1. Taglamig. Ito ang paborito kong klima ng Saudi, lalo na siguro ang may mga asawa at kasama nila rito. Dahil may nagtitimpla sa kanila ng kape palagi at syempre dahil din sa iniisip mo ngayon na malaswa. Kapag ganitong taglamig namimiss ko ang pilipinas, pero minsan ang freezer namin ang naalala ko dahil sa sobrang lamig. Nag-nenegative din dito, sa sobrang lamig ay parang mapupunit na ang feslak ko at masakit sa ulo pati sa taenga. Pinakaayaw ko ay laging naninigas ang kulangot ko sa ilong, ang hirap dukotin, nagdudugo minsan at humahapdi ang kaloob-looban ng ilong ko.
Masarap din maligo tuwing ganitong taglamig dahil may heater ang shower namin, feeling social. Pero malas ka kapag dito ka napunta sa amin dahil isa lang ang may heater sa dalawa namin banyo, unahan lang. Ito rin ang paboritong klima ng mga taong tulad ko na mamantika ang katawan dahil sarap na sarap kami sa pagtulog tuwing gabi.
Mahirap din minsan mapigil ang lamig, pero dahil Pilipino tayo laging may paraan at diskarte.
1. a. Diskarte uno. Laging manood ng mga for adults’ only movies para laging mainit ang katawan.
1. b. Diskarte dos. Laging hawakan ang betlog, pero wag kamutin. Kung babae ka hindi angkop yan sa’yo, magkape ka nalang palagi or hug mo si stuff toy mo.
1. c. Diskarte tres. Pagsabayin ang diskarte uno at diskarte dos.
2. Imperno. Ganito kilala ang Saudi Arabia, mainit na bansa. Grabe ang init dito, umaabot ng 60 degrees churva. Minsan naranasan ko nang dumugo ang ilong ko dito dahil sa sobrang init. Ngayon alam ko na kung bakit nakakalbo ang mga tao dito. Pero sa experienced ko dito sa Saudi, hindi ko masyado naramdaman ang matinding init ng klima, siguro dahil sa office ako nagtatrabaho. Kahit saan ako pumunta laging may air cone. Sa bahay may aircone ka, pupunta ka sa mall may aircone din, sasakay ka ng taxi may aircone din. Maaga ang pasok namin sa work, 6:45 am ay umaalis na kami ng bahay, kaya hindi namin ramdam ang init. Pero sa hapon bandang 4:00 pm uwian na, mainit na kung sasakyan mo ay ang bus namin dahil walang air cone ang putcha. Imagine, alas kwatro na ng hapon pero mainit parin? paano pa kaya kung sa bandang alas 9 hanggang alas 3? What the ef, ewan ko lang kung may nabubuhay pang mikrobyo sa labas. Ayaw ko ito, dahil palaging nagkakamatsa ang kilikili ng damit ko, mahirap alisin, magastos sa sabon.
Ang hindi rin maganda dito kapag tag-init ay kapag maliligo ka, what the ef makakalbo ka sa sobrang init. Pero dahil Pilipino tayo, may diskarte dyan para hindi maging panot agad.
2. a. Diskarte uno. Kumuha ng empty bottle ng soft drinks (mas maganda kung pepsi, wala lang paborito ko lang yan na softdrink) at lagyan ng tubig, pagkatapos ay ilagay sa freezer. Kapag maliligo ka na, kunin mo ang bote ng sopdriks na may ice sa loob at ibabad sa isang timbang tubig, hintayin itong malusaw o matunaw. Sapat na ‘yun para lumamig ang isang timba (habang hinihintay mo munang matunay ang yelo sa timba, gawin mo ang kadalasan ginagawa ng mga lalake sa banyo, ang magyosi, wag malaswa ang pag-iisip).
2. b. Diskarte dos. (babala: Kung tamad ka tulad ko, ito ay hindi para sa’yo) sa gabi palang ay maglagay kana ng tubig mo sa timba, takpan ito ng plastic para hindi matuloan ng sperms cell ng dalawang butiking nagseseks (withdrawal sila), kinaumagahan ay malamig na ‘yun. Bubuhatin mo lang ang timba sa banyo, na-exercised ka pa.
2. c. Diskarte tres. Huwag maligo.
3. Taglibog. (magandang basahin ito habang nakikinig ka ng kanta na “TUKSO LAYUAN MO AKO”) Ito ang paboritong kong klima Sa lahat ng klima ng Saudi, ito ang pinakamadalas na nangyayari at iniiwasan ko. Wala sa oras at panahon laging nandyan lalo na sa mga mahihina ang loob at mahirap makapagpigil. Delekado ito, kapag hindi mo naagapan pwedi niyang masira ang pamilya mo, ang tahanan mo at ang puso mo. Kaya ingat-ingat kayo. Hindi ako kasali At syempre dahil sa Pilipino tayo, wala tayong diskarte dyan para maiwasan. hahaha
hahaha..pilipino tayo, kaya laging may palusot..haha
ReplyDeletesi God ang nagbgay ng klima pra po tau mbuhay dto s mundong atng gngalawan kya hnd dpt ntn itong gamtin s maling pamamraan ng ating buhay.dhl b s hnd ntn kpiling ang atng mga pamilya bagkus po sobra ntng mahalin ang ating pamilya ..spagkat cli ay hnd nio nkkapiling.Pkbasa po ang HEBREWS 13:5
ReplyDelete