nuffnang

Sunday, March 18, 2012

Natural BAYAG-RA


Hindi ko na siguro kailangan pang maglagay ng "WARNING R18", dahil alam na ng lahat kung anu ang puweding mabasa dito sa aking Akonilandiya. Kaya sa mga minor de edad na makakabasa nito, good luck sa inyo at enjoy, basta tandaan lang, na kung gagawa rin kayo ng kalokohan o kalibogan at wala rin naman makakapigil sa inyo, tandaan ninyo ito, gawin sa tamang lugar 'wag sa mga kung saan-saan sulok lang at dapat safe, okay? Safe sex ika nga, or contact ninyo ako kung gusto ninyo ng demo.

************

Hindi na ba high ang sex drive mo?

Nakakaantok na ba ang bed performance mo?

Wala kana bang gana makipagseks?

Gusto mo bang lumakas ang sex drive o sexual perfomance mo at gusto mo bang maging incredible ang bird mo?

Narito na ang solution dyan, kuha na ng tissues. LOL

Lahat naman siguro tayo ay alam na kung ano ang viagra, hindi ba? Isa ako sa na-curious dito na subukan, pero natatakot akong magtry dahil baka biglang magstop ang heart ko tapos mamatay me sa sarap. May hika kasi ako, kahit nga vitamins medyo naninikip dibdib ko kapag nainom ako, eh ang Viagra pa kaya? So, kahit gusto kong masubokan, hindi ko parin magawa.

Pero dahil Pilipino ako at malandi, humanap ako ng paraan, nagresearch ako ng natural na viagra. Sa aking pananaliksik na wala naman, napag-alaman ko na may mga pagkain pala na ang tama nito sayo ay katumbas ng Viagra, yoohhooooo. 

Magpapalakas ng ang sex drive mo at mag-e-improve ang iyong sexual performance level, hahaha, sexcited na ba kayo? Ang lalandi ninyo, hahaha, narito na...



Galing dito ang picture

1. POMEGRANATE – Sa mga lalakeng gusto ng highest-level na sexual performance, uminom lagi ng katas nito. Sabi ng mga kumpare kong scientist sa California, ang isang baso daw ng katas nito ay katumbas ng Viagra, oohh yeeeaahhh, saraaaaap. Ang katas nito ay may antioxidants na nagpapataas o nagpapalakas ng daloy ng dugo sa genital area, oohh yeahh ramdam mo ang daloy?

Pero hindi lang sa kalandian may pakinabang ang katas nito, bukod sa mapapalakas nito ang sexual power ng mga kalalakihan, magpe-prevent pa ito ng sakit na prostate cancer at heart disease, oh ha?!


Galing dito

2. WATERMELON – Bago lang nadiskubre ng mga kumpare kong scientist na may tama pala na parang Viagra ang gulay na ito. May taglay itong Citrulline, na ini-stimulates nito ang production ng Arginine, isang amino acid na nagpaparelaks ng atin blood vessels, ini-improve nito ang blood circulation sa ating genitals gaya ng sa Viagra, ayyiiiii, nakiliti ako, ikaw din?


Galing dito.
3. RAISINS – Ito naman ay kilalang nagpapa-turn on, parang pagkakanain mo ay, aahh I am sooo h*rny baby…Natuturn on na ako sa’yo, come on take me, take me to the moon, LOL. May arginine din ito, na matagal nang ginagamit panglunas sa bird ng mga kalalakehan na hirap magalit.

Ang raisin na ito ay isa sa mga source of energy, kaya naman wagas ang bed performance level, para kang kumain ng Energizer battery at uminom ng tubig ng molotile. Nirerekomenda ng mga kumpare ko na magtake regularly para mapanatiling mataas ang libido.


Galing dito.

4. SPINACH – Ngayon alam mo na kung bakit ang payat ni Olive, yung asawa/girlfriend ni Popeye, ang tindi kasi ng kinakain ni Popeye. Isa itong malakas na lunas sa mga may erectile dysfunction, nagtataglay ito ng Vitamin E, as in Erection, lol joke. Ang bitamina na ito ay nag-e-stimulates sa mga nirerelease na sex hormone ng atin katawan, kaya naman mapapa-awwooooo ka sa release.

Pinapalakas nito ang libido ng mga babae, oo para sa inyo girls ang gulay na ito, takbo na sa pamilihan ng gulay. Mayroon itong manganese, ini-stimulates nito ang production ng estrogen na nagpapalakas naman sa female fertility ninyo, oohh myyyy…Magsa-shopping ako ng spinach now na, lol.

Mayaman din ito sa Zinc, na pinapopogi o pinagaganda nito ang quality at quantity ng SPERMS.

Ops...bitinin muna natin.

To be continue….bukas na ang iba o sa isang araw, marami pa.


*Twit o share?

20 comments:

  1. wow... pede ka ng pang health issue blog... for sexdrive tips :P

    ReplyDelete
  2. may mga scientific basis naman siguro yan ng totoo hahaha

    ReplyDelete
  3. Khanto - baka may alam kang nagha-hire..lol

    Bino - Totoo lahat yan, ayun sa mga kumpare kong scientists, at nasubokan ko na din..LOL

    ReplyDelete
  4. galing kahit about sa sex yun topic ay kapupulutan nman ng kaalaman.

    ReplyDelete
  5. Pinapapak ko ng parang corniks lang ang raisin hindi dahil sa kung ano pa man kundi di siya masakit sa gilagid at makatas na manamis namis try niyo.Kaya pala.

    ReplyDelete
  6. lupit ni tol akoni ah... health expert na hehehe...

    ReplyDelete
  7. hahaha on the way n ko papuntang palengke para bumili ng healthy fruits na ito .. lol

    ReplyDelete
  8. ikaw na ang sex guru ng bayan hahaa...
    at napag aralan din natin to sa med... totoo lahat ng iyong nabanggit at mas sobra effective POMEGRANATE, pero ika nga nila wag lang sosobra...

    ReplyDelete
  9. Pupunoin ko ang fridge ko ng mga ganyan...hahaha.

    ReplyDelete
  10. kuya ba't wala po sa list yung MARANG???
    hehehehehehehe

    ReplyDelete
  11. naku effective ang mga yan dahil pinapakain ako lagi ni mrs lalo na nung pomegranate, ayun, bull's eye na naman sya :) sana babae naman!

    ReplyDelete
  12. natawa naman ako sa pagpuno ng fridge ng mga to haha ayos bagong kaalaman kahit na bout sex ang topic thumbs up!=D

    ReplyDelete
  13. hahaha! :D grabe! ang dami kong namissed dito sa blog mo. lumelevel up ng todo ang mga posts! :D

    Jewel Clicks

    ReplyDelete
  14. oo nga bakit wala ang marang...teka ano din ba ang epekto ng marang, ryofil bello....parang gusto ko tuloy bumili ng pakwan mamaya...

    ReplyDelete
    Replies
    1. kuya arvin seasonal lang po ang marang mostky sa davao/zamboanga po... bale sa mga bundok lang po sya natubo kaya bihira lang po yang marang...

      mas powerful po syang pampalibog compared sa pakwan...

      nyahahahahaha

      Delete
    2. hahaha..ganun ba? sige idagdag ko yan sa listahan ko...to be continue naman ito eh. kaya research ko yang marang na yan..

      Delete
  15. ay ngayon ko palang naintindiham ang kamay ni popeye.. hahha

    ReplyDelete
  16. Hahaha. Ako din curious sa Viagra kaya lang hindi ko binalak subukan. LOL. Seryoso? Mahilig pa naman ako sa pakwan. hahaha. Pampagana pala. That explains a lot. JOKE!

    ReplyDelete
  17. wow hayup ka akoni habibi napakalibog mo parekoy!! hahaha pero maganda tong entry mo na to pang libog education!! nice nice!! i didn't know all these ngayon pa lang from you. hahaha

    ReplyDelete
  18. hahaha talagang binasa ko tong part one noh para makarelate ako sa part two. hunglakas ng amats pre! kuya kim ikaw ba yan??? natatawa ako eh, bigay todo ka sa pagkwento! f na f???

    ReplyDelete