Dahil sa wala ang boss ko ngayon at wala akong magawa tapos inaantok pa ako, gawin natin mas malala pa, nagugutom ako.
Ginawaan ko ng seguel ang blog ko na "Istorya". hehehe.
Noo, ooooooooooooong unang panahon sa isang napaka,laaaaaayooooooong lugar. Pinamumunuan ito ng Hari at Reyan, pero hindi sila ang bida dito kundi ang kanilang anak na si prinsepe Imran.
Limang taon gulang palang si prinsepe Imran, pero siya ay hindi katulad ng ibang bata sa kaharian na masayahin at masigla. Siya ay payatot na bata pero kyut at sobrang tahimik, hindi masalitang bata ang prinsepe. Kung hindi mo pa siya tatanongin o kakausapin ay hindi mo maririnig ang kanyang boses, kahit nagugutom o may sakit siya ay iiyak nalang sa isang tabi o kaya ay hihiga nalang sa kanyang kama, kaya sa ganun din nakasanayan ng Hari at Reyna ang prinsepe na kapag ganun ang kinikilos niya, ang ibig sabihin ay gutom siya o may sakit siya.
Hindi siya mahilig makihalobilo sa ibang bata, pati mga laruan niya at bihira lang niya laruin. Kung saan siya ilapag o iwan ng Reyna ay doon na siya, hindi na aalis, minsan don na rin nakakatulog. Ang hilig lang ng prinsepe ay ang manood ng cartoons at pumapak ng nilagang itlog ng manok.
Dahil sa pagiging matamlay at pagiging sakitin bata ni prinsepe Imran, hindi na ito inaalis ng Reyna sa kanyang paningin. Ikinuha narin ng reyna ng sariling bantay si prinsepe Imran kapag may inaasekaso ang Reyna. Kahit saan pumunta ay Reyna ay laging sumasama ang prinsepe, kaya tuloy nabansagan siyang "Buntot ng Reyna" ng kanyang mga pinsan at ibang kamag-anak. Kahit kasi sa pagtulog ay gusto ng prinsepe ay katabi parin niya ang kanyang mahal na ina, minsan kapag nagigising ito na wala sa tabi niya ang kanyang ina ay umiiyak ito.
Iyakin, mama's boy, at saluwi (weak) ang tukso sa kanya, lagi siyang pinagkakaisahan ng mga pinsan niya at ibang mga bata sa palasyo, kaya sobrang nag-aalala ang Reyna at Hari sa situation ng kanilang poging prinsepe Imran.
Isang araw, lubhang nagkasakit si prinsepe Imran, kaya nagpatawag ng doktor ang Hari. Nawala naman ang sakit ng prinsepe, pero ganun parin siya, tulad ng dati, walang kibo, walang salita, at walang silga. Lubos parin ang pag-aalala ng Reyna at Hari, dahil doon nagpatawag ulit ang Hari ng manggagamot sa lumang paraan, nagbabakasali sila na may magawa ang nakagawian panggagamot ng mga nakakatanda. Maraming gumamot sa prinsepe, pero wala parin nakakagawa maging masigla ang kanilang anak.
Itutuloy nalang.....(pagod na ako magtype) LOL
hahahah.. hmmm... ang sunod.. hmmm.. hulaan ko. may dadating na ibong adarna at siya ang magpapaligaya sa bata at magpapasigla sa pamamagitan ng ipot nitong makulay... hehehe
ReplyDeleteImran? arabo ba yan o patan?? hahaha! starring na naman ako sa post mo ha!! iyakin din pala sya! hehehehe
ReplyDeleteitlog?? dapat masigla sya kasi masustansya yun! wala lang epal ko lang!
alam na alam ko 'to hehe! isa ito sa mga gusto kong kwento ni akoni.. :)
ReplyDeletehahaha..natawa ako sayo kamila..hehe...pwedi rin, iipotan siya ng ibon tapos magiging makulay ang mundo niya..haha
ReplyDeleteiya_khin - anong patan? hahaha..Oo parehas kayo ni prinsepe Imran..hehe...hehe..masustansya nga pero hindi epektib kay prinsepe imran yan..haha
mama - I know, alam mo ang story na ito..hehe..mahal na reyna..hahaha
naiinis ako pag binibitin ako sa mga kwento kaya ipost mo na ang karugtong hehehehe :D
ReplyDeletehahaha nice... :)
ReplyDeletesorry boss bino..haha..sige bukas itutuloy ko kapag natutulog na si boss..hehe
ReplyDeleteKikomaxxx..how nice? :P
nautal lang naman ako sa pangalan ng prinsipe
ReplyDeleteimran
nababasa ko ng irman...
aabangan ko ito hehehe
kabitin!
magndang umaga akoni!
salamat JAY RULEZ..ehehe..magandang araw din dyan sayo JAy.
ReplyDeletehindi lang mahirap basahin kundi ambantot pa..haha
naku paiinumin lng ng Bonamine si Imran para tanggal ang biyahilo LOLZ! Connect? LOLZ!
ReplyDeleteHndi halatang busy ka hehehe...
nahilo ako sa comment mo jag...hahaha
ReplyDeletekilala ko ang darating... kamil... hindi si ibong adarna... si Liwanag yan... ehehehe
ReplyDeletehahahha,,, gusto ko yong hilig ni prinsipe Imran,ang manood ng cartoons kaya lang iba yng pinapapak ko eh,hehhee,,:D
ReplyDeleteano pinapapak mo? @joey
ReplyDelete