nuffnang

Wednesday, June 22, 2011

Pangarap



Libreng mangarap. Lahat naman siguro tayo'y sumasang-ayon dyan. Isa ito sa libre sa mundo, lahat tayo'y may karapatan mangarap, hindi ko lang alam sa isang baliw, kung nangangarap din?

Marami akong pangarap na kahit alam kung malabo itong matupad ay patuloy ko parin ito pinagnanasaan sa utak ko, tulad ng makapagtayo ng isang Gang group (parang gang bang lang,haha), ung parang sa mga korean movies? Gustong gusto ko kasi maging astig, ung kakatakot dahil sa galing ko sa diskarte, sa isip at sa katawan. Pero alam kong malabo ito dahil isa akong duwag na nilalang, buong buhay ko hindi ko pa naranasan makipagsuntokan.

Natatanong ko minsan ang aking sarili, bakit ba may mga pangarap na hindi natutupad at kailangan nalang manatiling isang pangarap lang?


Tulad nito

kuha to nung August 2010


Siguro kaya may mga pangarap na hindi natutupad ay para marealize ng tao na kahit gaano siya makapangyarihan o kataas, ay may limitasyon parin ito at hindi mapapasakanya ang lahat ng gusto niya. Basta kung ano man ang rason, ang alam ko ay masaya akong iniisip bago matulog ang mga pangarap ko na alam kong malabo matupad sa totoong buhay.


Good night to me, earthlings!



22 comments:

  1. hahaha! nakita ko na ito dati!! lol! parang nang-gigigil lang hahahah!

    ako pangarap kong....yun na yun! :D

    ReplyDelete
  2. May mga pangarap din naman ako na hindi natutupad pero pwedeng matupad. Konting pagsisikap nga lang siguro. Mangarap kasi tayo ng posible at hindi ung out of this world. O ha, nagkomento ko! May sense kahit paano! Wooot!!

    ReplyDelete
  3. Masarap kasi mangarap ng imposible kasi puwedi mong ulit-ulitin habang buhay...hehe..enjoy un..hehe @bino

    Iya - long time manang...hehe WC. bulong mo ang pangarap mo, baka matupad.

    ReplyDelete
  4. hindi ko din maalala na nakikipagsuntukan ako noon. wala e... sobrang bait ko daw... sinuntok na ako ng kapatid ko pero di ako gumanti. bait sana kunin na ni Lord si empi sa sobrang bait. hahahaah!

    parangap ng isang baliw na mabaliw siya... joke yon? Lol

    ReplyDelete
  5. ang masasabi ko lang parehas tayong hindi pa naranasan mkipagsuntukan hahaha...

    at sobrang lol ako sa video mo haup ka hahaha...pagkatapos nang uppercut may kutong na kasama?lels

    ReplyDelete
  6. hahaha. hayup sa video... buksing na buksing. at hyper sa bilis ng mubmints. :D ayaw tuloy lumaban ng bangladeshi

    ReplyDelete
  7. kaunting praktis pa...matatalo mo na ang idolo mong si Pacman! LOL gigil an gigil ah!

    ReplyDelete
  8. Hahaha! ang kulit... malay m ma2pad pangarap mo.. hihihi

    New follower here! Hope you check out my blog,
    if you like it follow me back..hihi..

    Thank you
    Diane
    http://whatsrealityallabout.blogspot.com

    ReplyDelete
  9. LIbre lang mangarap.. Sabi nga ng iba, if you wanna dream, then DREAM BIG. Actually, oaky ako sa ganyang idya.. pero dapat handa ka ring masaktan.

    Kapag sobrang taas kasi ng pangarap mo at hindi mo yun maaabot, grabeng disappointment yun. So dapat handan ka ring tanggapin yung frustrations, dumangon at mangarap muli.. baka kasi magpakamatay ka lang kung hindi mo kayanin..

    Hahaha!! Mini Pekyew.. ang galing! hehe.. LOL.

    ReplyDelete
  10. Isang beses lang ata nangyari sa akin.. hehehehe. Kaya lang bugbugan to the max yun.

    ReplyDelete
  11. galing ni mini pekyew ah hehehehe...

    ReplyDelete
  12. ngayon ko lang napansin. kita pala pwet ng nasa wallpaper mo. wala lang para maiba lang.

    ReplyDelete
  13. oks lang ang mangrap.. kahit buwan pa ang pangarapin mo.. oks lang.. libre lang naman...

    ReplyDelete
  14. Musingan - yeah rock on

    Sean - hehehe..wala lang, gusto ko ng ganyan outfit..haha

    Jed - haha mini na mini

    Mama - kahit sa pangrap lang..hehe

    tim- ikaw bugbog to the max o ung sa kabla?

    Leah - siguro hindi ka rin naman masasaktan kung ineexpect mong hindi ito matutupad, just enjoy the dream...hehe

    Diane - yes ma'am papunta na ako sa shop mo. thanks for following..mwah

    MOKS - hahaha..wala na ako sa shape..lels

    Khanto - dahilan niya ang kanyang sing-sing baka masugatan daw ako..hehe

    Jay - un ang secret weapon ko sa boxing..haha..kutong move un..dapat flexeble ka para magawa un..hehe

    Empi - parehas tayong mabait kung ganun...hehe..apir!

    ReplyDelete
  15. nakakatawa naman ang ito bengali ba yong pinagpraktisan mo para kang sinisilaban ang liksi liksi ng mga suntok.Pwede na.

    about mga pangarap ang dami ko rin niya kaya bahala ka na sa sarili mong mga pangarap.

    ReplyDelete
  16. akala ko matutuwa lang ako sa ganda ng message sa post na ito. Akal ko hindi na ako matatawa. pero sa vid natawa ako hehe.. pede pala ang kotong sa boxing-akoni-way. haha..

    ReplyDelete
  17. Lol dahil busy ako, ngayon ko lang to napanood. Wahahaha. Adik parang may bulate lang sa pwet sa sobrang gaslaw. Kaw na!

    ReplyDelete
  18. ang pangarap naman kasi nug masidhi ang pagnanais mo na makamit ito, malaki ang chance na magkatotoo, peor kung gusto mong manatili na pangarap, wag kang kumilos.hahaha akala ko kung ano ang nasa video, boxing pala. hindi ka pa nakaranas makipagsuntukan, ako elementary palang parang laging hinihigop kung san may rambol, ang resulta laman ako ng guidace office dahil sa pakikipagsuntukan hahahaha

    ReplyDelete
  19. ang kulet.....pacman! hahaha libre naman ang pangarap kaya wl be foreover dreamer:)

    ReplyDelete
  20. haha! ang kulit ng video. :)))

    tama, libre ang mangarap. pero atleast do something for the dream. if it's not meant then fine. at least we tried. we're doomed if we dont. :D

    ReplyDelete
  21. Hindi na ako nagtry apple, may lakas ang isip ko, pero walang lakas ang katawan ko para sa pangarap ko...hehe referring to my video..kaht ako natatwa dyan..haha

    Sunny toast - nice name...tama, para habang buhay maniwala sa pangarap..(inulit lang sinabi mo?) haha

    Mark - ako din, suki ng sa guindance pero hindi dahil sa away, kundi dahil sa kakulitan...hehehe

    Bolero - kaht hurt ako ng kunti dhil sa pakulo ng damuhan. salamat..lels congrats..hmp

    Mayen - lahat naman may sarili akong version...hehe..buti nalang hindi ako naging boksingero kundi lahat ko sila kukutongan..haha

    Diamond - hahaha..ayos ah..bahala na tayo sa mga pangarap natin..hehe..good luck nalang

    ReplyDelete
  22. Sa mga pangarap ng imposible nangyayari ang mga di inaasahang mga bagay. Malay mo, don uusbong ang mas magandang buhay. :D

    ReplyDelete