Babala: Pananaw lang sa buhay, puweding kontrahin at puweding gagohin.
Matatapos ko na sana ang time machine ko kanina, as in isang turnilyo nalang ang kulang
Napaisip kasi ako, ano ba ang babalikan ko sa nakaraan? Bakit pa, kung maganda naman ang buhay ko ngayon? Bakit pa ako susulyap sa nakaraan ko, hindi naman ako sigurado na mababago ko ang kasalukoyan ko ngayon. Baka masira ko pa ang “ako” ngayon at mawala pa ang mga mahal ko sa buhay, ang mga kaibigan ko at lahat ng mga taong mahahalaga sa akin, ayaw ko silang isakripisyo dahil lang sa ambisyon at kaartehan kong makapunta sa akin nakaraan o para lang ibahin ang nakaraan ko.
Sasabihin mo sa akin, susulyap ka lang sa nakaraan? Fine, nakakasigurado ka bang hindi ka maaakit na bagohin ang makikita mong pagkakamali mo? Nakakasigurado ka bang hindi mo ulit mararamdaman ang sakit na naramdaman mo noon? Nakakasiguro ka bang hindi masisira ang kasalukoyan “mo” ngayon? Hell NO, amen!
Mali man o tama ang mga nangyari sa akin sa nakaraan, hindi ko na dapat pang bagohin ‘yun. Dahil sa mga pagkakamali at mga tama sa ulo ko sa nakaraan ko ay ito ako ngayon, isang simply pero rock na tao, hindi makinis at hindi magaspang, tama lang ang timpla, hindi pogi pero masarap, hindi matalino pero mautak. Ito ang gusto ko parang HBO lang, simply the best.
Pero oo, inaamin ko. Nangangarap pa ako ng higit pa dito sa buhay ko ngayon, pero hanggang doon nalang, kung matutupad, edi salamat ng bongga, kung hindi, edi tuloy ang pangarap, ganun lang kasimple ang buhay, tayo lang naman ang nagpapagulo nito e.
Satisfied at satissex pati satisseven na ako sa buhay ko, hindi ko na kailangan ang time machine para lang balikan ang mga pagkakamali ko sa aking nakaraan para ayusin at hindi ko na kailangan sulyapan pa, nandon na 'yun e, kung nagkamali edi hingi nalang ng patawad, ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kasalukoyan ko, aayosin at pagbubutihan ko nalang para maging maganda ang hinaharap ko hindi lang para sa akin kundi para sa magiging anak ko at mga mahal ko sa buhay. Sana nga lang 'yun ang naka-destined sa akin, amen!
Tama na sa akin ang isipin minsan ang mga pagkakamali ko sa akin nakaraan para kumuha ng lakas at maganda idea na puweding magamit sa kasalukoyan ko ngayon. Ayaw kong gulohin pa ang dating ako dahil kung mangyayari ‘yun, hindi na ako magiging ganito kasaya, walang makakagaranteya sa akin noon. Kahit ano man ang mangyari, AKONI.
Pero, hehehe, may pa-pero-pero pa akong nalalaman ah. Kung maganda naman ang nagyari sa'yo sa nakaraan at shet ka naman sa kasalukoya, ibang usapan na yun. TNT (Tawa Ng Tawa) sa susunod na blog ko na natin 'yan pag-uusapan, inaantok na ako. Hinihintay ko lang pumasok ang March 1, 2011. TNT
Loading...
Tama na sa akin ang isipin minsan ang mga pagkakamali ko sa akin nakaraan para kumuha ng lakas at maganda idea na puweding magamit sa kasalukoyan ko ngayon. Ayaw kong gulohin pa ang dating ako dahil kung mangyayari ‘yun, hindi na ako magiging ganito kasaya, walang makakagaranteya sa akin noon. Kahit ano man ang mangyari, AKONI.
Pero, hehehe, may pa-pero-pero pa akong nalalaman ah. Kung maganda naman ang nagyari sa'yo sa nakaraan at shet ka naman sa kasalukoya, ibang usapan na yun. TNT (Tawa Ng Tawa) sa susunod na blog ko na natin 'yan pag-uusapan, inaantok na ako. Hinihintay ko lang pumasok ang March 1, 2011. TNT
Loading...
ayos ito parekoy.. magaling.. wala na tayong dapat pang balikan sa nakaraan.. tama.. iyon ang dahilan natin ngayon eh.. at maaring magamit pa natin sa kinabukasan...
ReplyDeletesimple lang diba.. ayos parekoy... :)
Nyak! alam mo naman pala e!? iimbento kpa?!haha!
ReplyDeletepast is past..
Use your past to move forward for the better and the best!
hehe.. may masabi alng namiss ko ang blog world! ;)
asteg! kwelang panitikan ka na nman!
ReplyDeleteparang tntry yung mgpakadeep pero di
mu talga maiwasang di maging funny ih noh..
pasaway...jeje..yah sa totoo lang mrmi
kong gustong blikan sa nakraan, bkt mu
naman inihian! binigay u nlng sana saken
mrame namn akong turnilyo ditow...jejeje
(kemerloo ang churvanez!!)
Istambay - thankyou parekoy, napaka-simple kung pag-aaralan..hehe
ReplyDeleteMaldita - naks...galing..tama..I will use my past to move forward the, stop at the end..hehe...
mama - yes-yes..salamat u liked it..hehe..
Lhuloy - hahaha..ang hirap e, loko-loko kasi ako kahit sa personal..hahaha..sabi nila, funny daw ako not serrano.
----wag ka nang bumalik don, trust me hindi mo magugustohan un...hehe..inihian ko para matitano..haha
PWEDE!! actually naisip ko din sumakay sa time machine at ayusin ang mga gusot ko sa buhay, kaso kung di dahil sa maling yon eh si ako matututong lumaban.
ReplyDeletepero kung bibigyan ako ng chance makasilip eh babalikan ko yung panahon na buhay pa mama ko...naiiyak ako...totoo ngayon...iba kasi dating sa akin pag mama ko na ang pinaguusapan..
masakit na di mo makita yung mahal mo sa buhay bago sya pumanay...ayan na umiiyak na ako, ikaw kasi eh!
gusto mong malaman hanapin mo ang blog ko na 'A daughter's request" last year ng march...nagcomment pa nga sya pero dun nya nalagay sa isa kong post sa UNWELL tapos anonymous yung name kasi di sya marunong pinabasa ko kasi sa kanya. try mong silipin kung may time ka.....
nalungkot ako bigla....haaayyyy
Sorry iya_khin, if nalungkot ka ulit dahil sa post kong ito, nabasa ko na blog mo at comment ng mama mo..
ReplyDeleteKhit sino naman pagtungkol sa mama niya, kahit na ano kayang isakripisyo. Halika, hug nalang kita...sorry ulit. :(
kahit sino naman may pagsisisi sa buhay eh.. kung paano na lang natin tatanggapin. pero ang sarap naman ng time machine..kaso nga lang sabi mo nga mararanasan mo na naman ulit hindi lang masasaya pati na rin masasakit...
ReplyDeleteTuloy bigla ako napaisip sa nakaraan at ang time machine. May point ang post mo, ang mga idea mo at tama ka hindi ka mga matalino sabi mo pero mautak ka naman.
ReplyDelete-ikaw na?
ok lang...no need to say sorry...
ReplyDeletekamila - hohonga..nobody is perfect daw...sayang sinira kona time machine ko..hahaha..Oo, kasi babalikan mo nga,at pwedi rin masira ang hinaharap..:) kaya ko nga sinira e..LOL
ReplyDeleteredlan - thanks pre..magkaiba ang matalino at mautak..hehe..more on mautak daw ako..at masarap pa.LOL
iya_khin..kampay kaibigan.
Kaya nga eh ang mahalaga ay ang nasa kasalukuyan pa rin hehehe...
ReplyDeleteAdded u buddy...
Jag - Apir-apir-apir...hehe..sige wait me s bahay mo papunta na ako..thanks
ReplyDeletenapaka-insightful nito akoni. oo nga bakit kailangan balikan ang nakaraan kung pwedeng gugulan ng panahon ang ngayon para sa ganda ng kinabukasan.
ReplyDeleteayan.... di ko alam kung nagpost ba ang comment ko kanina or hindi... anyway.. uulitin ko na lang... magaling-magaling-magaling... I totally agree... hindi mo kailangan balikan ang nakaraan para ayusin ang pagkakamali mo... dahil puwede mo namang ayusin sa pagharap sa kasalukuyan... eh...
ReplyDeleteSean - ganun ba? salamat naman, kahit papaano may nasasabi akong kunting hindi kalokohan..hehe
ReplyDeletemusingan - mahina ang connection mo kung ganun, ibenta mo laptop mo tapos bili ka ng bagong connection. :)) Agree din ako sa sinabi ni akoni..
Agree. Past is past. Pero.......... ah, basta! gusto ko paring balikan ang high school life ko.. :P
ReplyDeleteat eto pala ang comment mo sa blog post ko sa http://mokong2007.blogspot.com/2011/05/time-machine.html/ ? okay! ang haba! teka... Pakyu ka rin!
ReplyDeleteTama ka wag na balikan ang nakaraan, ang akin lang naman base sa nasabi ko sa post ko sa http://mokong2007.blogspot.com/2011/05/time-machine.html/ balikan yung mga ginagawa ko noon na masarap gawin. Pakyu ulit.
At nagpromote ka pa sa blog ko hayup ka! LOL
Last na! Magpopromote din ako gn sa akin...
http://mokong2007.blogspot.com/2011/05/time-machine.html/
#lels