nuffnang

Friday, June 17, 2011

Ang uripon at ang binukot





Time check 1:05:53 am

Bago ang lahat, babati muna ako sa inyo, hello earthlings.

Oras na ng paghihiwalay ng katawan lupa ko at ng kaluluwa ko, pero mukhang hindi na ata darating ang uripon ni bai tulog na si antok. Nasobrahan ata sila sa akin kaya hangang ngayon ay hindi pa ako sinusundo ni uripon antok, hindi ko na kasi siya pinakawalan kahapon eh, ipinaubaya ko na sa kanya ng maaga ang katawan ko, kaya ayon to the max kami buong araw at buong gabi ng binukot na si bai tulog. Ano akala nila ah, uurongan ko sila? nevah! ano sila ngayon, hahahahaha. Pakyo uripon antok, pakyo bai binukot tulog!! 

Makakapagpuyat na ako.

Oo ganun 'yon, 

Si tulog ay isang binukot, ang anak na bai ng Datu ng Gabi. Si binukot bai tulog ang umaangkin sa atin katawan habang tayo'y walang malay, at walang katawan ng sinuman ang hindi napapasakanya. Inuutosan niya ang kanyang uripon na si antok, para ihatid tayo sa kanyang banwa.

Si uripon antok naman ay isang tapat na taga silbi ng binukot na si bai tulog. Siya ang inuutosan ni bai tulog para kunin ang atin katawan at dalhin sa kanya. Nilalandi niya tayo upang manghina at mawalan ng malay bago dalhin kay binukot bai tulog.

Kung anong sarap ng dalawang ito, ganun din sila kadelikado, dahil kapag pinagsawaan ka na nila? Wala na, hindi na makakapagpahinga ang katawan mo o magpapahinga kang dilat ang mga mata mo. Kaya dapat ay laging pagbigyan ang uripon na si tulog tuwing sinusundo ka na niya para dalhin ka sa binukot na si bai tulog.

Ayos ba?! lol - hindi yan tawa, tao yan na nakataas ang dalawang kamay.


Para nga pala sa hindi nakakaalam kung ano ang ibig sabihin ng uripon at binukot.


Uripon - Alipin, taga silbi sa mga bai, datu, raja, at kay iba pa.


Binukot - isang prinsesa kung ituring, nasa pedestal ito, hindi puweding umapak sa lupa, makita ng ibang tao (lalo na kalalakihan), masinagan ng araw at kay iba pa din.


Panoorin ang AMAYA sa GMA 7 para malaman ang ibang karagdaan impormasyon, at para naman sa mga taga ABS-CBN 2, click niyo DITO o DITO.





14 comments:

  1. ano daw? yan ang resulta ng inuumaga sa henternet...sabog! ahahaha

    BAAAAAASSSSSSSEEEEE!!!!

    ReplyDelete
  2. oo nga no? tao nga ung lol hehehehe.eto ang nagagawa ng hindi dinadalaw ng antok hahahahaha

    ReplyDelete
  3. Julia - peyrs tym maka-base ah..lol. haha...walang pasok bukas, at hindi ako sabog...buo pa katawan ko..haha

    Bino - baka nagpapahinga pa si bai tulog kaya hindi pa ako pinapasundo sa kanyang uripon na si antok..haha

    ReplyDelete
  4. love ako ni antok at ni tulog.kaya di nya aq pagsasawaan.lels..

    y binukot?i uripon?
    word mo?>heheehe

    ReplyDelete
  5. anhirap intindihin at iprocess ng mga nakasaad dito.... nalusaw ang brain cells ko

    ReplyDelete
  6. Ahhh.. yun pala yun. Uripon = alipin. Hmm... Alamat ba ito? hehe.. medyo slow rin ako ngayon kasi hindi ako dinalaw ni uripon antok nang mas maaga.. epekto ng kulang sa tulog. lol..

    At talagang hindi nakalimutang ipromote si Amaya.. lol.

    ReplyDelete
  7. gamit din namin na salit sa bicol ang uripon. kaya naintindihan ko siya.

    wala akong problema kay bai tulog at uripon antok.dahil buong puso kong ibinibigay ang aking katawan sa kanila all the way enjoy to the max.

    ReplyDelete
  8. adik.. Grabe, ang hanep...

    ReplyDelete
  9. Sana dalawin akong madalas ni Uripon Antok para lagi ko namang makapiling si Bai Tulog.

    Ikaw talaga Akoni-Akoni, pati and terms ng Amaya nagawan mo ng kwentong may halong ligaw na guni-guni. ay-lab-it.

    More--more--more--more, yung datu, raja, ginoo, ayohay, yoyo, oyo, umbo naman ah! wait ko! hihi

    ReplyDelete
  10. Ikaw na nga talaga ang may imagination na gawan pa ng kwento ang antok, tulog at etc! Ayan baka isipin ko sila mamaya pag dinalaw na ako ng antok =)

    ReplyDelete
  11. hay salamat naman at sinabi mo ang kahulugan ng uripon at binukot. akala ko itatanong ko pa sa comment ko.

    narealize ko hindi kami gaanong close ni bai binukot tulog kasi mas gusto kong gising kahit andyan na si uripon antok nalalaban pa din ako.

    pero ang higit na nagpatawa sa aki ay mga links. akala diretso na ako sa impormasyon tungkol kay binukot and uripon yun pala si google and yahoo lang ang ibibigay. lol.

    ReplyDelete
  12. Mayen - hello kamusta na? hope you're doin fine...so, either hindi ka nanonood ng tv series or maka-abs ka..hehe..kasi clicked mo ang links..hehe

    kaloka - hehe..good luck mamaya..hehe..thanks

    ReplyDelete
  13. treatment of fatty liver in ayurveda treatment of fatty liver in ayurveda treatment of fatty liver in ayurveda

    Here is my blog: fatty liver treatment in homeopathic

    ReplyDelete