nuffnang

Friday, June 3, 2011

Ang alamat ng "lalake" at "babae"



RATED 18


Hello earthlings, may nabuo na naman akong alamat na pwedi kong idagdag sa collection ko. Mga alamat na pinaplano kong ipasa sa kinauukolan para gawin isang textbook para sa mga bata at mga batang isip, at pati narin sa mga matatanda na ayaw magtanda.

Alam niyo ba kung paano at bakit natawag na “lalake” ang mga lalake at “babae” naman ang mga babae? May alamat din dyan, akala niyo lang kasi wala.

Sa ilang araw kong pananaliksik sa loob ng aking kwarto, nagpaikot-ikot, nahiga, kumain, nangulangot, *censored*, natulog, at kung anu-ano pang syet, nalaman ko ang “Ang alamat ng “lalake” at “babae”.

Nung unang panahon pala kung kailan hindi pa alam ng mga tao kung anu ang tawag sa taong may "batuta" sa harapan at sa taong may "hiwa" sa harapan. Basta “tao” lang ang tawag sa lahat, hindi pa alam nun kung alin ang lalake at alin ang babae.

Nag-umpisa ito sa dalawang tao na magkaibigan, pangalanan natin sila ng Baby Justin at Haleahiya.

Isang araw nag-uusap ang dalawang magkaibigan sa tabing ilog habang nakikinig ng mga kanta ng Barbie’s cradle.

Haleahiya: Alam mo Baby Justin, nagugulohan ako sa mga tao…

Baby Justin: Paano ka naman nagugulohan, at vaakkyyeetttt?

Haleahiya: hindi mo ba napapansin? (tumayo sa harapan ni BJ na nakataas ang dalawang kamay)

Baby Justin: Ang alin?

Haleahiya:Tingnan mo nga yan nasa pagitan ng hita mo, tapos tingnan mo 'to, wala kami niyan oohh. (sabay turo)

Baby Justin: At ganun din naman kami, wala din kami niyang hiwa sa gitna mo. (nakituro na rin)

Haleahiya: That is my point!

Haleahiya: Dapat kasi magkaroon tayo ng sariling pantawag dahil sa pagkakaiba natin dito (turo ulit), halimbawa, lahat ng may lawit may itatawag tayo, tapos ganun din kaming mga  may hiwa may itatawag din sa amin, para hindi tayo magulohan in the near future, diba? wacha think, Justin baby?

Baby Justin: You are so brilliant talaga gurl, I like you na. Okey, so ano itatawag natin sa mga taong may lawit na tulad ko.

Haleahiya: hhmmm…teka, isip tayo, (palakad-lakad) curious ako dyan sa lawit mo eh, never pa ako nakahawak niyan, pahawak nga!

At nang hahawakan na ni Haleahiya ang lawit ni Baby Justin…

Baby Justin: (tinapik ang kamay) hooyy!! waaag, wagggg, wag mong hawakan, lalaki yan, lalaki yan paghinawakan mo…, lumalaki yan, sige ka.

Haleahiya: lalaki yan paghinawakan ko? bakit lumalaki?

Baby Justin: Basta paghinawakan mo ‘to lalaki siya, as in lalaki ng bongga 'day, kaya please don’t touch my birdy.

Haleahiya:aaaahh…sorry…teka, may naisip akong pweding itawag sa inyo.

Baby Justin: Ano ‘yon?

Haleahiya: Since sabi mo eh lalaki yan paghinawakan ko, bakit 'di nalang natin tawagin na "lalaki" ang mga tulad mong may lawit?

Baby Justin: Oo nga, sige, sige, gusto ko 'yan, ang macho pakinggan, LA-LA-KI? (at kinilig)

Haleahiya: Oo, kasi lumalaki yang lawit niyo kapag hinahawakan, bwahahahahahahahaha este hihihihi. (kinilig din)


Baby Justin: Galing, magaling… (nakapamiwang at pinasayaw ng paikot ang lawit niya sabay kumanta) Kami ay mga lalaki, kasi may lumalaki sa amin, Ngiyahahhahaha este hahahaha.

Baby Justin: Eh sa inyo naman, ano itatawag sa mga tulad niyong may hiwa sa gitna?

Haleahiya: hmmm, mga lalake kayo, tapos kami dapat ay…teka, ano ba ang silbi ng lawit mo?

Baby Justin: ha? hindi mo alam? arte Madonna ka ah. Ang alam ko lang na silbi nito ay ….hmmmm…ibabaon dyan sa hiwa niyo, tapos mabubuntis kayo.

Haleahiya: Ano? e...baba...eh ano?

Baby Justin: walaaa....Oo ibaba, kasi nasa ibaba at pa-ibaba ang hiwa...hihihihi 

Haleahiya: ibaba? Hmmmm…maganda nga, pero parang bastos pakinggan, nakakahiya…baka umalma na naman ang mga moralista.

Baby Justin: Oo nga noh, Sige, baliktarin kaya natin? Gawin natin babai?

Haleahiya: puweeediiiii…babai? hmmmm...astig!

Baby Justin: Galing, puwediiii…sige, mula ngayon ang tawag sa mga taong may lawit, ay MGA LALAKE. (pinaikot-ikot na naman)

Haleahiya: Ano ba yang ginagawa mo, nakakapanghina naman 'yan. At ang tawag naman sa mga taong may hiwa, ay MGA BABAI. apir!!

Nag-apir ang dalawang magkaibigan na gamit ang kanilang nguso. Ilang minuto lang nakakalipas, dumating si Boy Gago na nagtatakbo sa kanilang dalawa.

Boy Gago: Hooyyy…may nakita akong tao doon sa kabilang bundok.

Sabay…

Baby Justin at Haleahiya: Babae o Lalake?!!

Boy Gago: huh, ano ‘yun?!!


Wakas







22 comments:

  1. at yun ang alamat! hehehe may sense ha. in fairness. ang ganda! pa'ng Palanca awards! wooot!

    a very nice post! a nice epic like amaya! Tweet it baby! Cool!!!

    ReplyDelete
  2. ayos pala ang alamat ng lalaki at babai. ahahaha. wag hawakan. lalaki yan :p lols

    ReplyDelete
  3. bakit naging noababai nung binaligtad diba dapat nobabai lang?

    ReplyDelete
  4. aliw naman ng dialogue nina baby justin at haleahiya.

    ReplyDelete
  5. kahit medyo malaswa e swak naman yung pinagmulan ng babae at lalake, pinag isipan..magaling magaling magaling! :)

    ReplyDelete
  6. wahahaha hindi ito pwede pambata..r18 XD

    ReplyDelete
  7. naloka ako!! at nakakabit na naman ang name ko at ni leah! nalaglag ang panga ko sayo!! haram-haram!!

    ReplyDelete
  8. Panalo ito sa mga alamat ng kalokohan at dito lang sa akoniladiya. Na imagine ko lang ano kaya magawan ito ng video.Malamang XXX

    ReplyDelete
  9. bwahahahaha..
    ansaveeeeehh?
    ansakeet sa panga ng alamat na to tsong..apir ^_^

    ReplyDelete
  10. akala ko ibabaon ni LALAKI sa BABAI... bwahahaha

    ReplyDelete
  11. Haha! Ang kulit! Tawa ako ng tawa!

    ReplyDelete
  12. baba-i...lalaki?

    baka kaya naging gnun ha.hanepka talaga hehee

    ReplyDelete
  13. Hahahaa! bilib po ako sa lawak ng imahinasyon nyo to the highest level po ito..ito yong tipong Rated18 na hinde ka mandidiri at mababastusan.. may sense ang kwento. napahalakhak po talaga ako dito.

    Kaya pala Lalaki kasi lalaki paghinawakan at babae kasi nasa ibaba ang hiwa..hahaha this is nice and so so funny.nagenjoy po talaga ako kay BJ at haleahiya..hahaa

    ReplyDelete
  14. ang kwentong sanka beki han... hehehehe.. Galing ah, baby Justin?

    ReplyDelete
  15. Ahahaha!! Ang galing!!!! Umpisa palang, natawa nako.. hekhek.. Rated 18 tlga. Buti na alng, hindi ako prude. #LOL.. Ang galing ng pagkukwento mo, Akoni. Instead na mandiri or mabastusan, eh very funny at entertaining ang post. Kung meron man maoffend, eh meron namang warning noh.. Rated 18. Kitam? Ako nga 17 palang, binasa ko na. #LOL Feeling lang.

    Pangatlong LIKE ko na ito, Akoni. Yaaay!!Isa na lang, magiging apat. na.. Then isa pa, magiging lima na. Hehe.

    Eniwei, I'm so tats kasi nakapaloob na sa pangalin ng gurl ang name ko. at kapareha pa tlga si Baby Justin. Hihi.. Kinilig rin? Hahaha!! So yun pala ang alamat.. Lalake kasi lumalaki.. Babae kasi nasa ibaba. Hehe..

    Natawa ako ke Boy Gago. Walang kaide-deya.. parang gago lang noh? #LOL

    Question. Bakit lumalaki? Sagutin mo!! #LOL

    ReplyDelete
  16. magaling may sense yang alamat mo, wala bang copy write yan para maikalat ko din, malay mo masama sa history. di ba?

    ReplyDelete
  17. hahaha, I layket! napaka broad ng iyon mind, akala ko parang alamat lang ng santol ito,pero hindi pala.haha Galing galing ni Akoni.

    ReplyDelete
  18. Sorry late na nakareply...busy!okay ito na, fire.

    Bino - salamat. submit natin sa palanca award..hehe

    Khanto - salamat din lagi

    Mama - hehe..kailangan sa storya eh..

    Bolero - na-edited ko tuloy..hehe

    Salamat sean

    Chiq -salamat sa pagdalaw, unang dalaw mo ito pa naabotan mo..hehe

    Pusa - pwedi yan..hehe...maaga palang malalaman na nila kaysa sila na magdiskobre.

    Iya - galing mo mag analyst ah..lels, hidni ko naisip un.haha

    Diamond - haha..oo nga noh? pero pwedi naman e-censored eh..hehe

    Anonymous - haha..wag masyado ibuka iha..

    Empi - mayroon kasi na-cut lang..hehe

    Jay - now you know..hehe

    Pearl - hehe..I am happy, mapatawa kayo at malaman din niyo ang dahilan kung bakit ganon..hehe

    Tim- beki ba si Justin? haha

    Leah - Oo tama, kaya nga naglagay ako ng warning R18, para may idea na sila..hehe..gagawin kong maraming bilang ang like na yan, hanggang sa umabot na sa akin..hehe..nirequest mo na makabit kay justin eh, alam mo naman malakas ka sa akin..hehehe..Bakit lumalaki? give me time, para pag-aralan..hahaha

    ERJE - walang copy right yan, copy left lang...basta may akoni at isama mo na din url ko..hahaha

    Mark - Hindi ko pa alam ang alamat ng santol..hehe..ung mga walang alamat lang ang ginagawaan ko..hehe

    ReplyDelete
  19. grabe.hahaha naalis nman ako sa alamat na ito. worth sharing sa iba.lol

    ReplyDelete
  20. hindi naman bastos to ah... ahahaha... ano ba ung bastos?... ahahaha...

    sana hinawakan nlng ni babae ung lumalaki kay lalaki para masaya... ahahahahaha

    ReplyDelete
  21. minsan napapatanong talaga ako kuya kung nag-aadik ka... hahaha dami kong tawa dito...!!!!! namix ko tumawa xa mga post mo!!

    ReplyDelete
  22. Kapitana Kamilana - Nakakamiss ka din..hehe..di kana magiging active dito, pero we undrstand, good luck bunso...

    Leorap - tama, walang bastos dyan..hehe..you already...busy na rin u

    Thanks RJ...share lang if you want...saka ibang alamat ko.

    more alamat will come..hehe

    ReplyDelete