nuffnang

Wednesday, June 8, 2011

KM2: Kuyukot

Ito ay opisyal na sahog lahok sa pautot pakontes ni Sir Kulisap, bosohan mo dito.

Nangangalumata ako ngayon dahil sa puyat, ang sama kasi ng panaginip ko. Pumasok daw ako sa isang yungib na punong-puno ng pulot-pukyotan at mga nagkalat na patay na dikya, hindi ko na pinansin ang mga ‘yon,   sumigaw nalang ako ng “hellooooo…” dahil gusto kong marinig ang alingawngaw sa loob ng yungib. Tuwang-tuwa ako sa aking ginagawa dahil parang kinakausap ko ang aking sarili.
Sa aking pagsasaya, biglang may narinig akong halinghing. Hindi ako sigurado kung anu ‘yon, kaya hinanahap ko ito sa loob ng yungib. Nagulat ako sa aking nakita, sigurado ako, ito ‘yong sinasabi ng mga matatanda, ito ‘yong sinasabi nilang manananggal.
Habang pinagmamasdan kong unti-unti nahahati ang katawan sa dalawa, nakita ko sa kanyang mukha ang pait at pagdurusa, parang may panibugho siya sa may Kapal. Nakikita kong lumuluha siya habang nag-iiba ang anyo, hindi ako banal na tao, inaamin ko na maraming peklat ng kasamahan ang nasa katauhan ko, pero naramdaman ko na sinisisi niya ang mga tao.
Ilang sandali ay napasigaw ako dahil biglang nagkasalubong ang paningin namin, natulero ang utak ko, nag-ipon ng lakas at buong lakas akong tumakbo papalayo, pero kahit anong bilis ko ay parang nasa likod ko lang ang manananggal. Sumisigaw na ako, “tuuulllooooonnngggg…” lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko. Sa aking pagtakbo naalala kong may nakasukbit palang itak sa aking bewang, huminto ako at hinarap ang manananggal sabay hugot sa aking matalim na itak.
“Hindi mo ba ako nakikilala? Kayo ang may gawa nito sa akin, ako ang minsan ay tinatawag niyong maharlika, tapos na ang pagbabanal-banalan ninyo, oras na ng paghihiganti…” Marami pa sana siyang sasabihin sa akin, ngunit bigla nalang ako nagising, dahil narin sa sobrang takot sa kanya.
Napausal ako ng luwalhati sa dios ng magising ako sa aking pagkakatulog, salamat at panaginip lang ang lahat. Naupo ako at lugami na naman ang namutawi sa aking isipan, “bakit ‘yon ang napanaginipan ko? natulog ako kanina na adhika ang numero ng lotto ang mapapanaginipan ko, perooo…”.
Tumayo nalang ako sabay kamot sa aking kuyukot dahil pati ‘yon ay pinagpawisan, inamoy ko na rin, yaks, kaya naligo ako.


35 comments:

  1. kayo na ni bulakbulero ang may unang post ng kontest ni j.kul :D

    iniisip ko pa kung sasali din me

    ReplyDelete
  2. pre, may ganito ka palang pagkatao. nakakatuwa na humahabi ka den ng kwento na pwedeng ipantagisan sa mga magagaling sa literatura. hanga ako sa'yo.

    at gayumpama'y ang iyong pagkakenkoy ay di mawawala sa bandang huli.

    panalo pre. \m/

    ReplyDelete
  3. bakit me mga underlined words? XD

    ReplyDelete
  4. manong aaminin ko..natawa talaga ako! dun sa yaks part mo! di ka talaga makaseryoso!

    ReplyDelete
  5. Ayos! Ang dami kong nababasa na mga ganito. Kayo na ang manunulat. Good luck! Hehehe

    ReplyDelete
  6. seryos na eeeeeeeeeeeee... talagang may pahabol pang komedya sa dulo??LOL

    sabi ang panaginip daw ay yong nasa subconscious mind natin, sabi lang nila yun hindi ko alam kung totoo. hehehe

    malay ko ba kung ano ang nasa utak mo bago mo isipin ang mga numero sa lotto??? hahahahahah ako na ang manghuhula, ako na talaga :))

    ReplyDelete
  7. haha panalo :D teka, para saan nga ba yung mga underlined words mo?

    ReplyDelete
  8. Bohahahaha!! Juskow naman.. nang una, natakot pa ako.. ini-imagine ko tlga na may naghahabol sayong manananggal, then pagdating sa ending, instead na tuluyang matakot, natawa na lang ako.. #LOL ang galing ng twist, Akoni. :D

    Goodluck!!!! :)

    ReplyDelete
  9. nakakatuwa naman 'to.

    straight forward na kwentong nakakatakot yung panaginip, nagkaroon ako ng katanungan sa pagkakalikha nung manananggal bilang maharlika, saka nawala ang aking agam-agam na isa ito sa malikhaing lahok na nabasa ko. nananakot. nag-iiwan ng tanong saka nagbibigay ngiti at tuwa sa kahulihan.

    maganda po.

    ReplyDelete
  10. isa ka pa! ang ganda ng kwento mo! kainis ka! wahahahah

    nice post! i love the way you used all the words that called "balakid" haahahaha

    ReplyDelete
  11. Sa lahat ng nakita kong gumawa ng ganitong post, yung post mo lang ang hindi ko dinibdib kasi sigurado ako kalokohan ito! LOLOLOLOL pakyu

    ReplyDelete
  12. wow ang the great duking nandto sa akonilandiya..maraming salamat sir, isa ka sa tinititingala kong manunulat..

    glentot: Pakyu ka..hahaha..ano ang kalokohan dyan? haha..ayup ka edmilyndo..haha

    Bino - gawa ka din kasi, may oras pa. at talaga nakakasingint parin yang spam mo..haha

    Leah - kailangan maisingit ang kuyukot...hahaha

    wawi - para sa pakontes ni sir kulisap..hehe.salamat sa pagdalaw

    madz- gulo mo.haha..

    sali din empi...para mas masaya at masarap..

    ReplyDelete
  13. hahaha...

    ang samang panaginip
    nakakatakot ang ganun,luksuhan ang kabakaba ko sa mga ganyang panaginip..

    ayun oh,hehehe..

    ayos parekoy!

    ReplyDelete
  14. sabi ko na nga ba, maganda ang ending nito eh, napa ewww ako,natutukso tuloy akong amuyin din ang kuyukot ko.haha hindot na buhay to,haha kaya lagi kitang inaabangan eh,hahaha

    ReplyDelete
  15. epic fail ang ending hahaha tawa ako ng tawa..kala ko seryoso na may twist pa pala hahaha

    ReplyDelete
  16. hehehe.. ayos.. ang ganda ng pagkakapasok mo ng kuyukot na salita..

    sayang hindi umabot sa labanan ang istorya. hehe

    ReplyDelete
  17. maayos na eh...
    lalong umayos dahil dun sa ending... panalo! takte ^^

    ReplyDelete
  18. Ayun oh... maayos na eh... ayan oh anlapit na.... kaunti na lang... pero fail pa din sa dulo... kala ko FIRST SERIOUS POST EVER (ahahahah so gay!) mo na to! ahahahhaha

    ReplyDelete
  19. ayon inulit ko ulit ang entry mong ito dahil wala akong kamalayang malaya sa patimpalak na naganap.at nagbasa sa mga entry pa ng iba.

    ang masasabi ko lang ikaw nga ang gumawa nito.akoning akoni ang dating kahit malalalim ang mga salita.

    ReplyDelete
  20. talagang mapapakamot ka sa kuyukot pag ganito ang nangyari sau... kakatuwa ang yong kwento...

    ReplyDelete
  21. Maraming salamat po sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 2.

    Ito po ay Kalahok Bilang 12

    12 KM2: KUYUKOT
    Akoni Kingdom of Saudi Arabia

    ReplyDelete
  22. yuck nga ang baho nun tiyak waahhhhhhhhhhhhhh!

    ReplyDelete
  23. Nakakapagtaka na halos lahat ng blog na nabisita ko ngayong araw na ito ay may dikya sa kanilang post. Anong meron?

    First taym here. Musta na Akoni Anone?

    ReplyDelete
  24. napangiti naman ako sa huling bitaw ng akda... ang pag-amoy sa pinagpawisang kuyukot... panalo, hahaha...

    ReplyDelete
  25. Kakabalik ko lang dito sa kaharian ko...hehe..Thank you po sa comments!

    ReplyDelete
  26. Ayos!!! Babalik pa po ako!!!

    ReplyDelete
  27. Hala! Hindi ko alam kung dahil laki akong bundok o ano... pero sa tingin ko may pakahulugan yung panaginip na yun. Wala lang. Gusto ko lang kasing i-interpret yung kaugnayan ng maharlika at manananggal. Seryoso. :p

    ReplyDelete
  28. Oo TB..ayy taga bundok nalang..pnget ang TB..hehe..may kahulugan, nahahati na o hati na ang maharlika.

    ReplyDelete
  29. haha! at inasikaso pa ngang amuyin! parang nasandal lang at nakatulog... napakanatural na akda walang halong preservatives!

    ReplyDelete
  30. 12. Hindi na sana ako magkokoment dito kasi sayang ang effort ko, kuyukot lamang naman, inamoy pa. Yakkii kadiri. Ahahaha. Lingid sa kaalaman ng iba, bukod sa tarnog ako, bungisngis akong tunay pero sa mga nakakatawa lamang talagang pangyayari. Aminin mo, hindi mo ginawang seryoso ang patimpalak pero hindi rin naman maitatanggi na kuhang kuha mo ang kiliti ng iyong mga mambabasa kahit na sahugan mo pa ng mga nakakabalinguyngoy na wikang Filipino. May gift ka, and that is making the people around you happy. Muli ako’y nagpapasalamat sa iyong pakikilahok sa KM2: Daloy Diwa.

    ReplyDelete
  31. nanalo po ba ito AKONI?

    sayang naman ang effort nun manananggal kung naunsyami lang at ang naging kapalit sangkaterbang lugami... hehehe


    napadaan po... at dadaan uli... salamat sa PAG LINK sa AKING BLOG

    ay hindi pa ba? heheh nagpasalamat na ako.. kaya no choice ka LINK MO NA PO PLS!

    ReplyDelete
  32. Appreciate the recommendation. Will try it out.

    my weblog - psn Code generator

    ReplyDelete
  33. Thanks for sharing your thoughts about online
    distance education program. Regards

    Also visit my blog :: Pirater Un Compte Facebook

    ReplyDelete
  34. I've been surfing online greater than 3 hours lately, yet I never discovered any interesting article like yours. It's lovely worth enough for me.

    In my view, if all website owners and bloggers made
    excellent content material as you did, the internet will probably
    be a lot more useful than ever before.

    my homepage :: http://Youtube.com

    ReplyDelete