Tinig?
Ano ‘yan?
Tao
ba ito?
Pagkain?
Bagay?
O lugar?
Kailan pa nagkaroon ng tinig ang mga
tulad kong hampas lupa, kaming mga dukha, kaming mga salat sa buhay? Wala kami
niyan, hindi naririnig ang mumunting tinig namin, nandito kami nakagapang sa
lupa, nakatingala sa inyo, at inaapak-apakan ninyo.
Walang nakikinig sa amin o walang
nakakarinig sa amin, kung may makinig man, walang umiitindi o makakaintindi,
kung may umitindi man, walang magbibigay o magpapahalaga, lahat na bingi sa
mala-kulog na tinig ng salapi.
Sa panahon ngayon, salapi ang tinig
ng mga tao, kung wala ka nito, wala kang tinig, walang makikinig sa’yo, para
kang isang pipi. Mabubulok ka nalang sa isang tabi na wala man lang makakarinig
sa’yo, walang lilingon sa’yo, bingi sila sa mga hinaing mo. Wala kang salapi
eh, kaya mamatay kana dyan.
Ang tinig na ‘yan ay para lang sa
mga mayayaman, para lang sa mga may salapi, sila lang ang pinapakinggan.
Malakas ang tinig nila dahil sa boses ng salapi, lahat nakikinig, lahat
sumasamba, kaya nito mapapintig ang mga tainga sa isang sitsit lang.
Kung sino pa ang may tinig, sila pa
ang mga bingi, gusto nila sila lang ang pinapakinggan, gusto nila sila lang ang
may tinig, sila lang may karapatan. Apektado na pati narin paningin nila at pakiramdam,
mga manhid na sa mga tulad ko. Kaya mamamatay nalang kami dito sa isang sulok
na umiiyak, nagmamakaawang humihingi ng tulong habang lumulubog sa kumunoy ng
kahirapan.
kaya ano itong pinagsasabi mong
tinig?
Wala ako niyan, umalis ka sa harapan
ko baka masipa ko mukha mo. Lalabas ako, gagawa ng paraan para magkaroon ng
kunting tinig. Nakikita mo ba ang lalaking iyon? Mayaman yan, maraming salapi
sa bahay nila, isa ‘yan sa mga nabingi ng tinig ng salapi. Siya ang magbibigay
sa akin ng boses, siya ang tutupad sa pangarap kong balang araw magkakaroon din
ako ng TINIG.
wow nakahabol...goodluck pre :)
ReplyDeleteang galing sir akoni.... goodluck sa iyong entry!.. :D
ReplyDeleteramdam ang poot sa entry
ReplyDeletetinig = salapi
ReplyDeletesuper check! dumedeep ang show brotha, matindi! me like...^__________^
good luck!
Ang siga ng entry eh
ReplyDeleteGigil na gigil? Hehehe
PS: Wala pa rin akong dinesign na header. Ako na tamad. Hahaha!
iniintay ko talaga ito parekoy hehehe
ReplyDeleteriyalidad na pangyayari..
habol pre ah...
ReplyDeletegigil at my pinaghugutan ang mga salita mo.
parang sumasalamin lang sayo ah. hehe
Goodluck akoni :)
ReplyDeleteang diin ng pagkakatipa sa keyboard ah ... hehehe
ramdam ko ang akda.
Ang angas nito ser!
ReplyDeleteLalaban talaga!
Konting comment lang baka masipa ako...
Aalis na nga't baka masipa pa ako. Ano ba yang pinagsasabi mong Tinig ha Akoni? Sinong gago ang nagtanong sayo niyan? Lol.
ReplyDeleteAlam mo, totoo naman na kapag may salapi at nagdikitan na ng kapangyarihan ang ating mga sarili, malakas pa sa kulog ang tinig, pero kapag nalalanta at nanagupa ang kamangmangan, kahirapan at kawalang bilib sa sarili...hindi malayong nakabibingi ang Tinig. Iyon ang reyalidad. Kung hindi man pantay ang tinig, malay natin sa kabilang daigdig, walang tinig ang pantay o nakalalamang.
Maraming salamat sa pakikiisa sa KM3.