Dumating na yung oras na hirap na ako makaisip ng ikukwento dito sa blog ko, limitado
lang kasi ang mga nangyayari sa akin dito sa gitnang silangan, walang
happenings, walang kwento, “Same day, same shit”.
Nung
June 4 tumaya ako sa lottery, malapit na kasi ang b-day ko that time kaya
nagbakasakali ako na baka makatsamba o swertehin ako, pero talo ako ng isang numero, muntik na ako swertehin. Sadyang kupal
talaga ako sa mga ganyan shit, hindi talaga ako yayaman ng madalian, kailangan
kong magsipag at tiyaga o maging politician.
June
6, nagtrip to heaven ako, pumunta ako sa akin heaven para magcelebrate ng
aking kaarawan in advance. FYI, pareho kaming OFW ng anak ng biyanan ko pero
magkaiba kami ng work place, 7 hours ang biyahe papunta sa kanya, kaya minsan
bawas appetite ako pagkadating sa kanya, bawas appetite, bawas rounds.
June
7, magpapalagay sana ako ng brace sa tukmol kong mga ngipin, pero nakalimuntan ng anak ng biyanan ko ang bracket na ikakabit sana sa akin. Mahal ang babayaran
mo kasi kapag sagot ng clinic ang bracket, kaya bumili nalang kami sa labas.
Dahil hindi rin matutuloy ang pagpapakabit ko ng gate sa mga ngipin ko,
nagpalinis nalang ako at nagpabunot, mas lalong bumango now ang aking hininga,
lalong lumakas ang loob ko na makipagdilaan sa iba, joke lang ng kaunti.
June
9, 6:00 am na ako dumating ng bahay galing sa lugar ng anak ng biyanan ko, naligo at pumasok na sa trabaho.
Halos wala akong tulog, hirap naman kasi matulog ng nakaupo lang sa bus, kaya
pinagpistahan ako ng antok sa trabaho ko, ginahasa at nilapastangan ako.
Pagkadating ko galing trabaho, bago me matulog ay naisipan ko magpakain bilang pagsunod sa
nakasanayan natin tradition tuwing kaarawan, nagbigay ako ng pera sa mga kasamahan
ko at sinabihan na bahala na sila bumili ng lulutoin nila. Pagkagising ko,
spaghetti ang handa nila, maanghang ang putangina.
Makalipas
ang June 10, sumunod ang June 11, hanggang sa nag June 12 at ito ako ngayon,
inipon ang highlights ng nangyari sa akin sa loob ng June 4 to June 12.
Hindi
ba, walang silbi?
11:21
am na dito, punta na ako ng cafeteria.
may naikwento ka rin naman so ayos na rin.. nag greet nga ako sayo sa twitter pero parang busy ka yata nun...henyways belated happy BEERday brotha!!! ^__________^
ReplyDeletestrict ang parents, pati ngipin may gate...LOL
hahaha sabaw ka na ba? hehehe
ReplyDeletesabaw pa yan ha..
ReplyDeletemakasaysayang pangyayari sa buhay mo sir akoni hehehe
magandang araw
magandang araw parekoy...Masasayang araw.
DeleteKiko - oo. Hirap pala magblog.
Sistah - hehe...thank you.
bakit di mo tinatawag na asawa ang anak ng biyanan mo? hehe
ReplyDeleteseryosong seryoso ako sa pagbabasa na may pasundot sundot na tawa. pag dating dito.11:21 AM na dito...napagulong na ako sa tawa.Iba ka akoni.belated happy birthday sa maanghang na spagetti
ReplyDeletethat is still a story to tell
ReplyDeletenaks papa-braces na sya, birthday gift ba ito sa sarili? agree ako, same-same lang talaga ang buhay pag ofw ka, medyo sumasaya lang pag dumarating ang sweldo day. belated hbd syo pre!
ReplyDeleteAng kulit ng June 7 post mo ha! Speaking of, papaschedule din pala ako sa aking dentist. :D
ReplyDeleteJewel Clicks
belated happy birthday kuya akoni. =D wow. magpapabraces ka?nice. anyway..ok lang yan lahat naman dumadanas ng ganyan ako nga laging same day same shit. bihirang may bagong pangyayari. haha
ReplyDelete