nuffnang

Sunday, June 24, 2012

Kwentotan: ANG PARUSA NG KATAWAN



Once upon a time in a far-far away high way, may naging kaibigan akong dalawang babae. Mag best friend ang dalawa, 4th college ako nun at lagi ko sila nakikita sa school. Magkasama kahit saan pumunta,magkadikit parang “ganito”,  minsan nga iniimagine ko na tibo ang isa sa kanila, hehehe.

Last semester na, graduating na ako nun nang maging classmate ko silang dalawa at nalaman ko na purong babae pala sila, sweet lang talaga sila sa isa’t isa.

Dahil sa taglay kong kakulitan, naging friends ko din sila hanggang sa hindi na namin namalayan, naging close na rin ako sa kanila. Sabay na kaming tatlo mag-lunch, umuwi, tumambay, in short lagi na kami magkakasama, hindi ko alam kung pinag-iisipan din kami ng ibang tao kung sino ang tomboy sa amin tatlo.

Gumraduwet na ako, tapos silang dalawa'y may isa pang semester na tataposin. Legal na ang lahat sa akin, ‘yon kasi ang promise ni tatay na taposin ko lang muna daw ang pag-aaral ko, pwedi ko na gawin lahat ng gusto ko, basta ‘wag lang drugs, hehehe, may exception parin, pero tinikman ko parin.

Anyway sa highway, isang araw, nag-plano silang dalawa na mag-overnight daw kami somewhere in the other city, e-enjoy daw namin ang summer vacation. Syempre dahil sa isa akong gentleman, payag ako agad kahit saan sulok pa ng mundo, bwahahahahahaha este hehehehe.

To make the story short, natuloy ang lakad namin, nakituloy kami sa isang apartment na nirerentahan ng mga friends nila. Hindi ko alam kung anu ang plano nila, basta ako ride on lang kahit na anong klasing trip, medyo patapun na kasi ang buhay ko that time.

Gabi na, “putangama ‘wag masyado ma-excite, sinabi ko lang na gabi na”. Kaming tatlo lang ang nasa apartment na ‘yon, walang laman ang bahay, walang kama at mga gamit, basta kwarto lang, kaya natakot me, hehehe. Sa paglabas ng pangil ng gabi, biglang nagyaya ang isa na mag-inuman session daw kami, kinabahan ako, naisip ko na baka may gawin silang hindi maganda sa akin, kaya hindi na ako nagdalawang isip pa, pumayag na ako agad, “sige-sige” sabi ko sa kanila…bumili ako ng kakampi ng mga ma-drama sa buhay o sawi sa buhay, ALAK, tanda ko San Miguel at Ginebra ata ‘yon, basta alak ‘yun.

Habang tumatagay kami’y naglalaro din ng baraha, hindi ko matandaan kung anong laro un, basta baraha ‘yon.

Nalasing na kaming tatlo kaya….putek, ang haba na ‘to hanggang dito nalang kaya…LOL

Commercial muna:

May nakatabi na akong friend na babae sa pagtulog pero may malisya sa akin. Ang tagal kong nakatulog, teka hindi pala ako nakatulog. Buong gabi kong nilabanan ang init ng aking katawan at ang paglabas ng aking pangil, putcha! Parusa sa pakiramdam, kaya ninyo yun guys? ‘yung parang magdadasal ka nalang na sana reypin mo mamatay ka nalang sa mga oras na ‘yun? Sayang talaga dahil nakapagpigil ako, kaibigan ko kasi ang babae, kaya ayaw ko masira ‘yun. Alam kong may tiwala siya sa akin kaya payag siyang magkatabi kami sa pagtulog, siya pa nga nagyaya sa akin e, pero bakit ako? bakit ako ang pinaparusahan niya ng ganun? Hindi ba niya naisip na bampira ako? malakas ang kapangyarihan ko sa gabi? ‘yun ang logic.

Balik na tayo sa kwento.

Pagkatapos namin mag-inuman, medyo may amats na kami. Tahimik ang lahat, nahalata kong gusto na nila matulog at inaantok na din ako.

“Oh, dyan kayong dalawa sa foam, dito na ako.” Sabi ko

“Anong dyan ka sahig, dito tayong tatlo” Nakakagulat na wika ng isa, nagkatitigan kami ng isa at nataranta na naman ako, nawala ang tama ng alak sa isip at katawan ko, bumalik sa aking diwa ang gabing minsan nakaramdam ako ng parusa ng katawan dahil sa pagpipigil, napausal nalang ako ng “Oh GOD why?”

Nahiga na silang dalawa, ‘yung isa tahimik lang na nakatalikod, hindi ko alam kung tulog na, ‘yung isa nakadilat pa ang mga mata, tiningnan ako at nagsabi na sa gitna daw ako, putcha, ano ito? tangin pumasok sa malinis kong utak.

Bago ako nahiga sa gitna nila, pinahina ko muna ang aking sarili, inisip kong kadiri siya, yaks, at inisip na she is so panget-panget-panget-panget-panget-panget, pero hindi talaga e. Malakas talaga ang dugo ko, ganun parin, nagdadasal ulit ako na sana malagutan nalang ako ng hininga sa mga oras na ‘yun, kesa makaramdaman na naman ng parusa ng katawan.

Lalaki ako, may puso at saging, kaya naisip ko din na subukan pigilan ang pagpaparusa niya sa akin, pero hindi ko maituloy dahil katabi ko din ang babaeng crush ko, tatlo kami sa isang foam, sa gitna ako, sa kaliwa yung crush ko, sa may kanan ko ang nagpaparusa sa akin, pagsinuswerte ka talaga. Pero mga kaibigan ko sila, may tiwala sila sa akin, kailangan ko din iparamdam sa kanila ‘yun without malisya.

The End?

Itutuloy ba o Hindi?


9 comments:

  1. hmmmmmm.... tough question......... ituloy mo.

    ReplyDelete
  2. lol naiimagine kita manong, para kang sinisilaban! :P

    ReplyDelete
  3. ituloy! palagay ko may nangyari. kasi nung ako yung ganyan nayari eh. haha!

    ReplyDelete
  4. intense!

    one liner comment ako lately

    ReplyDelete
  5. palagay ko, may nangyari sa inyong tatlo. 3some? Wow! Haha

    ReplyDelete
  6. aNG LUFET
    ngiti lng ang naiwan sakin labi..
    pero ituloy mo n rin sayang nman ang mga pwede png mngyari

    ReplyDelete
  7. hindi ka pa nilala lubusang kilala akoni what is this a test of friendship.tingnan natin kung tagumpay ang may puso at saging.

    ReplyDelete
  8. nakapasok na rin sa ganyang sitwasyon! isang napakatinding parusa at dahil namutawi pa rin ang pagka- mabuting kaibigan hanggang ngayon kaibigan ko pa rin siya!

    -mukhang may itutuloy ata ang kwento

    ReplyDelete