nuffnang

Thursday, January 6, 2011

Beh, buti nga!

'wag makulit. Hmmm…isip-isip…hmmm…isip-isip…hmmm,ito ang pinakamahirap sa pagsusulat ng isang blog, hindi mo alam kung paano at saan mo uumpisahan ang isusulat mo, ung parang nasa harapan ka ng madaming-madaming pagkain tapos hindi mo alam kung ano at alin ang uunahin mong isusubo? Teka, may nararamdaman na ako, teka, kunting ire pa, lalabas na, lalabas na, may lalabas na sa isip ko, push, push more, puuuussssssshhhhhhhh……tsing!!

Masakit ang binti ko ngayon. Kanina habang patakbo ako papunta sa banyo para magbigay ng contribution sa kasabihan “Shit happens all the time” na hindi ko alam kung sino ang nagpasimuno niyan (ang bantot) ay nabundol ko ang upoan namin sa labas. Ouch! Ang tagal narin na panahon bago ako makaramdam ng ganitong sakit physically, ang last ata na sakit na naramdaman ko ay noong laslasin ko gamit ang matalim na blade ang leeg ko at syempre hindi ka maniniwala dyan kasi hito ako buhay at nagsusulat. 

After ko masagasaan ang upoan ay syempre what do you expect? Magpakain ako? tumalong sa tuwa? paker! syempre it hurts, you know. Muntikan nang mapunit ang balat ko sa binti e. Nagdilim ang paningin ko pero salamat dahil wala akong nakitang liwanag at wala akong narinig na boses na tinatawag ang pangalan ko para lumapit sa liwanag at e-welcome.

Hindi naging hadlang ang sakit na naramdaman ko upang hindi ko ituloy ang napakaimportanteng gagawin ko. Kaya kahit na papilay-pilay akong naglalakad ay pinilit kong umabot sa banyo bago ako ma-tae sa short ko, at sigurado akong mas gugustohin kong mabundol ng paulit-ulit sa upoan at magkasugat kaysa matae sa short, ikaw alin dyan ang pipiliin mo?. 

Sa wakas natuloy din ang bonding namin ni inidoro at syempre nag-enjoyed ako as usual. Enjoy the joy sabi ko nga, lahat ng nararamdaman kong kasiyahan ay ini-enjoy ko kahit kasiyahan pa tuwing tumatae ako, wag lang ung constipated, it hurts din, you know. oohhyeaahh whuuuuuoooo...success!

Hindi ako nagpipigil ng aking nararamdaman. Iyun siguro ang naging problema ko nun, wala akong control sa aking sarili, basta masaya ako, go! Pero mali pala, dahil dun ay ang dami kong nasaktan, ang dami kong napaiyak dahil sa pesteng kaligayahan ng puso na ‘to, lagi ko kasi sinusunod. Pero at the end of the new beginning, na-realized ko na hindi lahat ng kaligayahan mo ay magpapaligaya din sa ibang tao. Putcha, paano ka magiging masaya kung ang mga taong nasa paligid mo ay hindi masaya? Paano ka magiging masaya kong naapakan mo na sila dahil sa pagsunod mo sa kagustohan ng letseng puso at puson mo? Salamat sa taong nagsabi ng "Everything has a limit" sana nasa off limits kana. Salamat at sa huli ay nagkaroon din ako, alam ko na ngayon ang limits ko, ooopppss off limits yan, wag dyan. At nagkaroon din ako ng control sa aking sarili. Click!

Ouch, iniinda ko parin ngayon ang sakit ng aking binti, kahit pinipilit kong i-enjoy ay napapangiwi parin ako. Don’t worry nilagyan ko na ng pampadulas na Vaseline. Napapaisip ako tuloy kung ano ang nagawa kong hindi tama kaninang umaga kaya nangyari sa akin ito. Naniniwala akong sa bawat ginagawa natin hindi maganda sa kapwa tao, kapwa hayop at kapwa bagay ay may kapalit din na hindi maganda. Alangan na mang-rape ka tapos sasabitan ka ng medalya. Syempre, dapat e-reyp ka din. hehehe 

Nag-rewind ang utak ko, I checked my emails kong may nakaalitan akong tao o isang nilalang, pero wala! E bakit ako nagkasugat? Isip pa ulit, tsing!!! Dahil nag-sugal ako kanina lang, bad ‘yun.

Kaya I deserved this, beh buti nga!

No comments:

Post a Comment