nuffnang

Monday, January 3, 2011

Ang babae

Sa panahon ngayon ay napakaraming babae. Umaabot na ng 1 (lalake) is to 10 (babae) or more (theory ko lang, hindi ko naman nabilang). Sa darating pa raw na panahon ay aabot ng 1(lalake) is to 50(babae), nabasa ko naman ‘to sa isang FHM magazine, napaisip din ako sa oras na ‘yun at napadasal. “Sana buhay pa ako sa panahon na yun” hehehe.

Napaisip ulit ako (ginagamit ko ang “napaisip” para genius ang dating). Ano kaya kung isang araw, bigla nalang tayo magising at wala na ang mga babae sa buong mundo? Hmmmmm…matutuwa ang federasyon nito, hahaha. Imagine without thinking kung anu mangyayari sa buong mundo? Oh em ge, nakakatakot. Syempre, kawawa ang mga hayop at tuwang tuwa naman ang federasyon at sigurado ako maraming aanib sa kanila, hahaha, Go gaydies!

Kinikilabatotan ako kahit iisipin ko palang (Broke back mountain rules). Sa panahon ngayon, wala na ata si Maria Clara (?). Buong buhay ko wala pa akong nakikilalang babaeng Maria Clara. Ah mayroon pala, pero hindi ‘yun ang tinutukoy ni J. “Yo” Rizal kasi nang-iiwan ‘yun ng chikinini. Paano kaya makipag-seks noon ang mga babaeng Maria Clara? Hehehe, nakadamit parin kaya? Tapos may pamaypay parin sa mukha? Bwahahahahaha. Tapos mag sasabi ng (napakamahinhin na tinig) “hihihihi..wag dyan, may kiliti ako dyan.hihihihi…ikaw tagala.hihihihi” amputah ng dating…hahahaha

Masyadong showy ang mga babae ngayon (I love it), nanliligaw na sila, nang-aakit na, nanghihipo na, nang-rereyp na (sana masubokan kong mareyp, hehe), at kung anu-ano pa, pero mayroon din naman mga babaeng matitino to be fair sa kanila (nasa loob nga lang ang kulo, hehehe. peace). Oo, totoo ako, mayroon parin matitino (sabay bawi). Ang mga babae ngayon ay halos nagagawa na nila lahat ng kayang gawin ng mga lalake, ang umihi ng nakatayo o umihi ng sabay-sabay sa arenola lang ata ang hindi pa nila kayang gawin.

Kung anu-ano klaseng babaeng nakilala ko sa planetang ito. Mayroon mabait, supalada, madaldal, tahimik o mahinhin (Maria clara, is that you?), tomboy, bastos, malandi, malibog, maarte, panget, maganda, adik, burara, ayy ikaw nalang magtuloy. Basta halos lahat nakakilala ako. Mayroon din babaeng (Excuse me po!) mukhang pera (karamihan ngayon), mga babaeng itatanong muna kung magkano ang salary mo bago mo makuha ang mobile number nila, syempre kailangan masigurado nila na kaya mong magbigay ng load, hehehe. Mga babaeng tatanongin ka muna kung may sasakyan ka at anong klase ng sasakyan mo bago sila makikipagkaibigan sa’yo at samama para magpalibre, mga social climber at gold digger ika nga. Sa panahon ngayon hindi na mapigilan ang pagdami nila dahil siguro sa kahirapan ng buhay ngayon, mga babaeng nagpapanggap na ma-pera para makabingwit ng ma-pera. Karamihan sa kanila ay ung mga babaeng, sumasayaw sa stage na parang naputol na buntot ng butiki. Nagpapalasing at nag bibigay kaligayahan. Tsk. Tsk. I love you all.

Pero ha? Pero. Mayroon din mga babaeng, hhaaaayyyyyyyy…pinanganak na kakambal ang swerte. ‘yung halos lahat ay nasa kanya na, yung tipong hindi mo maiisip na umuutot at tumatae din. Sila ‘yung mga babaeng sobrang ganda, sobrang yaman, sobrang brrrrrr…May mukhang bawal tubuan ng tigyawat, may kutis na natatakot dapuan ng langaw at lamok. Sila ang mga babaeng hindi kayang abutin kahit sa pangarap, mga babaeng kakambal ang swerte sa buhay. Mga babaeng mailap at mahirap mahanap, sila ang mga babaeng endangered species, mangilan-ngilan lang sila. Sila ung mga babaeng pinag papantasyahan ng mga adik sa kanto bago matulog, tipong pang leading lady sa pelikula. Kung makakakita ka at makakatsamba ka ng ganitong babae, aba’y sungaban mo na kahit may syota kana, hahahaha.

“Oh ang babae, pagminamahal aayaw-ayaw, ‘pag iniwanan hahabol-habol…” sabi sa kanta, ibig sabihin ay minsan mahirap itindihin ang mga babae, pero kagaanu kadalas ang minsan? “Sala sa init, sala sa lamig” sabi ulit sa kanta at title ng pelikula. Ilang yan sa mga naobserbahan ng mga lalakeng eksperto sa mga babae. Madami silang mga weirds na ginagawa. Tulad ng, bakit ang tagal nila sa banyo? Hindi mo ba naiisip kung anu kaya ang ginagawa nilang orasyon don bukod sa maligo at tumae? Sa mga lalake kasi 5 minutes tapos na, hehehe. Bakit masungit sila tuwing kabuan nila? awwwwoooooooooooooooo…Bakit patagilid sila mga papicture? Sabi nila, para daw long nose sila tingnan sa picture, hehehe. Bakit mahilig sila maglagay ng pabango? Mabaho ba sila kung walang pabango?, hehehe. Bakit mahilig sila magtsismis? Bakit lagi nalang sila nagda-diet?
Bakit natin sila sinasaktan? L mahina sila, kaya may mga ogag na lalakeng sinasaktan sila. Pero teka, mayroon din sa mga babaeng nagpapaasa ng lalake at nananakit ah, kaya fair!!! Paramihan nalang tayo. Pero, pero, pero, pero, I am so sorry mga babae.

Aminin man namin o hindi, kailangan namin kayo. Kayo ang kukumpleto sa amin buhay, sa amin pagkalalake, sa amin katawan dahil kayo ay nanggaling sa aming tadyang yung iba naman galing sa paa, hehehehe, joke lang. Ginawa kayo at ipinagkatiwala sa amin ng may kapal. Hinugot kayo sa pagitang ng aming puso at puson, hehehe. Kaya hindi ko lubos maisip kung bakit may mga lalakeng nagmamalabis sa inyo, hindi pinapahalagaan ang mga babae, mga lalakeng binabaliwala sila at sinasaktan. Ang sarap isipin na sa bilyon-bilyon babae dito sa mundo ay meron napaka-special na babae para sayo. Saludo ako sa mga lalakeng pinapahalagaan ang kanilang asawa, loyal sa kanilang partner (kasama ba ako?) sa daming temptation at away sa isang relasyon. Sa panahon ngayon nakakatakot isipin na mag asawa na, baka kasi ang mapunta sayo ay ang babaeng kinatatakotan ng mga kaluluwa sa sobrang dal-dal, bungangera kumbaga. Iyan siguro ang kinatatakotan ko sa buhay, takot ako sa babae. paano kaya kung ang maging asawa ko ay ung babaeng reklamador (Thanks God,hindi naman) “tangina, bakit galunggong nanaman ang ulam?” nyaayyy..diba guys nakakatakot? Sabay tapon pa sayo ng sandok, sunod ay mankok. Pero kahit ganun parin kailangan mo parin ang makakasama sa pag tanda, maging mabusisi ka lang at mapag mahal sa kanila. Dahil walang matigas na puso sa tunay na haplos ng pag mamahal. Minsan ka lang mabubuhay sa mundo, kaya sa mga lalakeng single diyan at ready to mingle, sullllloooooong mga kapatid!!!!!!!!!!! Pumili ka na ng babaeng babagay sayo, makakasundo at hiyang sayo.

1 comment:

  1. cool nito habib! welcome to the club of blogging! :) keep 'em coming! :)

    ReplyDelete