nuffnang

Tuesday, January 11, 2011

Daydreaming

Siguro, isa ako o numero uno ako sa mga taong sobrang mahilig at madalas mangarap ng gising. Iyan ang paborito kong ginawa kapag wala akong magawa. Hindi kasi nakakatamad lalong hindi nakakapagod, pinakamaganda pa dyan ay masaya, at higit sa lahat, libre. Kahit minsan ay hirap ako mag-isip ng mga ideas na isusulat ko ay nagagawa ko parin naman gawin ito (ang mangarap ng gising), kahit papaano.  Kailangan lang ay maging malawak ang imahinasyon ko. Minsan kung wala ka nito , boring ang buhay mo. Dito mo kasi tinutupad ang mga hindi mo natupad, ang mga imposible sa'yo, ang mga gusto mong tuparin, ang mga hindi mo magawa, ang mga gagawin mo pa lang, at kung anu-ano pa. Masaya talagang pangangarap ng gising kahit kadalasan ay puro kalokohan lamang.
Grabe sobrang nag-eenjoy ako, lalo na pag nasa biyahe ako tapos may music background pa, hannnnneeeeeppppp, soooo high pare. At take nota, hindi ako makatulog hanggat hindi ako mag-daydreaming trips.
Simpleng tao lang ako, simple lang ang life ko, napaka-ordinary. Hindi ako mahilig tumambay sa labas. Mas gusto kong sa bahay lang ako kahit tinatawag na ako ng tatay ko na lalake sa bahay, kaya siguro yumaman ang utak ko sa pangangarap ng gising. Sa ganun paraan lang ay nai-enjoy ko na ang aking sarili minsan ay sa tulong ng aking mga kamay, “Nasa kamay mo ang iyong kaligayahan.”
Ito ang top 5 daydreams ko.
5. Superhero, ito ang paborito kong ini-imagine lalo na noong bata pa ako, parangap kong magkaroon ng super powers, ‘yung lulundag-lundag ako sa mga gusali habang pinapalakpakan ako ng mga tao. May kakayahan akong ikotin ang mundo, may lakas akong kayang magpalipat ng isang bundok. Pero hindi ko gagayahin ang outfate nila.
4. Singer, oo nangangarap din akong maging isang sikat na singer. Kahit hindi ako marunong kumanta ay mahilig naman ako makinig ng mga kanta, kaya habang pinapakinggan ko ang kanta ay iniisip ko ako ‘yung kumakanta at ang mga lalakeng nanonood sa akin ay nakanganga dahil hindi sila makapaniwalang ang ganda ng boses ko, ang mga bading na umaagos ang kanilang mga laway dahil sa paghanga nila sa akin at ang mga babaeng nagsisilaglagan ang mga panties dahil naiinlove sila sa akin.
3. Nerd, oo pati yan hindi ko pinapalagpas. Pinapangarap ko rin na maging genius/nerd/geek. Hindi kasi ako matalino kaya siguro isinasama ko ‘to sa mga daydreams trip ko. Dahil sa sobrang katalinohan ko, pag-aagawan ako ng mga Universities sa buong pilipinas, lahat ng mga ideas ko ay magiging mahalaga sa bawat buhay ng mga Pilipino.
2. Boksengiro, ito noon bata pa ako ang kadalasan ko rin pinapangarap at hanggang ngayon. Gusto kong maging astig sa suntokan, napakaduwag ko kasing tao, kaya bumabawi ako sa daydreams ko. Naku, kapag nakaalitan kita? Patay ka sa akin, sa aking isip. Kung anu-ano ang gagawin ko sa’yo, magmamakaawa ka sa akin, bugbog sarado ka sa isip ko.
1. Mayaman, ito ang pinakagusto kong iniisip, sa lahat ng oras ng pangangarap ko ng gising, ito ang hindi nawawala. Isang akong mayaman na tao. Iniisip ko na isang araw habang nasa labas ako ng bahay namin, may mahuhulog na bag sa aking harapan, bubuksan ko at makikita ko ang limpak-limpak na salapi and take note ah, dolyar pa, 5 milyon dolyar. itatago ko tapos kukuha ako ng dalawang bundles, pupunta ako sa banko para e-deposit, tapos dederetso ako sa bilihan ng sasakyan at bibili ako. Susundoin ko lahat nga mga kaibigan ko at lahat sila magugulat dahil may sarili akong sasakyan. Kakain sa lahat ng mamahalin na restaurants at iikot sa buong mundo.
Yan ang mga nagpapatulog sa akin ng mahimbing, nagpapagaan ng buhay ko, ang nagpapasarap sa bawat biyahe ko, at ang kumukompleto sa araw ko.
Deym ang astig ko siguro kapag dalawa dyan ay nagkatotoo. Kahit alin dyan, kaso dreams ko lang ang mga yan. Alam kong imposible ang mga yan, pero kahit ganun pa man ini-enjoy ko parin, minsan kasi may mga pangarap na hindi na matutupad at kailangan itong manatiling pangarap upang patuloy parin ang pangangarap natin ng gising.

No comments:

Post a Comment