Hindi ko alam kung kailan ko ito sinulat, nahukay ko lang sa mga folders na nakakalat sa desktop ko sa bahay. Hope you'll like it!
Dear Ate Chato,
Itago mo nalang ako sa pangalan Kalurks. ‘yan lang po ang sasabihin kong information sa inyo tungkol sa akin, alam ko naman kasi na wala kang pakialam don, dahil ang gusto mo lang ay makapagbasa ng mga kwento ng ibang tao.
Buweno, Ito na ang kwento. Nangyari po ito nung nakaraan buwan, hulaan mo nalang kung anong araw 'yun para Kalurks.
Isang umaga, paggising ko, siyempre po nagkamot muna ako ng puwet at betlog bago bumangon...yaks kadiri naman ng iniisip mo ate Charo, syempre hindi ko po inamoy, promise hindi ko po talaga inamoy. Tumayo po ako para magsalamin, ito na ‘yun ate Charo kumapit kana sa papel, shocking ito promise. Pagharap ko po sa salamin ay may napansin po akong pagbabago sa akin sarili, parang naiba ang aking aura, tulala ako, walang imik, at mangilid-ngilid ang luha sa aking mga mata.
Hindi ko po alam kung paano ko ito sasabihin sa’yo, pero ate Charo, nawala po ang pagnanasa ko sa aking sarili sa mga oras na 'yun. Feeling ko hindi ko na love ang sarili ko at ganun din siya sa akin, natakot po ako ate Charo, dahil ayaw kong mahiwalay sa sarili ko, ang hirap pa naman maghanap ng nawawalang sarili.
Pagkaraan po ng ilang araw, ganun parin po ate Charo, walang pagbabago, malamig parin kami sa isa't isa ng aking sarili. Inisip ko kung ano ang nangyayari sa amin ng sarili ko. Hindi na din ako nakakaramdam ng pagnanasa ate Charo, hindi na ako naaakit sa aking sarili. Ang sakit lang ate Charo na kasama mo ang sarili mo sa pagtulog, sa pagkain, sa banyo, sa lahat po, pero parang wala lang, lalo na po tuwing gabi, nakakaemo po ate Charo dahil hindi ko po magawang kiboin ang sarili ko sa kama, walang nangyayaring pagtatalik sa amin dalawa sa mga araw na 'yun.
Isa gabi naman, kasi isang umaga kanina, malungkot akong lumabas ng aking kwarto, dahil sa lungkot ko ay kumain ako ng tira-tirang pancit ng kakwarto ko na five minutes nalang ay mapapanis na, buti nalang po 4 minutes and 45 seconds ay naubos ko, sakto sa oras bago mapanis, me gusta. Bumalik ako sa aking kama ate Charo at nahiga, kinuha ang maliit na salamin sa aking side table at tiningnan ang aking mga mata, napansin ko may lungkot parin dito. Nagmuni-muni po ako para hindi malungkot masyado, inisip ang mga masasayang araw na kasama ko ang aking sarili, sa banyo, sa kama, sa sinehan, sa puno ng bayabas, sa ilog at sa loob ng cabinet, pati narin po sa ilalim ng kama. Hanggang sa nakatulog na ako.
Pagkagising ko po, akala ko’y panaginip lang ang lahat na nawala ang pagmamahal ko sa aking sarili. Aligaga akong tiningnan ang sarili ko sa salamin, pero bumagsak ang aking panga sa nakita, hindi pala panaginip ang lahat, totoong ang dugyot na ng hitsura ko at hindi na nakakaakit, yaks. Bumalik ulet ang lungkot na nararamdaman ko, ang bigat po ng pakiramdam ko sa oras na ‘yun ate Charo, kaya naglaba nalang ako, naglaba ako ng naglaba hanggang sa maisipan ko huwag isuko ang pagmamahal at pagnanasa sa aking sarili, ang pagmamahal namin sa isa’t isa.
Kailangan maibalik ko ang mainit na pagmamahalan at pagnanasa namin sa isa’t isa, umupo po ako sa tabi ng washing machine at nag-isip kong paano ko lahat yun maibabalik. Dahil sa anking galing ko sa pag-iisip, naisip kong magpagupit nalang ako sa lalong madaling oras at minuto. Nagmadali akong pumasok sa aking kwarto at nagbihis ate Charo, hindi na po ako nagsuot ng brief dahil wala naman akong brief at dahil hindi naman ako nagbi-brief.
Tama, tama ang naisip ko ate Charo, ang galing-galing ko talaga. Nung pagkatapos ko pong magpagupit, nagmadali akong umuwi at diretso na ako sa malaking salamin ng aming kwarto. “WOW”, yan lang ang tangin salita na lumabas sa aking bibig. Sa wakas po, naramdaman ko pong unti-unti nang bumabalik ang pag-ibig at pagnanasa ko sa aking sarili. Ang saya ko ate Charo mga oras na 'yun, kaya kinuha ko po ang aking tuwalya, pumunta ng banyo at dun pinatunayan muli ang aking pagmamahal sa sarili.
Hanggang ngayon po ay masaya parin ako sa relasyon namin ng aking sarili, inaalagaan ko na po ng husto. Maraming salamat po ate Charo, sana po ay may natutunan kayong kalandian at kalibogan, lalo na ang mga basahero.
Kaharotan ang sarili,
Kalurks
amputik ka....
ReplyDeletedi ko maimagine na gagawin to si mam charo..
hayop.. ang dami kung tawa...
namputcha hahaha si Papa Piolo ang gaganap nito ahahaha
ReplyDeletelol!
Deletewahaha amps ang dami kong pinigil na tawa kasi naman nakakahiya sa mga kasama ko hehehe =D
ReplyDeletehahaha!super laughing trip! :))
ReplyDeletehahahaha aus ah parang kung sino lang nwala!
ReplyDeleteisa sa ugali ni kalurks ang amoyun ang kamay pagkatapos dukitin ang pwet. hahaha
bad mood ako kanina. pero napasaya ako ng post mo :D
ReplyDeletekalurks.
ReplyDeletedalawa lang ang hula ko sa titol nito pag nasa MMK na banyo or tuwalya.
welcome bek
ok tong storya mo pag pinalabas tipid sa casting, isang tao lang ang bida...hahaha
ReplyDeletepero parang may mas nakikinita akong malalim na meaning sa post na 'to...pero seklit ko na yown!! hehehe
hello brother!!! ^____^
kalurkeys!!!!!
ReplyDeletewelcomes backs akonis!
Thanks Khants
ReplyDeletetabian - hehehe..submit mo sa mga gumagawa ng indie films..lol
Diamond- hahahaha..mali, gupit ang titol
Bino - touched me. susulat ako ng madaming ganito..lol
Palakanton - hehehe..kamot2x sa umaga, ugali ng karamihan sa mga lalake
Hijabs - super thanks
superjaid - sana pinabasa mo sila, para laugh trip kayo, kung trip din nila
Joey - parehas tayo ng naisip..hehe
Rose - apir
Master - thanks master.
-AKONI
dear kalurks,
ReplyDeleteAng haba ng pinabasa mo sa akin sa pagpapagupit mo lang pala mauuwi ang lahat. pero ok lang nag enjoy naman ako. May natutunan din naman.. next time pag gising mo please, maghilamos ka at wag magkamot kamot kung saan saan.. haha..
Ate Charo..
walanjo! nawala rin ako sa sarili ko nung nabasa ko toh. ngayon alam ko na feeling ng mga nawawala ang sarili.
ReplyDeleteI feel for you kalurks!
adik ka!
"..hindi na po ako nagsuot ng brief dahil wala naman akong brief at dahil hindi naman ako nagbi-brief.."
ReplyDeleteang dami kong tawa ate charo. apir!