nuffnang

Wednesday, December 21, 2011

Dear diary [REPOST]


Dear diary,

Hi Diary, kamusta ka na? Kung ako ang iyong tatanungin, ako’y nasa mabuting kalagayan. Siguro hindi mo ito inaasahan noh? Bigla na lang ako napasulat sayo? Namiss kasi kita.

Hindi ko na matandaan ‘yung huling sulat ko sa’yo, ang tagal na kasi noon. Pero naalala mo pa ba noong kabataan ko? 'yung unang sulat ko sa’yo? Unang sulat ko palang e puro pagsusumbong at pagmamaktol na, di ba? Isa ako noon sa milyon-milyon sumusulat sa’yo, isa sa mga nagsusumbong sa’yo, isa sa mga taga kwento ng mga tsismis sa’yo at bumubulong sayo ng mga nangyayari sa akin araw-araw.

Sa lahat siguro, ikaw ang nakakakilala sa akin ng lubusan, alam mo na ang lahat ng tungkol sa akin, huwag mo ipagsasabi ah, kundi…aauummhhmmmm…kundi, susunogin kita at hindi na ako susulat pa sa’yo. Pero alam ko naman na mapagkakatiwalaan ka e, napatunayan mo na ‘yun noon pa, kasi hanggang ngayon hindi mo pa pinagsasabi ang mga sekreto ko at mga tsismis na sinabi ko sa’yo, kalokray divah? Hindi katulad ni RED DIARY, na lahat ng mga kwento sa kanya ay kinukwento/pinapabasa niya sa lahat at minsan pa ay isinasapelikula pa niya at ang laswa pa niya, yaks. Natatawa nga ako sa tuwing naaalala ko ang mga sinasabi ko sa’yo noon, naalala mo ‘yun? Lalo na ‘yung tungkol kay kuwan? hahahahaha, oh di ba kahit hanggang ngayon ganun parin? Ngiyahaha..e si kuwan, ung kuwan ni kuwan, na naging kuwan nang kuwan nila? hahaha…diba, nasaan na kaya ang kuwan nila? sana kuwan parin sila.

Hindi ko alam kung sino ang lumikha sa’yo upang maging gabay naming mahihina ang loob, kung sino man siya, nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa kanya nandyan ka, handang makinig sa amin nang walang kontra, kakampi namin sa lahat ng bagay. Minsan kasi sa’yo kami nagkakalakas loob upang sabihin ang mga di namin kayang sabihin sa madla. Masyado kasing mapanghusga ang mga tao (hindi naman lahat), masyado silang mapangmaliit nang kapwa, masyado silang feeling (magaling sa lahat ng bagay), masyado silang mapagmataas, akala ata nila wala nang katapusan ang mundo, hindi sila marunong umitindi, malupit ang mga tao (pero hindi naman lahat ulit), buti nalang hindi ka tao, kung nagkataon paano na kaming mga mahihinang nilalang na umaasa sa’yo? Isa ka sa aming lakas, aming kakampi, aming taga pakinig at nakakaintindi sa amin.

Ilang beses na kitang pinagtangkaan hanapin, I mean ilang beses ko nang sinubukan sumulat uli sayo at magsumbong ng mga hinanakit ko sa planetang ito, pero natiis ko parin, hindi sa hindi na angkop ang edad ko ngayon sa’yo, kundi iba na ako ngayon, malakas na ang loob ko, more confident ika nga (marahil dahil sa rexonang gamit ko). Kaya ko nang harapin ang mga pagsubok at problema ko araw-araw at may mga tao narin na nakikinig at gumagabay sa akin ngayon at mahal na mahal ako, uuyyyy selos ka noh? ‘wag kang mag-alala, hindi parin kita nakakalimutan at kakalimutan, nag-iisa kang diary ng buhay ko kahit marami kami sa buhay mo. Huwag mo sana masamain ang sinabi ko, hindi sa hindi na kita kailangan, ito na nga e, kahit matured/matanda na ako, naniniwala parin ako sa’yo, isa ka talagang tunay na kaibigan, ang dami mong natulungan at natutulungan, ang dami mong napapagaan ang loob, alam kong hindi ka magsasawang makinig sa aming mahihilig mag sumbong sayo. The best ka talaga, I love you too. Mwaaahhpaxxx!

P.S: May asawa na pala ako ngayon, at ang bait-bait niya, maganda pati, at hindi lang ‘yun, mahal na mahal ako. Hindi ako sure kung magkakilala kayo o nagsusulat din siya sa’yo noon. Mahal na mahal ko ‘yun, hindi man siya ang unang babaeng naikwento ko sa’yo, siya naman ang huling babaeng ikukuwento ko sa’yo.

(‘yan lang muna ang latest sa akin ngayon aking diary, tsismosa ka..hehehe)

Note: Minsan naman magreply ka sa mga sulat sa’yo, adik!!!

Namimiss ka,
Akoni

**********************************

At ako'y sumali sa "REPOST" pakontes ni Gillboard na hindi ko kilala. LOL



13 comments:

  1. may tao talaga na mahilig magsulat sa diary....ang kababata ko na si Contessa na ang pangalan ay ginawan ko ng kuwento at napublish sa diaryo na makita ang clip ng diaryo na andun ang kuwento ay siguro lahat na pangyayari sa buhay ay sinusulat sa diary....pati nangyayari sa school..minsan ko kasi nabasa pero saglit lang di ako nag interes.......

    ReplyDelete
  2. Di ko na kailangang basahin ito... dahil may kopya ako nito.... tulad ng sinabi ko sa iyo. isa ito sa mga gusto ko na naisulat mo.... good luck... wish you well...

    ReplyDelete
  3. manalo ka sana dito...

    skipread mode...lol...

    asan na ung pwet ng blog mo!!!!lol

    at ndi ako makatype sa chatbox mo!!!

    ReplyDelete
  4. bukas ko na babsahin uli...tnt

    ReplyDelete
  5. parang sakto lang, nito lang ay nagbasa ako ng aking journal. nakakatawa kung paano ako nakasurvive sa kababawan mode ko noon.

    salamat sa paglahok.

    good luck!!!

    ReplyDelete
  6. hahaha eh pano yan magrereply di mo siya binibigyan ng sarili niyang diary? o kaya payag ka bang ikaw ang sulatan niya? Adik lang?

    Natuwa ako habang binabasa ako, sa wakas siya naman ang laman ng kwento mo. Magawa din nga yan. Atleast di siya natake for granted.haha

    ReplyDelete
  7. Magaling. Ikaw na ang may sumbungan

    ReplyDelete
  8. dear diary,

    sana po manalo ako sa contest ni Gillboard. lols.

    Mayaman na po si akoni kaya ako na langs. ahahahah

    khanto :p

    ReplyDelete
  9. nakahilak q og popcorn sa comment ni kuya akoni nah! di ka dn matouch?hehe

    ReplyDelete
  10. Dear Diary..

    magreply ka na sa mga sulat ni Akoni! Pasaway ka!

    Leah

    P.S.
    Sweet naman ni Akoni.."Mahal na mahal ko ‘yun, hindi man siya ang unang babaeng naikwento ko sa’yo, siya naman ang huling babaeng ikukuwento ko sa’yo." -- NAKS!! :D

    ReplyDelete
  11. Ahaha, ang galing. Naka relate ako! Ilang tambak na ng diary naubos ko dati. In love na ata ako sa idea ng diary. :)))

    Parang ang cute ng contest. Gusto ko ding sumali! :)

    ReplyDelete
  12. hanga ako sa mga sulat mo, at lalong napahanga sa pakikipag usap mo sa iyong diary, nakakatakot nga lang kung magreply sya sayo hehe, good luck sa pakontes!!

    ReplyDelete