Siya ang aking AMA, na sa akin ay nagmamahal! Choooossss….
Mabait at mapagmahal na asawa, sobrang mahal niya ang akin ina. Mula nang magkaroon ako ng muwang dito sa mundo, kahit kailan ay hindi ko nakita ang tatay ko na nainis o nagalit sa aking ina at never kong narinig na nagsalita ng masama laban sa aking ina at never siyang sumagot ng pabalang, anak ng teteng sa astig diba? Bihira lang ang mga lalaking ganun na kahit mala-AK-47 na ang bibig ng kanilang asawa at minsan ay may mga kasama pang granadang mura ay tahimik lang sila.
Ganun ang tatay ko, pinagmamasdan nalang ang nanay ko sa tuwing binubungangaan siya, tahimik lang ang tatay at nakangiti :) sa nanay na parang nakikinig lang ng musika. Lalalala…lala..lalala…lalalala…reapet chorus (volume 8).
"First impression last", hindi ‘yan magagamit sa tatay ko, kasi sa unang kita mo sa kanya, aakalain mong kamag-anak siya ng mga Ampatuan. Kung hindi mo siya kilala, mag-aalinlangan kang magtanong sa kanya, takot lahat sa kanya, ang kanyang mga pamangkin, mga pinsan, mga kapatid, halos lahat, kasi hindi siya masalitang tao “One word is enough”.
Ma-pride, basta ayaw, ayaw talaga, kung gusto, GUSTO talaga. Kung ayaw niya sa isang tao, sinasabi niya, hindi siya hipokrito. Kung isang gamit ang tatay ko, siya ay isang cellphone na naka-silent mode palagi, salamat at hindi naman siya nagba-vibrate. Mabibilang mo sa mga daliri ang mga salitang binibitawan niya sa buong araw, ganun siya katipid sa pagsasalita, at ang boses parang galing sa kailalimlaliman ng lupa. Hindi siya mahilig magkwento, kabaliktaran ko. yada! yada! yada! blah! blah! blah!
Magaling magluto ang aking AMA, ‘yan ang isa sa mga hinahangan ko sa kanya bukod pa sa kamukha niya si Vic Vargas, ang sarap niyang magluto, adobong pusit, adobong manok, adobong kalabaw, adobong pinakbet, adobong kanin, adobong kangkong, at mga iba pang adobo niya, ilan lang yan sa mga paborito kong niluluto niya.
‘Yan ang tatay ko, basta sa kusina? leave it to him, siya na ang bahala. Siya na halos ang gumagawa sa gawaing bahay (lalo na mga gawain kusina) pwera nalang sa paglalaba at paglilinis ng bahay, sa nanay ko naman ‘yun at minsan ay sa akin ‘yun. (Nom…nom…nom…Burp (excuse me)).
Lahat naman siguro ng ama ay pinapangaralan ang kanilang mga anak, pero kakaiba ang tatay ko, dahil nga sa tipid siya magsalita, bihira lang niya ako mapangaralan. May natatanadaan akong kaisa-isa at pinakabilin niya sa akin. Isang araw habang pauwi kami ng probinsya, ako muna ang pinag-drive niya, ganado ata makipagchicka sa akin. Hindi ko na matandaan ang ibang pinag-usap namin maliban nalang sa isa na hangang ngayon ay hindi ko makalimutan ang sinabi niya, “Gawin mo na ang lahat, basta wag na wag kang magda-drugs”. Uso kasi noon ang shabu, kaya siguro sa sobrang pag-aalala niya sa akin, ganun ang nasabi niya, pero dahil mabait at masunurin akong anak, sinunod ko naman siya, ginawa ko na ang lahat (as in lahat) maliban na lang sa isa, ang mag-drugs..Eoooowwww…..
Masasabi kong matagumpay siyang Ama, dahil kahit papaano ay nagawa niya akong mapagtapos ng pag-aaral. Tunay kong ipinagmamalaki ang aking ama, hindi man kami mayaman (pero yayaman din) masaya kaming pamilya. Alam kung malaking tagumpay sa kanya ang mapagtapos ako ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho, alam kung panatag na ang loob niya sa akin, dahil may sarili na akong pamilya.
Tatay,
Tatay,
Maraming salamat, salamat sa pag-aalaga sa amin, sa mga sakripisyo mo sa iyong pamilya. Alam ko, kapag may problema tayong kinakaharap ay hindi ka makatulog, hindi mo alam nakikita kitang nakaupo sa may bintana at nag-yoyosi, alalang alala ka kung paano mo ‘yun mareresolba.
Nahihiya man akong sabihin sayo ng harapan, kung gaano ako nagpapasalamat sa iyo at kung gaano kita kamahal, lagi kong ipinagdarasal na sana ay humaba pa ang buhay mo, ng nanay at maging matagumpay ako sa buhay upang maranasan at matikman mo ang tamis ng aking tagumpay. Ipinapangako ko, babawi ako sa lahat ng kabutihan at sakripisyo mo sa akin, kayo ni nanay. Tagumpay ko ay tagumpay ninyo, pangako! Mahal na mahal kita.
Nais kong iparating sa lahat ng makakabasa nito, sa pamamagitan ng simpleng blog kong ito kung gaano ko kayo kamahal. Sana sa simpleng sinulat kong ito ay naipahayag ko sa lahat na proud ako sa inyo. Ikaw ang aking idolo, ang aking hinahangan, ang nag-iisang lalake sa buhay ko, and I am proud to say, Anak ako ng teteng!
syempre isang maligayang araw ng mga ama sa lahat ng mga tatay at feeling tatay at mukhang tatay :D
ReplyDeletewow.. happy father's day sa tatay mo. may pa yada yada ka pa ngayon ah?
ReplyDeleteMedyo seryoso ag post na to ah... Medyo lang! At dahil dyan babatiin kita ng happy father's day... Sa iyo sa tatay mo at sa lahat ng tatay at mga magiging tatay pa lang!
ReplyDeletetunay at dapat nating hangaan at ipagmalaki ang ating mga ama.
ReplyDeleteMaligayang araw ng mga ama sa itay mo akoni at sa iyo na din ...
:)
Happy father's day sa iyong tatay akoni.
ReplyDeleteBino - isang maligayang araw ng mga tatay sayo..
ReplyDeleteMayen - kailangan mag upgrades kahit pakunti-kunti lang..haha..happy father's day din sayo..
Moks - ito na siguro pinakaseryoso ko..haha Happy papa's day din sa tatay mo.
Salamat JAY - isang maligayang araw ng papa sa buong mundo..kahangahanga silang tunay.
Mama - may mga kunti akong iniba, kunting kunti lang naman..hehe..salamat always mama.
Sean - maraming salamat sean, sa iyong tatay din.
:)) khanto..salamat namn,
happy father's day sa tatay mo iha.. este iho pala... maswerte ka at nagkaroon ka ng tatay na pambihira..
ReplyDeletepareho sila ni tatay ko... tipid lang ang mga salita.. kabaliktaran ko ang ugali.. ehehhe...
masaya ako kapag nakakabasa ako ng mga ganito.. ehehhe..
at yung taong mo nga pala sa twitter kahapon.. kung qualified ka na ba sabihan ng happy father's day? tama ba ako? sa tingin ko eh.. pwede na siguro.. kasi mukhang pinaghahandaan mo naman ang iyong pagiging ama.. basta pagbutihin mo lang... INSHALLAH...
happy fathers day sa inyo
ReplyDeleteDahil busy ako sa KM2, hindi ako makapag-update ng blog ko. Sinabi ko lang bakit 'ga? Hindi ako nagsusumbong.
ReplyDeleteKadalasan ganyan ang mga teteng, tahimik..bihirang magsalita pero sa mga pagkakataong kailangan eh nandiyan naman.
Nagpupugay sa teteng mo.
Ang daddy ko din, man of few words, parang tatay mo, kahit binubungangaan na ng nanay mo, tahimik pa din, hehehe! Happy Father's Day! =)
ReplyDeleteHalos lahat ata ng mga lalake ganun@isp101 Happy father's day
ReplyDeletePapa JK - salamat sa pagdalaw sa kaharian ko, sana ay malandiyan ka.:))
Emmanuel - thank you...
Musingan - ganun ba? okay handa na ako!! ahooo!!!!!!!!!!!
asteeg pala si tatay madameng alam na luto ng adobo..ehehehe
ReplyDeletehappy dad's day sa tatay mo akoni..
nga pla saka q na share pag nahanap q kodigo q..bwahahaha..^_^
limot q na tlga alibata..reserchq pa muna ulet..harhar
hahaha sige anoni...blog ka one time na gamit ang alibata...hehe
ReplyDeletehappy fathers day sa tatay mo..
ReplyDeletegawin na ang lahat wag lang mag drugs.yan ang teteng.
masunurin ka naman kaya
happy fathers day na rin sayo akoni.
apir.
di nga nagdrugs iba naman ang nasinghot..hahaha
ReplyDeletesumbong kita sa tatay mo..lagi ka nalang high! XD
belated happy father's day sa pops mo!