nuffnang

Sunday, January 2, 2011

My top 10 new year resulotions

Sa totoo lang hindi ako fan ng new year (dati), hindi ako excited pag palapit na ang new year, ewan ko, ganito siguro kaming mga aliens. Pero dahil sa adopted ko na ang kultura ng mga tao sa daig-dig na ito, nakigaya na rin ako. Tuwing papatapos na ang taon, napapaisip din ako kung ano ang mga new year resolutions ko, kaya  ito ang top 10 New resolutions ko.

1. Hindi na ako magpupuyat. Pagsapit ng alas 10:00 pm susundin ko na ang utos ng ka-kwarto ko,    matutulog na ako.

2. Araw-araw na ako maglalaba. Para solo ko palagi ang aking sarili pag day off

3. Hindi na ako bibili ng mga bagong gamit ko, kakawawain ko na ang aking sarili.

4. Hindi na ako matutulog sa oras ng trabaho at tataposin ko na ng maaga lahat ng trabaho ko bago mag facebook at maglaro ng mga games.

5. Gagamit na ako ng tissue sa pangungulangot at pagbahing.

6. Hindi na ako manonood ng porn.

7. Lahat ng babae sa facebook friend list ko ay edi-delete ko. Magiging women hater na ako!

8. Uuwi na ako ng pilipinas at magtatanim nalang ako ng kamote

9. Magsusuot na ako ng brief.

10. At hindi ko ulit tutuparin ang mga new year resolutions ko.

No comments:

Post a Comment