nuffnang

Tuesday, January 11, 2011

Me bersus Antok


Tahimik ngayon dito sa office, tanging tunog lang ng fluorescent ang aking naririnig. Nararamdaman kong sinasakop ng antok ang aking katawan. Parang may sariling buhay ang dalawang talokap ng aking mga mata, hindi ko namamalayan bigla nalang nagsasara, nakakaidlip ako ng mga ilang minuto. Pilit kong nilalabanan ngayon..

Round 1. Naramdaman ko ang unang atake ng antok, pero dahil mabilis ako mag-isip kumuha ako ng isang basong tubig. Nilubog ko ang dalawang daliri ko at pinahig sa aking mga mata. *Baaanggg!!!* tinamaan ko si antok, nararamdaman kong nanghihina na siya, lumalakas na naman ako. Effective ang ginawa ko, kaya panay pahid ko ng tubig sa aking mga mata ko. Malapit na matapos ang round one, mukhang na-immune si antok sa malamig na tubig. Pero lamang ako ng points, hindi ako napantumba ng antok.
Round 2. Dahil immune na ang antok sa lamig ng tubig. Nagsimula na naman atakihin ako, nanghihina na talaga ako. Para na akong intsik sa sobrang liit ng mga mata ko, ang bigat ng eye bags ko, matindi ang mga patama sa akin ngayon ng antok, naaalog niya ang aking ulo, muntikan na niya akong mapatumba.
Round 3. Parang hindi ako makarekober sa nangyari sa round 2, sobrang inaantok na talaga ako. Hindi ako makapag-isip ng maayos kung anung diskarteng gagawin ko upang matapatan ang kakayahan ng antok. Zzzzzngorkzzz…knocked down ako, pero mabilis ako nakabangon. Ilang sigundo ata ako nakaidlip.
Round 4. Kailangan may gawin ako kung hindi mapapatumba ako ng antok. Pumunta ako ng tearoom namin, nagtimpla ng green tea. Sobrang mainit naman kaya hinintay ko nalang lumamig. Hindi ko na namalayan napatumba na naman ako ng antok, nakaidlip ako pero ngayon minuto na, medyo humaba ang bilang ng knocked down ko.
Round 5. Ininom ko na ang green tea ko, malamig na kaya walang naitulong sa akin sa laban naming ng antok. Magbabasa nalang ako ng libro, deym! hindi effective. Lalo kong nararamdaman ang kanyang lakas, lalong lumalakas ang antok. Tinigil ko na ang pagbabasa ko, hindi ko kayang mapatumba ang antok.
Round 6. If you can’t beat them join them. Tulog na ako.
Antok WON by way of TKO!

1 comment:

  1. hahaha...walang magawa kanina sa office e...kakantok!LOL

    ReplyDelete