nuffnang

Tuesday, January 4, 2011

AIDS AKO

Ang lamig ngayon naninigas na ang kulangot ko sa ilong kaya para akong ngungo kung magsalita. Masakit sa ulo ang sobrang lamig, kaya ito tuloy tinamaan na naman ako ng kadalasan sakit ng mga secretaries, ang AIDS. Paano hindi magiging malala ang sakit kong AIDS e si boss kasi, walang ginawa kundi maglagare trip, pabalik-balik sa banyo, katabi ng room ko ang banyo kaya bawat punta niya ay dumudungaw muna sa akin, kinikilig ako tuloy, ang sweet ng damuho. At ito naman si ako pa-tweetums at landi mode din sa kanya kaya kunwari super asekaso ko ang mga files ko, kunwari may hinahanap akong files, kunwari nahihirapan ako mag analyst sa harap ng computer ko kapag napapadaan at sinisilip niya ako para bigyan ng nakakaakit na tingin at nakakalinlang na ngiti ay nagba-blush ako. Oh em ge! kaya ang ginagawa ko serious look ako sa computer ko pero parang kaluluwa ko ay siya ang tinitingnan, after 5 seconds serious looks sa computer ko sabay tayo at pupunta sa mga files ko, kunwari may hahanapin at pakamot-kamot pa ako sa aking ulo na parang kinukuto na ako, biglang maririnig ko ang malaawitin niyang boses. “How are you habib?” tuloy ang acting kailangan mapansin niya ang aking kalandian, kunwari shocked ako na nandon pala siya, hindi niya alam may lahi akong ninja, malakas ang pakiramdam ko at pang-amoy. “Sir, I am fine, thank you” sagot ko sa mumunting tinig at sabay ngiti. Malala na ang sakit kong AIDS.

Biglang tumawag ang ka-love triangle namin. “Hello habib, can you please get ready the meeting room?” boses niyang kumurot sa aking puson. “Yes sir, right away!” sagot ko sa tinig na parang alipin ng pag-libog. Haaayyy ang isa sa nagpapakilig sa akin dito sa office, hindi ko makuhang humindi sa kanya dahil sa taglay niyang appeals na katulad sa mga bampira. 


Inspired akong inaayos ang meeting room, tinawag ko ang janitor namin para linisin niya ang kwarto at lagyan ng pabango. Habang si ako naman ay nilalandi ang laptop para e-connect sa projector. Nagugulohan na ako, kung sino ang tunay na nagpapakilig sa akin dito sa work.

Bumalik na ako sa aking room, “Habib! Habib! Habib!” narinig kong boses na parang galing sa ilalim ng lupa. “That bitch” bulong ko sa aking sarili. “YEEEEEEEEESS!” sigaw ko din sabay tayo at pumunta sa kanya, isang bruhang sumisira sa mga magagandang pag-eemote ko sa aking kwarto. Binigay niya sa aking ang mga certificates at ilang information para sa shipments namin, kinuha ko naman. Ganun kami, walang kibuan basta bibigyan lang niya ako ng mga papers at alam ko na ang gagawin ko don. That bitch!

Habang nakanguso ako sa harap ng computer ko, bigla naman pumasok ang pinakamalandi kong isa pang boss. Hindi ko siya feel, sobrang landi niya sa akin at sweet, hindi ako ganun na lalake, ano ako kaladkarin lalake? Isa akong Mario Claro noh? Binatang bukid ika nga, hindi makapunit ng panty. “yes sir, what can do for you?” sabi ko sa kanya na hindi ko tinitingnan. “aaahhh..do you have cartoon? Landi niya sa akin at napatingin ako sa kanya, cat look na tingin. “NO” tipid kong sagot sa kanya. “okay” sabay labas lumabas na. That whore!

Nagring na naman ang telepono ko, this time ang kaharutan ko na ang tumawag. “Hello sisterette, what can I do for you?” landi ko sa kanya. “Well, can you come over here?” landi din niya sa akin. “What is it?” lalong paglalandi ko sa kanya. “”


11:07 am, habang nakatayo ako sa loob ng toilet nag-iisip habang umuihi, bigla akong nakarinig na naman ng mala-anghel na boses. “Habib….” Hindi na ako sumagot dahil hawak-hawak ko parin ang *censored* ko, napabulong nalang ako "Haayyy, ano na naman kaya ito"

Sa pagmamadali ko nakalimutan ko nang maghugas ng kamay. “Sir….” Sabi kong parang malapit nang labasan. Nag-blush ako bigla dahil lahat sila nakatingin sa akin, madami pala silang mga bisitang PORNgner, haaaayyy ang guguwaffffooooooo…”Habib…bring back my laptop to my office” biglang tawag ulit sa akin ng boss ko at natauhan ako, parang iba ang pananalita sa akin ni boss, nawalan ng lambing at sweetness ang boses niya. Siguro nahihiya lang siyang ipakita sa mga bisita niya. “Yes sir…” at nakipagkamay ako sa mga bisita ni sir, sana hindi nila maamoy.


Pagkatapos kong ayosin ang laptop niya ay pinasok ko na sa kanyang kwarto, nandon silang lahat. Si boss my labs at ang isa pang boss my labs 2 ko, and of course that bitch and that whore, grrrrrrr..Lumabas na tuloy ako,  hindi man lang ako nakapaglandi move kay labs 1 and labs 2 ko.

1:05 pm, kakagising ko lang. biglang may tumawag sa akin ng prinsesa mula sa kabilang kaharian, si clydia, wala lang tsika-tsika lang, alam  mo naman ang mga princess. Gutom na ako, gutom na ang mga alaga kong terorista sa loob ng tiyan ko, kailangan ko na silang bigyan ng mga materials ng paggawa ng bomba para mamaya pag-uwi ko mag-enjoy ako sa loob ng toilet. Oo nga pala masarap magpasabog ng bomba tuwing umaga, ung kakagising mo lang? ‘yung parang halos sumama na buong laman loob mo? last bullet na kasi un ng mga terrorista sa loob ng tiyan mo, ginawa nila habang ikaw ay tulog. May kasamahan pala ako, masipag gumawa ng bomba ang mga terorista niya sa loob  ng kanyang tiyan. Lagi kasing nagpapaputok, panay bomba ng wala sa oras.


Hay, tahimik dito ngayon sa mumunting castle ko kasama ang akinng mga prinsipe at mga bruha. Pagkatapos kong kumain ay punta ako sa tea room at nagtimpla ng grean tea-tea (dalawang tea bags kasi nilagay ko kaya tea-tea). Gusto ko ang green tea kasi nagpapakinis daw ng balat ayun sa kwento ng batibot, at napapalusaw ng mantika sa katawan sabi naman sa kamasutra. Oh Em ge, opkurs kailangan ko ang green tea, para ma-maintain ko ang figure ko ‘day. Pero dahil sigurista ako, dinadalawa ko na, masarap ang tea-tea. Tulog parin ang mga prinsipe ko!

December 29, 2010.

Wala akong AIDS kanina, tinapos ko lang ang work ko para walang hadlang sa pagpapatansya ko sa mga boss ko. haaaayyyyy….Oo nga pala, may ikukwento ako sa’yo ‘day, kahapon may nangyaring kakaiba sa life ko, AAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!! Ang landi din pala ng isa kong kasama dito, that bicth! Nilandi ako kahapon ng hapon bago ako umuwi, imagine pinigilan ako? Oo, you read it right moron! Pinigilan niya ako kahapon, wag daw ako umuwi dahil may dumating na trabaho, unexpected! Gooooosssshhh kinilig ako na parang buntot ng butiki kapang nahiwalay sa katawan niya. So ang nangyari, ‘yun tawag  agad ang beauty ko sa kasamahan kong malandi din, si Paspe. I told her na, mamaya na ako uuwi dahil may unexpected na mangyayari. Goosssshhh…ang hirap makaget over sa nangyari kahapon, that bitch is somehow malandi din. 


(to be continue....siguro!)


AIDS ako, As If Doing Something

1 comment: