi ko sinusubukan kung gaano kalakas ang ihi ko. Sa isip ko kasi mas malakas ang daloy ng ihi, mas malakas na toti. 'yun ang nasa isip ko, may pader na malapit sa bahay namin nun, tapos nagguhit ako ng bilog at araw-araw yun ang tinatarget ko. Hindi ko alam pero gusto kong makita kung mabubutas ko ang pader gamit ang ihi ko, para mapatunayan na malakas ang toti ko. Ooiisssshh..wwooisssshhhh..(insert wang-wang) Nagtutunog bombero pa nga ako habang umiihi, ang lakas lang ng trip. In fairness naman, medyo nagkaroon ng kunting butas ang pader na hallow block pagkaraan ng isang taon. And I am now a full pledge NINJA TOTI.


****************


GALING KAY: psst
URL:
TANONG: Ang ibig sabihin ba ng "AKONILANDYA" is Ako Nilandi Nya?

SAGOT:
-HINDI, aksidente lang o nagkataon lang ang pagkakaroon ng ibang meaning ng Akonilandiya, hindi ‘yan ang intention ko. Ang unang URL ko dati ay gentle-devil, pero dahil sa hilig ko manood ng mga pelikula na may mga kaharian ang tema at may mga magic-magic, pinalitan ko ito ng Akonilandiya, para tunog kaharian, may LAND eh, parang AKONI'S LAND. Pero dahil sa mga sinusulat ko na may temang kalandian, nagkaroon ng buhay ang salitang “landi” sa salitang Akonilandiya, at doon na nagkaroon ng makulit na meaning ang Akonilandiya. Pero gusto ko ‘yan ha, ang "Ako Nilandi Nya."


****************



GALING KAY: Tabian
URL: www.tabianmuchtoomuch.blogspot.com
TANONG: Ano ang paborito mong kulay? Who's your first crush? May kinakatakotan ka ba? Ano? at bakit? (please explain in 5 sentences) not following instructions matutulad kay pareng Rizal.

Ano ang paborito mong kulay? Green, Who’s your first crush? 'yung titser ko nun sa elementary na nasilipan ko ng panty, wag mo na itanong kung paano. May kinkatakotan ka ba?  Ano? at bakit? Hahaha, Mali ang basa ko nun una, akala ko may kinakant…..kaba? LOL, kinakatakotan pala. Mayroon naman, seryoso ang isasagot ko dito. Natatakot akong dumating ang araw na wala nang lakas ang bird ko, dahil malungkot ang pakiramdam na walang silbi, gets? Para sa mga dirty minded, ang ibig kong sabihin ay natatakot ako na tumanda dahil ayaw kong maging pabigat sa pamilya ko.

May five sentences ka pang nalalaman. Fyi, this is my kingdom, I make the rules, this is spartaaaaaaaaaaaaaa! *tadyak* LOL.


****************



GALING KAY: Joey
URL: joelventura@gmail.com
TANONG: Ano? Saan? Kailan? At Bakit?

SAGOT:
Ano? Tao.
Saan? Lugar.
Kailan? Takdang panahon.
Bakit? Kapalaran.


****************


GALING KAY: Kol me empi
URL: www.macropaolo24.blogspot.com
TANONG: Totoo bang matatalino ang mga taong nerd? kung totoo, bakit? kung hindi, bakit pa rin? Hehehe

SAGOT:
Totoo bang matatalino ang mga taong nerd? kung totoo, bakit? kung hindi, bakit pa rin? Hindi lahat, may nerd na kaya lang natawag na nerd ay dahil sa kakaibang mga ginagawa sa buhay. Sila yung mga takot o nahihiya makihalobilo sa mga tao o nakakarami, nasa isang sulok lang, kung walang lalapit masaya na, kung mayroon masaya na, ganun lang ang mga gago. Ang pagiging nerd ay hindi dumedepende sa mga grades mo, ito ay dahil sa kakaibang kilos at hitsura lang. Base ito sa experienced ko, dati may classmate ako, mukhang nerd pero hindi naman matalino dahil sabay kaming nakikikopya ng assignments sa iba. Kaya hindi totoong basta nerd ay matalino.



****************


GALING KAY: me
URL:
TANONG: mahal mo pa ba ako?

SAGOT:
HINDI na kita MAHAL, dahil may asawa na ako at mahal na mahal ko. Sa susunod kasi, PM mo ako. Think before you click.


Maraming salamat ulet sa mga nagpadala ng kanilang mga katanongan. Hanggang sa susunod na PALABAS ng "Itanong mo kay AKONI"




Saturday, February 11, 2012

Good news sa FEB



Hello earthlings!


Mga kalandi at mga kaloko, kamusta na kayo? Ahem, malapit na ang February 14, alam na. Ang mga puso ninyo, ayos lang ba? Eh ang mga puson niyo, handa na ba? Nakipila na ba kayo sa mga nagbibigay ng libreng condoms? Buwan ngayon ng big discounts sa mga motel nakapag-reserved na ba kayo? Kailangan ninyo ba ng discount card? PM me, LOL. Kung wala ka o zero ka at "nganga" ka this Feb. 14, don't worry may kasabihan tayo dyan, "Wala ba kayong mga kamay......?" LOL again.

Anyway, maka-intro lang ako, LOL na naman. Wala muna ako kwentong kalokohan ngayon. May good news ako sa inyong lahat. Naalala ninyo pa ba 'yung kwentong jologs ko na "Sa isang gasolinahan..."? Hindi? Okay, magfinger ka DITO at namnamin ang aking kwento.

Nanalo 'yan sa isang writing contest (writing contest talaga, para social basahin,LOL powhz.) ni Gasolinedude.com, pumasok sa top 10, actually top 10 to be exact, LOL shit again. Pero napakalaking karangalan na yan sa akin, biruin ninyo ayy wag ninyo biruin, 65 bloggers lahat ang sumali, tapos nandon pa yung mga hinahangaan kong bloggers, pero pumasok parin ako, astig diba? Haaayy ang sarap talaga ng pakiramdam. Alam mo 'yun? 'yung parang kakatapos mo lang tumae at ang daming lumabas galing sa tiyan mo? Ganun ang feeling, ang sarap nun diba?


"The story's twist is a bit expected. The ability to write a fiction while maintaining the normal kanto-life is appreciated. The author could have tried something new though, not sticking to the expected tragedy (yes, one can see it coming while reading the first half of the article)."


'yan ang comment ng judge, dyan palang panalo na ako, bilang amatuer sa paglikha ng mga guni-guning kwento, kailangan ko 'yan para lalo ko mapahusay ang susunod na ikukuwento ko. Ang galing niya mag-comment at mag-English noh? Yeah, I know, heavy ang mga judges, nag-aalmusal sila ng English.

Ang mapasama sa top 10 at kasama pa ang mga bigatin na bloggers ay napakalaking karangalan na sa akin 'yun. Hindi talaga ako makapaniwala pero naniniwala na ako ngayon, PANALO AKO. Yehey!!

Kaya gasolinedude, maraming salamat dude, hindi man natin pina-follow ang isa't isa dito sa blog sphere, maraming salamat sa'yo, nahihiya kasi ako na e-follow ka, LOL damn again. Sa mga Judges, hindi ko kayo kilala pero maraming salamat din sa inyo, wala nang LOL. Lalo na sa nagbigay ng komento sa akin, maraming salamat sayo, susubokan ko gawin ang payo mo.


Next blog....."May tanong ka ba? May sagot ako eh."


Tuesday, February 7, 2012

February Sh*t




February na pala. Sabi nila, araw daw ng mga puso ang buwan na ito, tssh. Araw daw ng pagmamahalan, tssh, sabi ko naman, okay whatever. Sa totoo lang kung may seksing babae na genie na lalabas dito sa iniinum kong kape at bibigyan ako ng isang wish, ang hihilingin ko ay mabura sa kalendaryo ang buwan ng February.

Para sa akin ang February ay buwan ng sakit at hapdi, parusa sa akin ang buwan na ito. Sa tuwing sumasapit ang buwan ng shit na ito ay nagpa-file ako ng bakasyon sa work ko at nagkukulong nalang sa kwarto. Parang gusto kong uminom ng zonrox with downy kapag buwan ng February.


Flash back

Nag-aaral pa ako nun sa College, year 2009 nang may milagro o kung anu man tawag don na nangyari sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan. Sabado, may kailangan akong taposin na term paper sa isang subject ko. Kinailangan ko mag-overnight sa isang internet café. Mas makakatipid kasi kapag overnight dahil 60 pesos lang tapos may free snack pa, isang mamon at isang zest-o, at madaming chicks.

February 07, 2009. Alas kwatro palang ng hapon ay nagpareserved na ako sa suki kong internet shop, mahirap na baka maubosan ako ng pwesto, punuan kasi ‘yon lalo na kapag araw ng sabado dahil walang pasok kinabukasan, at tuwing sabado, madami ang mga chicks.

Alas 6 ng gabi hanggang 6 ng umaga ang oras ng magdamagan, six to six ika nga. Kaya 5 ng hapon palang ay umalis na ako ng bahay. Dadaan pa kasi ako sa grocery para makapamili ng mga junks food na babaonin ko sa magdamag na pagreresearch para sa term paper ko, sa pakikipagchat ko at sa panonood ko, wala nga lang porn kasi naka-blocked, madami kasing chicks.

Bilisan natin ang kwento, natapos ko na ang research ko, nakadalawang pilekula na ako, naubos ko na mga junks food ko, tinamad na akong makipagchat, isa lang ang kulang, ang mga chicks.

Kaya umidlip o naidlip ako sandali, nagising ako dahil sa isang buzz sa YM, kaya napamura ako ng level 5. Tangna suot ko pa pala ang headset, pakiramdam ko eh nalusaw ang mga tutuli ko at magiging luga na. Tiningnan ko kung sino ‘yung nag-buzz, mumurahin ko sana maganti man lang. Hindi ko kilala, Cheese_me ang name, natigil muna ako ng ilang seconds para alalahanin kung may namolestiya ba akong nagngangalan Cheese_me, pero wala ako matandaan dahil virgin pa ako sa time na ‘yon.

CHAT

Cheese_me: Mahal ko kamusta kana?

After ng limang “buzz” yan ang message niya. Naisip ko baka naligaw lang ito, imposible naman may tatawag sa akin ng mahal, eh hindi pa nga ako nakakakita ng nest ng angry bird sa totoong buhay eh, sa mga porn movies lang ako nakakakita.

Akoni_helpvirginpaako: Hehe…mahal ka dyan, naliligaw ka ata iha. =))

Cheese_me: Mahal kong Akoni, ako ito, si Cheska, sa future ako ngayon…anyway, wala na akong oras, gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal parin kita. At I am so sorry sa sobrang sakit na binigay ko sa’yo, pinagsisisihan ko ang lahat, kung maibabalik ko lang sana. I am so sorry Akoni.

Naalog ako utak ko sa aking nabasa, kilala niya ako? Galing sa future? Hahaha. Siguro may nagti-trip lang sa akin. Nagpalingon-lingon ako sa ibang customers baka may kakilala ako, pero bigo ako, wala. Eh sino ito?

Akoni_helpvirginpaako: Ang lakas ng trip ah…hahaha. Tarantado ka, kapag nalaman ko kung sino ka sa mga friends ko isasampal ko sa’yo itits ko. =))

Cheese_me: Ako nga ito, diba may nunal ka sa bird mo, tatlo? binigyan ko pa nga ng pangalan ang bird mo eh, si krillin ng dragon ball Z dahil may tuldok din siya sa ulo, hahaha. Tapos hindi ka pa nagsusuot ng uderwear. =))

Ayy puta, paano niya nalaman ‘yun?

Akoni_helpvirginpaako: Itay, inay kayo ba yan? Totoo naman pong nagresearch ako eh, hindi po ako tumitingin sa mga porn sites, promise naka-blocked po dito. :(

Oo, ang nanay at tatay ko ang naisip ko na baka sila ‘yun, sila lang naman ang may alam na may tatlong nunal sa bird ko at hindi ako nagsusuot ng brief eh. Syempre sila palang ang nakakakita noh, sabi ko nga virgin pa ako. Kaya imposibleng may ibang taong nakakita sa bird ko na walang malay sa makamundohang pangyayari sa mundo.


Cheese_me: hahaha..luko-loko ka, natawa ako tuloy sa’yo. Hindi na ako magtatagal, alis na ako. Basta tandaan mo mahal ko, mahal na mahal kita at sana mapatawad mo ako, sana…. :(

Cheese_me: Hindi ko talaga sinasadya ang lahat.

WTF??!! Baliw ito sabi ko sa akin sarili, baliw ang babaeng ito o lalakeng ito. Kaya hinahayaan ko nalang siya, putek siya. Ang lakas lang ng trip.

Cheese_me: Alam ko, hindi ka naniniwala sa akin. Kaya ako nandito ngayon dahil gusto lang kita warningan mahal ko, mamaya makikilala mo ako paglabas mo. Please wag na wag mo ako papansinin, please Akoni, mangako ka sa akin, please…uwi kana diretso pls.

Tangnina na ito, ang lakas ng trip talaga, sabi ko ulet sa sarili ko. Pagkatapos nun, wala nang sumunod na messages galing sa kanya dahil naglog-out na ako, nabwiset ako. Hindi ko namalayan umaga na pala, kaya kinuha ko bag pack ko at nagdesisyon nang lumabas at umuwi na.

Sa aking paglalakad biglang sumakit ang ulo ko, sakto nasa tapat ako ng isang coffee shop. Pumasok ako at nag-order ng black coffee, inaantok na talaga ako, kaya hindi ko na inubos ang kape ko.

Naglalakad ako nang biglang may sumitsit sa akin, paglingon ko isang napakagandang babae.

Babae: Naiwan mo bag mo, hehe.

Ako: Ayy wow, maraming salamat…

Sa sobrang kagandahan niya ay hindi ko na mapigilan magpakilala…

Ako: Maraming salamat ha, ako nga pala si Akoni.

Sabi ko sabay alok ko ng aking kamay.

Babae: Ako nga pla si Cheska.


Buwan ng February 2009 ko siya nakilala at naging kami, nagmahalan at nangako sa isa’t isa na habang buhay kaming magmamahalan, at walang magluloko.

Buwan ng February 2011. Araw ng Sabado nung maiwan niya ang kanyang selpon sa house namin, at makita ang hindi ko inaakalang magagawa niya sa akin. Napanood ko ang isang video sa selpon niya na may kaseks siyang lalake, guess what? Hindi ako 'yun. Hindi ko alam kung sinadyan niyang iwan ang cell phone niya para makita ko o aksidente lang niya naiwan. Ang alam ko, walang kasing sakit ang ginawa sa akin ni Cheska.

February 07, 2012 na ngayon, tatlong taon na ang nakakaraan, pero parang kanina lang ang nangyari. Bumabalik muli sa aking isipan ngayon ang ginawa sa akin ni Cheska. Kung nakinig lang sana ako sa kanya nun, kung pinaniwalaan ko sana nung ka-chat ko siya, hindi sana ako ngayon nadudurog.



Maraming salamat sa pagbabasa.




*FUCKTION pala ito

Monday, February 6, 2012

Test



Test! Test! Test...

Testosterone 1, 2, 3!

Nandyan pa ba kayo?

Test! Test! Test...

Testosterone 1, 2, 3!

Nandito na ako ulet.

Test! Test! Test...

Testosterone 1, 2, 3!

Game?!