nuffnang

Wednesday, June 29, 2011

CRAZY-EL 2


Nagpatuloy ang pagkakaibagan namin ni Ginny (alisin ko na demonita, kasi princess kikay daw siya, grraawwwkkkkss), nagkaroon ng foundations dahil sa pagsasabihan namin ng mga hinanakit sa buhay, nagkasabihan ng mga ilang sekreto, ng mga kalandian, at kung anu-ano pang shit.

Hanggang sa dumating ang araw ng fuckition ko, nag-set up ng EB ang mga taga PR101 (na natirang nagmamahalan bilang magkakaibigan), syempre kasama dun si haaayyy princess Kikay.

Pero dahil si hay naku princess Kikay ang highlights ng blog na ito, sa kanya lang muna tayo mag-focus, say Hi nalang to, makal chastine, ram the peter pan, ate yna, Ashley at Julie, miss you guys.

Saan na tayo? Aahh okay, yown nga, nagkita kami lahat sa pambansang tagpuan, ang MOA. Kasama ko si heaven, nagkachikahan, nagkakainan, nagkakantahan, nagkalaruan, nagkapiktyuran, nakaadikan at kung anu-ano pa.

Dun ko napatunayan ang lubos na pagka…wait, handa mo muna sarili mo dahil caps lock na naman to, ang lubos na pagka-TANGA (with echo) niya sa pag-ibig. Naasar ako sa kanya sa mga oras na un, biruin mo, kahit saan kami mapunta, sa videokihan, sa timezone, sa restaurant, kahit saan, lagi niyang kausap ang VBF niya na hindi man lang niya nadilaan ang ABS? anak ng asukal parang naka-glue ata ang telepono sa kanyang tainga.

Imagine without thinking, sa timezone na sobrang ingay, nag-uusap parin sila? Habang kumakain nag-uusap parin? habang naglalaro nag-uusap? Wala akong ibang marinig sa kanya kundi,

aayy bebe koooowww,

hehehe beh naman eh,

oohh yeaahh beh sige pa beeyybeyyhh,

Pero kapag magsasabi naman siya sa VBF niya ng, “Beh magkita naman tayo sa personal oh”, bweeh at bleehh ang nangyayari sa kanya, in her face, LOL.

Hindi kami nagkaroon ng time para makapag-usap dahil nga sa laging nakadikit ang telepono sa kanyang tainga, ang adik ng loka, sun cellular ba un? Ung 24/7 daw ang tawag? Ewan.

Hanggang sa nung pauwi na kami saka siya natauhan na hindi man lang kami nakapagchicka, kung kailang uuwi na kami ni heaven saka makikipag-usap ng haist princess kikay.

Kinausap niya si heaven,

Puwedi ko bang mahiram si Akoni ng isang araw?”

ayy ang tanga (echo), yan ba naman ang sabihin sa heaven ko? syempre hindi pumayag ang heaven ko dahil kung anu-ano tuloy ang pumasok sa isip niya, kung bakit ako hihiramin? Kung bakit isang araw? Eh hindi niya alam na may pagka-Maria Clara si heaven, walang kaalam-alam ang heaven ko na nagpalit na ng apelyedo si Maria Clara, naging Maria Ozawa na siya ngayon, kaya ayun, naisip tuloy ni heaven na libog ang gagawin namin, ang pag-uusapan namin.

Syempre hindi pumayag si heaven kasi akala niya isang araw talaga, pinag-isipan tuloy kami ni heaven na may something na nagaganap sa amin dalawa, buti nalang sana kung mayroon para ayos lang kung mapagbintangan at least enjoy kahit napagbibintangan diba?, kaso wala eh, wala, wala, wala, akala nila mayroon, corny.

Talagang babaeng version ko si arrrrr princess kikay, kapag nakikita ko siya, feeling ko gurl ako…LOL

Itutuloy…


Monday, June 27, 2011

CRAZY-EL 1

WARNING: RATED 18


2008 nang magkakilala kami sa meebo, may chat room tambayan kami dun dati, ang Pinoy Republic 101 o PR101, baka natambay ka nun minsan, Gentle devil at The_monyo ang usernames ko dun, ang anghel ng dating diba? (Insert maalala mo kaya theme song), pero nung dumating ang bagyong si Ondoy natangay pati chat room namin, binaha at nalubog na hanggang sa naglaho nalang na parang unang pag-ibig.

Parang unang pag-ibig, masaya sa umpisa pero kadalasan nakakalimutan at nawawala na parang bola, ganown ang nangyari sa tambayan namin. Pero kahit ganown ang nangyari, nanatili parin ang pagkakaibigan namin ni, tawagin nalang natin sa tawag na mala-anghel ang dating, demonita.

Ang harot-harot niya at ang landi-landi niya, pero bwesiiiiiiiiiiiiiittt siyaaa!! ako lang ang hindi niya nilalandi, ako na kaibigan niya, ako na palaging nag-bibigay ng advices sa kanya, ako na ang kyut niyang kaibigan, tapos hindi man lang niya magawang landiiiiiiiiiin? Wala siyang kwentang kaibigan, kaya demonita ever siya to me, I hate her for that, *devil’s laugh*

Anyway, calm down muna tayo, may araw ka din hayop ka.

Kahit hindi pa kami nun nagkikita ng personal ay maganda ang friendsip namin, masaya siyang kausap, parang kausap ko lang ang sarili ko sa ibang daig-dig. Napakaganda ng mga words namin kung mag-usap, “tangnamo, hayop ka, kamusta ka na?”,Ayop ka, kamusta na buhay pag-ibig mo, magkita na kayo ng boyfriend mo para hindi ka panay sariling sikap”, “Potah, ang sikip na nga eh, baka karayom nalang kakasya dito”, “kamusta demonyo ka, makikipagkita na daw siya sa akin next month?” Ganyan kami magkamustahan, parang nakakain ng isang garapon na betsin at nakasinghot ng pinaghalong utot at usok ng katol.

Kadalasan ang problema ng demonita na ito ay buhay pag-ibig niya, ang gulo kasi, or let’s say, ang TANGA (oo, capslock yan) niya kasi. Nainlove siya ng todo-todo to the max and Kenny Rogers sa isang lalakeng 21 years old na may pag-iisip na 10 years old, dahil hanggang ngayon ay hindi pa niya nagagawang lumayo sa mga magulang niya ng 50 meters away para makipagkita kay demonita, kahit hindi naman aabotin ng isang buwan ang biyahe papunta ng manila.

Kahit na nga si demonita pa ang nag-effort nun na puntahan sa lugar niya eh hindi parin nakipagkita ang ulopong. ‘yun ang hindi ko magets eh, kinukulong mo ang isang tao sa pag-ibig mo, pero hindi ka man nakikipagkita sa kanya? Naaawa ako tuloy kay demonita, panay paglalaway lang siya sa magandang ABS ng kanyang BF.

Hindi lang kasi 10 beses na-indian ng Boy friend niya eh, set-up siya ng set-up ng date na magkikita na daw sila, pupuntahan na daw siya, pero pagdating naman ng araw na yon, natutuyoan na tooottoott ni demonyita sa paghihintay wala parin, balik self satisfucktion ulit sila.

Oo, may boyfriend siyang na sa loob lang ng computer, dun lang sila nagkikita at nagpapakitaan, at hanggang ngayon ay hindi parin sila nagkakatikiman, mga kawawang nilalang, may rashes na siguro mga tootttooottot nila, parang ang karelasyon lang nila ay ang kanilang mga kamay, LOLOL, ang saklap.

Halos araw-araw nun may e-mail sa akin ang demonita na ito. Kadalasan ay mga sumbong niya tungkol sa VBF niya, keso ayaw daw makipagkita ang VBF (Virtual Boyfriend) niya dahil daw ayaw ng parents niya na pumunta sa malayong lugar (ayy putcha), pinagpalit na daw sa ibang babae at kung anu-ano pang shit. Tapos isang araw, biglang sasabihin na naman sa akin na mahal na mahal daw siya ng lalaki niya, ayy putcha ulit, alam niyo un? ung isang araw puro hinanakit ang sasabihin sa’yo tungkol sa VBF niya, tapos fully support ka naman at nahihirapan ka pang mag-isip ng eaadvice mo sa kanya (kasi baka saksakin niya dibdib at toottoott niya), para lang mapagaan ang kalooban niyang malibog?

“Ayos Lang yan, hindi siya deserving sa pagmamahal mo, move on ka na, okay friend? Hindi pa naman kayo nagkikita ng personal eh, marami pa dyan sa paligid ligid mo”

Tapos biglang kinabukasan, may e-mail siya ng ganito…

“Ayyy ang saya-saya ko, mahal na mahal ako ni ulopong, magkikita na daw kami this coming month, ayyy yang saya.” Ang potah lang diba?

Para siyang sirang ulong plaka na paulit-ulit tungkol sa ulopong niyang VBF na hindi man lang niya nadilaan ang kanyang magandang ABS. Haaayyy ang pag-ibig nga naman, napaka-brutal, sa kanya.

itutuloy....


demonita real face



Sunday, June 26, 2011

Whatever daw


Kanina pa ako nakatunganga dito sa harap ng Computer ko, mga ilang minuto narin, gusto kong magupdate ng blog pero wala akong maisip na paksa, buti nalang nandito ang new roommate ko, ngayon may idea na ako.

Katabi ko ngayon ang kaibigan ko (roommate ko), sinasabunotan niya ako habang tawa ng tawa, hindi ko alam kung ano ang nakain niya, betsin?

Ngayon ay tinatanong niya ako kung anu daw ang nakukuha ko sa pagba-blog, pero hindi ko siya sinasagot, basta tuloy-tuloy lang ang pagtitipa ko, sinusundan ko ang kanyang mga sinasabi.

Ayun na naman tatawatawa, sabi eh "Oh ano mayroon sa pagbablog, yayaman ka ba dyan?" tapos sinundan pa niya ng "Anong klase ba yang blog mo?". Ewan  ang bilis niya magsalita, hindi na mahabol ng kamay ko lalo na ng utak ko.

Tinanong ko siya kung ano magiging title nitong sinusulat ko, sabi niya "Whatever!" with diction pa, ang tarhossss-tarhoosss niya.

ewan hanggang dito nalang, sasapakin ko nalang ito.

Pasensya na pala, nasayang lang ang ilang segundo ng buhay mo.


Saturday, June 25, 2011

Mula sa banga



Nangiti naman ako ng makita ko ‘to sa isang lumang folder ko, hindi ko na matandaan kung kailan ko ‘to sinulat, buti nalang may nakalagay na date, hehehe. Isa ito sa mga hindi ko naitapon na sinulat ko nung nag-uumpisa palang akong sumulat. Dati pa mahilig na ako magsulat ng kung anu-ano, pero hindi ko pinapabasa sa iba, tinatago ko ito hangang sa makalimutan ko na o tinatapon ko nalang pagkatapos kong basahain. 2009 ako magsimula magsulat, at 2011 ako nagkaroon ng lakas ng loob na ipabasa sa ibang tao, kaya heto ako ngayon sa blogger.com nangkakalat ng mga kalokohan at guni-guning ligaw.

Dahil tinatamad ako mag-isip ng isusulat ngayon at mag-type, inserted ko nalang ang scanned image nya...LOL
BASA....