nuffnang

Showing posts with label Kwentong Akonilandiya. Show all posts
Showing posts with label Kwentong Akonilandiya. Show all posts

Friday, February 1, 2013

BnP sa Damuhan: Ang tulay ng pag-ibig


Isang gabi sa isang probinsiya. Si Namprel dinadamayan ang kaibigang si Dodong na problemado sa buhay pag-ibig niya. Nakaupo ang dalawa sa isang maliit na kubo sa may bukirin ng palay o sakahan.

Namprel:
Pareng Dodong, ayos lang ‘yan. Magagawaan mo din ng paraan yan, ikaw pa, saka hindi natin sigurado kung talagang ayaw sa’yo ni Inday eh, saka mas tisoy ka don kay Mo, lalo na kay mang Kanor at sa palagay ko si Hayden lang naman ang mahigpit na kalaban mo sa kanya eh.

Magkaibigan tunay si Dodong at Namprel at kapatid na ang turing nila sa isa’t isa. Nagsimula ang pagiging matalik nilang magkaibigan nung minsan ay mailigtas ni Dodong si Namprel sa makamandag na ahas nung sila’y nangaso sa kagubatan. Kung hindi agad nataga ng itak ni Dodong ang ahas ay baka natuklaw na ang nakalabas na kuyukot ni Namprel, feeling kasi nito ay isa siyang swag/gangster kaya ganun nalaang siya kung magsuot ng pantalon, hanggang hita. Nakapulubot ang ahas sa isang maliit na puno kaya sakto ang pangil at kamandag nito sa sunog na kuyukot ni Namprel.

Dodong:
Pare, hindi ko kakayanin makita na sa iba mapupunta si Inday, ikamamatay ko ‘yon. Alam mo ‘yan pare, saksi ka kung gaano ko siya pinangarap at pinapangarap. Kahit puta ang tingin sa kanya dito sa nayon natin dahil sa dami na niyang naging nobyo at mga manliligaw ay wala ako pakialaman pare, mahal ko pa rin siya, yun ang importante sa akin, mahal ko siya at alam kong siya ang magpapasaya sa akin. Siya ang magiging ina ng mga magiging anak ko at siya ang tatawagin kong honey my love so sweet, wala nang iba pang mamahalin.

Namprel:
Ang korni mo, hehehe, pero alam ko ‘yon at naiintindihan kita, kung may magagawa lang sana ako. Kung may alam sana akong paraan o teknik sa panliligaw tinuro ko na sana sa’yo, wala akong alam eh, ni-hindi ko nga alam paano manligaw at hanggang ngayon….

Hindi pa natatapos ni Namprel ang sasabihin niya ay natawa bigla si Dodong.

Dodong:
Hanggang ngayon…ay hindi ka pa nagkakasyota, hahahaha, syotahin mo kaya kalabaw mo, hahahaha.

Namprel:
Gago. Huwag mo naman ako pagtawanan, saka lalaki ang kalabaw ko.

Ilang Segundo muna sila tumahimik bago sumabog sa katatawanan.

Dodong:
Paano kasi natatakot sa’yo ang mga babae, nasobrahan ka kasi sa pagka-barako, para kang kapeng barako na nasobrahan sa pait, hindi ka na masarap, ang pait mo na, hahaha. Bawas-bawasan mo kaya pagiging tigasin mo, minsan turn off sa babae ang masyadong tigasin, magpakita ka naman ng kunting kahinaan, yang pagiging barako mo bawasan mo at maglagay ka ng asukal para sumarap ka.

Namprel:
Eh ano gagawin ko ganito talaga ako kung kumilos na parang naglalakad na bakal, at kung magsalita ay parang uulan dahil sa mala-kulog na boses ko. Kung magagawaan lang sana ng paraan ng agham at nang mga eksperto sa medisina para maiba ang mga kilos at pananalita ko, matagal na akong nagpagamot sa kanila noh, kahit maisangla ko pa ang sakahan ko pati mga kalabaw ko, isasama ko pa kapitbahay namin si Mang Dondie.

Nagtawanan na naman ang dalawang matalik na magkaibigan. Mahabang patlang naman ang sumunod na namagitan sa kanila, nakatingin sila pareho sa hubad na kalangitan. Pinagmamasdan ang mga kislap ng bituin na lalong nagpapaganda sa nakakaakit na kalangitan.

Dodong:
Alam mo p’re, paminsan-minsan magkunwari kang natatakot ka din, ‘yung kahit sa ipis o sa alupihan ay takot ka. Minsan kailangan mo sabayan ang trips ng mga babae para makuha mo ang sympathy nila, kasama ang panty. ‘yung maipaparamdam mo sa kanila na naiitindihan mo sila. Naiitindihan mo sila kung bakit sila takot sa ipis, gagamba, daga, alupihan at kung anu-ano pang pinandidirihan nila, ganun.

Nakangiting sinulyapan ni Namprel ang kaibigan.

Namprel:
Diba mas gusto ng mga babae ang lalakeng tagapagtanggol ang tindig at porma, yung parang super hero sa pelikula at mga nobela, na malakas, matapang, walang takot sa mga ipis, ‘yung parang mga bida sa action movies?

Dodong:
Oo, yan ang mga katangian na kadalasan hinahangaan ng babae sa isang lalake, sa pisikal na aspeto ‘yan, crush ang tawag dyan o paghanga. Pero iba ang sa pag-ibig, kung puso ang usapan o pag-ibig, ang mga katangian na hanap ng mga babae ay yung super heroes na may kakayahan makinig sa mga daing nila sa mundo, may kakayahan damayan sila sa oras ng kalungkutan, may kakayahan hawakan at hagkan sila sa dilim at bubulong sa kanila na, huwag kang matakot kasama mo ako. Mareklamo ang mga babae, kaya ang kailangan nila ay tagapakinig o makikinig sa kanila, ‘yung may kakayahan maintindihan sila, may kakayahan maramdaman ang saloobin nila, ganun. Mas epektib yan sa mga babae, weakness nila yung lalaking hindi lang may puso kundi may taenga pa, lalaking may puso at taenga, kuha mo?

Namprel:
Hindi.

Dodong:
ayy ibilad mo sa ilalim ng mainit na araw yang utak mo para maging daing at nang mapakinabangan naman, hahahaha.

Tawanan na naman ang dalawa.

Namprel:
Biro lang, pero tama ka, ang galing mo talaga. Eh paano yan torpe din ako eh, kapag may kausap akong babae lalo na kung gusto ako ‘to? naku po para akong natutunaw na sorbetes sa ilalim ng init ng araw.

Dodong:
Edi ang gawin mo kapag ganun na ang sitwasyon ay padilan mo sa kanya ang sorbetes para hindi masayang. Hahahaha, kung feeling mo natutunaw ka, sabihin mo, oh lady, please I am melting, lick me, lick me baby. Hahaha.

Laugh trip na naman ang dalawang magkaibigan.

Namprel:
Loko-loko ka. Alam mo, kung puwedi lang sana ako magwish na sana maging daan ako o tulay para ibigin ka ni Inday ay gagawin ko. Tutulongan kita sa kanya. Ako ang magiging tulay mo sa puso ni Inday. Malaki ang utang na loob ko sa’yo pare, kaya kung ano man kailangan mo para mapasagot mo si Inday, magsabi ka lang.

Biglang kumidlat na parang flash ng kamera ang kalangitan.

Dodong:
Say kamoooteeeee….piniktyuran na tayo ng langit. Uwi na daw tayo dahil gabi na, magdadrama ka na naman daw. Saka baka maubosan ng gaas ang lampara natin, madilim na oh, at madulas pa sa ilog.

Namprel:
Sige, kita nalang tayo next week. Punta ako bukas sa bayan para ibenta mga ani ko.

Dodong:
Sige, mag-iingat ka at maraming salamat ah, lagi mo ako dinadamayan, huwag kang mag-alala, pagbalik mo e-libre kita ng kamote que at lugaw kay Aling Maria, food trip tayo.

Namprel:
Wala ‘yon parekoy, walang wala ito sa pagsagip mo sa buhay ko…

Dodong:
Pagsagip ko sa kuyukot mo.

Natawa na naman ang dalawang magkaibigan.

Nagngitian sila, nagkatitigan pero dahil sa walang kislap sa mga mata nila, umuwi nalang sila.


~~~Kinabukasan nang 06:09am…~~~


Naglalakad si Dodong na iniisip parin kung paano niya mapapaibig si Inday. Sa kanyang pagmumuni-muni hindi na niya napansin na umabot na pala siya sa ilog. Nangiti siya sa bagong nasilayan ng kanyang mga mata.

“May bagong tulay na pala, kailan pa ito?” sa isip niya.

Habang masayang binabaybay ni dodong ang tulay, nagulat siya dahil natanaw niyang patawid din si Inday na mukhang galing sa palengke dahil nakaayos ito. Una ay natuwa siya, nakangiti siyang pinagmamasdan ang alindog ni Inday habang naglalakad na may bitbit na bayong at peryodiko na nakaipit sa kilikili nito.

Ilang Segundo lang ay nahimasmasan si Dodong mula sa pagpapantasya kay Inday. Kinabahan bigla, hindi niya alam ang gagawin. Patakbo siyang bumalik kaya nauga ang tulay, dahil dito’y muntikan nang malaglag si Inday, buti nalang ay napakapit ito sa taling nagsisilbing hawakan ng tulay. Napalingon si Dodong dahil sa narinig niyang sigaw ni Inday.

Mabilis uli na tumakbo pabalik si dodong kay Inday para isalba ito, kahit alam niyang malaglag man si Inday ay hindi ito mapapahamak dahil mababaw lang ang ilog.

Dodong:
Inday, ayos ka lang ba?

Inday:
Oo, nagulat lang ako dahil sa pagtakbo mo, bakit kasi?

Dodong:
Bigla kasi akong niromansa ng hiya nung makita ka.

Inday:
Ikaw talaga…bakit naman?

Dodong:
Ganun talaga, kapag ang puso ng tao ay nakita o natagpuan o naramdaman ang kaparehas nitong puso ay bumibilis ang tibok nito. Para bagang nag-uutos sa nagmemeari na ilapit dito. Kaya ayun, sa sobrang utos ng puso ko na lumapit sa puso mo, hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Mas nangibabaw parin ang kaba at ang hiya ko sa’yo, kaya tumakbo nalang ako.

Inday:
Pinakilig mo naman ako, parang nararamdaman kong gusto narin ng puso ko na lumapit sa puso mo dahil sa mga winika mo at ginawa mong pagtulong sa akin ngayon.

Natuwa si Dodong sa mga narinig niya, kaya inimbitahan niya si Inday na magmeryenda sila sa lugawan at kamote que-han ni aling Maria mamayang hapon.

Dahil sa pangyayaring iyon ay natuwa din si Inday kay Dodong. Madalas na silang magmeryenda sa lugawan ni Aling Maria, minsan ay sa tulay sila tumatambay at doon kinakain ang kamote que na opkurs bili nila sa tindahan ni aling Maria.

Pagkalipas ng ilang buwan ay nagkaroon na si Inday ng paghanga sa binata, hanggang sa maging pag-ibig na ito, at makalipas ng ilang buwan ulit ay naging magkatipan na sila.


~~~Makalipas ang kalahating taon ulit…~~~

Magkahawak kamay na naglalakad si Dodong at Inday sa ibabaw ng tulay habang pinapakinggan nila sabay ang mga musika ng April Boys sa bagong biling Walkman ni Dodong, tig-isa sila sa headset nito. Mula noon maging sila na ni Inday ay naging special na sa kanila ang tulay na ‘yon. Pinangalan pa ito ni dodong ng “Tulay ng pag-ibig”, dahil dito nagsimula magkalapit at magkakilalanan ang mga puso nila. Sa tulay na’yon tumulay ang pag-ibig ni Dodong patungo sa puso ni Inday.

Kasalukoyan tumutugtog sa Walkman ni Dodong: Honey My Love So Sweet By: April Boys

Bakit ba ako'y laging ganito
lagi akong 'di mo pinapansin
Para na lang akong laging
Sumusunod sa gusto mo
Lagi kitang inaalala
Kahit 'di mo ako pansin
Honey my love so sweet.

Dodong:
Alam mo kung nandito siguro si Namprel, sobrang tuwa non dahil sa nangyari sa atin. Ang ganda ng kanta, hani my lab sooooo swwwiittt.

Kahit ako'y 'di mo pinapansin
Hindi ako nagagalit sa'yo
Pagka't alam ko na ang iyong
Damdamin para sa 'kin
'Di mo lang alam ang aking
Nadarama 'pag kapiling ka
Honey my love so sweet

Inday:
Saan kaya nagpunta ang kaibigan mong si Namprel? Oo nga parang storya natin, honey my love so sweeettt.

Kahit sino ka pa basta't mahal kita
Lagi na lang akong sumusunod sa'yo
Mahal kita at 'yan ay totoo
Honey my love so sweet.

Dodong:
Hindi ko nga alam eh, walang nakakaalam. Kahit pamilya niya hindi nila alam. Lumuwas na nga sila ng Manila para hanapin, baka raw pumunta sa mga kamag anak nila roon. Ewan ko ba saan nagpunta ang gago na ‘yun, mula nung gabing iyon pagkatapos namin mag-usap hindi na nagpakita pa ulit sa akin. Oo nga, ikaw talaga naaalala ko kapag naririnig ko ‘to, alay ko ‘to para sa’yo, hani may lab so swwiitttt..hehehe

Kahit ako'y 'di mo pinapansin
Hindi ako nagagalit sa'yo
Pagka't alam ko na ang iyong
Damdamin para sa 'kin
'Di mo lang alam ang aking
Nadarama 'pag kapiling ka
Honey my love so sweet.
 
Inday:
Huwag kang malungkot honey my love so sweet, dahil kung saan man siya ngayon sigurado ako na kaligayahan mo parin ang hangad niya. Mahal na mahal kita Dodong ko.

Kahit sino ka pa basta't mahal kita
Lagi na lang akong sumusunod sa'yo
Mahal kita at 'yan ay totoo
Honey my love so sweet

Dodong:
Alam ko honey my love so sweet, salamat. Mahal na mahal din kita Inday ng buhay ko.

Lumakas ang tugtog...

Walang ibang mahal kundi ikaw lamang
Sabihin mo sa akin ako'y mahal mo rin
O giliw ko ako ay pakinggan mo
Honey my love so sweet
Honey my love so sweet
Honey my love so sweet
 
At nagkatitigan sila, nag-usap ang kanilang mga mata, nagbulungan ang kanilang mga puso, at unti-unti nang nagdikit ang mga labi nila habang patapos na ang kanta ng April Boys sa Walkman ni Dodong.


SEMI END


~~~~Flashback~~~~~

Noong gabing pauwi na ang magkaibigan…

Dodong:
Sige pare mauna kana, dito nalang ako dadaan kasi titingnan ko pa ‘yung kalabaw ko. Ingat ka sa ilog may nagpapakita daw don, hahaha

Namprel:
Gago. Nanakot ka pa, tagain ko pa magpapakita sa akin eh. hahaha.

Nang umabot na sa ilog si Namprel ay biglang may lumabas na nilalang sa harapan niya, totoo nga ‘yung winika ng kanyang kaibigan.

Natatakot na Namprel:
Sino ka??? *Gulat* aahhh!!!


UNN (Unidentified Na Nilalang):
Ako ang wish master pinoy bersyon 2.0 kaya korni at OA, huwag kang matakot, hindi ako kaaway, nandito ako para tulongan ka at tuparin ang hiling mo.

Takot parin na Namprel:
aaahhhh!!! Sino ka???

UNN:
Isa akong kai…kaibi..kaib..,narinig ko kanina ang hiling mo para sa kaibigan mo. bwehehehe

Namprel:
Hiling ko? ‘yong hiniling ko na sana maging tulay ako sa pag-iibigan nila ni Inday?

UNN:
Sakto, at good news dahil matutupad ‘yon.

Namprel:
Paano?

UNN:
Ito ang bato, lunokin mo at hilingin mo ‘yon.

Wala nang kung anu-ano pang shit si Namprel sa isip niya, ang tanging umiikot lang don ay ang kagustuhang matulungan ang kanyang matalik na kaibigan, ang kagustuhang makaganti ng utang na loob sa kanya. Kaya hindi na nagdalawang isip pa ay kinuha na ang bato, isinubo at agad-agad nilunok.

UNN:
Huwag kang sisigaw ng darna!!!

Namprel: *Nakapikit ang mga mata*
Sana maging tulay o daan ako para ibigin ni Inday si Dodong.

KIDLAT

HANGIN

ULAN

HANGIN

KIDLAT


KULOG

At ilang sandali pa ay binalot ng makapal na usok ang paligid, nagkantahan ang mga palaka, nagsayawan ang mga isda sa ilog, nagpatugtog ng musical instruments ang mga kuwago at tatapusin ko na ito dahil ang korni at OA na at pasensya na. Hanggang sa unti-unti nang nagiging tulay si Namprel, literal na tulay ng ilog.

*Tumunog ang stupid love ng SALBAKUTA*


THE END






Thursday, January 10, 2013

Kapitan Bola: Kokote Power





KAPITAN BOLA: [Episode 3] [Episode 1] [Episode 2]

Ang nakaraan….



Nagkaroon ako ng kapangyarihan, nakuha ko ata don sa buhawi na pumasok sa katawan ko. Hindi ko alam kung paano nangyari ‘yon, ganun talaga dito sa mundo ang daming arte na hindi maitindihan parang babae. Kaya siguro nila tinatawag na mother earth ang mundo, dahil babae ang mundo kaya ang daming arte, komplikado din at misteryosa, hirap itindihin.

Nagkaroon ng sariling buhay at pag-iisip ang isa sa dual personality ko na laging bumubulong sa akin, at nakakausap ko. Lahat ng tao ay may dual personality, kokote ang tawag natin don at ‘yun ang nabuhay sa akin, yun ang kapangyarihan ko, may kokote powers ako, tangina lang diba?

Sa pagharap ko sa isang halimaw na parang palaka, nagrescue naman sa akin ang isang babaeng naka-two piece na si Liwanag daw, hindi ko alam kung saan siya nanggaling…….at dahil sa boses na bulong ng bulong sa akin, sinubukan kong lumipad dahil sa pag-aakalang ‘yon din ang kapangyarihan ko tulad nang kay Ligawa.

May mamuo kayang pag-iibigan sa amin ni Liwanag
Ano naman kaya ang epekto ng kapangyarihan kong “BOLA”?  
Saan ko gagamitin ito? 
Paano?

Sa pagpapatuloy….

Hindi ko akalain ang magiging kapangyarihan ko ay “BOLA”. Oo, pambobola sa mga makakalaban ko. Sa daming kapangyarihan bakit ito pa ang napunta sa akin? Akala ko makakalipad ako nang ibulong sa akin ng bose na may kapangyarihan daw ako, kaya tinangka kong lumupad, yun pala, hindi ako nakaka-fly like a butterfly or kahit like an ipis man lang.

AkoLiwanag…tuuuulllooooonngggggggggggg!!!!!!!

Mabilis na rumesponde si Liwanag sa akin bago pa magkalasug-lasog ang katawan ko, sa bilis niya ay naunahan pa ako at nasalo.

Ako: wooowww galing ah.

Ako: thanks ah, pakiss nga!

Bigla akong nilaglag sa pagkakabuhat sa akin

Liwanag: Ito gusto mo?!! (naka-kamao sa aking mukha)

Ako: easy ka lang, masyado ka naman hot e. (nakataas ang dalawang kamay)

Liwanag: teka, kung hindi ka naman tanga e, bakit ka nga ba tumalon bigla?

Ako: sabi kasi ng boses na naririnig ko may kapangyahinan ako, e akala ko lumulipad din ako tulad mo.

Boses: (kumakanta) aaang tanga-tanga, ang tanga-tangaaaaaa!!!!!!

Hindi ko na pinansin ang boses na naririnig ko, alam kong pipikonin lang ako non.

Liwanag: boses? (mukhang nag-iisip at mukha siyang masarap)

Boses: damulag ka talaga, bakit ka tumalon bigla?

Ako: natanong na ‘yan ni Liwanag sa akin, mag-isip ka naman ng ibang tanong.

Boses: cge…hmmmm….ang ganda ni Liwanag noh? Ang sexy pa!!! woowww…tingnan mo oh bakat..haha!

Ako: *Pabulong* Gago, wag ka nga, baka super punch ang abutin ko sa kanya.

Liwanag: Tama na ‘yan kakausap mo sa sarili mo, taposin mo na ang halimaw

Ako: Ha? Bakit ako? wala me powers gaya mo na may super strength and super appeal na super ganda na suppppperrrrrrrr like it…

Habang nagsasalita ako ay napansin kung napahawak si Liwanag sa kanyang dibdib na parang may pinipigilan at bigla siyang tumalikod sa akin.

Ako: Oh ano nangyayari sayo?

Liwanag: Wala. Sige na, puntahan mo na ang halimaw, sundin mo lang ang boses na naririnig mo. Siya ang guide mo, nandito ako para lang mag-observe hindi puwedi makialam sa laban ninyong mga tao.

Lumingon na siya sa akin ng dahan-dahan with flying effect ang hair niya…at napanganga naman ako at napatulala sa gandang nakikita ko.

Ako: wooowww soo ganda niya……

Boses: hoy laway mo, natulo na..hihihi

Ako: ayy….(sabay punas)

Liwanag: ew….Nag-hang ka nanaman..kadiri naman ito. Go na!

Ako: Okay.

Liwanag: cge bilisan mo, kailangan natin mag-usap mamaya

Ako: Wow I like that, walang good luck kiss?hehe

Liwanag: Mukha mo!!!

Ako: damot!pangit!!!!!!!!!!! (sabay takbo)

Liwanag: haaayyyyy..sa lahat ng bibigyan ng kapangyarihan bakit pa ang taong ito. May sakit ata sa pag-iisip. Pero in fairness pogi siya at malambot ang mga kamay. Ahihihihi (gumuhit ang ngiti sa mga labi ng babaeng naka two piece habang sinusundan ako ng tingin papunta sa taong palaka).

Ako: uuyyy narinig ko ‘yun.

Nadatnan ko ang taong palakang nagtotoothpick habang hinihimas ang tiyan na nakasandal sa poste ng meralco, at pakanta-kanta dahil busog na busog.

Ako: langya, huli na ata ang lahat, may nabiktima na ang itchuserang frog na ito. Teka paano ko magagamit ang kapangyarihan ko sa kanya?

Ako: boses, saan ka? Ano gagawin ko?

Boses: una, hindi boses ang pangalan ko, ako ikaw…ako ang kokote mo.

Ako: cge na nga, kokote ko-ewan, ano gagawin ko?

Kokote: bolahin mo, basta bolahin mo lang siya. Mag-isip ka ng magandang bola para sa kanya. Malalaman mo ang kapangyarihan mo. sabihan mo ng mga matatamis na words!

Ako: naku naman ang hirap naman nito, sana may super strength ako, x-ray vision, at super speed, parang si superman?

Kokote: ulol! Mangarap ka..’yan lang ang nababagay sa’yo, wala sa porma ng katawan mo para bigyan ka ng super strength, at lalong lalo nang hindi pwedi sa’yo ang X-ray vision, sa kalokohan mo lang naman yun gagamitin sigurado, super speed mukha mo, speed lumamon kamo!

Ako: ito naman ang dumi mag-isip sa akin.

Kokote: ogag baka nakakalimutan mo alam ko ang mga iniisip mo, kasi iisa lang tayo.

Ako: oo na. KJ!!

Nilapitan ko si taong palaka, pagkakita sa akin ay bigla itong tumayo. Nakilala ata ako.

Taong palaka: KEKEroKEKEroPEPE…Hindi mo ata kasama ang pangit na babaeng iyon?

Hindi ko na pinansin ang mga shit niya dahil kinakabahan na ako.

Ako: (boses Michael buble) hello…cutie frog…*wink* (nakatagilid poseat sabay suklay sa buhok gamit ang kamay). Ngayon ko lang narealize na may kakaiba kang appeal. Appeal na nakakahina ng tuhod, parang may gusto akong palabasin dahil sa appeal mo.

Pagkarinig ng taong palaka sa bola ko ay mukhang naapektohan nga siya, nagblush siya. Ang kulay green na mukha niya at naging yellow green. Halatang hindi alam ang gagawin, natataranta sa kung ano ang dapat niyang ikilos, tense na tense ang puta sabay kumikislap-kislap ang mga mata.

Ako: …..alam mo bang paborito kong color ang green? masarap kasi sa mata, parang ikaw….masarap (sabay ikot ng dila ko sa aking labi)

Nagdikit ang mga tuhod ng taong palaka, mukhang nanghina siya, mukhang tinatablan na. Ilang sandali pa ay nanginig ang kanyang katawan, halos madinig ko na ang bilis ng tibok ng puso niya. Napaluhod na ito, naiiyak sa sobrang kaligayahan na nararamdaman dahil sa mga sinabi ko. Ilang sandali pa ay hindi na ata napigilan ang sobrang feelings na nararamdaman niya. Kumulo na ang chemical ng kaligayahan sa buong katawan niya. May mga duong lumabas sa kanyang ilong, tainga, bibig at mata. Ilang sandali pa ulit ay nanginig na ang buong katawan, nagvibrate na siya na parang dildo hanggang sa bumulwak na ang dugo sa lahat ng butas ng katawan niya.

Kinabahan ako sa aking nasasaksihan, kanina pinagmamasdan ko siyang inienjoy ang feelings niya, na parang naglalakad sa mga ulap ang pakiramdaman, pakiramdam ng isang in love na nilalang. Ngayon ay parang imperno na kinalalagyan niya, hanggang sa sumabog na ito.

Namatay sa sarap.

Hindi ako makapaniwala sa taglay kong kapangyarihan, simpleng bola lang ‘yun at nagawang mapasabog ang puso’t katawan ng itchuserang frog. Nilingon ko si Liwanag na punong puno ng mga katanongan ang isip ko.

Itutuloy....




Wednesday, December 5, 2012

THE SIGN






*Sa salas*

Si Lorena, nagkaupo sa kanilang sofa, ahhh at nakasandal pala, nakapikit ang mga mata at taimtim na nagdarasal.

Lorena: Diyos ko po, kinakabahan po ako, hindi pa ata ako handa, bigyan ninyo po ako ng sign.

*Sa Kusina*

Mga labi lang ni Lorena na parang puwet ng manok ang galaw ang nakikita ng kanyang pamilya habang pinagmamasdan siya.

Kapatid nilang lalake: Ate Christine, ano sa palagay mo dinadasal ni ate Lorena?

Christine: Ogag ka? nandito tayo pareho, paano ko malalaman, ano ‘yun konektado ang tainga ko sa bibig niya?

Kapatid nilang lalake: Hahaha...ate naman, siyempre, babae ka eh, parehong may dugong umaagos sa inyo every month, so sigurado ako mahuhulaan mo.

*Batok sa ulo sa kapatid na lalake*

Nanay nila: Tumigil nga kayo dyan, birthday ng kapatid niyo at mukhang malaki ang problema. Puntahan muna natin, mamaya na ‘yang mga nilulutong handa.

*Sa salas ulit*

Tumabi ang nanay nila kay Lorena, si Christine naman at kapatid nilang lalake ay nasa kabilang upoan. Lumipat sa kabilang puwesto ang kapatid nilang lalake, malayo sa tatlong babae, malapit sa telebsisyon.

Nanay nila: Anak, may problem ka?

*Malungkot na titig mula kay Lorena sa kanyang nanay*

Lorena: ‘nay, pupunta dito mamaya si Rodel. Formal niyang hihingiin ang kamay ko.

*Napalingon ang kapatid nilang lalake, mukhang nagulat sa narinig*

Kapatid nilang lalake: ha? Hihingiin ang kamay mo? edi mawawalan ka ng kamay, paano na ang malamig mong gabi? Hahaha

*Tinamaan ng lumilipad na tsinelas ang kapatid nilang lalake, sapol*

Christine: Sira ulo. Akala ko kung ano na sasabihin mo, may pagulat-gulat effect ka pa.

Nanay nila: Hayy naku kayong dalawa talaga kahit kelan. Lorena ano naman problema don? Limang taon na kayong magkasintahan diba? Siguro naman sapat na panahon ‘yun para makilala niyo ang isa’t isa.

Lorena: ‘nay, OFW si Rodel, sa loob ng limang taon na ‘yun, limang beses lang kami nagkita ng personal. Kadalasan sa computer lang kami.

Kapatid nilang lalake: Kaya pala daming tissues sa trash can natin….hahahaha, buwahahaha, aksaya ka sa tissues. hahaha

*Matalim na mga tingin ang sumaksak sa kanilang kapatid na lalake mula sa kanilang tatlo*

Kapatid na lalake: Ok…ok..chillax lang kayo girls. Nagbibiro lang ang nag-iisang lalake sa buhay ninyo. hehehe..okay na, nakatahi na bibig ko. Hehe

Christine: So, ano plano mo?

Lorena: Wala. Hindi ko nga alam, kaya nga nagdadasal nalang ako, nagwish at dahil birthday ko naman ngayon baka magkatotoo, sana bigyan ako ng diyos ng sign.

Kapatid nilang lalake: Naks, parang sa pelikula ah…. *(Kinakanta) I saw the sign, when I open your legs wide open, and I saw the sign, its malaki* LOOOL

Sabay-sabay mga babae: ULOOOOOOOOOOLLL

*Laugh trip ang pamilya*

Nanay nila: Anak, anong sign ang hiningi mo?

Lorena: Hehehe. Kung sa pagpunta niya rito at may dala siyang bulaklak na pinaghalong kulay puti at pula, siya na. Siya na nga ang lalakeng para sa akin, oo ang isasagot ko sa kanya. Kasalan na.

Kapatid nilang lalake: Ang dali naman ng hiningi mong sign. Siyempre magdadala yun, birthday mo din kaya ngayon

Christine: Ungas, pinaghalong puti at pula na rosas, kung magdadala man ‘yun hindi ganun ang combination.

Lorena: At never pa ako nabigyan ng mga rosas ni Rodel.

Kapatid nilang lalake: Hahahahaha, kawawang mga nilalang, parehas kayo ate Lorena ni ate Christine, never din nakatanggap ng bulaklak mula sa kasintahan. Hahaha, kukuripot ng mga bf niyo, wtf lang.

Nanay nila: Nak, ito pera lumabas ka, manood ka ng sine, tatlong libo ‘yan, tatlong movies papanoorin mo sa sine, yung sukli bili mo condoms at lubricant, at wag ka magpapagabi.

Kapatid nilang lalake: Ayos, I love you ‘nay, kahit kailan nababasa mo ako at alam mo ang kiliti ko.

*hehehehe*

~~~~~~


*Si Rodel at ang kanyang best friend*


Rodel: Pare kinakabahan ako…paano kung hindi ang isagot sa akin ni Lorena?

Best friend: Edi, tuloy ang flight mo bukas pabalik Dubai. If oo naman siya, text mo lang ako para pa-cancel ko flight mo. ako na bahala kung ilang buwan ka ma-extend ng bakasyon.

Rodel: Thanks pare, sige alis na ako.

Best friend: Good luck pare…teka p’re, bakit may dala kang bag pack?

Rodel: ah…nilagay ko ang flowers na bibigay ko sa kanya..hehehe, ito oh.

Best friend: alanjo p’re, ano ‘yan, bakit pinaghalo mo ang pula at puti?

Rodel: Kasi, ang PULA, representing my RED BLOOD, handa ako ialay sa kanya, at ang PUTI siyempre my WHITE BLOOD, hindi na kailangan ng paliwanag dyan, hahaha.

Best friend: Gago! Sige na, good luck nalang sa’yo, sana dinamihan mo ang puti.

*Naglaugh trip ang dalawa*

~~~~~~


*Nasa tapat na ng bahay nila Lorena si Rodel, kinakabahan itong pinipindot ang doorbell*

*Doorbell: Putangina may tao*

Inulit….

*Doorbell: Hoy putangina niyo may tao*

Ulit pa…

*Doorbell: Putangina mo, umalis kana mga bingi ang nasa loob ng bahay*

*Nagkagulo ang tatlo sa loob ng bahay*

Christine: Nandyan na si Rodel sa labas!!!

Nanay nila: Sige, ako na magbubukas….

Lorena: ‘nay, the sign, the sign, the sign, the sign!!!

Nanay nila: oo, wag ka sumigaw!!!

*Pinagbuksan ng nanay nila si Rodel ng pinto …walang nakitang bulaklak, walang sign…nalungkot.*

Nanay nila: Pasok ka Rodel.

*Nauna na nang pumasok sa loob ng bahay ang nanay nila…*

Nanay nila: *suminyas sa dalawang anak* Walang sign…

*Nalungkot ang tatlo….*

Naupo si Rodel sa sofa kaharap si Lorena, kinakabahan ito kaya nakalimutan ang dalang bulaklak na ibibigay sana kay Lorena.

Rodel: Aummhh....Hi!

Lorena: Hello! Del, auhmmm….hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan.

Rodel: Ano ibig mong sabihin…?

Lorena: Del, I am sorry…

Rodel: Ohh please….

*Naghalo ang hiya, sakit at kalungkotan sa buong katawan ni Rodel, dahil nandon ang nanay at kapatid ni Lorena*

Lorena: I don’t think I am ready, sana maitindihan mo ako.

Nalungkot si Rodel, may naramdaman tubig sa kanyang mga mata. Hindi na nagsalita pa, tumayo nalang at nagpaalam sa kanila.

*Ngarag ang boses*

Rodel: Lo…lore…hhaayy…hanggad ko ang iyong kaligayahan.

Nanay nila: Rodel…..*buntong hininga*

Mahabang patlang ang namagitang sa kanilang tatlo….

*Patlang*

*Patlang*

*Patlang*

*Patlang*

*Patlang*

Si Christine na ang bumasag sa katahimikan…

Christine: Kailangan ba talaga Lorena na hayaan mo sa sign ang desisyon mo? kailangan ba talaga ang sign ang magdesisyon para sayo?

Nanay nila: Ganun talaga ang tao, kapag hindi sigurado sa desisyon niya o kahit na anong gagawin. Maghahanap ito ng tulong para magdesisyon para sa kanya, lalapit sa isang bagay o gawain na minsan ang tao lang may likha para matapos ang paghihirap ng kalooban niya. Parang maghahanap ng dahilan, ng excuses, ng kakampi, at kung anu man yung hanap niya.

Lorena: Oo, dahil, dahil, dahil….sa totoo lang hindi pa talaga ako handa, with or without the sign.

Nagyakapan ang tatlo…Si Rodel nasa harapan ng gate nang biglang naalala ang dalang bulaklak. Binuksan nito ang bag, kinukha ang flowers at nilagay sa tapat ng kanilang gate.

Makalipas ang ilang minuto…

1 minute, 2 minutes, 3, minutes, 4 minutes….

*Doorbell: Putangina may tao*

Nagkagulatan ang tatlo…

*Doorbell: Hoy putangina niyo may tao*

Nanay nila: Si Rodel!!!

Christine: Baka nakalimutan ibigay ang sign?!

Sabay sabay na silang pumunta ng gate para buksan ang pinto bago pa tumunog ulit ang doorbell.

Binuksan nila ang pintuan ng gate…Hindi si Rodel, walang Rodel na bumalik. Ang boyfriend ni Christine ang nasa tapat ng gate, nakangisi, masaya at may dalang bulaklak, mga bulaklak na pinaghalong kulay pula at puti.

Boyfriend ni Christine: Happy birthday Lorena, bulaklak para sa’yo…

*Sabay-sabay napasigaw ang tatlong babae*

Chorus: ANG SIGN!!!

* POKER FACE ANG LAHAT*


The End






Monday, November 5, 2012

Si Kapitan Bola prt 3


PANGALAN/ALIAS*:rpc_halang
URL:
TANONG*:Sir Akoni,

magandang araw (gabi) sa iyo.

isa ako (kasama ang mga dati kong ktrabaho) sa masugid mong taga subaybay simula nung napasok ko site mo. hehe

ano na po ang nangyari kay Kap Bola? bitin kami dun, kelan kasunod? hehe.

dito din nga pla ako ngayon sa KSA, dito sa Riyadh.

sana ay marami ka pang maipost dito sa site mo na mga makabuluhang istorya para mawala ang home sick.

God bless!

Rez



Matagal na ‘yan sa inbox ko, at hindi ko alam na mayroon palang sumusubaybay sa mga kuwento ko. Hindi ko alam kung magsasaya ako o kakatayin ko nalang 'tong roommate ko, basta naligayan ako, siyempre as usual parang orgasm na naman. Oo nga pala, pasensya na dahil bihira lang ako ngayon magkwento (naks), at dahil nagrequest ka ng kapitan bola, umasa kang pipilitin kong taposin ang kwento kahit magkaalmuranas pa ako. Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung paano 'yan tataposin. LOL
 
Maraming Salamat Ulit, salamat sa mga messages mo sir, ingat lang baka magka-inlaban tayo.


Sa mga gustong makiride on sa trip ko, nandito ang part 1, tapos dito ang part 2 at narito na ang part 3.


Costume ni KAPITAN BOLA


Sa akin paglalakad, hindi parin mawala sa isip ko ang matanda, kinilabotan tuloy ako dahil parang nakikita ko ang paglalandi niya sa akin. "Haayyyyy-eow, weird" usal ko. Nagpatuloy na ako sa aking paglalakad hanggang sa biglang may sumulpot sa harapan ko, mga nasa 10 meter ang layo nito sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot, dahil isa itong taong palaka. Kulay green, yellowish ang sa tiyan niya na malaki, malapad ang mukha, malaki ang ulo, malaki din ang bibig nasa isang dangkal ata, basta mukhang palaka.

"KEroKEroPEPE!!waaahhhh……ako’y nagugutom..waaaahhh…Ikaw, mukhang yummy ka! Kakainin kita, mmmmeehehehehehehe" Shit ng palaka.

"Ha? Ano ako, insekto?!! Ayy teka, dapat ganito maging reaksyon ko, 1, 2, 3...aaaaaaahhhhhhhhhh!!!" Sigaw ko.

 "KEroKEroPEPE....wwwssssssssssshhhhhhhhhhhhhhhh…Haaaaaaaaa…" Nag-Oppa nganga style siya at naamoy ko ang hininga niya.

"Aaaaahhhhh...aaaammmmmbbbbaahhhhhoooo" Reaksyon ko.

"Ouch! KEroKEroPEPE..ano sabi mo sa aketch? Mabaho hininga ko? kakahurt ka naman, sempre gutom ako e." Pagmamaktol ng taong palaka.

"SORRY" ako.

"Pero, kakainin parin kita. mmmeeeeyyyhehehehehehehe—you can run, but you can’t hide! meoowhehehehe" Sabi ng taong palaka.

"Ulol! Walng originality, gaya-gaya ng linya.”  Sabi ko sa kanya at tumakbo na ako.

Paglingon ko sa kanya ay biglang nilawit ang pagkahaba-habang dila nito at inaabot ako, pero mabilis ang takbo ko at nakakailag ako. Dahil sa hindi ako maabot ng kanyang dila, bigla ito huminto at buwelo, at biglang talon, napatili ako.

Ayyyy puking palaka ni Kaka!!!” Tili ko na tumakbo parin ako.

Sakto ang pagtalon niya, dahil nasa harapan ko na siya, mga nasa 8 meter nalang.

"Sluprs" paglawit ng dila ng palaka, "Ilag" reaksyon ko, "Slurps-Ilag-Slurps-Ilag" Repeat 4x

"Eooww kader-der, ano bang dila ‘yan?" Sigaw ko sa kanya.

"Mapapasaakin din ang katawan lupa moooo…(trruusssppppp!!!!Lawit pa ng dila niya)" - Kokak

"Tullooooonnnggg, puuulliiiiisssss, Iiinaaayyyyyyyyyyyyy" Paghingi ko ng saklolo pero parang walang tao sa paligid.

Dahil sa paghingi ko ng tulong, biglang may narinig akong boses, at malakas ito. 

*Gamitin mo ang kapangyarihan mo Akoni, gamitin mo!* Sabi ng boses. 

"Ha? sino ‘yun? Kapangyarihan? Ano naman ang kapangyarihan ko?" Mga tanong ko at napalakas ang boses ko kaya napatigil ang halimaw sa harap ko.

*Gamitin mo tanga!!mag-isip ka!* Sabi ng boses uli, pero ang pinagtataka ko, ito’y kaboses ko.

"Aba’y tanga ka din, namputcha naman, sino ka?" Pagalit kong sabi na palingon-lingon sa paligid.

"Teka lang itchuserang palaka, may bumubulong sa akin eh, nakakainsulto na, time out muna tayo" Pakiusap ko sa palaka.

"Okies..pagod na din ako sa kakadila sa’yo. Umiilag ka naman e" Sagot ng taong palaka na parang may tampo.

Patuloy parin ang boses na naririg ko.

"Naririnig mo ba ‘yun?" Tanong ko sa palaka.

"Adik kaba? Wala akong marinig kundi ang ingay ng tiyan ko dahil sa gutom. Magpakain kana kasi sa akin ayyyiii, Hmp! Ano game na ba?" Sabi ulit ng palaka at nag-ipon na ng lakas, handa ulit subokan kainin ako.

"Sandali nga lang, ‘wag kang epal. Rest ka muna dyan" Sita ko sa kanya, at nakita kong nagtaas ng kilay ang palaka.

*Gamitin mo ang kapangyarihan mo ogag. Meron kang kapangyarihan, nagising ang natutulog mong kukote. May kukote kana, gamitin mo!* Sabi ulit ng boses, at sobrang nagtataka parin ako dahil pakiramdam ko ay ako ang nagsasalita, parang galing mismo sa akin ang boses.

"Sino ka?” Bulong ko sa aking sarili.

*Ako’y ikaw, ikaw ay ako tanga! Ako ang kukote mo, nagkaroon ako ng sariling buhay* sagot ng boses

"Aaahhh ewaann..tumigil ka na sa kakabulong mo sa akin..waaaaahhhhhh" Sigaw kong malakas.

"Hoy adik!! Game na ako..game kana ba? Iniisnab mo ako ha..itong sa’yo" Naghanda na ulit ang palaka.

"KEroKEroPEPE, nakapahinga na ako, lalapain na kita. Waaaahhhhhhhh..trruusssppppp!!!!!!!!(nilawit nanaman ang mahabang dila sa akin)"

Papalapit na sa akin ang dila niya nang biglang may humawak rito, isa na naman nilalang ang biglang sumulpot sa pagitan namin ng taong palaka. Pero this time hindi isang halimaw, kundi isa atang diwata dahil sa taglay nitong kagandahan. Napanganga ako, isang napakagandang babae, tumulo lalo ang laway ko nang makita kong naka-two piece lang siya. 

"Sino siya? Ang ganda naman niya at ang sexy pa" laway dila ko.

"Ako si Liwanag, narito ako para tulongan kang puksain ang kasamaan" Sabi ng mahiwagang babae

"Ha? Liwanag??!!darn!!!!!!!cool..go,go,go….ihampas mo sa pader ang itchuserang frog na ‘yan" Sigaw ko sa tuwa.

Wala pang ginagawa ang mahiwagang babae ay bigla nalang umalis ang taong palaka, nagtatalon ito sa takot. Papunta na ito sa city.

"Sumakay ka sa akin, habulin natin ang taong palaka bago pa man may masaktan o makain" Sigaw sa akin ni Liwanag na sa oras na 'yon ay parang naghahang akong nakatitig sa kanya dahil sa sobrang ganda niya.

"Sasakay ako sayo? Bakit nakakalipad ka? Ha?ha?" Pabalang na sagot ko sa kanya, dahil naputol ang pantasya ko.

"Oo dahil may kapangyarihan ako. Bilisan mo, baka hindi na natin maabutan ang palakang iyon, kailangan mo siyang mapatay" Utos niya sa akin.

Ha? Bakit ako? Bakit hindi ikaw? Ikaw nga itong may kapangyarihan eh” Paliwanag ko sa kanya dahil natakot ako sa sinabi niyang ako ang pupuksa sa halimaw na ‘yon.

Basta ikaw ang dapat pumuksa sa kanya, hindi ako puwedi, mamaya ko na ipapaliwanag sa’yo” Sabi niya at nagpose na siyang lilipad na napanganga naman ako dahil ang ganda niya, shit.

"Bakit hindi ka pupuwedi, regla mo today?" Tanong ko sa kanya at nagsimangot si Ligaya kaya umangkas nalang ako sa likod niya.

Nasa likod na ako ni Liwanag habang nasa ere kami,

Nakakalipad nga siya, mayroon nga siyang kapangyarihan” sa isip ko.

Nakayakap ako sa kanya, at inaamoy ang buhoy. Grabe ang bango niya...kaya pinikit ko nalang ang aking mga mata, ang sarap ng pakiramdam ko.

"Alisin mo ‘yang kamay mo sa dibdib ko kundi ihuhulog kita" Medyo gumiyang ang lipad niya at lalo tuloy ako napapisil sa dibdib niya.

"Oh, wag kasi...ayan napahigpit pisil ko tuloy, hehehe. Sorry mali lang nakapitan ko. hehehe" Palusot ko.

"Haayy naku, diyos ko. Bakit siya pa?" Sabi ni Liwanag at hindi ko na yun pinansin.

Ilang saglit lang ay nahanap na namin ang taong palaka, hinabahol ang mga tao…….lumapag kami sa tuktok ng building, nang biglang may narinig na naman akong boses.

Ungas, may kapangyarihan ka, hindi mo lang alam..gamitin mo” Sabi nito.

Baka tama ang naririnig kong boses baka may kapangyarihan nga ako dahil don sa nangyari” Sa isip ko.

Ulopong, pabulong-bulong kapa dyan e naririnig din naman kita...meron kang kapangyarihan, gamitin mo kasi” Sabi ulit ng boses.

Tangna na’to!” usal ko at napatitig sa akin ng masama si Liwanag kaya nagsign peace ako sa kanya.

Ok, gagamitin ko na kung ano man un” Bulong ko.

Liwanag, sabi mo ako ang dapat pumuksa sa halimaw na ‘yon diba? Now watch me my dear, mwah!” sabi ko sa kanya na may halong landi.

Dapat lang bago pa niya kayo maubos, kayong mga tao.” sagot niya sa akin na nagpaalog sa isip ko.

Hindi siya tao?” Sumaglit sa isip ko

Okay, I think I am ready na, huh, huh, huh.” Pagiinarte ko na parang Kris Aquino, pampawala ng kaba.

Nag-inat na ako at bigla akong tumalon sa building………

Eyyyeeaaaaahhhhh..ayan na ako taoooong paaaalaaakkkaaaaa..waaaahhhh” sabi ko na nakasuperman pose ako.

HOY!!!BAKIT KA TUMALON????!!!!!” Malakas na sigaw ng boses sa akin na halatang gulat na gulat.

Sabi mo, may kapangyarihan ako, lilipad akooooooo….waaahhoooooooooo” sagot ko pero kinabahan ako dahil pabulusok sa lupa ang direction ko.

AYYY TANGAAAA!!!!!!ANG TANGA MO TALAGA!! SINABI KO BANG MAKAKALIPAD KA??!!” Galit na sabi ng boses.

Isip ang kapangyarihan mo ungas…mga salita ang kapangyarihan mo...pambobola ang kapangyarihan mo. Tangnan Style na ‘yan!!!” Galit parin ang boses.

ANO??!WAAAAHHHH…NAKANAMPUTCHA, HINDI MO SINABI…LIIWAANAAAGGGG!!!! TUULLLOOOONGGGG!!!!!!” - Akoni



Itutuloy………….