EPISODE 1
EPEK
Second year high school. Dito na, tinutubuan na ako ng sungay iste tinutubuan na ako ng pag-ibig kay Kamil Shake. Sa wakas naging klasmet ko na siya, bwahahahahhahahahahahhahahahahahahhahaha.
Ang problema ko nga lang e hindi ko magawang magsabi sa kanya, I mean, you know, shy ako e, hihihi, kasi e, naman e, ganda niya e, haaayy..Lagi ko siya pinagmamasdan pero sinisiguro ko na walang nakakakita.
Sa high school napaka-big deal na malaman ng mga ka-klase mo kung sino ang mga crushes mo, para may mapagpiyestahan kapag recess o walang titser. Syempre, may alibi ako para iwas piyesta at iwas asar ako. Kapag may nagtatanong sa akin kung sino mga crushes ko, sinasabi ko halos lahat ng mga kaklase namin babae, para hindi mabisto ang lihim na pag-ibig ko kay Kamil.
Isang araw, habang abala ang lahat sa pagkopya ng lecture namin sa pisara, ako naman ay nagpapansin kay Kamil.
"Kamil, pa-kopya naman ng lecture natin" bulong ko sa kanya
"Nandyan kaya sa blackboard, bakit hindi mo kopyahin?" Nakangiting parang anghel na sabi ni Kamil
"Eh gusto ko ikaw ang magsulat dito sa notebook ko." Sabi ko na sinundan ko ng bungisngis
"Bakit ako pa ang magsusulat para sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Kamil.
Ito na ang tamang pagkakataon, aaminin ko na sa kanya na gusto ko siya, love ko siya.
Sige sasabihin ko nang mahal ko siya...
"Eh tinatamad ako, haha" sabi ko ulit.
"Haay naku, akin na nga yan, ang tamad mo talaga kahit kailan, mangungulit ka lang kaya ayaw mo magsulat, ang childish mo talaga." Nakangiting pagsesermon ni Kamil sa akin.
May mga araw na nagkakausap kami ni Kamil, pero magaling ako magtago ng feelings ko, makulit akong tao at palabiro, kaya nahihirapan ang nakakausap ko na malaman kung ano talaga ang nasa loob ko. Tinawag tuloy ako ni Kamil na "Childish", sa una hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin, tunog pagkain kasi.
Laging ganoon na ang ginagawa ko, hindi na ako nakakapag-aral ng maayos dahil sa kakaisip ko kay Kamil, kakaisip kung paano ako magtatapat sa kanya at kung paano niya ako mapapansin. Laging nakatuon ang pansin ko kay Kamil, pati na mga assignments namin ay sa kanya ko narin pinapagawa, 'yun lang kasi ang alam kong paraan para lagi ko siya nakakausap at lagi niya ako nabibigyan ng pansin na walang naiisip na malisya ang mga kaklase ko.
Natapos na ang taon, bakasyon na namin. Pinatawag ako ng adviser namin sa kanyang tanggapan.
"Good afternoon po ma'am." pagbati ko kay ma'am
"Akoni, pasok ka." si ma'am
"Ano nangyari sa'yo? Maganda ang umpisa ng mga grades mo. Sa first grading, nag-top ka pa sa buong klase, pero after that wala na. 85 ang pinakamataas mong grades ah, may tatlong line fo 75 ka pa, ano ba ang nangyari sayo? sabi ni ma'am sa akin.
Natameme ako, saka ko na-reliazed ang nangyari sa mga grades ko. Pero huli na ang lahat, bawi nalang ako sa next year, 3rd year na ako.
"Sorry po ma'am, babawi nalang po ako sa susunod na tao." Mahinahon kong sabi kay titser.
"Pero kung pangarap mong makapagtapos na kasama sa top students, sa palagay ko ay mahihirapan ka makahabol." Sabi ni titser na lubhang nagpalungkot sa akin.
Bakit ganoon, noon nasa elementary pa ako, nagtop ako sa buong school namin dahil sa paghanga ko kay Katie Lhuloy. Kabligtaran ngayon, bumagsak ang mga grado ko dahil sa kagustohan kong mapansin ni Kamil.
Unang Epek sa akin ng pag-ibig.

kaya lumiit ang grades mo dahil kay Kamilkshake, kasi sya gumagawa ng assignments mo di kana nagstudy!! hahaha!
ReplyDeletebuti di ka piningot ni mommy mo!?
ayos din ang trip mo sa pag-papansin ah? ginawa mo namang secretary si kamilshake. hehe..buti hindi nabwisit sau. that means matulungin talaga si kamilshake.
ReplyDeletekaya bumaba grades mo kasi hindi ka na nag-aral ng mabuti at nasobrahan ka sa pag-papansin kay kamilshake. hehe..
ginawa mo kasi siyang secretary ayan tuloy bumaba grades mo. mantakin mo nasa top ka tapos biglang 3 rows of 75's, sus maryosep. Kung ako mommy mo, nakung bata ka......okay lang yun kung ako ang mommy mo. at least enjoy ka sa buhay mo. diba? nyahahahaha!
ReplyDeletewala ako masabi, ang kulit ng kwento...super like!
ReplyDeletemaawain pala si kamila sa hayop... ahahaha.....
ReplyDeleteyan kasi, katamaran. napapala.
minsan talaga may mga hindi magandang epekto ang pag-ibig pero naniniwala pa rin ako na mas maraming positibong epekto ang pagiging inlove
ReplyDeleteYan kasi...
ReplyDeletepag naiinlove ako, naloloka ako.hewhew!!
ReplyDeletehaay love nga naman oohh..
lalong umiigting ang mga eksena ngayon ahhh....
ReplyDeleteay kabait namang bata nyang si kamila..jeje..sana naging clasmeyt ko
ReplyDeletedin sya b4, tamad kc kong mg-aral...jejeje
tskrsl..puro kasi simoy, ayan tuloy muntik kana maging palaboy... buti na lang active magsulat si kamila.. Kaya di ka bumagsak nung si lhuloy ing crush mo, kasi di ka niya ipinagsusulat kaya napilitan ka mag aral..haha...anak ka ng epic!
ReplyDeleteAt ako pala ang dahilan kaya ka nag karoon ng 75 hahaha.. huy kuya...sorry so much..! Now ko lang binasa...
ReplyDeleteBinabalikan ko itong mga kwentong pagibig series mo. ANg saya. at ang lufet ng ganda ni kami at ni lhuloy.Ok abangan nag mga kaguluhan at kasayahan sa buhay pagibig ni akoni
ReplyDelete