Napapakamot nalang ako ng betlog ulo kapag na nakikita ko ang date sa relo ko, I was like “Putcha 3 months palang pala ako dito sa Pinas pero bakit pakiramdam ko ay 3 years na?” ang bagal ng oras. Last na naramdaman ko ito ay noong after graduation, nagsecond degree pa ako noon para tuloy-tuloy ang allowance at baon pero tumigil din dahil sa pag-aakalang kaya nang tumayo ang titi mag-isa sa sariling mga paa.
Isa ako sa mga naging tambay noon pagkatapos mag-aral ng koliheyo. Naalala ko pa nung seniors night, I was like “Yohooo…nakatapos narin ng pag-aaral, kikita na ako ng sarili kong pera” pero laking pagkakamali, mas magiging malala pa pala ang situation.
Mahigit isang taon ako naging tambay noon, sa una masaya, iyo ang oras ng buong-buo, pero nong tumagal na ang hirap pala. Pabagal nang pabagal ang oras, sa umaga naghihintay na gumabi, sa gabi naman matutulog ng maaga para mag-umaga na. Parang chorus ng kanta ng naging buhay ko, repeat chorus 3x.
Balik tayo sa ngayon, ganun ang nangyayari ngayon, no, mas malala, dahil noon may mga kaibigan akong kasama sa pagtambay sa mga kanto. Ngayon, mag-isa na lang. Wala na din kanto, walang overnight o sleepover. Naging taong bahay na lang, maghapon umiikot sa loob ng bahay, upo don, upo dito. Higa don, higa dito. Masturbation? No, hindi na masyado. Nakakatamad, ang init kasi dito, nakatulong din yun, lumalabas ang “init ng katawan” ng kusa kahit papaano, saka busy ang utak ko mag-isip ng kung anu-ano. No time for that shit!
Akala ko noon nasa abroad pa ako, nauna ako sa mga kaibigan ko, naging advance ang buhay ko. Mali pala, bulsa ko lang ang nauna ng kaunti, pero ang “life” huling-huli, narealize ko ngayon nandito na ako. Wala akong inabotan dito, lahat nag-move on, huling huli na ako sa biyahe ng buhay. Nakailang trip na silang lahat pero ako pasakay palang sa first trip, no, papunta palang sa terminal. Sucks!
Nasaan ang mga kaibigan ko?
Nasaan ang mga katambay ko?
Nasaan ang nanay ko?
Wala!
May mga sarili na silang buhay. Ang nanay ko lang ang wala nang buhay.
Oo, mag-isa na lang ako ngayon. Ang anak ko? Pati siya may sarili nang buhay, para akong kabute na bigla na lang sumulpot sa buhay niya. Siya lang ang tao dito na kailangan kong ipilit ipasok ang buhay ko, dahil siya lang ang natitirang “life line” ko dito. Ang tatay ko? Nandon sa probinsiya, may sarili na rin buhay. Kasama parin ako pero hindi na gaya ng dati, hindi na gaya ng dati na puwedi akong mag-wala sa harap niya kapag trip ko o kapag wala akong pambili ng yosi. Kaya ko parin gawin yun, pero hindi na kaya ng konsensya ko. May sarili na akong pamilya. Ayy putcha! May sarili na akong pamilya pero nasaan? WALA! Ayon nasa kabilang mundo ang asawa ko, nasa abroad (kailangan bumalik for some shit reasons), ang anak ko nandito na parang wala, ako nasa kalawakan.
Pero HEY! Fuck it!
I am a big guy now, big guys don’t cry motharfuker!
aw.... kinda bitter sweet thing akoni.
ReplyDeletesad na due to work abroad, somehow, nastop ang communications sa mga friends, dabarkads, family members and stuff.
pero lets think on the bright side... now, may pader ng tahanan ang anak mo. as she grow, she will learn the feeling of having a father sa tabi. ikaw muna ang amang-ina since nasa abroad ang wifey mo...
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletebro, naintindihan ko ang iyong nararanasan dahil ganyan din nangyari sa akin last year. But i decided to go back abroad. Ang mahirap pa nyan, pag nawalan ka na ng 'funds' to support your needs, mas malalaman mo kung ganu kahirap. Sa ngayon, depressing nga na ma-left behind by those people na naging part ng life mo before you went abroad. Pero time will pass by. Tandaan, kahit gaanu kahabang chorus pa ng kanta ang kakantahin mo, matatapos at matatapos din yan, whatever happens... cheer up ^,^
ReplyDeleteHi, Nice site thanks for sharing. Would it be okay to contact you through your email? Please email me back.
ReplyDeleteThanks!
Randy
randydavis387 gmail.com