Greetings earthling, araw ng martes ngayon, ibig sabihin ay......??? Araw ng kaartehan, kaya maARTing martes sa inyong lahat. At dahil nga sa maARTes ngayon, ang topic natin for puday today ay may kinalaman sa ART.
Okay fasten you seat belt, hold your betlog na boys.
Hindi na sana ako magsusulat ngayon ng blog eh, huling post ko na sana ang "ANO ANG MAIPUPUTOK MO? (Baka hindi kapa nakakaputok dun, putok na pls)" para sa taong ito, kaso may taong sira ang ulo ang sumira sa plano ko na 'yun. Itong mga nakaraan buwan kasi feeling ko nagkakaubosan na ng mga guni-guning ligaw at giniling na kalokohan, kaya nag desisyon akong limitadohan ang post ko every month, maximum na sa akin ang 14 post at minimum na ang 8, mahirap na kasi baka mapaaga ang pagreretiro ko dito sa blog world.
Nasa pangalawang paragraph na tayo, nasaan na ang ART na sinasabi ko? WET ka muna, yun nga, quota na nga sana ako sa blog post this month, sitting pogi na sana ako dahil wala na sana akong iisipin na pananagutan sa mga basahero ko, pero biglang gumawa ang taong ito ng pagkaganda-gandang kaARTehan.
Siya si AL-MUSINGAN at ito ang kwento namin....
Naniniwala kaba sa love at first sight? Pusang ina, hindi nangyari 'yan sa amin dahil parehas kaming mga mandirigmang magsasaka (insert dirty thoughts). Nakilala ko siya o nagkakilala kami nung 2010 of October o November ata, ewan. Pa-resign na that time yung close friend ko dito na si Delfs.
Isang araw tumawag sa akin si Delfs, excited ang mokong dahil may kapalit na daw siya sa puwesto niya, makakauwi na daw (FYI: Dito sa amin hindi ka puwedi magbakasyon o magresign hanggat wala kang kapalit sa puwesto mo, go). Balita pa niya sa akin, magkakasundo daw kami ng kapalit niya dahil mahilig din daw ito magsulat, pinadala pa nga niya sa akin ang link ng kanyang blog, binasa ko at natuwa ako dahil sa wakas may makakasama na ako dito na mahilig din sa pagsusulat.
Mahaba na ito, kunting tiis nalang, bilisan nalang natin ang kwento. Bukod sa pagsusulat niya ay bilib din ako kay AL sa pagmamagic, magaling talaga siya, mapapa-awwwwwwww!!! ka sa galing niya sa magic. Nung unang kita namin, parang hindi ko ata na adjust ang sarili ko, mahilig kasi ako minsan mangokray lalo na sa mga close friends ko, hindi ko alam kung bakit ko naokray si Al kahit hindi pa kami close that time. Ganito yonwn, napabilib nga niya ako sa Magic niya <--click mo para makita mo. Syempre nagyabang din ako sa kanya, lalake eh ayaw pasapaw. Sabi ko, may alam din akong magic (all eyes tayo kay akoni, ganyan silang dalawa), sabi ko, 'yung kulay puti na panyo kaya kung mapalitan o maiba ang kulay. Excited na ako, sabi ko, ipapasok ko sa puwet mo, tapos paglabas mag-iiba ang kulay, MAGIC.
Mamatay na sa kakatawa si Delfs na bukang buka pa ang malaki niyang ilong, pero si Al hindi natawa, parang nainsulto ko ang magic niya, tapos may sinabi siya, hindi ko matandaan, so ipagpalagay nalang natin na ang sinabi niya ay "Ang kyut-kyut mo."
Don ko nalaman na seryoso talaga siya sa pagmamagic niya at magaling talaga siya! Well, sorry for that dude!!
Isagad ko na ito, mahaba na kung mahaba. Akala ko sa magic lang siya magaling at sa kung anu-anong ka-ek-ekan sa computer at kung anu-anong katalinohan, IMBA talaga ang taong ito. Magaling din pala siya mag-caricature? Oo, check this out.
Kahapon nagbigay siya ng tribute para sa blog ko, mag-iisang taon na kasi. Gusto kong ma-touch sa ginawa niya pero hindi ko alam kung paano matouch sa makalalakeng paraan, gusto kong magpasalamat sa kanya pero hindi ko alam kung paano magpasalamat sa makalalakeng paraan, gusto kong halikan siya pero hindi ko alam kung paano humalik sa makalalakeng paraan, at gusto kong ipakita sa kanya na sobrang naappreciate ko ang ginawa niya pero hindi ko alam kung paano sa makalalakeng paraan.
Sana sapat na sayo ang salitang "SALAMAT AL-MUSINGAN" para ipadama sayo sa makalalakeng paraan ang pagpapasalamat ko sa'yo, mula ngayon bow na sayo ang putotoy ko!
Sa susunod yung nakahubad naman ako ah, ala ROSE ng TITANIC ga!! |
naks maganda yan, alam ko namang malungkot talaga dyan sa KSA kaya maiging magkaroon ng mga mababait na kakosa.
ReplyDeleteang galing ni musingan ha, sya ay talagang talentado :)
(blogger, writer, magicier, caricaturer, drawer, ikaw na -- musingan!)
bagay pala ako dito toh eh.. mga ma-arts-teh! hahaha ang galing ng caricature kuhang-kuha!!!
ReplyDeleteWow. May kahusayan nga. Napapunta tuloy ako sa magic video niyo. Hahaha.
ReplyDeleteBow din ang putotoy ko sa post na ito. hahaha
ReplyDeletenakakatuwa naman ang mga isinulat mo...Sige lang magpost lang pag ginaganahan.
ReplyDeleteahahah... ok na ang isang simpleng salamat... no need na ang halikan... eow!!!! di tayo talo... pero kung bow ang pututoy mo sa akin... ako naman... tayong tayo ang pututoy ko sa iyo... yun na... nagkabistuhan na... eheheheh...
ReplyDeletesa sinabi mo na may alam ka magic.. tanda ko yun... pero naglit no.. at di rin na insulto.. super sanay na ako sa ganun.. saka di ako marunong magalit no... ehehehe.. anyway... oks lang yan... basta ipagpatuloy mo lang ang pagboblog... ehehehehe....
nabasa ko nga yang post ni musingan. ganda ng caricature! sana meron din ako hahahhaa
ReplyDeleteako din magaling magdrowing eh, kaya lang ang nadodrowing ko lang ay mani,kasoy,itlog, saging, perfect. ang galing naman ng nagdrowing, Kahit sa drowing mukha ka pa ring malibog hehehehe..
ReplyDeletemagaling din ako mag-guhit, tingnan mo header ko puro nlng guhit..:D haha @Mark - mainam kung mukha akong malibog, at least na ung makakabangga ko..LOL
ReplyDeleteBino - hehe..kilitiin mo si Al
Musingan - You the man dude!
Jun - salamat jun..napasyal ako kanina sa luneta
Rence - haha..nagbbigay pugay rin ng putotoy mo?LOLOL
YOW - Oo hindi ko mahuli eh.
Pot- gawa mo nga ako ng kaARTehan mo.
Mc - Oo siya na talaga..daming alam ang puta!
ang galing naman ng caricature mo. Parang ikaw na naging cartoon. lols. :p
ReplyDeleteSi Al, si Al, si Al na magaling sa arts. Sorry kapatid absent pa rin sa Twitter, busy sa pagpapayaman para sa susunod na anniversary mo may panregalo na ako. Hahaha.
ReplyDeleteAng galing ni Al, kaya pala palagi kayong may counter attack sa isa't isa dahil sa magkakilala talaga kayo.
Happy Anniversary.
ahhh kya pala sabi ko sa tingin ko sa fb may cari ka, ganda naman…
ReplyDeletehaha.. malamang kung andun ako nung sinabi yung about sa puting panyo kasama akong tatawa ni Delfs. Sobrang nakakatawa... Siguro kaya hindi natawa si Al kasi nag-isip sya kung susubukan nya ang magic mo. haha.. at kung kakayanin nya ba..Naloka ako sa kakatawa..
ReplyDeleteAnyway, di ko alam na kilala mo si Al in person until mabasa ko ang post nya about his drawing. Ang galing no? at ang cute cute mo kapatid. hehe.. Happy Anniv sa AKONILANDIYA!!!
hanga tlga ako sa mga taong my ta,ent sa pagddrawing...
ReplyDeleteang alam ko lang eh stick man minsan pa kilo...
makita nga ang pag magic niya....click ko....
ReplyDeleteayus yan ah, cge sya ana ng talentado..pwede bang pic ko naman... hehehe...
ReplyDeleteWow galing naman ni Al!
ReplyDeleteGALLING NILA AL.WOW1 ANNIVERSARY MO NA MALAKING KARANGALAN ITO.CONGRATS SA ATIN.
ReplyDeletehapi aniversary sa kaharian mo kuya akoni! grabeh ang galing ng pgdraw! AMAZZZZING!!!!! perfectssss!
ReplyDeleteaaawwwwwwwww sweet. <3 Tska maligayang isang taon po sa inyong bloghay! :D
ReplyDeleteaaawwwwwwwww sweet. <3 Tska maligayang isang taon po sa inyong bloghay! :D
ReplyDelete