nuffnang

Sunday, January 23, 2011

Destiny


Ito ang nagpapagulo ng buhok ko sa kilikili ngayon araw ng sabado. May mga nabasa kasi ako sa facebook kahapon tungkol sa destiny, “Tayo ang gumagawa ng ating destiny”, “I choose my destiny”, “I churva tsenes”, etc. etc. bwisitera. Syempre hindi na naman fully sumasang-ayon ang utak ko, nahihirapan niyang gilingin ang ideyang tayo ang gumagawa ng atin destiny. Sabi nga ni Bruce Lee “I created my own destiny”, e bakit hindi niya napigilang mamatay ng maaga? edi sana inabot ko siya at dalawa na sila ni pacman ang iniidolo ko ngayon. Bakit hindi ko nagawang maging tatay si Bill Gates o maging ako si Mark Zuckerberg? Bakit hindi ko nagawang maging cum laude o kahit with honor lang noong nag-aaral pa ako? Bakit hindi ako sinagot ng nilalagawan ko noon? Bakit…bakit…bakit…tadtarin kita ng bakit e.
Oh ibaba mo na ang kilay mo bruha. Siguro sasabihin mong wala akong ginawa kaya ito ako ngayon, isang simpleng nilalang na nagmamagaling mag-blog at pakalat-kalat lang sa planetang ito. O siguro sasabihin mong “Hindi ka kasi nag-aral ng mabuti kaya hindi ka man lang umabot ng with honor” at “Hindi ka kasi nagpursige manligaw sa kanya kaya hindi ka sinagot” o “at ito ang pinili o ginawa kong destiny ko”, okay fine.
Okay ako naman. WTF! Eh un ang destiny ko e, ang hindi ko maisip na mag-aral ng mabuti, ang hindi ako magpursige manligaw, halluuueerrrr! Kung hindi un ang naka-destined sa akin, siguro nagawa ko na ‘yun. Ang destiny natin ay nakaprograma na sa atin utak. Kahit anong gawin natin dito sa planetang ito ay naka-destined na sa atin, naka-destined sa atin na maisip at magawa natin ang isang bagay o kahit ano pa man. Halimbawa, kakain ka ng tae ngayon, syempre sasabihin mo ikaw ang gumawa ng destiny mo dahil ikaw ang mismong gumawa ng action para kainin ang tae na yun. Ang sagot ko naman e, naka-destined na sayo na maiisip mong kumain ng tae. Kaya kahit ano pa man ang gawin natin sa planetang ito, lahat ay naka-destined na sa atin. Tapos na ang lahat ng mangyayari sa atin dito sa mundo, lahat ng gagawin mo naka-destined sayo, mapamabuti man o masama. 

Ooohhh,tataas na naman ang kilay mo bruha. Oo sasabihin ko ulit, lahat ng gagawin natin sa mundong ito, sinadya man o hindi ay lahat nasa destiny na natin.
Hindi para sa’yo, para sa akin: Nandito tayo sa mundong ito dahil nasa destiny na natin ‘yun. Kaya tayo nandito ay para humingi ng kapatawaran sa atin diyos, hindi para gumawa ka ng destiny mo. Nasa destiny na natin na makagawa ng masama sadya man o hindi, kaya hihingi tayo ng kapatawaran. Nasa destiny na natin ang makagawa ng mabuti, kaya bibiyayaan tayo ng diyos. Lahat nasa destiny natin, wala na tayong magagawa don, naka-program lahat sa atin utak, sa atin puso, at sa atin katawan. Kapag naiisip mo ang isang bagay na gagawin mo? Naka-destined na sayo na maiisip mo ‘yun. Kapag ginawa mo, naka-destined sayo na gagawin mo, kapag hindi mo ginawa naka-destined sayo na hindi mo gagawin, ah basta…naka-program na sa atin isipan ang atin destiny, kahit itanong mo pa kay aling destiny.

4 comments:

  1. this made sense. nice one! i posted this on my tumblr. just thought u should know. keep writing bro!

    ReplyDelete
  2. sa salitang korean mommy...hehe

    -Oo, sadya man o hindi ang pangyayari, un ang nakasulat na mangyayari sayo dito sa planetang earth..hehe

    ReplyDelete
  3. haha..thank you mommy....sige..tulog na..good night! katuwaan ko lang itong magblog...hehe
    pero natuwa ako kasi nagustohan ni kneeyah..I visited her thumbler, posted niya don...what a nice lady..

    ReplyDelete