nuffnang

Monday, June 27, 2011

CRAZY-EL 1

WARNING: RATED 18


2008 nang magkakilala kami sa meebo, may chat room tambayan kami dun dati, ang Pinoy Republic 101 o PR101, baka natambay ka nun minsan, Gentle devil at The_monyo ang usernames ko dun, ang anghel ng dating diba? (Insert maalala mo kaya theme song), pero nung dumating ang bagyong si Ondoy natangay pati chat room namin, binaha at nalubog na hanggang sa naglaho nalang na parang unang pag-ibig.

Parang unang pag-ibig, masaya sa umpisa pero kadalasan nakakalimutan at nawawala na parang bola, ganown ang nangyari sa tambayan namin. Pero kahit ganown ang nangyari, nanatili parin ang pagkakaibigan namin ni, tawagin nalang natin sa tawag na mala-anghel ang dating, demonita.

Ang harot-harot niya at ang landi-landi niya, pero bwesiiiiiiiiiiiiiittt siyaaa!! ako lang ang hindi niya nilalandi, ako na kaibigan niya, ako na palaging nag-bibigay ng advices sa kanya, ako na ang kyut niyang kaibigan, tapos hindi man lang niya magawang landiiiiiiiiiin? Wala siyang kwentang kaibigan, kaya demonita ever siya to me, I hate her for that, *devil’s laugh*

Anyway, calm down muna tayo, may araw ka din hayop ka.

Kahit hindi pa kami nun nagkikita ng personal ay maganda ang friendsip namin, masaya siyang kausap, parang kausap ko lang ang sarili ko sa ibang daig-dig. Napakaganda ng mga words namin kung mag-usap, “tangnamo, hayop ka, kamusta ka na?”,Ayop ka, kamusta na buhay pag-ibig mo, magkita na kayo ng boyfriend mo para hindi ka panay sariling sikap”, “Potah, ang sikip na nga eh, baka karayom nalang kakasya dito”, “kamusta demonyo ka, makikipagkita na daw siya sa akin next month?” Ganyan kami magkamustahan, parang nakakain ng isang garapon na betsin at nakasinghot ng pinaghalong utot at usok ng katol.

Kadalasan ang problema ng demonita na ito ay buhay pag-ibig niya, ang gulo kasi, or let’s say, ang TANGA (oo, capslock yan) niya kasi. Nainlove siya ng todo-todo to the max and Kenny Rogers sa isang lalakeng 21 years old na may pag-iisip na 10 years old, dahil hanggang ngayon ay hindi pa niya nagagawang lumayo sa mga magulang niya ng 50 meters away para makipagkita kay demonita, kahit hindi naman aabotin ng isang buwan ang biyahe papunta ng manila.

Kahit na nga si demonita pa ang nag-effort nun na puntahan sa lugar niya eh hindi parin nakipagkita ang ulopong. ‘yun ang hindi ko magets eh, kinukulong mo ang isang tao sa pag-ibig mo, pero hindi ka man nakikipagkita sa kanya? Naaawa ako tuloy kay demonita, panay paglalaway lang siya sa magandang ABS ng kanyang BF.

Hindi lang kasi 10 beses na-indian ng Boy friend niya eh, set-up siya ng set-up ng date na magkikita na daw sila, pupuntahan na daw siya, pero pagdating naman ng araw na yon, natutuyoan na tooottoott ni demonyita sa paghihintay wala parin, balik self satisfucktion ulit sila.

Oo, may boyfriend siyang na sa loob lang ng computer, dun lang sila nagkikita at nagpapakitaan, at hanggang ngayon ay hindi parin sila nagkakatikiman, mga kawawang nilalang, may rashes na siguro mga tootttooottot nila, parang ang karelasyon lang nila ay ang kanilang mga kamay, LOLOL, ang saklap.

Halos araw-araw nun may e-mail sa akin ang demonita na ito. Kadalasan ay mga sumbong niya tungkol sa VBF niya, keso ayaw daw makipagkita ang VBF (Virtual Boyfriend) niya dahil daw ayaw ng parents niya na pumunta sa malayong lugar (ayy putcha), pinagpalit na daw sa ibang babae at kung anu-ano pang shit. Tapos isang araw, biglang sasabihin na naman sa akin na mahal na mahal daw siya ng lalaki niya, ayy putcha ulit, alam niyo un? ung isang araw puro hinanakit ang sasabihin sa’yo tungkol sa VBF niya, tapos fully support ka naman at nahihirapan ka pang mag-isip ng eaadvice mo sa kanya (kasi baka saksakin niya dibdib at toottoott niya), para lang mapagaan ang kalooban niyang malibog?

“Ayos Lang yan, hindi siya deserving sa pagmamahal mo, move on ka na, okay friend? Hindi pa naman kayo nagkikita ng personal eh, marami pa dyan sa paligid ligid mo”

Tapos biglang kinabukasan, may e-mail siya ng ganito…

“Ayyy ang saya-saya ko, mahal na mahal ako ni ulopong, magkikita na daw kami this coming month, ayyy yang saya.” Ang potah lang diba?

Para siyang sirang ulong plaka na paulit-ulit tungkol sa ulopong niyang VBF na hindi man lang niya nadilaan ang kanyang magandang ABS. Haaayyy ang pag-ibig nga naman, napaka-brutal, sa kanya.

itutuloy....


demonita real face



21 comments:

  1. Tnt! Hayop ka nawala antok ko sa post na to! Lalo na dun sa usapan nyong dalawa ni demonyita!

    ReplyDelete
  2. panalo naman sa conversation! lol

    ReplyDelete
  3. hahaha, ayaw ka niyang landiin kasi di ka daw ka landi-landi, wala siyang nararamdaman na kung ano kapag ikaw ang kausap niya.hahaha and tanga naman yan si demonyita na-inlove kay virtual boy, sana magkakita na sila para magkaanuhan na... kanina habang natutulog ako, sumingit ka sa panaginip ko, inagaw mo ang girlfriend ko habang namamasyal kami sa mall hayop na panaginip yun..haha

    ReplyDelete
  4. ang potah lang talaga naman. Kumusta na kaya silang dalawa ngayon.Kilan ba ito nangyari akoni?

    to be honest akoni tinatamad ako ngayong araw na ito walang kagana ganang magbasa. Pero nakalimutan ko bigla sa daloy ng mga kwento mo kakaiba kasi.

    wala lang nambola lang ulit.

    ReplyDelete
  5. Diamon - abangan mo kung kamusta na sila, haha may part 2 yan. this year lang nangyari...hehe..salamat namn..lol

    Bino - baka need mo ng love life, pwedi 'yan..haha

    Mark - napaWTF ak sa sinabi mo..haha..inaagaw? parang true story lang ah..hahaha

    MOKS - gusto u ipakilala ko siya sayo, para maging tropa mo...mabait yan..hehe..super akoni nga lang, makulit! hehe

    ReplyDelete
  6. magkano ba ang blade ngayon?

    sabihin mo bumili sya, mura lang naman siguro yown compared sa kunyari-kunyariang BF nya...

    wag ka na magadvise sa kanya hindi ka talaga lalandiin nun kasi prens lang kayo..hahaha

    by the way ang sweet ng greetings nyo parang sabog lang..XD

    ReplyDelete
  7. Parang nakahithit lang ha! ipagluluto ko kayo alam mo kung anong ipapakain ko sa inyo? Siling labuyo na binudburan ng asupre!

    ReplyDelete
  8. sorry hindi kami kumakain ng maanghang, syo nalang yan...hehehe @iya_khin

    ReplyDelete
  9. Huwah!!! May kilala akong ganyan! Super na inlababo sa virtual pren nya (na parang imaginary naman for me dahil ayaw makipagkita at sobrang dami laging dahilan!) Bakit kaya may mga taong ganyan magmahal? Ako kasi selfish eh, feeling ko dapat mahal mo muna sarili mo bago ka pwedeng magmahal ng iba! =)

    ReplyDelete
  10. 10 years old ang pag iisip? shocks! alagain ng kaibigan mo yan. hehehe

    naka relate ako ng konti sa post na ito... hehehe... yong eyeball na yan.... na mauudlot hahahaha.

    namiss ko ng mag meebo.. matagal ng walang kausap doon kaya pasulpot sulpot lang. :)

    ReplyDelete
  11. Hayooppp ka! Ngayon ko lang napansin yang backgrpund image ng blog mo! Bwahahahaha

    ReplyDelete
  12. Ahahhaha thanks guys supportive nio! Halab this monyo! Aahhahaaha

    ReplyDelete
  13. PRINCESS KIKAY AKA GINNY AKA DEMONITA...LOL!wet mo ang part two, at part three..ayan natupad na gusto mo na magsulat ako about sayo...hahaha..

    -Akoni monyo

    ReplyDelete
  14. Ang skit naman sa bangs ng conversation nyo..panalo ang kaibigan! e pray ko na rin na sana ikaw na lang ang landiin nya...lol

    ReplyDelete
  15. sarap pokpokin eh hahaha..

    langyang bf yan..hangin


    lels

    ReplyDelete
  16. Amen to that sunny toast..pray keep on praying..haha

    Jay - sobrang lanya pre..hehe

    ReplyDelete
  17. late man ang comment kong ito, nakakatawa ang friendships nio ni demonita :D

    at kawawa naman sya sa bf niang mahilig magtago

    ReplyDelete
  18. hello akonilandiya. nakakatakot ang mukha ni demonita real face///

    ReplyDelete
  19. certainly like your web site but you have to test the spelling on quite a few of your
    posts. Many of them are rife with spelling
    problems and I in finding it very bothersome to inform the reality however I'll certainly come back again.

    Also visit my website fake ray bans

    ReplyDelete
  20. I was able to find good information from your articles.

    Feel free to visit my web blog Cheap christian louboutin

    ReplyDelete