nuffnang

Friday, May 20, 2011

Guni-guning ligaw



Nandito ako ngayon sa paligid-ligid ng isang bahay kubo na puno ng linga, at mga sari-saring halaman. Sa likod nito ay may isang buko ng papaya, inakyat ko pero pagdating ko sa dulo ay nabali ang sanga, nahulog ako kaya nagkagalos ang sampung mga daliri ko, ang kamay at paa, pati dalawang taenga, pero salamat dahil wala naman sugat sa dalawang mata ko, at maganda parin ang ilong ko.

Malapit ang bahay kubo sa dagat kaya tumakbo ako doon para hugasan ang mga sugat ko, nabigla na naman ako sa aking nakita, mayroon mga alimango kaya tuwang-tuwa ako, sinubukan ko silang hulihin pero mahirap sapagkat nangangagat.

Lumayo ako sa mga alimango, pumunta naman ako sa dako paroon, sa may harden ng mga bulaklak na sumasara at bumubuka, nilakbay ng aking paningin ang buong harden ng mga bulaklak para hanapin ang reyna na papasok, wala naman. 

Mga paru-parong bukid lang na lilipad-lipad ang nakita ko, sinubukan ko silang hulihin pero sadyang mailap sila, parang pag-ibig. Napagod ako sa kakahabol sa mga paru-paro, kaya umupo muna ako sa gilid ng balong malalim sa may gitna ng harden, sinilip ko ang balon at nakita ko ang sampung palaka na lumalangoy-langoy, pataas pababa, paikot-ikot, pero hindi ko narinig ang sabi ng kanilang nanay at tatay.

Huminga nalang ako ng malalim, tumingala sa langit. Pinikit ko ang aking mga mata, pagdilat ko umagang kay ganda na pala.







Thursday, May 19, 2011

Sabi nila...


Tapos na ang oras na binigay ko para umamin ang mga mambabasa ng AKONIlandiya na natatawa o nangingiti sila sa mga pabasa ko.

Bago ko umpisahan, nais ko munang magpasalamat sa inyong lahat. Maraming maraming salamat, sana nandyan parin kayo kahit puro giniling na kalokohan at guni-guning ligaw sa utak lang ang mga pabasa ko, pasensya hanggang dyan lang ang kaya ng utak ko.

Nwe, narito na sila, ang mga magigiting na bloggers na naglaglag na ng kanilang emosyon dito sa Akonilandiya, nakakataba ng puso ang mga komento nila.

Para maitindihan mo ang guni-guni kong ito, huwag mo click dito, dapat sa kabila mo click, ayy dito nalang, sige dito nalang click mo.

Ladies first tayo…be gentledevil naman kahit minsan.

1. “Syempre nangiti na naman ako. hehe. You really deserve it. At kahit hindi na ipasa ok lang ang importante nasa side bar. haha.. I'm sure hindi lang ako ang napapangiti sa mga post mo! :)- Mayen

- Si Mayen, ang nagbukas ng pinto para maisipan ko ang blog na ito, maraming salamat iha. Ramdan na ramdan ko ang bawat guhit ng kanyang ngiti at ang bawat halakhak niya sa mga banat ko. Hindi mo na kailangan suntokin ang ilong mo para dumugo, basta click mo dito, para malaman mo. Matututo ka ng leksyon sa blog niya.


2. “Akoni #2 ako! pagdating ko ngayon 15 na comments siguro pang 15 na ako sa listahan. hehehe! Wag kang titigil sa pagsusulat or else kulang ang araw namin. Love ko mga side comments mo sa mga lines gaya nitO:

gusto kong yakapin, at mahalin, juk, ayaw kong makilala ng mukha ko ang kamao ni JED, or ito: Maglagay ng matamis at masarap na ngiti sa delicious mong face bago basahin.”- Sey

Si Sey, isa sa mga inaabangan ko ang comments niya sa bawat post ko, masarap kasi basahin ng paulit-ulit. Hahanga ka sa babaeng ito, promise, hindi mo pa nakikita mararamdaman mo na. Ramdan na ramdam ko sa kanya na may silbi ang pagpapatawa ko. Click mo dito, para malaman mo. Oo nga pala, magtabi kana ng tissues.

3. “tnx mayen sa pagbibigay mo ng award na yan sa anak ko..
ikaw din anak nagbibigay saya sa akin d2 sa blog world.” – Mama

Si Mama  my biggest fan, pinakaloyal sa inyong lahat, tapos maganda pa. (Mama, ‘yong final season ng SMALLVILLE ah…hehe). Ilalaban niya ako ng karatehan sa leeg, dahil anak niya ako, at cute niya ako. Pasokin mo ang mundo niya, para magkita tayo don. Magteleport ka, wag kang iihi doon.


4. “neks namen deserb mu naman kua Akoni coz ur a funny guy...jejejejejeje...

congratulations!!!!” - Grabe kakaawa ka naman ngsuka ung pwet mu..me tinitinda bang diatab sa riyadh?!Lhuloy

Si lhuloy, ang nakakatuwang jejemon mag-type, isa din sa mga inaabangan ko ang comment niya sa mga post ko. Tingnan mo naman, pati dito dinala ang pagsusuka ng puwet ko noong isang araw, jejeje. Alamin natin ang career niya, buhay niya, SO niya at mga drama niya, tumambling ka dito, tapos lundag dito at click mo na dito dahil corny na.


5. “Congrats! Dong Akoni..” -Joey

Si Joey or Tame – Isa din sa mga regular na nagbabasa ng mga post ko, na sobrang naghahatid ng kiliti sa akin, ang mga comments niya. Masipag ‘to dati mag-komento, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya lately at bakit ngayon lang nakapag-comment ulit, paging tameeee…paging, why? Wala siyang blog site, pero laging nagbabasa ng mga post ko.


6. “Hehe.. natatawa rin ako sa mga posts mo, Akoni. And I'm wondering, bakit wala ako sa listahan? hehe.. Dyuk! Ang galing lang tlga ng mga humor blogs.. nakaka entertain. :)

P.S.

Ntatawa na rin ako ngayon ke Bino. hehe.. nice post! you should write more often.. AGREE! Hahaha!!!”Leah

Si Leah – ang babaeng kuracha ng blogspero, ang dami niyang blogs site. Minsan-minsan lang ‘to magkomento sa mga post ko, pero sulit naman once na mag-ewan ng komento dahil prang blog na sa haba, natutuwa ako sa’yo miss leah, paenge pizza. Click mo dito, tapos dito, at dito, haayy dami.


7. “congratz!! Nakakatawa ka talaga! maraming beses mo na akong pinatawa! Mas lalo ngayon..tawang-tawa talaga ako sayo! hahahahahahahahahhaha! at marami pang hhaahahahahahahha!

patawa din itong word verification mo! PANTE daw!! wahahahahaha! kaloka!!!” -Iya_khin

Si Iya_khin, isa sa pinaka-close ko dito blog sphere, when I say pinaka-close, malapit sa puso ko at puson, hehe. Paiba-iba nga lang ng mood, tulad ng comment niya ngayon, hindi ko alam kung natutuwa talaga siya o ano. Nahiya tuloy ako, nafeel ko! – Magaling ‘to gumawa ng poem at magaling mag-emo. Sabayan mo siya magdrama at umiyak dito.


8. “asus may award naman pala congrats! LOL- 

pero totoo pare mapablog o twitter lokuluko ka! hayop ang humor mo... Pakyu!”- MOKS

Si MOKS, bago ko lang naging kakilala, cool na lalake at nakakatuwa din mga post niya. Kinikilig ang puwet ko pag sinasabi niya ang “pakyu”, at ganoon din siya, nanginginig pati labi niya. Mag-donate ng “PAKYU” sa kanya, DITO.

9. “Ay hindi ako natawa... di ako kasama sa listahan... lels! Nyahahahahhahaha” Xprosaic

Si Xprosaic – Isa sa mga sikat na blogger, at natutuwa akong natutuwa siya sa akonilandiya. Ang pogi ng mama na’to, pagnasaan mo DITO at alamin ang mga produkto ng kanyang utak.

10. “Ninanman ko ang ng pakunti kunti ang post mong ito. Di ko nahulaan na sa blog award pala ito. Pero para kay mayen special nga ang award na natangap mo dahil natangap ko din yan.” Diamond

Si Diamond, makabayan, makatao at makadiyos na nilalang. Parang diamonds ang mga aral na makukuha sa mga blogs niya, tinalo niya ang batibot. Mapagmahal sa kapwa at parang chicaron ang mga banat niya, laging may laman. Mag-igib ng mga aral niya, DITO.


11. “congrats sa award..” Arvin

Si Arvin, malawak ang pananaw sa mga bagay-bagay, kahit surot ay kaya niyang gawaan ng poem, ultimo dahon nga e, surot pa. Hindi ko nga lang alam kung sino ang kinokonggrats niya, ako o ‘yong award? Digs natin ang mundo niya, DITO.

12.”ako natatawa din naman ako sa mga post pero at the same time kinapupulutan ng aral ang mga post mo eh. serious un. nice post! you should write more often lels” BINO

Si BINO, isa din sa mga sikat na blogger. Taas bumbonan ako dahil naging kakilala ko siya, nakakayabang ang maging kakilala siya, lalo na ang mapatawa ko siya. Salamat sa advice palagi, tatandaan ko ito lagi “Nice post! You should write more often” hahaha…parang spam lang. Ang damuhan niya ang pinupuntahan ko kapag gusto kong ma-HIGH sa mga kaalaman, lalo na sa pagsusulat ng blogs. Makihithit sa kanyang DAMO, dito.

13. “congrats sa well deserved na award. nakakatanggal stress kaya magbasa ng blog mo hehe.” Sean

Si Sean – Sa kanya ako humuhugot ng mga malalalim na salita. Lagi ako nakanganga kapag nagbabasa ng mga blogs niya, lalo na sa mga litrato na nilalagay niya. Maghubad ng pantalon at sungkitin natin ang mga sinasampay niyang kaalaman, DITO.

14.”ibang lebel ang humor mo sa twitter. ahahah. Pero sige, papalista ako kung ano man yun. lols. :p”Khanto

Si Khanto – feeling bata ako sa mga blogs niya, tulad ko rin siya mahilig sa anime at mga Korean movies. Matindi din mga banat na pinapakawalan niya, sa kuyokot mo mararamdaman. Atin alamin ang mga pakulo niya, dito.

15. Guni-guni readers – para sa mga nagbabasa na hindi na-iiwan ng ebedisya, naiitindihan ko kayo, mahirap talaga magbigay ng komento sa mga blogs ko,hehehe…Maraming salamat din sa inyo, stay tune lang palagi.

Sa mga hindi nailagay, pasensya na. Binase ko lang ang mga ito don sa previous post ko, atras ka dito. Pero puwedi ka pang humabol, para naman magkaroon ng part ito 2. Maglaglag kana ng emosyon mo dyan sa comment box, uulitin ko ulit, bawal umiihi dyan.

MARAMING SALAMAT!


Wednesday, May 18, 2011

Mga dapat ihanda kapag magmamahal




Rated R: Para lang sa may edad na labing walo pataas at pababa sa sweet 16.

Lahat siguro ng nilalang sa mundong ito ay nakakaramdam ng pagmamahal at gustong magkaroon ng minamahal at syempre gusto din mahalin. Pero nang dahil sa pag-ibig na ito, marami ang nasasaktan, marami ang nagdurusa, at minsan ay nagdudulot ng kamatayan sa isang tao.

At dahil mahal kayo ng Akonilandiya, magbibigay ako sa inyo ng mga dapat ninyong ihanda kapag magmamahal kayo at papasok na sa isang relasyon.

Gusto ko maging handa kayo, para kahit sa huli na hindi kayo magtagumpay o masaktan kayo ng sobra-sobra, gusto kong maging masaya kayong gago.

Narito ang mga dapat ihanda kung papasok sa isang relasyon at handa nang magmahal.

1. Tali - Siguradohin matibay 'yan, ung tali na tipong hindi mo na kailangan e-test para masubokan kung matibay.

2. Blade - Pinili ko ang blade sa lahat ng matatalim na bagay, dahil ito ang paborito ng mga emo (sumalangit nawa ang mga kaluluwa nila). Laging esi-check yan, everymonth kung maaari para maiwasan magkalawang.

3. Baril - Para mas mabilis na pagkawala ng sakit na nararamdaman, seconds lang ang titiis at wakas na ang buhay. Mas maganda kung double action at poisonous bullets ang ihahanda mo, mabuti na ang sigurado.

4. Poison - Kung gusto mo ng brutal na sakit, magandang choice ito. Para magmukha kang kawawa o nakakaawa habang nangingisay sa sahig. Magandang headline pa yan sa dyaryo.

5. Bangin - Humanap ng magandang location ng bangin, yong hindi matao. Siguradohin maganda din ang ambiance, para masaya.

6. Backhoe - Kung gusto mo maging sosyal na hayop.

Ilan lang yan sa mga ihahanda mo kung magmamahal ka at papasok sa isang relasyon. Tanga, hindi para sa'yo ang mga 'yan. Para 'yan doon sa taong mamahalin mo, kapag niluko ka at sinaktan ka. Gago nito, bakit ka magpapakamatay para lang sa pag-ibig? Siya ang patayin mo, itali mo ang leeg niya at ibigti mo, o kaya laslasin mo ang kanyang pulso o ang kanyang leeg, o barilin mo siya pero 'wag sa ulo dapat sa dibdib, o itulak mo siya sa bangin sabay tawa ng malakas, o ilibing mo siya gamit ang back hoe.

Hanggang sa muli po, sana ay nakatulong ako sa inyo kung paano maging kriminal, hehehe, juk lang gago, gawain yan ng mga professional killers.

Ikaw na ang bahala kumuha ng magandang aral dyan, kung mayroon. Maraming salamat!


Naglilingkod,
Akoni



Tuesday, May 17, 2011

Blog-ibig: Huling pahina


Liham

Lumipas na ang maraming araw, nagmahal na ang galosina, gulay sa palengke, na-laos na ang love team ni Judy ann Santos at Wowie de Guzman at tumaas na ang pamasahe pero hindi parin hinihiwalayan ni Kamil si Musingan, tuloyan nang nawala ang pag-ibig ni Kamil sa akin, nilamon ng mga branded na gamit at tsokolate mula kay Musingan.

Nasaan ang pangako niya sa akin, na hihiwalayan daw niya si Musingan? Nasaan ang pag-ibig niya sa akin? Laging tanong ko sa aking sarili habang umiiyak ang puso ko at pilit na pinapatahan.

Umasa ako na isang araw, makakakita ako ng love letter mula kay Kamil. Para akong tanga, araw-araw ay sini-check ang notebook kung may nakaipit na love letter ni Kamil, pero bigo ako palagi.

Gusto ko siyang kausapin ng harapan, pero wala akong lakas ng loob. Nawala ang self-confidence ko dahil sa mga naririnig ko tungkol sa kanila at sa mga nakikita ko.

“Alam mo, laging tumatambay si Kamil sa bahay nila Musingan.” Ang pumapatay sa puso ko araw-araw.

Graduation day, nahahati ang kasiyahan na nararamdaman ko. Pagdating ko sa school si kamil parin ang hinanap ko, pumasok muna ako sa room namin nang…

“Akoni, may nagpapabigay sa’yo.” Sabi ng babae, hindi ko siya kilala pero familiar sa akin ang stationary, kay kamil un, yon palagi ang binibigay niya sa akin. Nakaramdam ako ng tuwa, sobrang saya ko, sa wakas…

Binulsa ko muna ang love letter, hindi ko na nabasa dahil tinawag na kami. Naisip ko, babasahin ko nalang kaharap si Kamil, para mas masaya. Kinilig na naman ako, alam ko, ako ang pipiliin ni Kamil, ito na siguro ang sinasabi niyang tamang panahon, baka sinabi na niya kay musingan na break na sila dahil ako ang tunay niyang mahal.

Natapos ang graduation na masaya ako, haayy salamat sa aking Kamila. Sinabihan ko parents ko na mauna na sila ng bahay, dahil magkikita-kita muna kaming magkakaibigan.

“Si kamil, nakita niyo?” tanong ko Kay Sey, habang kausap sila mayen at leah.

“ha?” parang nagulat na sabi ni Sey

“Nandon sila sa likod, sa may garde…” naputol na sabi ni Leah, dahil pinigil siya ni Sey.

“kinabahan ako, bakit may “sila”? sinong sila? Sino kasama niya? nagulo na naman utak ko, kinabahan na naman ako, pero pinuntahan ko parin.

Nandon nga si Kamil at kasama si Musingan, nakaupo sila sa may bato na magkahawak kamay. Nadurog ang puso ko sa akin nakita, naramdaman kong tumutulo na ang mga luha ko sa both eyes ko, unang pagkakataon, iyakan ko si Kamil.

Dinukot ko ang love letter na galing sa kanya at itinapon, ngayon alam ko na kung ano ang laman ng liham na ‘yon, malinaw na sa akin ang lahat, kung sino ang pinili ni Kamil.

Para akong tangang statwa na nakatayo habang iniiyakan ang nagaganap na pagmamahalan ng dalawang tao na dumurog naman sa akin puso.

Ilang minute lang ay may narinig ako boses…

“Sorry Akoni…” sabi ng boses, nagulat ako kaya dali-dali kong pinunas ang mga luha ko, bago maging muta.

“Bakit hindi mo kaya basahin ang sulat na ‘to…” sabi ng boses, pero alam kong si Sey yon. Nilagay niya sa kamay ko ang sulat…

“Alam mo, mas maganda na harapin at tanggapin mo ang lahat ng sakit. Ngayon nasa harapan mo na ang sakit, isa lang ang kulang, ang tanggapin mo, kaya para matanggap mo, basahin mo ang sulat niya” sabi ni Sey.

May tama si Sey, ayaw kong dalhin ang sakit na ito sa pagpasok ko ng college, gusto kong iwanan dito sa mismong kinatatayuan ko.

Binuklat ko ang sulat…

Pagkatapos kong basahin ay nangiti ako at nilingon ko si Sey…

“Tara…sabay na tayo umuwi…” sabi ko sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay.

“Sa enrollment sabay tayo ah…” sabi ko kay sey.

“Sige, daanan mo lang ako sa bahay” sagot ni sey.

Lumabas kami ng school at hanggang sa maihatid ko siya sa kanyang tirahan na magkahawak parin ang aming mga kamay.

Laman ng Liham:

Dear Akoni,

Gusto kong malaman mo na matagal na kitang gusto, hindi lang pala gusto, matagal na kitang mahal. Mahal kita!

Iya_khin

WAKAS (BOOK 1)


Maraming salamat sa inyong lahat...mwah, hug, and tsup!