Pagkaraan ng ilang araw, kumupas na ang aking ningning, naging normal na naman akong nilalang sa amin lugar. Balik na naman ako sa pagiging pulubi, palamunin ng mga magulang ko.
Ang saya sana kung puwedeng ganun na lang habambuhay – tatambay ka lang sa bahay, libreng pagkain, libreng damit, libreng load, libreng pang-date, at iba pa. Araw-araw day-off ko, ang sarap noh?
Pero hindi habambuhay ay magiging ganuon na lang ako. Alam kong mas pipiliin ng mga magulang ko ‘yun, mas gugustuhin nilang maging palamunin nila ako kaysa mapalayo naman sa kanila (ehem).
Kaya lang no lady’s choice ako, kailangan kong ipagpatuloy ang aking sinimulan, kailangan ituloy ko ang laban (Ninoy?), kailangan maging seryoso na ako sa oras na ito.
April 2009, lumuwas ako ulit ng Maynila kahit alam kung hindi ko alam (ang gulo) ang mangyayari sa akin doon. Pero kailangan kong maging lalakwe, maging matatag, emperador para sa matatag na tagumpay.

Pagkadating ko sa Maynila, pakiramdam ko ay nasa baba ako ng bundok na kailangan kong umakyat sa tuktok para lang makuha ang hinahangad ko. Pero medyo may taglay ata akong swerte at siguro dahil na rin sa dasal ng mga magulang ko para sa akin. Kasi hindi ako nahirapan sa Maynila at bagkus ay naging makulay ang buhay ko doon. Deym, that’s what called life.
August saka ko naisipan ipasa ang resume ko sa mga agencies. Medyo nawili kasi ako sa buhay Maynila kaya nakalimutan ko sandali ang misyon ko. Pero ganun talaga ang bida, laging may mga chuk-chak-chenes sa kanilang buhay bago gawin ang misyon.
Halos lahat ng agencies sa Metro Manila ay nag-sumbit ako ng resume ko. Araw-araw nakakatanggap ako ng tawag (feeling importante) mula sa kanila para sa interview daw. Pinupuntahan ko naman pero nauuwi rin sa wala kasi hindi mapagkasunduan ang talent fee…maliit ang offer kaya balik bahay na lang.

Araw-araw ay ganun ang senaryo ng buhay ko sa Maynila. Hanggang sa isang araw ay nakatanggap na naman ako ng tawag na may interview daw ako. Pero ganun pa rin maliit para sa akin ang talent fee. Kaya lang dahil sa nauubus na ang pera ko sa May ay tinanggap ko na ang offer...puwede nang pagtiyagaan.
Pero talagang malakas ang mga magulang ko sa “Taas," biruin mo paglabas ko biglang may humila sa akin at ipinainterview niya ako dun sa isa pang talent manager. Cool this time, ok na ok sa akin ang talent fee na inoffer. Kaya cancelled ang una, dito na ako.
September 12, naka-flight na ako papuntang Saudi Arabia. Bago pa lang ako dumating ay nag-e-expect na ako ng kakaibang pakikisalamuha at kakaibang pakikipag-kaibigan, dahil sa ibang iba ang mundo nila sa pinanggalingan kong mundo. Lagi kong iniisip kung ano ang mga dapat kong gawin para madali akong makasabay sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
Pagdating ko pa lang dito ay nakaramdam na ako ng pagka-ilang sa mga tao. Pakiramdam ko ay pinapakiramdaman din nila ako. Para bang first time pa nilang makakakilala ng tulad ko. Iba pala talaga kasi pagdating mo ay ikaw ang center of attraction kumbaga. At ang mga tao, may kanya-kanyang hilig…

Akoni-OFW 3
No comments:
Post a Comment