nuffnang

Thursday, January 13, 2011

FACTS ME



Ano palaway mo? Toto ang bantot, walang binigay na palayaw sa akin!



Paboritong hayop? Paboritong hayop ko’y Ampatuan corn beef and beef loaf.

Naninigarilyo ka? Hindi Oo, pagkatapos ko lang kumain.

Paboritong bayani? Ang mga OFW at si batman

Hilig mong gawin? Magbasa ng mga love stories, nakakatuwa, at lahat ng tungkol kay PACMAN.

Sa movies? Mahilig ako manood ng mga porn Korean at Chinese movies kahit parang nagbabasa lang ako dahil sa subtitles. Mababaw lang ang luha ko kaya iniiwasan kong manood ng drama movies na may kasama.

Paboritong colors? Krayola

Kakaibang talents? Madami, kaya kong dilaan ang dibdib ko, kaya kong pasayawin ang dalawang kilay ko habang bubuka-buka ang dalawang butas ng ilong ko at kaya kong malunod dahil hindi ako marunong lumangoy.

Ano ang paboritong mong kinakain? Mahilig ako kumain ng karne hilaw, hindi ako vegetarians, sharonians ako.

Weird na ginagawa mo noong bata ka? Kinakain ko ang toothpaste.

Weird na ginagagwa mo ngayon malaki matanda kana? Kinakausap ko ang aking sarili sa loob ng banyo, pinapagalitaan ko kapag may hindi magandang nagawa. Sinasampal ko minsan, masakit.

Ano ang gusto mong masubokan? Bungee jumping, sky diving at si Marian Rivera

Paboritong Ice cream flavor(s)? Mango at ube at vanilla at pistachio at caramel at chocolate.

Motto mo sa buhay? Ajinamotto, hellomotto at Iwa motto

Gusto mo sa ugali mo? Tamad.

Ayaw mo (tao)? Hindi marunong tumanggap ng opinion iba dahil ang opinion lang niya ang tama. Hindi marunong makinig, mayabang at maarte, duh!

Gusto mo (tao)? Funny, mabait, open minded, mababaw lang ang kaligayahan, sweet and delicious.

What is love? I love anime and cartoons.

Ano pangarap mo sa buhay? Matupad ang mga pangarap ko.

New Year’s resolution mo? Magkaroon ng isang New Year’s resolution.


Loading………

No comments:

Post a Comment