nuffnang

Monday, March 5, 2012

Dramarama series Ep. 2: Buntot ni Mariam



Titser ang nanay ko, pero hindi yung titser na A-B-K-D-HIGA-KANA o A-B-C-D-ELEMENOPE ang tinuturo. Ustaza siya, ibig sabihin ay Arabic ang tinuturo niya. Hindi ko na maalaala kung anong subjects ang tinuturo, basta ang natatandaan ko at hindi ko makalimutan ay may binato siyang eraser na mag-aaral, sapol ang ulo ng bata at naging Eisenstein ang kulay ng buhok dahil sa chalk, hehehe hindi nakikinig eh, ayun, asintado si nanay.

Kinatatakotan siya ng mga mag-aaral, kahit nga ako natatakot sa kanya kapag tinuturuan ako magbasa at magsulat, eh sila pa kaya? Napaka-strict niya bilang titser, at respetado siya sa kanilang eskwelahan. Bae a labi nga tawag sa kanya eh, hindi ko alam ang saktong kahulogan niyan sa wikang tagalog, pero ang malapit  na kahulogan ay respetadong babae o nirerespetong babae, parang angat sa lahat ng mga babae, ganun, ang tindi ni nanay.

Bata pa ako nun ay kaya ko nang isulat ang pangalan ko sa Arabic, kaya ganun nalang ang tuwa niya sa akin. Lagi nga ako pinagmamalaki sa mga kasamahan niya. "Ang anak ko, kaya na niyang isulat ang name niya." Pagyayabang niya sa mga kasamahan niyang titser, tapos sabay hahalikan ako, 'yung halik na halos sumama na ang balat ng pisngi mo sa sobrang pagsinghot niya sa'yo, hahaha, ganun humalik si nanay.

Mas close ako sa kanya kaysa tatay ko, si Ama ayos lang na hindi ko nakikita, pero si Ina? Pakiramdam ko ay mag-isa lang ako sa mundo. Ang lungkot ng araw ko kapag hindi niya ako sinasama sa eskwelahan, lagi ako naghihintay sa pagbabalik niya. Umiiyak nga ako kapag na-late siya ng uwi, kaya hanggat maaari ay lagi niya ako sinasama, lagi ako nakabuntot sa kanya, at doon nag-umpisa na matawag akong "Buntot ni Mariam."

*******************


Para sa mga gustong makarelate sa drama ko: [Intro] [Episode 1]


1 comment:

  1. Bukas na ang comment kaya naisip kong balikan. hehe..

    wow... mukang mabait at mapagmahal ang iyong ina kapatid. I'm sure binabasa nya to at masaya sya na ganun ang tingin mo sa kanya.. kasi this time si Mariam naman ang nakabuntot sayo. :)

    ReplyDelete