nuffnang

Thursday, July 7, 2011

Puwet



Matinding parusa sa puwet ang nangyayari sa amin tuwing magbabakasyon, matinding biyahe na nararanasan namin, kung saan-saan titigil at kung anu-anong amoy pa ang maamoy (sa mga bus).

Isa lamang akong hamak na contractor dito sa Company na pinagsisilbihan ko, ang employer ko ay nasa Al-khobar, isang agency na nagsusupply ng mga secretaries at labor workers sa mga malalaking Company dito sa Saudi Arabia. So, ganito yowwnn.

Dito ako naka-base sa Riyadh, kapag gusto na namin magbakasyon kailangan namin magbiyahe papuntang Al-khobar. Dun na mag-sisimula ang matinding pasakit sa puwet dahil sa dami ng biyaheng gagawin.


RIYADH


Riyadh - Mula dito sa tahanan namin, bibiyahe ako ng halos isang oras papunta sa terminal ng bus.


Pagkasakay ng bus, bibiyahe ng 5-6 hours papunta naman sa Dammam.
DAMMAM


Pagkatapos ng halos 6 na pagtitiis sa amoy sa loob ng bus, at pakiramdam ko ay pumaloob na ang puwet ko, hihintayin ang services company namin para naman dalhin kami sa Al-khobar.






AL-KHOBAR


Halo isang oras na naman pagpaparusa sa puwet to. Magstay muna kami dito ng isang araw habang hinihintay na matapos ang mga papeless namin.

Kapag tapos na ang lahat, kinabukasan ihahatid na naman kami sa isang bus station, another one hour parusa puwet.


Sasakay kami papuntang bahrain.
BAHRAIN


6-7 oras na naman parusa puwet ito at kung anu-anong amoy. Dito kami sasakyan ng airplane papuntang manila? wrong, papunta hongkong.








HONG KONG AIRPORT


Maghihintay na naman dito para sa finally, flight na namin papunta PILIPINAS.






PILIPINAS


Sa lahat ng nilagay kong pictures dito, ito ang pinakamaganda sa akin, at wala nang tatalo pa. Mahal kong pilipinas, nandyan na ako, maghugas kana ng puwet!




lahat galing kay google ang litrato.

Tuesday, July 5, 2011

Monthly LOKOHOSCOPE


Ito ay batay lamang sa mga giniling na kalokohan at guni-guning ligaw ng may akda, walang personalan, nagba-blog lang.



CAPRICORN


Hindi mo parin maiiwasan maging corny dahil ikaw mismo ang malaking joke. Lucky Vegetables and lucky animals of the month ay sitaw, mais at Ampatuans.

AQUARIUS


Ikaw ang nagdudulot ng pagbaha sa lunsod, dahil gustong gusto ng mga sirena at sukoy ang tubig. Gaga mo, may pamacho-macho ka pa sa logo mo, magdamit ka nga. Lucky fishes and lucky animal ay mudfish, catfish, tilapia, and itchuserang frog.

PISCES

Makakaluwag ka sa buwan na ito dahil matatapos na ang fish kill. Magiging mabenta ka na naman ulit, kaya gow na sa may bay walk tuwing alas 3 ng madaling araw.  Lucky customers and lucky day ay matrona/DOM, Friday night.


ARIES


Hahaba pa ng kunti ang sungay mo, dahil dyan ay hindi kailanman maghihilom ang broken heart mo. Lucky noodles at lucky ulam ay lucky me at pancit canton.

TAURUS


Magpatayo ka ng fraternity/sorority at tawagain mong TAU RU SIGMA, at ikaw ang president, vice president, treasurer, auditor, member, muse, prince charming, ikaw na lahat ugok. Lucky animal and lucky food ay corned beef and extra rice.

GEMINI

Kahit mini ka, cute ka parin. Syempre swerte ka sa buwan na ito dahil magbabakasyon ka. Magkakaroon ka na ng time para sa ibang tao, hindi yon puro sa sarili mo (insert dirty thought). Lucky brand and lucky building ay trust and SOGO.


CANCER

Nagmamagaling ka parin, gusto mong malaman ang nilalaman ng buong universe pero hindi mo gusto malaman ang sarili mo. Hindi tapang ang ugaling hamonin ng suntokan ang isang bakla, kung naghahanap ka ng sakit ng katawan, humanap ka ng taong GEMINI. Ang mga bakla, love ko mga ‘yan, kaya love kita, chooossssss. Lucky day and lucky time ay weekdays at 7 am to 4 pm

LEO


Leon ang logo mo, ibig sabihin mahilig ka sa karne, sa karneng hilaw. Lucky place and lucky time ay Isetan/Manila City Mall and 4:00 pm.

VIRGO


In demand ka parin sa buwan na ito dahil bihira na ang virgin sa panahon ngayon, effective ang pagkukunwari mong virgin ka pa at pagpapanggap na isa kang anghel na may dalang bulaklak. Lucky toy and lucky oil ay dildo at virgin oil.

LIBRA

Mahihirapan ka parin timbangin ang mga bagay-bagay sa paligid mo.Huwag mong hanapin sa mga tao ang solution sa problema mo, mag-umpisa ka sa sarili mo. Magpalit ka kaya ng timbangan, luma na yan eh. Ang laswa din ng zodiac sign logo mo, nakahubad, buti nalang kung nakaharap, sa tingin ko bayag niya ang nasa timbangan. Lucky person at lucky things ay ikaw at ako.

 SCORPIO


Bawas-bawasan mo ang pagiging adik sa computer, mali ang paniniwala mong sisikat ka rito. Mahihirapan ka parin tanggapin ang katotohanan na hindi nangyayari sa totoong buhay ang twilight. Pero mananatili parin mabisa ang kamandag mo. Lucky hobby at lucky place ay net surfing at bed.
SAGITTARIUS

Mabobosohan ka palagi sa buwan na ito, kaya maraming matutuwa sayo. Sila lang ang lucky dahil wala kang mabosohan, tsk. Hindi mo type ang Zodiac sign logo mo dahil isa itong tikbalang.




Sunday, July 3, 2011

Back to the past/future

 
From future

BACK TO THE PAST
Naalala niyo pa ba ung sinulat ko tungkol sa time machine? Ung kagustohan natin na makabalik sa nakaraan? Kung hindi pa, sundotin mo dito bebeh ko.
Akala ko kathang isip lang ang makabalik sa nakaraan, kathang isip lang ang mabalikan mo ang sarili mong nakaraan,  hindi pala, nangyayari na pala ito sa totoong buhay ng slight, sa amin mga OFW, oo pabalik-balik pala kami sa past at future.
Tuwing aalis kami ng pilipinas, parang naiiwan namin ang aming sarili sa airport, nappause muna sa aming utak ang mga alaalala, para kaming magta-travel papunta sa future.
Pagdating dito, inaalala namin lahat ng mga masasaya pati masasama/pagkakamila nagawa/nangyari sa amin sa pinas, parang nakaraan na masarap/mapait namin binabalik-balikan sa amin isip.
Dito namin lahat marerealized kung anu kami sa pilipinas nung nandon pa kami, dito namin marerealized na marami pala kaming dapat ipagbago, na kaya pala namin magbago, marami pala kami dapat gawin resposibilidad, marami pala nagmamahal sa amin, may pag-asa pala kami, may dapat ihingi ng tawad, may dapat patawarin, at kung anu-ano pa at si atbp, pati si etc. Ganyan kami o ako, parang nakaraan sa akin ang buhay ko sa pilipinas, which is talagang nakaraan un, LOL. Pero yon talaga ang feeling ko, nandito ako ngayon sa future.
Sa maniwala ka sa maniwala ka, nandito ako ngayon sa FUTURE. Ang pinas ang nakaraan ko o ang kasalukuyan ko na iniwan ko muna pasamantala. Ganito kasi yowwn, kaya ko nasasabi na nandito ako ngayon sa future ay dahil parang namumuhay ako sa future, paulit-ulit? Halos lahat kasi ng makikita mo dito ay wala pa sa pinas, parang future pa sa pinas, lalo na pagdating sa technologies, mga sasakyan, pagkain, tapos yong mga mura na dito sa pinas ang mahal pa, basta madami, advance dito ng kunti.
Kaya oo, nasa future ako ngayon, ang astig ko noh?
Nandito kasi ang future namin, ang future ko. Nandito ang future ng pamilya namin, nandito ang future ng mga mahal namin sa buhay, at si kung sinu-sino pa. Nandito ako para sa ikakaayos ng mga naiwan ko sa pilipinas, para sa ikakabuti ng kasalukoyan nila, ng pamilya ko at syempre ng sa akin.
Sa tuwing babalik (bakasyon) kami ng pinas, sakay ang time machine (airplane), ang saya-saya namin, iikot muli ang mga alaala sa amin utak, ang mga gagawin, at ang mga hindi na gagawin. May mga pangyayaring aayosin na namin sa amin pagbabalik o pagbisita, tataposin ang mga hindi natapos nun, dudugtongan ang mga nabitin na pangyayari nun, at aayosin na ang sarili.
Kapag nasa pinas na, at ayos naman ang kasalukoyan buhay, magdadalawang isip na kung babalik parin pa sa future o mananatili na sa nakaraan/kasalukoyan.
Masaya ako ngayon, dahil magtatravel na ako sa akin nakaraan/kasalukoyan. Sana maging maayos ang lahat, para hindi ko na kailangan “BACK TO THE FUTURE”.

Friday, July 1, 2011

According to AKONI: Silang mga prutas


Hello earthlings, Ang dami kong nakain na fruits ngayon gabi lang, nagfruits salad na sa tiyan ko. 

Dahil dyan naispired me kumanta, kantahin lahat ng fruits na nakain ko, at gawaan ng blog.

Okay, sing with me...handa awit..

Water Melon, water melon
Papaya, papaya.
Saging, saging, saging,
Fruits salad, fruits salad.

Siguro naman eh, alam niyo ang kantang iyan? Kung hindi niyo alam kung paano kantahanin yan, fine! kebs, basta may kanta na ganyan.

Para may silbi naman ng kunti itong post ko, magbibigay ako ng ilan sa mga facts about sa mga prutas na nabanggit sa lyric.


Water Melon, water melon


Water melon - Ang water melon ay isa sa summer fruits na paborito ng nakakarami. Pero alam niyo ba na ang watermelon ay hindi prutas? Ang gulo noh? summer fruits tapos hindi prutas, ano ba talaga kuya?

Isa itong hayop, syempre hindi totoo yan shunga. Isa itong vegetable, ung vege na nasa table? hehehe, corny. Ung nga, vegetable ito, kamag anak niya sila, tito pumkins, cuz cucumber, and auntie squash. Pero para sa akin isa itong H2O, paano kasi 92% daw nito ay tubig, at 2% lang dito ay anak ng asukal. Tanong, nasaan ang 6%?

Oo nga pala, mag-ingat kayo sa pagkain nito kapag unripe kasi slightly acidic itech. Fact, sa Israel at Egypt ang may pinakamatamis na watermelon.

Papaya, papaya


PAPAYA - Ang papaya ay ang paboritong prutas ng mga PAPA na mahihilig sa YAYA, LOL. Itong prutas na ito ay ang isa sa pinakamayaman sa vitamin C, mayroon siyang 33% more vitamins C and 50% more potassium kaysa orange, may kompetasyon ata na nagaganap sa pagitan nila ni orange. Lalo na kay apple, dahil mayroon 13 times more vitamin C at higit doble ang potassium nito kay apple, ahhhmmmm, away na ito,  isang pawpaw family pa naman itong si papaya.

Ang unripe papaya naman ay mayroon itong enzyme na tinatawag na papain, kaya nitong mapalambot ang karne (tinola na ito). Ngayon alam mo na kung bakit malambot ang "papaya" ng mga babae.

Sapat na ang prutas na ito para makuha mo ang lahat ng vitamin C na kailangan mo sa isang araw, kaya dakma na ng papaya, GO!!!

SAGING, SAGING, SAGING


SAGING - Okay, ang banana ang paborito kong prutas, pero hindi tulad ng nasa larawan sa taas ang paraan ko para kainin. Alam niyo ba (para genius ang dating) na mayroon iba't ibang uring banana sa buong mundo? mayroon itong 1000 different types, OMG diba? Ilan types na ba ang natsupa natikman mong banana? Wala me masyado masabi sa prutas na ito kasi na-explain ko na ang silbi nito sa isang blog ko, ano 'to paulit-ulit lang? Syempre Oo, hehe.

Ang babana ay nagpapasaya o nagpapaganda ng mood, kasi ito lang ang prutas na mayroon amino acid, tryptophan plus vitamin b6, na tumutulong sa atin katawan lupa na magproduce ng serotonin, ito ung chemical na nagtatanggal ng mental depression natin at nagpapasaya sa atin mood.

May tsismis din, alam niyo ba na ang banana "tree" ay hindi talaga tree? (ooohh come on), Oo ung ang ugong-ugong mula sa mga unggoy, hehehe. Dahil isa itong giant herb, ang banana ang prutas ng herb na itech, ang astig diba? At ang isang pirasong saging daw ay "finger" ang tawag, (ooohh come on), ay oo, maniwala ka. Ito pa mga pare't mare, ang babana na ito ay ang pang apat sa largest fruit crop sa buong mundo, haayyy..sunod ito sa wheat, rice at corn.

Number 1 fruits ito sa america, umaabot ng 28 pounds each year, mas marami ang nakakain nilang banana kumpara sa apple at orange, kahit magsama pa ang dalawang iyan, away na naman ito.

FRUITS SALAD, FRUITS SALAD


FRUIT SALAD - Kapag kumain ka ng fruits salad, yan ang magiging resulta (Larawan sa itaas nito), dyan lahat mapupunta, haha. Macedonia ang tawag dito maliban sa fruit salad, ito ay pinaghalo-halong mga prutas, alam na natin to lahat.

Hanggang dito nalang, masakit na ulo ko at ang mga beautiful eyes ko, almost 2 am na in the f#ck*ng morning, ung mga labahan ko pa nalulunod na sila.

hanggang sa muli earthlings!!


Mga pictures galing dito