Dear friends and readers (Naks),
Una sa lahat, gusto ko muna kayo kamustahin, kamusta na kayo? Kumakain ba kayo ng sapat at sa saktong oras? Mga love life ninyo, makulay parin ba o madugo parin? Kahit ano man ang situation ninyo ngayon, hangad ko ang tagumpay at kaligayahan ninyo sa buhay. Ganyan ko kayo kamahal mga hindot kayo!! LOL.
Ilan araw na ang nakakaraan at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para magtipa uli ng blog at ibahagi sa inyo, o sabihin ko nalang na para ilabas ang kalungkotan ilang araw nang umiikot sa akin damdamin. Tama, si Akoni ay katulad na ninyong mga normal na tao na nakakaramdam din ng kalungkotan.
Lagi ko nun nasasabi sa sarili ko at naitatanong kung bakit hindi ako marunong malungkot. Totoo yan, kahit ano talaga ang maging problema ko nun, hindi ako naaapektohan ng BIG time, hina-handle ko na parang normal lang, ganun. Ewan, hirap ako ipaliwanag pero sana ay naitindihan ninyo.
Pero nung February 21, 2012, araw ng Martes, alas 4:25 ng hapon, put a henna naiiyak na naman ako ngayon.
Namatay ang nanay ko.
Kung matagal na kitang ka-blog o basahero, I am sure nagulat ka at nalabuan ka sa sinabi ko, at alam kong marami kang katanongan ngayon. Kaya para sa mga nalabuan at nagulat, email ninyo nalang ako dito mhabib69x@gmail.com para maipaliwanag ko sa inyo ang lahat ng maayos. Oo, may ganyan akong arte.
Kung ang tatay ko ay tinuruan akong tumayo sa sarili kong mga paa, ang nanay ko naman ay binigyan ako ng pakpak para lumipad at abotin ang aking mga pangarap. Siya ang nagsilbing pakpak ko, naabot ko ang taas dahil sa kanya. I am so proud of her at mahal na mahal ko siya.
Pero ngayon wala na siya, pakiramdam ko ay nawalan narin ako ng pakpak. Hanggang ngayon ay parang manhid parin ang katawan ko, hindi ko parin maramdaman ang sarili ko, para akong naliligaw. Kung may naliligaw na kaluluwa, siguro mayroon din naliligaw na damdamin at yung ang nararamdaman ko ngayon.
Napakasakit ito bilang isang OFW, dahil wala akong magawa, ni-hindi ko man lang nasilayan ang katawan niya bago ihatid sa kanyang huling hantongan. Pero may parte sa akin katawan na parang nagsasabi na ayos lang na hindi ko nakita ang walang buhay niyang katawan, dahil ang mananatili sa isip/alala at puso ko ay ang buhay niyang katawan.
This is madness, hanggang dito nalang. Baka magtsunami dito ng luha sa opisina ko.
Salamat sa aking mga kaibigan na nakiramay, ramdam ko kayo. Salamat sa pinakamamahal kong asawa, dahil kung hindi dahil sa'yo baka nasa pinas na ako ngayon at tumatawang mag-isa sa isang sulok dahil tinakasan na ng bait. Nawalan man ang pinakamamahal kong nanay, nandyan parin naman kayo ni Lil Akoni na magsisilbing bagong pakpak ko para ituloy ang aking lipad, at nandyan parin ang tatay ko na nanatiling nagbibigay suporta sa aking mga paa, at nag-bibigay inspiration sa akin upang maging mabuting ama at asawa at malandi, joke yung malandi. Alam kong lumisan ang nanay na panatag ang kanyang kalooban dahil alam niyang nasa mabuting kamay na ako sa katauhan mo aking Heaven.
Hanggang dito nalang muna ate Charo, hanggang sa susunod na dramahan ulet. Baka sa susunod hindi na ito "Mga kalokohan at guni-guning ligaw" magiging "Drama-rama sa Akonilandiya." na.
Akoni, nakikiramay ako sa pamilya mo. Ang bigat bigat pala ng pinagdaraanan mo ngayon. Kaya pala dumating sa point na nag-hiatus ka sandali.
ReplyDeleteIsipin mo na lang hindi natin hawak ang mga buhay natin. Darating ang panahon na may lumilisan na mga importanteng tao sa ating paglalakbay. Huwag natin masamain yun. Ganun talaga ang pag-inog ng mundo. Pero sa tingin ko, malakas ang loob mo, dahil hindi ka tumitingin sa nawala, kundi sa kung ano meron ka. Gaya na lamang ng alaala mo sa iyong ina. Tama yun. Gamitin mo yung inspirasyon.
Hangad ko na malampasan mo kaagad ang kalungkutan upang maipagpatuloy mo ang pakikipagsapalaran diyan sa ibang bansa na may matatag na kalooban.
Hanga ako sa iyo kapatid.
Cheers!
Mr Leo, sobrang salamat sa komento mo, nakakaliwanag ng damdamin. :) Sa ngayon hindi ko pa masigurado ang nararamdaman ko, siguro pagnagbakasyon na ako at mapagtanto ko na hindi ko na pala siya makikita.
DeleteMaraming Salamat.
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteNasagot ko na ang email mo. Maraming salamat!
Deletenasabi ko na ung dapat ko'ng sabihin dun sa chat natin. basta we have to move on. God bless :)
ReplyDelete