nuffnang

Showing posts with label Guni-guning ligaw. Show all posts
Showing posts with label Guni-guning ligaw. Show all posts

Tuesday, February 5, 2013

Sana kahapon ako pinanganak, buwesit!!!






Disclaimer: Mabuwesit ka kung gusto mo mabuwesit…

Alam ko sa panahon ngayon ay hindi na uso ang walang girlfriend(s) at boyfriend(s) naman sa mga babae. Kung meron man wala (BF/GF) ay kunting kunti nalang sila, kasing dami nalang nila ang mga matitinong pulitiko sa atin. Hindi tulad talaga noon kapanahonan namin (Putcha ang tanda ko na) na talagang luluha ka ng pawis, dudugo muna ang utak mo at kamay mo dahil sa kakasulat ng love letters bago ka magka-girlfriend. At kung anu-ano pang pagsubok ang ipapalasap sa’yo ng babae bago mo maamoy kung ano ang brand ng pabango niya, tapos hanggang kiss lang ang pinaka-peak ng “base”, sa pisngi  pa, buwesit, buwesit talaga, sana hindi ako pinanganak kahapon.

Ang “First base” noon ay makatabi mo ang crush mo. Nasa alapaap kana noon kapag nakatabi mo ang crush mo. Nagmimistulang parang robot ako non kapag magkatabi kami sa umupoan ng crush ko, panay pakyut ako, alam mo ‘yun, yung bawat kilos mo ay dapat nasa tamang angkulo ang dating sa kanya? Mamaya pag-uwi ipagyayabang na, na katabi ko kanina si Kuwan sa upoan, sarap ng feeling sabi ng rebisco.

Ang “Second base” ay makausap mo na ang crush mo. Putcha halos mawasak ang kama ko pagsapit ng gabi dahil sa kilig, dahil para akong bulate na pagulong-gulong sa ibabaw ng kama. Taas noo sa mga kaklase, sempre nakausap ang pinakamagandang babae sa school eh, nakasecond base. Hindi pa uso noon ang “pagnasaan” sa isip.

Ang “Third base” ay mareplayan ang love letter mo na pinaliguan ng pabango na inipit sa kanyang notebook o libro. Parang nagkakaorgasm ka dahil sa saya habang dahan-dahan mo binubuksan ang liham pagkatapos mo ito amoy-amoyin at sundin ang nakasulat na “Smile before you open”, putcha ang lakas ng kuryente ng kilig non.

Ilan lang yan sa mga “base” kahapon (kahapon nalang gagamitin ko kasi parang Jurassic na ang dating ng noong unang panahon), kapag nangyari saiyo yan  noon sobrang saya mo na, halos sumabog kana sa sobrang tuwa. Lalo na kapag nahawakan mo na ang kamay dahil girlfriend mo na. Grabe na ang level mo, hard core ka na p’re, isa ka nang alamat sa mata ng mga kaklase mo na kulang nalang ay ipagtayo ka nila ng rebulto at alayan ng mga bulaklak at prutas dahil sa paghanga nila sayo. Ganyan katindi kahapon, mababaw lang ang kilig, kunti lang ay kikiligin na, hindi tulad ngayon na ang lalim na at ang init pa at mamasa-masa pa (If you know what I mean) LOL.

Ngayon ang pinaka-peak ng mga “base” ay “Nabuntis na ang girlfriend o nakabuntis ng babae (sempre)”. Napapahiling tuloy ako minsan ng may halong pagsisisi at puot sa akin budhi na sana hindi ako pinanganak kahapon, LOL.

1990’s noong kumalat sa lugar amin (ewan ko kung ganun din sa inyo) ang mala-Nostradamus na prediction na mangyayari daw sa mga kababaehan. Sabi nila (hindi ko alam kung sino sila), sa year 2000 daw ay babae na ang maghahabol sa mga lalake. Grabe noon ang takot ng mga kaklase namin mga babae, halos masuka na sila kapag naiisip nila o nababanggit ‘yan at pinagbabato kami kapag itinutukso namin sa kanila ‘yan. Pero Kung gaano sila noon natatakot ay ganun din kalakas ang tuwa namin, putcha hindi mo na kailangan manligaw pa ika nga nila, kindat lang ang magiging puhunan mo at kunting landi, ayos na ang boto-boto at ang “malaking ugat sa katawan”. Malalasap mo na ang lahat ng klase ng mga “base”. Year 2013 na, mukhang nagkatotoo ang hula ng mga matatanda sa amin, sa palagay niyo?

Noong magbakasyon ako ng Pilipinas, September 2012, mukhang mas lalong malala pa ata ang nangyari. Noon ay ang madalas na kuwentohan namin ng barkada ay tungkol sa mga kanta ni Bryan Adams at Michael Bulton, mga jokes sa gag shows (Super Laugh In at Bubble Gang at Tropang Trumpo at Wow Mali), mga paboritong PBA at NBA teams kasama na mga players, at ang love team ni Judy Ann Santos at Wowie De Guzman. Kung may maisingit man na babae ay tungkol lang ito sa kagandahan nila o kaayosan, nahihiya kami magkuwento noon tungkol sa kahalayan at kalandian.

Sa paguwi ko nga, iba na talaga ang trip nila. Nagulat ako kuya Eddie at napakasakit ang mga narinig ko. ‘yung paboritong topic namin noon na basketball ay napalitan ng basketball sa kama, at 15 years old lang kuya ang nagkukuwento noon sa akin, kasama daw mga barkada niya na hindi rin lalagpas ang edad 15, kuya Eddie seks trip sila. Friends with benefits na pinaggagawa nila, at fling-fling lang daw. Nakanganga lang ako noon, hindi ko alam kung hahanga ako o maawa sa kanila o pagbabatokan ko sila at pagsisipain (dahil ayaw nila ako isama?). Buwesit talaga, samantala noong ako’y 15 years old palang ay nangungulekta pa ako ng mga tansan, mga balat ng kendi, teks, goma at holen, at umaakyat pa sa mga puno ng bayabas.

Buwesit talaga, bakit pa ako pinanganak kahapon? Isama ninyo naman ako sa agos ng buhay ninyo ngayon, LOL.

 Salamat madami sa mga nagbabasa, sa mga nagse-share at lalo na sa mga nag-iiwan ng bakas palagi. Sorry kung hindi ako nakakaganti, may personal akong pinagdadaan...LOL.



Tuesday, October 25, 2011

TRIVIA: Uha...uha...uuuhhaa!!!!

Syempre si Lil Akoni model natin....LOL



Umpisahan natin sa tanong na, "Bakit umiiyak ang sanggol pagkapanganak galing sa sinapupunan ng ina?"

A. Ayaw pang lumabas dahil mas masarap ang buhay niya sa loob
B. Dahil panget ang Doctor at maid-wife niya
C. May puot sa kanyang puso dahil pinalo ng doctor
D. Dahil madaming utang ang parents niya
E. Nasaktan dahil sa masikip at madumi na dinaanan
F. O dahil sira ulo ang author ng akonilandiya

Sigurado ako na may dahilan kung bakit sila umiiyak. Pero ayon sa aking pananaliksik na wala naman, napag-alaman ko na kaya pala umiiyak ang mga bagong sanggol ay dahil humihingi sila ng tawad sa kanilang mga magulang. Oo, ganun ka, ganun ako, ganun sila, at ganun tayo lahat nung kakapanganak palang sa atin. Dahil sa hirap na dinaranas ng magulang natin lalo na ang mga Ina natin habang pinagbubuntis tayo, napapaiyak nalang tayo, dahil 'yon ang paraan ng isang sanggol upang humingi ng tawad sa kanilang ina, dahil sa sakit na naramdaman habang pinapanganak tayo.

Hindi ba't ang paghingi ng tawad ay isang gamot? Oo naniniwala ako na ang paghingi ng tawad at pagpapatawad ay isang napakalaking kagagohan gamot, kaya nito paghilumin kung anu mang sugat na hindi nakikita na hindi kayang gamotin ng ano mang drug medicines na nabibili sa suking botika at albularyo, tulad ng puot sa puso o sakit ng kalooban/sama ng loob. Subukan mong patawarin ang mga nagkasala sayo giginhawa ang pakiramdam mo at subukan mo humihingi ng tawad sa pinagkasalaan mo babarilin ka niya, joke, syempre mapatawad ka man o hindi, giginhawa parin ang pakiramdaman mo.

At napapalayo na ako, balikan natin ang pag-iyak ng sanggol baka mapanis. Uuletin ko, kaya umiiyak ang sanggol pagkapanganak ay dahil humihingi sila ng tawad sa kanilang Ina. 'yon din ang dahilan kung bakit nanapalo ng mga doctor ang sanggol if in case na hindi ito maiyak agad, parang sinasabi nila "Oissstttt, magsorry ka sa mama mo." automatic 'yon.

Hindi ba't pagkarinig din ng isang ina sa iyak ng kanilang bagong silang na supling ay nakakalimutan nila ang lahat? nawawala daw sa isip nila ang sobrang sakit na naramdaman nila, ni hindi daw nila maaalala 'yon, dahil tinanggap nila ang SORRY ng kanilang anak.

Sa totoo lang, alam naman natin lahat ng pinagdaanan natin sa loob ng tiyan ng atin ina eh, aware tayo don pati ginagawa ng tatay natin habang pinagbubuntis pa tayo (insert dirty thoughts), kaso pagkalabas natin naglalaho na ang lahat ng alaala na 'yon. Ayaw mo maniwala? bahala ka.

Paano earthlings, hanggang dito nalang....hanggang sa susunod na kalokohang guni-guni.


Friday, October 21, 2011

Sulat mula kay Lil Akoni



Dear Papa Akoni at Mama NJ,


Hello po Papa Akoni at Mama Nj, kamusta po kayo dyan sa Saudi? Kung ako po tatanongin niyo ay sa awa po ng diyos ay nasa mabuting kalagayan po ako, tulad parin po ng dati naiihi at natatae parin ako sa akin lampin, hehehe, pero promise po paglaki ko sa banyo na ako iihi at tatae, hehehe.

Mama Nj at Papa Akoni, sana po nasa mabuti kayong kalagayan, namimiss ko po kayo, 'yong pag-aalaga ninyo sa akin. Ikaw mama Nj, ung tuwing umagang pinapaligoan mo ako, ang paghahanda mo ng aking gatas na lalong sumasarap dahil sa pagmamahal mo, mga yakap at mga halik mo at ang walang kapantay na pag-aalaga at pagmamahal, i love you so much po. Sayo naman papa Akoni, ung kapag kinakausap mo ko palagi, natatawa ako kasi ang seryoso mo, hindi bagay sayo eh, hahaha, ang kulet-kulet mo talaga papa Akoni, mahal na mahal din kita.

Papa Akoni at Mama Nj ‘wag niyo po ako masyadong iniisip dahil nahihirapan po ako makatulog lalo na po sa gabi, alam ko pong mahal na mahal niyo ako, alam kong ako na ang pinakamamahal niyong tao sa balat ng lupa, pero papa at mama, hindi naman puweding oras-oras eh ako parin ang iniisip niyo. Hindi naman sa ayaw ko ng ganun, sino bang taong engot ang ayaw isipin at mahal ng oras-oras, diba? Ang sa akin lang naman po ay baka mapabayaan ninyo na ang inyong mga sarili, ayaw ko pong magkasakit kayo, maliit pa po ako at wala pa ako sa tabi niyo para maalagaan kayo, kaya pakiusap ko mama't papa, habang maliit pa ako alagaan ninyo muna ang inyong mga sarili para sa akin, promise? Mahal na mahal ko po kayo.

Oo nga pala, huwag rin po kayo mag-aalala Papa at Mama, dahil naiitindihan ko naman po kayo kung bakit nandyan kayo sa ibang bansa at kung bakit ninyo ako kinailangan iwanan dito sa Pinas. Tanggap ko po ang kaparalaran natin, ang kapalaran ko, tanggap ko po na isa akong anak ng OFW. Alam ko po kaya kayo nandyan ay para sa akin, sa kabutihan ko, at para sa kinabukasan ko, pinagmamalaki ko po kayo. Dapat pa nga magpasalamat ako sa inyo, dahil sobrang laki ng hirap na dinaranas niyo sa akin, lalo na si Mama. Ipinagbuntis niya akong mag-isa, wala siyang katuwang sa pagbubuntis niya sa akin dahil magkahiwalay kayo ng lugar Papa.

Mama Nj, nararamdaman ko po ang paghihirap niyo nun, lalo nung papalabas na ako, alam ko po kung gaano po kayo nasasaktan, sorry po Mama. Kung may lakas lang sana ako that time, kusa na po ako lalabas Mama, pero wala ako magawa eh, malalambot pa po ang mga boto ko at hindi ko pa po maigalaw. Papa Akoni, sorry din po sa pagpapahirap ko kay Mama, alam ko po kung gaano niyo siya kamahal, kaya alam ko kung gaano kayo nasasaktan nung nakikita niyo siyang hirap na hirap at sakit na sakit sa panganganak.


Hindi ko po alam kung alin ang mas masakit, ang sakit ng katawan o ang sakit ng puso? Ang alam ko lang po ay parehas 'yan masakit, hindi ko pa po naramdaman pero alam ko po. Nalaman ko sa bawat sigaw ni mama at bawat iyak niyong dalawa, mga iyakin. Opo naramdaman ko po ang sakit na naramdaman mo papa Akoni sa iyong puso nung nakikita mong nasasaktan si mama habang pinapanganak niya ako.


Sana po ay hindi ko ‘yon makalimutan, pero alam ko po paglaki ko makakalimutan ko parin ang lahat, ang lahat ng paghihirap at sakit na naramdaman ni mama sa akin. Pero favor mama, lalo na sa'yo papa Akoni, ipaalala ninyo po sa akin ang lahat paglaki ko ha? Gusto ko lang po maging mabuting anak sa inyo, lalo na kay Mama, basta ipangako ninyo yan sa akin at pinapangako ko rin na magiging mabuting anak ako, ‘wag po kayo mag-alala lalo kana Papa Akoni, hindi po ako magiging malandi at malibog tulad mo.

Huwag rin po kayong mag-alala sa akin Papa at Mama, kaya ko po alagaan ang sarili ko, matapang po ako at matalino, baka nakakalimutan ninyo mana ata ako sa inyo.


ayyy sobrang haba na nito papa't mama, baka makatulog na kayo sa pagbabasa nito at baka malunod na rin kayo sa inyong mga luha, alam ko kasing lumuluha na naman kayo habang binabasa niyo ito. MAHAL NA MAHAL KO PO KAYONG DALAWA!!! Muwahugsssslurpstsup






-Lil Akoni







Wednesday, October 19, 2011

Mga dapat maimbento bago me mamatay


Nakakabilib na talaga ngayon ang mabilis na pag-usad ng teknolohiya, sa sobrang kakabilib na nga ay hindi na natin magawang mamangha pa, diba? Buwan-buwan, araw-araw at bituin-bituin ata may bago. Naalala ko tuloy pag-uusap namin ng best friend ko nun, Nokia 3310 palang nun ang pinaka-latest na phone, pero mangha-mangha na kami doon, nun kung mayroon kang 3310 sasambahin ka, ipagdadasal ang kaluluwa mo at aalayan ka ng mga pagkain at isang birhen.

Tandang-tanda ko pa ang usapan namin, nagbibiruan pa kami, tawanan kami sa naiisip namin na pagdating ng panahon ay puwedi mo nang makita ang kausap mo sa telepono mo (insert dirty thoughts). Fast forward, ngayon ganun nga ang nangyari, hindi ko aakalain na ang naisip namin nun ay magkakatotoo. Napatunayan ko ‘yon nung ilabas ang Nokia N70, hindi me makapaniwala, nakikita ko na nga ang kausap ko sa phone (insert dirty thoughts).

Ngayon iniisip ko kung ano na naman ang magiging kakaiba sa teknolohiya pagdating ng maraming-maraming panahon. Gusto ko sana bago ako mamatay ay matupad ang mga nasa listahan na ito;

1.    WMTC o Washing Machine Text & Call – Dahil tamad ako maglaba at makakalimutin ako at lalong magiging makakalimutin pagtanda ko, gusto kong maibento ang washing machine na nagtetext o nagku-call pagkatapos nito.

Parang ganito…

*tottoottootttoooottt*
1 message from your WMTC

WMTC: Potah ka, tapos na ang nilalabhan mo gago!
Tapos kung hindi ka dumating after 5 minutes (depende kung ilang oras o minuto mo iseset-up) ay tatawag sa’yo.

Parang ganito…

Kriiiinnngggg…praninnngggggg…praniiinngggggg…

Ikaw: Hello…

WMTC: Potah kang hayop ka, hindi mo ba narecieved ang text ko, gago ka?! Kanina pa tapos ‘tong pinapalabhan mo sa akin, tamad kang hayop ka.

Syempre, puweding tagalog ang lenguwahe, depende sa trip mo.

2.    CAR na naliligo – Dahil isa ‘yan sa pinakaayaw ko nun na pinapagawa sa akin ng tatay ko. Ginigising ako ng maaga para lang hugasan ang sasakyan niyang bulok or pagkadating niya galing work ay pinapahugasan niya sa akin, nawawalan me ng gana tuloy mabuhay. Isaksak mo lang ang hose ng gripo saan man parte ng katawan ng car, bahala na siya, magsabon at magbanlaw.

3.    Cell phone na may projector – Ang astig lang diba? Ung kahit nakahiga kang nagttext ay nakikita mo ang screen ng phone mo sa kisame o kahit saan mo gustong itutok, kahit sa noo ng tatay mo o sa P*k-p*k ng kasama mo sa kama (kahit sino). Puwedi kang manood kahit saan mo trip, sa bus, sa food court, sa sinehan at kahit saan mo trip, ang gagawin mo lang ay papaandarin ang projector ng phone mo at pipili ka ng movie na gusto mong panoorin tapos itututok mo lang sa sahig, sa pader o sa kisame. At ang pinakamasaya dito, matiwasay ka nang makakapanood ng mga scandals collection mo sa loob ng banyo, "Paabot ng tissues, please!"

4.    Waterproof na lap top – ‘yong kahit sa ilalim ng swimming pool ay puwedi kang mag surf sa internet, manood, makipagchat, at kung anu-ano pa. Ang saya lang nun eh.

Parang ganito….

“Hi ASL pls”
“26 male, ilalim ng pool”
-Ang social mo na diba? May water proof laptop kana, may swimming pool pa kayo.

Or “Hooyyy mga friendships, nasa ilalim ako ngayon ng sea, daliiii…view niyo cam ko.”
“aaayy oo nga, ang ganda naman dyan friendship, grabe….friendship may pating sa likod mo, KAKAININ KAAAA!!!”

Ang sarap lang makipagchat habang naliligo, sa shower o sa bathtub, ctc?


Masakit na 'to sa bagang, hanggang dito nalang muna, tuloy natin next time!!



Wednesday, June 8, 2011

KM2: Kuyukot

Ito ay opisyal na sahog lahok sa pautot pakontes ni Sir Kulisap, bosohan mo dito.

Nangangalumata ako ngayon dahil sa puyat, ang sama kasi ng panaginip ko. Pumasok daw ako sa isang yungib na punong-puno ng pulot-pukyotan at mga nagkalat na patay na dikya, hindi ko na pinansin ang mga ‘yon,   sumigaw nalang ako ng “hellooooo…” dahil gusto kong marinig ang alingawngaw sa loob ng yungib. Tuwang-tuwa ako sa aking ginagawa dahil parang kinakausap ko ang aking sarili.
Sa aking pagsasaya, biglang may narinig akong halinghing. Hindi ako sigurado kung anu ‘yon, kaya hinanahap ko ito sa loob ng yungib. Nagulat ako sa aking nakita, sigurado ako, ito ‘yong sinasabi ng mga matatanda, ito ‘yong sinasabi nilang manananggal.
Habang pinagmamasdan kong unti-unti nahahati ang katawan sa dalawa, nakita ko sa kanyang mukha ang pait at pagdurusa, parang may panibugho siya sa may Kapal. Nakikita kong lumuluha siya habang nag-iiba ang anyo, hindi ako banal na tao, inaamin ko na maraming peklat ng kasamahan ang nasa katauhan ko, pero naramdaman ko na sinisisi niya ang mga tao.
Ilang sandali ay napasigaw ako dahil biglang nagkasalubong ang paningin namin, natulero ang utak ko, nag-ipon ng lakas at buong lakas akong tumakbo papalayo, pero kahit anong bilis ko ay parang nasa likod ko lang ang manananggal. Sumisigaw na ako, “tuuulllooooonnngggg…” lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko. Sa aking pagtakbo naalala kong may nakasukbit palang itak sa aking bewang, huminto ako at hinarap ang manananggal sabay hugot sa aking matalim na itak.
“Hindi mo ba ako nakikilala? Kayo ang may gawa nito sa akin, ako ang minsan ay tinatawag niyong maharlika, tapos na ang pagbabanal-banalan ninyo, oras na ng paghihiganti…” Marami pa sana siyang sasabihin sa akin, ngunit bigla nalang ako nagising, dahil narin sa sobrang takot sa kanya.
Napausal ako ng luwalhati sa dios ng magising ako sa aking pagkakatulog, salamat at panaginip lang ang lahat. Naupo ako at lugami na naman ang namutawi sa aking isipan, “bakit ‘yon ang napanaginipan ko? natulog ako kanina na adhika ang numero ng lotto ang mapapanaginipan ko, perooo…”.
Tumayo nalang ako sabay kamot sa aking kuyukot dahil pati ‘yon ay pinagpawisan, inamoy ko na rin, yaks, kaya naligo ako.


Saturday, June 4, 2011

Panic room




WARNING: MABAHO


Galing kay mang-google


Nasabi ko na ba sa inyo na ang banyo ang paborito kong tambayan? Dun kasi ako kadalasan nakakahuli ng mga guni-guning ligaw at nakakagiling ng mga kalokohan.

Kanina habang nakikipaglaban ako sa antok, naramdaman kong bumibigat ang tiyan ko, parang may natapos na naman na bomba ang mga terorista sa loob ng tiyan ko at handang handa nilang pakawalan ito, signal ko lang ang hinihintay nila, then ffrrrrttttttttttttt...BOOMM!!!

Habang ini-enjoy ko ang paglabas ng toxic sa loob ng tiyan ko, nagsindi muna ako ng sigarilyo para dagdag sarap, haaayyyy.........refreshing!

Makalipas ang ilang minuto, biglang may narinig akong kaluskos, pinakiramdaman ko muna, putek parang nasa loob ng bowl ah...kinabahan me, at dahil sa malakas ang powers ko sa loob ng banyo, kung anu-anong syet ang pumasok sa isipan ko.

Natakot me, baka may biglang lumabas na ahas sa bowl at tsupain tuklawin ako o kaya ay pumasok sa wetpaks ko. Hinithit ko ang sigarilyo at ibinuga ang usok, nagbabakasakaling baka kumalma ako, pero parang lumakas ang kaluskos sa ilalim ng toilet bowl, lumakas lalo ang aking guni-guni, parang nakikita kong may biglang lalabas na anaconda at kukunin ang betlog ko, kaya kahit hindi pa ako tapos umalis na ako sa pagkakaupo sa bowl at pumunta ako sa sahig, kinuha ang tissue at ang hose, at dun na naghugas.

'yan po ang problema ko ngayon ate charo, ngayon nagka-phobea po ako sa bowl sa toilet, hindi ko alam kung paano ito mawawala sa akin, natatae pa naman ako ulet.



Monday, May 30, 2011

NOKIA



Dahil sa wala pa akong naiisip na kalokohan, gawa ng hindi ako makapag-isip dahil sa "Worries" ko, kwentohan ko muna kayo, isa itong guni-guning ligaw lamaang. Matagal na rin ito sa desktop ko, now ko lang napansin, last year ko pa ata ito naisulat, Ngiyahahaha este hahaha.

Si Bruno

Si bruno, isang lalakeng patapon ang buhay, ulilang lubos, basagolero, at halang ang bituka. Pang-aagaw ng kung anu-anong bagay na pweding ibenta ang ikinabubuhay niya, isa siyang snatcher, kaya labas masok narin siya sa kulongan. Nakaugalian niyang tuwing alas 7 ng gabi ay magronda sakay ng kanyang motor para maghanap ng mabibiktima.

Sa kanyang pagroronda, may naispatan na naman siyang bibiktimahin, isang babaeng naglalakad mag-isa. Hindi na siya nagdalawang isip pa, pinaharurot agad ang kanyang motor papunta sa babae. Pagkatapat niya sa babae ay biglang inagaw ang kanyang bag. Nakalayo na siya, kaya tumigil muna siya sa isang kanto at pangiti-ngiting sinisilip ang laman ng bag ng babae. Habang tinitingnan niya, may nakita siyang mga pulis na nagroronda sa di kalayuan, nataranta siya kaya pinaharurot na naman niya ulit ang kanyang motor. Nagulat ng bigla siyang lumiko sa isang kanto, may nakasalubong siyang sasakyan din kaya nawalan siya ng kontrol, pero hindi siya nabangga ng kotse dahil nakaewas siya.

Si Justin

Anak OFW, kaya halos lahat ay nasa kanya. Isa siyang babaero, mayaman, at may pagkamatigas ang ulo at mainitin. “ohh baabbyy..babyyy..ooohhhh…” Kumanta siya habang minamaneho niya kanyang sasakyan, kakahatid lang niya sa kanyang girlfriend 20 minutes ago.
“Ooohh baabbyyy…baabbbyyy…ooohhhh...my babbyy…babyyy...aaahhh” hirit na naman niya, habang kumakanta siya biglang nagring ang kanyang telepono, pero sinulyapan lang niya. Patuloy parin siya sa pagkanta, pero ring parin ng ring ang kanyang telepono kaya nainis tuloy siya, naiistorbo ang moment niya. Bago pa siya tuloyan mabad-trip, dinampot niya ang kanyang telepono na nasa kabilang upuan. Pagbalik ng kanyang paningin sa daan ay nagulat siya dahil biglang may sumulpot na motor sa kanyang harapan, nataranta siya at nawalang ng balanse, bigla niyang nailiko sa tabi ang kanyang sasakyan, napanganga siya bigla sabay tadyak sa preno dahil may batang nakatayo…tulala si Justin habang nasa kamay parin niya ang telepono at tumutunog parin.

Si Charice

Isang simpleng babae, pangarap niyang makapag-abroad, kaya nga kursong Nurse ang kinuha niya. Kakahatid lang sa kanya ng kanyang boyfriend kaya naglalakad siyang parang nasa ulap, pangiti-ngiti siyang naglalakad nang biglang may dumaan na motor at hinablot ang kanyang bag, nabigla siya sa mga pangyayari. Ilang minuto bago siya natauhan, saktong may dumaan na police, nagsisigaw siyang tinawag ang mga pulis, nireport niya ang mga pangyayari, “kami na ang bahala” sabi ng pulis. Umuwi na siya ng bahay, hindi parin makapaniwala sa nangyari, naalala niyang tawagan ang kanyang boyfriend para magsumbong, hindi sinasagot ang telepono, isa, dalawa, tatlo, apat, lima, wala parin sagot sa mga tawag niya, nainis siya. Naisip niyang hindi niya titigilan hanggat hindi sinasagot ng boyfriend niya ang mga tawag niya.

Si Sarah

Isang studyante, kakarating lang galing school, nanonood ng paborito niyang palabas sa kanilang sala. Nagring ang ang kanyang telepono, ang tatay niya “Sarah, sabihin mo sa nanay mo, gagabihin ako ng uwi, magpapatrol kami, may tinutugis kaming snatcher”. “opo ‘tay”. Nagutom siya, kaya naisipan niyang bumili ng pancit canton sa labas. Patalastas pa kaya dali-dali siyang lumabas ng bahay, nagmamadali siyang tumawid iniisip ang pinapanood niyang palabas dahil after five minutes matatapos na ang patalastas. Pagtawid niya ng kalsada, biglang nagsigawan ang mga tao sa kanyang paligid.


WAKAS



Saturday, May 21, 2011

Judgement day



Nagising akong madilim ang buong paligid, ito ang pinakamadilim na nakita ko sa
buong buhay ko. Nagtataka ako, may mga naririnig akong umiiyak, kilala ko mga boses na yon.

Ano ang nangyayari, bakit nasa isang madilim na lugar ako? Bakit may mga umiiyak?

Kinapakapa ang paligid ko, wala akong maramdaman. Sigurado ako, mag-isa ako ngayon, dito sa lugar na walang liwanag.

Kinabahan na ako, naiiyak na ako at sumigaw ng tulong, tinatawag ko ang mga umiiyak. Walang nakakarinig sa akin, walang sumasagot.

Kinapa ko ang aking sarili, iba ang suot ko, may idea na ako kung bakit nasa isang madilim na lugar ako, tama! Alam ko na.

Patay na ako at nasa loob ako ng aking libingan, nasa ilalim na ako ng lupa.

Tuloyan na akong napaluha, bumalik sa akin ang lahat ng alaala noong nasa mundo pa ako, lalo na mga pagkakamali ko, punong-puno ako ng pagsisisi.

Ito na, dumating na ang araw ng paghuhukom, isasakdal na ako. Wala na akong takas dito, haharapin ko na ang kaparusan ng bawat maling nagawa. Ako lang mag-isa dito sa libingan ko, wala akong kasama kundi ang mga nagawang kabutihan sa mundo.

Hindi pera, hindi kaibigan, hindi alahas, wala na kahit ano, kundi ang kabutihan lang na mga nagawa ko.

Sana sapat ang kabutihan nagawa sa mundo para maisalba ako sa kumukulong apoy ng imperno!




Monday, April 18, 2011

Extra trip

Para sa mga sumusubaybay ng BLOG-IBIG series ko, pasensya po, naisulat ko naman ang blog-ibig page11, pero dahil sa hindi maganda ang mood ko, parang hindi ko nagustohan ang result, parang wala lang, hehehe, edit ko muna.

Pero aaliwin ko parin kayo, pagtiyagaan niyo na itong maiksing kwento ko. Bahagi ito ng sinusulat kong kwento na hanggang ngayon ay hindi ko parin matapos tapos,  hehehe, ang title ay "KAPITAN BOLA", ito ang ilan sa mga eksena.



Nasa likod ako ni Liwanag habang lumilipad kami, nakahug ako sa kanya, at naamoy ko ang mabangong buhok niya, ang bango niya.
Liwanag: alisin mo ‘yang kamay mo sa dibdib ko kundi ihuhulog kita
Akoni: ay sorry mali lang nakapitan ko, pasensya na.
Nakita namin ang taong palaka, hinabahol ang mga tao…….lumapag kami sa tuktok ng building, nang biglang may narinig na naman akong boses.
Boses: ungas, may kapangyarihan ka, hindi mo lang alam..gamitin mo na..
Baka tama ang naririnig kong boses baka may kapangyarihan nga ako dahil don sa nangyari.
Boses: ulopong, may pabulong-bulong kapang nalalaman dyan e naririnig din naman kita..meron kang kapangyarihan tado.
Akoni: ok fine, gagamitin ko na kung ano man un.
Akoni: Liwanag leave it to me, ako na ang bahala sa taong palaka na ‘yun.
Liwanag: ha?(nakapamaywang)
At bigla akong tumalon mula sa building………
Akoni: waaaaahhhhh..ayan na ako taoooong paaaalaaakkkaaaaa..waaaahhhh
Boses: HOY!!!BAKIT KA TUMALON????!!!!!
Akoni: lilipad ako syempre, may kapangyarihan naman ako e, diba?
Boses: AYYY TANGAAAA!!!!!!ANG TANGA MO TALAGA!! SINABI KO BANG NAKAKALIPAD KA??!!
Boses: Isip ang kapangyarihan mo ungas…bolahin mo si taong palaka..pambobola ang kapangyarihan mo. PATAY TAYO SA’YO!!!
Akoni: ANO??!!WWAAAAAHHHH……LIIWAANAAAAAAAAAAAAAAAAAAGGGGGGGGGGGG!!!! TUUUULLLOOOONGGGGGGGGG!!!!!!

Monday, March 28, 2011

Blog-ibig EXTRA

Badrtip talaga ako sa mga sinabi ni titser, hindi ko talaga akalain maapektohan ng pag-ibig ang mga grades ko.

Naglalakad ako palabas ng campus namin, nang may marinig akong tumatawag sa pangalan ko. Sa una hindi ko na pinapansin baka kako guni-guni ko lamaang.

"hoooyy akoni, hintay naman..." sabi ng boses

Paglingon ko, si Iya Khin pala.

"Iya, ikaw pala, sorry hindi kita narinig kanina..." sabi ko na may kalungkotan ang boses.

"okay lang un, sabay tayo ulit umuwi...hike tayo ulit?" si Iya

Hindi ko na siya sinagot, inagaw ko nalang ang mga dala niyang libro at nagpatuloy sa paglalakad.

"Akoni, bakit parang malungkot ka?" Pagtatanong ni Iya Khin

"Ha? badtrip lang kasi...bumaba mga grades ko." sabi ko na parang maiiyak na ako.

"Ha?!! Kaya ka pala pinatawag ni titser kanina, pero paano nangyari 'yun, e active ka naman sa lahat?" Mga sinabi ni Iya.

"Sa written exams ako nagkulang" tugon ko sa kanya.

"Haayyy..bakit kasi...? bawi ka nalang next year, 3rd year na tayo" Si Iya

"'yun nga e, sabi ni ma'am baka mahirapan na daw ako makahabol kung pangarap ko magkapagtapos na kasama sa top students, pangarap ko 'yun e." pagmamaktol ko sa kanya

Buntong hininga nalang ang nadinig kong sagot ni Iya

"Teka, may ibibigay nga pala ako sa'yo, gift ko sayo for the summer. Tamang tama sad ka now, so sana mapatawa ka nito" surpresa sa akin ni Iya, sabay may dinukot sa kanyang bag.

"Sa bahay mo na 'yan buksan ah, para suprise, :)" Sabi niya, sabay ngiti sa akin.

Hindi ko alam pero ngiti palang niya ay napagaan na niya ang loob ko.

"Sige, pagkatapos ko tumae mamaya sa bahay." biro ko at tawanan kami.

Nasa bahay na ako, hindi na ako nagbihis dahil inuna ko muna buksan ang regalo ni Iya sa akin. Pagbuksan ko, nangiti ako, dahil isang picture ko na naka-frame.

Sa sandaling iyon tuloyan nang napawi ang aking kalungkotan at napabulong ako sa hangin, "Thank you, Iya Khin.."






Galing kay Iya Khin

Thursday, March 17, 2011

Kagat ni MASTER

Magtatlong buwan na akong nagba-blog, natanong ko tuloy ang aking sarili.



-Hoy…sarili ko, certified blogger na ba ako? Marami na akong naisulat na blogs at naipost sa loob ng tatlong buwan, full pledge blogger na ba ako? Pagtatanong ni akoni.



-Hindi ko alam, sabay tayong pumasok sa mundo ng blogging, diba?” sagot ng aking sarili.



-Oo nga noh? Salamat- sagot ni akoni.



-Bakit hindi mo nalang tanongin ang mga kaibigan mong bloggers na mas nauna sa’yo? Ang “the elders” ika nga, imbes na ako ang tanongin mo. Nagmumukha ka lang tangang-kyut. pagsesermon ng aking sarili.



Tandang-tanda ko pa noong araw bago ako matuto magsulat, nag-umpisa ito isang gabi ng November 2010.

Wala akong magawa kaya lumabas muna ako, nagsindi ng sigarilyo at naupo sa isang madilim na sulok, hindi ko alam kung ano ang trip ko sa gabing ‘yon.



Ilang minuto ang nakalipas ay natapos ko na rin pundohan ng usok ang aking baga, kaya naisip ko matulog na. Tahimik ang buong paligid, tumayo ako at sinulyapan ang aking relo, alas dose na pala ng hating gabi. Papasok na sana ako, nang biglang may umakbay sa akin.
Magkasabay ang pagkagulat ko at ang sakit na naramdaman ko, may tumusok na matalas sa leeg ko, putcha kinagat ako ng isang bampira.



Ang sakit, pero parang hindi naman niya sinipsip ang dugo ko, pakiramdam ko pa nga dinadagdagan niya ito, dahil may nararamdaman akong dumadaloy  na parang tubig sa mga ugat ko na namumula sa matatalas niyang pangil na kabaon sa leeg ko. Ramdan na ramdam ko na kumakalat ito sa buong katawan ko.

Tangin yun lang ang naaalala ko sa gabing ‘yun. Hanggang sa isang araw pagkagising ko, may nakita ako na sulat sa ibabaw ng side table ko.



Binasa ko…



Akoni,



Kung binabasa mo na ito, ibig sabihin ay isa ka nang blogger. Isinalin ko sa iyong dugo ang kapangyarihan na makapagsulat, ang kapangyarihan magkaroon ng imahe ang mga guni-guni at mga kalokohan sa utak mo, sa pamamagitan ng papel o sa mga makabagong teknolohiya. Nakita kong maraming kalokohan at mga guni-guning ligaw dyan sa utak mo at sayang lang kung hindi mo ito ilalabas. Maganda man ito o hindi, nakakatuwa man ito o hindi, at least may masasabi kang galing mismo sa ideya mo at matatawag mong sariling iyo. Makakatulong din ito sa’yo, sa utak mong may pagkabobo.

Welcome sa lahi ng mga bloggers

P.S.
Sana ay maging asset ka sa amin.

Kumagat sa’yo,
Bob Ong


Monday, March 14, 2011

DIARY

Dear diary,

Hi Diary, kamusta ka na? Kung ako ang iyong tatanungin, ako’y nasa mabuting kalagayan. Siguro hindi mo ito inaasahan noh? Bigla na lang ako napasulat sayo? Namiss kita kasi.

Hindi ko na matandaan ‘yung huling sulat ko sa’yo, ang tagal na kasi noon. Pero naalala mo pa ba noong kabataan ko? 'yung unang sulat ko sa’yo? Unang sulat ko palang e puro pagsusumbong at pagmamaktol na, di ba?. Isa ako noon sa milyon-milyon sumusulat sa’yo, isa sa mga nagsusumbong sa’yo, isa sa mga taga kwento ng mga tsismis sa’yo at bumubulong sayo ng mga nangyayari sa akin araw-araw.

Sa lahat siguro, ikaw ang nakakakilala sa akin ng lubusan, alam mo na ang lahat ng tungkol sa akin, huwag mo ipagsasabi ah, kundi…aauummhhmmmm…kundi, susunogin kita at hindi na ako susulat pa sa’yo. Pero alam ko naman na mapagkakatiwalaan ka e, napatunayan mo na ‘yun noon pa, kasi hanggang ngayon hindi mo pa pinagsasabi ang mga sekreto ko at mga tsismis na sinabi ko sa’yo, kalokray divah? Hindi katulad ni RED DIARY, na lahat ng mga kwento sa kanya ay kinukwento/pinapabasa niya sa lahat at minsan pa ay isinasapelikula pa niya at ang laswa pa niya, yaks. Natatawa nga ako sa tuwing naaalala ko ang mga sinasabi ko sa’yo noon, naalala mo ‘yun? Lalo na ‘yung tungkol kay kuwan? hahahahaha, oh di ba kahit hanggang ngayon ganun parin? Ngiyahaha..e si kuwan, ung kuwan ni kuwan, na naging kuwan nang kuwan nila? hahaha…diba, nasaan na kaya ang kuwan nila? sana kuwan parin sila.

Hindi ko alam kung sino ang lumikha sa’yo upang maging gabay naming mahihina ang loob, kung sino man siya, nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa kanya nandyan ka, handang makinig sa amin nang walang kontra, kakampi namin sa lahat ng bagay. Minsan kasi sa’yo kami nagkakalakas loob upang sabihin ang mga di namin kayang sabihin sa madla. Masyado kasing mapanghusga ang mga tao (hindi naman lahat), masyado silang mapangmaliit nang kapwa, masyado silang feeling (magaling sa lahat ng bagay), masyado silang mapagmataas, akala ata nila wala nang katapusan ang mundo, hindi sila marunong umitindi, malupit ang mga tao (pero hindi naman lahat ulit), buti nalang hindi ka tao, kung nagkataon paano na kaming mga mahihinang nilalang na umaasa sa’yo? Isa ka sa aming lakas, aming kakampi, aming taga pakinig at nakakaintindi sa amin.

Ilang beses na kitang pinagtangkaan hanapin, I mean ilang beses ko nang sinubukan sumulat uli sayo at magsumbong ng mga hinanakit ko sa planetang ito, pero natiis ko parin, hindi sa hindi na angkop ang edad ko ngayon sa’yo, kundi iba na ako ngayon, malakas na ang loob ko, more confident ika nga (marahil dahil sa rexonang gamit ko). Kaya ko nang harapin ang mga pagsubok at problema ko araw-araw at may mga tao narin na nakikinig at gumagabay sa akin ngayon at mahal na mahal ako, uuyyyy selos ka noh? ‘wag kang mag-alala, hindi parin kita nakakalimutan at kakalimutan, nag-iisa kang diary ng buhay ko kahit marami kami sa buhay mo. Huwag mo sana masamain ang sinabi ko, hindi sa hindi na kita kailangan, ito na nga e, kahit matured/matanda na ako, naniniwala parin ako sa’yo, isa ka talagang tunay na kaibigan, ang dami mong natulungan at natutulungan, ang dami mong napapagaan ang loob, alam kong hindi ka magsasawang makinig sa aming mahihilig mag sumbong sayo. The best ka talaga, I love you too. Mwaaahhpaxxx!

P.S: May asawa na pala ako ngayon, at ang bait-bait niya, maganda pati, at hindi lang ‘yun, mahal na mahal ako. Hindi ako sure kung magkakilala kayo o nagsusulat din siya sa’yo noon. Mahal na mahal ko ‘yun, hindi man siya ang unang babaeng naikwento ko sa’yo, siya naman ang huling babaeng ikukuwento ko sa’yo.

(‘yan lang muna ang latest sa akin ngayon aking diary, tsismosa ka..hehehe)

Note: Minsan naman magreply ka sa mga sulat sa’yo, adik!!!

Namimiss ka,
Akoni

Sunday, March 13, 2011

Ang kapatid ni Rodel


Magkapatid si Rodel at Dennis, 6 years old si Dennis at 22 years old naman si Rodel, hindi normal na bata si Dennis dahil may kapansanan ito, special child. Hindi matanggap ni Rodel na abnormal ang kanyan bunsong kapatid.



Isang araw, umalis ang kanilang mga magulang, ipinagbilin nila kay Rodel na bantayan ang kanyang kapatid. Hindi na nagsalita si Rodel at umalis narin ang kanilang nanay at tatay.

Pagkalipas ng ilang oras ay may nakitang kabayo si Dennis sa labas,


“Uyaaaaa…rrr….ooodddeeddd’’llll…annooopp…ppppooooo…eiiiiieeiiieeyyooooonnnn..?” 
pautal na tanong ni dennis habang nakadungaw sa bintana. 

Hindi pinapansinin ni Rodel ang kanyang kapatid, pero paulit-ulit pa rin sa pagsasalita si dennis, nairita na si Rodel sa ingay ng kanyang bunsong kapatid, naiistorbo ito sa paglalaro ng poker sa facebook. Nilapitan niya si dennis at itinulak sa bintana, nahulog at namatay.


Paliwanag niya sa kanyang magulang, hindi niya napansing nahulog si Dennis.
 
Pagkalipas ng ilang buwan ay nag-abroad si Rodel, nabalitaan din niyang buntis ang kanyang nanay, kaya natuwa ito, nanalangin na sana ay normal ang maging kapatid niya.


Pagkalimpas ng 6 na taon, bumalik na si Rodel sa kanila. Mag-aanin na taon narin ang kanyang kapatid at excited na itong makita, dahil normal na ang kanyang kapatid.

Sa ilang araw na pananatili ni Rodel sa kanila ay naging close sila ng kanyang kapatid, lagi silang magkasama at masaya.

Isang araw, tinawag si Rodel ng kanyang bunsong kapatid.

“Kuya Rodel hali po kayo dito, tingnan po ninyo ung rainbow ang ganda…” natatawang sabi ng cute na kapatid ni Rodel habang nakadungaw sa bintana.

Nilapitan ni Rodel ang kanyang kapatid at tiningnan ang itinuturo nitong rainbow.


“Oo nga, ang gandaaaaa…woooowww..ganda talaga noh?” sabi ni Rodel

Pagkatapos magsalita ni Rodel ay biglang tumakbo ang bata sa kanyang kwarto, na ipinagtaka naman ni Rodel. Pinuntahan niya ang kanyang kapatid at tinanong kung bakit bigla nalang siya tumakbo.

“Bunso, bakit ka tumakbo?” pagtatanong ni Rodel

“Kasi po baka itulak niyo po ako ulit” sagot ng kapatid ni Rodel.