Kanina habang naglalakad-lakad kami sa mall kasama ang mga kaibigan, biglang nasabi ng kasama ko may insomnia daw siya. Nahihirapan daw siya makatulog. Humihingi siya ng tips sa akin kung anu daw ang dapat niyang gawin, tingin ata sa akin ng gago ay marami akong nalalaman. Pero hindi siya nagkamali ng pinagtanongan, syempre lahat ng tanong mayroon akong kasagotan, diba earthlings?
Kahihiyan ko kung wala akong maibigay na tulong sa kanya, kahihiyan un sa akin lahi.
Ito ang tip na binigay ko sa kanya...
Inakbayan ko muna siya, sabi ko, "Gusto mo lang naman matulog, hindi ba?"
"Oo" sabi niya.
"Mahusay kong ganun, un lang naman problema mo, hindi ba?"
"Oo" sabi niya.
"Mahusay..."
"Ito ang sigarilyo ko, isang pack yan, sayo na yan, bumili ka ng mga lima pa para maging anim, tapos manigarilyo ka mamaya, mabisang gamot 'to sa insomnia, kung mauubos mo lahat ng iyan sa isang gabi, mas mahusay, mawawala na insomnia mo, makakatulog ka na tiyak yan, pero wait natin mga ilan buwan, tiyaga lang parekoy" sabi ko.
"Eh diba, mas lalo akong hindi makakatulog kapag nanigarilyo ako?" Sabi niya.
"Mali ka, parekoy...Isang mabisang gamot para sa insomnia itong sigarilyo, napapatulog ka nito"
"Paano naman nangyari un?" sabi niya.
"Basahin mo ito"
"Healt Warning: Smoking is a main cause of lung cancer, lung disease and of heart and arteries diseases. Smoking can kill you." basa niya.
"Can kill you, makakatulog ka na. Mawawala na insomnia mo."
"Gago ka ah..." lambing niya.
"Gago ka ah..." lambing niya.
Mula kay google |
ayun! wala nang gisingan! heheheh.
ReplyDeleteako ang tao'ng hindi naninigarilyo. fyi lang nagtry ako'ng humithit ng isang stick ng yosi, nawalan ako ng boses ng isang linggo. kaya never ko na ulit triny hehehehe
nasa college na ako nung matuto ak manigarilyo, ewan ko astig at cool kasi nun eh...lels...haha
ReplyDeleteambilis ni bino :p
ReplyDeleteHahaha, wala na ang insomnia kapag ganyan tip mo.
Khanto - pinakaepiktib sa lahat ng gamot! hahaha
ReplyDeleteayos na ayos. dapat sa mga pasaway yan ibigay
ReplyDeletehahaha..sabi na nga ba eh kung galing sayo walang patutunguhan..
ReplyDeletetulog ka nga, poreber!! XD
yosi break tara?!
hahaha..may aral yan..lels...mamaya na, jamming pa kami ng gabi..hehe..okay apir, sindihan na to.
ReplyDeleteDiamond - hehe pasaway mga kasama ko eh..haha
hahaha, im a smoker, nung high-school ako, 1 kaha per day, now, limitado na mag 4-5 stick a day, at true, dati kami, paniniwala naming magtotropa iyan, kapag hindi makatulog, magyosi ka ng magyosi hanggang mahilo ka, ang kahihinatnan, tulog ka...
ReplyDeleteito ang healthy way, kung gusto mo mawala ang insomnia, drink a glass of milk before you go to bed and makakatulog ka, siguro hindi din agad effective pero madami na ang nagsabing mabisa ito..
e yun naman pala ang pianakamabisang paraan e. wala na nga lang gisingan! haha:))
ReplyDeleteHad a blast with sigarilyo nung 13 ako, it was horrendous kasi nahilo ako at ubo ng ubo- my mom ask me anung nangyari, I lied na sumakit tyan ko, dinala ako sa doctor pag dating dun, wala naman daw kung anik anik sa tyan ko. Di ko nlang din sinabi baka masampal pa bibig ko.. hehehehe
ReplyDeleteTaga Gen-san diay ka bai?
ReplyDeleteTim - una, hindi po ako taga Gen san..hehe..taga marawi ako pre.
ReplyDeleteYosi kadiri! sori pero hayt ko tlaga amoy ng yosi dyan kmi lagi nag aaway ng daddy at mama ko.
ReplyDeleteUy, ang gusto lang naman nya ay matulog... Pero kung sabagay, di naman nya ini-specify na gusto nya ring gumising, hehe! Joke =)
ReplyDeleteAko rin inaatake din ng insomnia, i try not to think about it too much, nagbabasa na lang ako hanggang dalawin ng antok. It can be very frustrating pero since i deal with medicines everyday eh ayoko ng umiinom ng gamot! (feeling ko maooverdose ako, kaloka!) =)
Iya_khin - parehas tayo, sobrang hate ko talaga ang amoy ng sigarilyo...pero naninigarilyo ako..hehe
ReplyDeletehaha_ kalokang pinay dahan2x lang sa mga gamot..hehehe..kakaadik din yan.
tangnang payo yan oh.... ahahha...
ReplyDeleteano ba meron kapag nakahithit ng yosi?... dko alam eh. basta ayoko din makaamoy ng yosi hinihika ako... ang baho pa ng mga damit ng nagyoyosi! ahahaha...
Mabuting fren yan hehe
ReplyDelete