nuffnang

Wednesday, June 1, 2011

Lokohoscope


Akonilandiya’s lokohoscope


KAPALARAN MO BATAY SA MGA GINILING NA KALOKOHAN AT GUNI-GUNING LIGAW

CAPRICORN

Malaki ka na gago kaya tigilan mo na ‘yang paniniwala mo na totoo ang mga CAPRI, ang CORNY mo na. Lucky numbers at color of the month ay .5, 0.1, and .99, at brown.

AQUARIUS

Huwag kang feeling si dyesabel dahil kahit anung gawin mo’y isa ka parin AQUAman na seRIoUS, at kahit kailan hindi rin matutupad ang isa pang pangarap mo na maging si Agua Bendita. Wala kang Lucky numbers at color, dahil imbeyerna ako sayo, itchusera ka.

PISCES

Malansa ka parin, itong buwan na ‘to ay magigising ka sa katotohanan na hindi ka pala tunay na brown butterfly, dahil isa kang iPIS. Lucky numbers ay 09990986603, number yan ni Aquarius, magsama kayo.

ARIES

Ganun parin ang kapalaran mo sa buwan na ito, isa ka parin SIERA. Lucky numbers 13 at 666, Color of the month ay fusc fuscia fuschea Orange. SIERA ka talaga kung maniniwala ka parin dito.

TAURUS

Isang malaking SURUTAn ang mangyayari ngayon sa buhay mo, bantayan mo ang bf/gf mo. Mula ngayon, ugaliin maligo bago matulog para hindi makagat ng SURoT. Lucky numbers: 1 4 3 5 2 5 4, lucky Colors: Red

GEMINI

Maswerte ang ipinanganak sa zodiac sign na ito, dahil mas lalo pa siya susuwertehin ngayon buwan. Lalo na ang taong blogger na ipinanganak nung JUNE 9 at nagmamay-ari ng Akonilandiya. Pero isa lang ang hindi maiiba sa kapalaran mo, isa ka parin MINI.  Lucky numbers: Numero ng combination numbers ng lotto, lucky color: GREEN

CANCER

Gasgas na ang linyang may cancer ka, umiwas ka kasi sa mga taong utak talangka. Maghintay ka nalang ng bagong sakit na ibibigay sayo ng mga manghuhula ng kapalaran, abangan mo ito sa channel ANC.

LEO

Isa kang tunay na leon, lahat nalang ay kinukuha mo. Basta umiwas ka lang kay TAURUS, may susurotin siya sayo.  Wala ka rin lucky numbers at color, ang swapang mo na.

VIRGO

Tigilan mo na ang pagpapanggap na VIRGin ka. Nung mag BEER GO kayo ng mga kaibigan mo at nalasing ka ng husto ay pinagsamantahan ka nila, okay, pwedi ka nang magbigti. Lucky numbers 666 at lucky color ay ITIM.

LIBRA

Ngiyahahahhaa este hahaha. Lalong higpitan ang iyong BRA sa buwan na ito dahil may magtatanggal dito at hindi kana makakatanggi. Para maging quits kayo humingi ka ng kapalit dahil walang LIBRe sa pahanon ngayon. Lucky number June 9, lucky Color: Green.

 SCORPIO

Kung sino ka man, isa kang napakaswerteng hayop sa balat ng desyerto dahil makaka SCORe kana kay PIOlo. Basahin mo ang kay PISCES, tapos kopyahin mo ang number at tawagan mo si Aquarius, magsama-sama kayong pumunta kay PIOlo para makaSCORe. Lucky numbers 69, lucky color PINK.

SAGITTARIUS- Next month na, pagod na utak ko.


27 comments:

  1. yung lokoscope ko lang ang binasa ko. at ang panget.LOL!

    ReplyDelete
  2. Ano pala LOKOSCOPE mo? makascore kana kay piolo? hahaha

    ReplyDelete
  3. oo. gusto ko sana ke sam, bakit si piolo nilagay mo?

    ReplyDelete
  4. Waahahha. kaw na papalit kila madam auring at zenaida zeba sa pgbibigay ng gabay sa mga zodiacs.

    swirti ng gimini ah. ahahhaa.

    ReplyDelete
  5. Libra ako!! may napansin ako ilang araw na pag tumatawa ka ganito ngiyahahah este hahaha! kasama ang name ko?! uuy namimiss ako ni manong!

    magtanggal ng bra?! matagal ko ng natanggal ah! nakita ko na rin ang kapalit! hahaha! may round 2 ba?! #lels

    green?! mana sayo green din!

    ReplyDelete
  6. Ahahahha kaadikan na to... yoko magreact kasi malalaman mo kung saan ako... lels...

    ReplyDelete
  7. ay pahabol...sabi ko na nga ba eh! June 9?! manong umamin kana lang kasi..miss mo ako?! hahaha tama ang hinala ko! #lels ka

    ReplyDelete
  8. hahahaha..
    talagang pabor sa gumawa ng lokoscope nya?hehehe..
    Advans apee botdey..
    blowout..lels ^_^

    ReplyDelete
  9. Dear Akoni... natawa po ako sa lokoscope ko.. now ko lang po nalaman na gasgas na pala ang aking sakit na cancer.. ehehhehe

    ReplyDelete
  10. Musingan...ikaw pala ay cancer..hehe..Oo kasi sa lahat ng jokes hula, ginagamit lagi ang sakit na cancer..hehe..

    Anony - syempre, akin to eh..hehe..thanks

    Iya_khin -natawa ako sa comment mo at tama ka..whattaa coincedence..hehe..akalain mo yun? may nakahidden message? hehe

    Xp - hahaha..ano nga sayo? adik ka.

    khanto - hehehe..syempre everymonth na ito.

    Bolero- tamang tama pala sayo yan..hahhaa BSK..lels

    ReplyDelete
  11. buti na lang kaparehas ko ng zodiac sign si akonilandiya. Yun lang yata ang may magandang kapalaran.

    Binasa ko lahat. Pinaka natawa ako kay Aquarius.. itchusera kasi.. haha..

    ReplyDelete
  12. Ano na ba ang bago kong Zodiac Sign dati Pisces.Wala tayong magagawa talagang ang linaw ng nakasulat ipes nga. pwede na sana ang gemini pero di ako mini.

    ReplyDelete
  13. natawa na naman ako..hahaha ang adik talaga

    ReplyDelete
  14. jejeje...prehas kmi ni ms.jolie ahh...charrr...magsama-sama n nga kmi....jejejeje

    ReplyDelete
  15. TNT hahaha mabuti na lang at Gemini din ako, maganda ang Lokoscope ko!

    ReplyDelete
  16. hindi naman ako nagbabra eh,hahahaha sana may magtanggal ng brief ko.hehehe

    ReplyDelete
  17. ang panget ng horoscope ko! piolo? eeewww. hehehehehe. loko!

    nice post still! are you a relative of madam auring? lels

    ReplyDelete
  18. Bino - ayaw ko ng maasim...haha

    Mark - para sa babae libra, ikaw librief..hehe..wag mong hintayin may bumaba ng brief mo, walang mangyayari sa kabuhayan mo..haha

    MOKS - dumikit ka lang sa akin..hahaha

    Jay rules - hehehe..thanks

    Diamond - para sa aming mga mini ang GEMINI..hehe..

    ReplyDelete
  19. Hahaha!! So maswerte pala ako sa month ngayon. wehehe!! Thank you naman pala, kung ganun. Eh kaso, hindi ata maswerte sa lotto numbers, hindi ako nanalo eh. #lol

    ReplyDelete
  20. basta dumikit ka lang sa akin...hahaha

    ReplyDelete
  21. nyetaness! ang sakit ng sakin..oo, sige, ikaw na naman ang bida, ikaw na!

    buti nalang hindi ako nagpapaniwala sa mga ganyan..wehehehe! XD

    ReplyDelete
  22. Bwisit tangina lang, binasa ko talaga LOLOLOLO. Pwede ka na mag-trabaho sa Libre Newspaper, yung sa MRT. Maganda rin ang horoscope dun.

    ReplyDelete
  23. ayoko na simula pa lang minura mo ako. hahaha

    mas nagutuhan ko pa ata angpakilala mo sa sarili mo. hehehe. tingin ko nagsasabi ka talaga ng totoo dun. lol

    mabuhay!

    ReplyDelete
  24. anak ng tinapa! pareho tayo ng bday? O_O

    ReplyDelete
  25. wahahahahahah! sa wakas maka-score nako kay piolooooo!..


    _*Ta-me*_

    ReplyDelete
  26. Ta-me - gawaan mo na ng paraan kasi this month lang yan epektibo..hehe

    pusa - kaya pala magaan pakiramdam ko sayo..haha

    Hoshi - Oo nagsasabi ako ng totoo don..hehe..thanks..sista landiya..hehe

    Glentot - lokohan din naman sa lahat ng horoscope eh, ano pinagkaiba ng gawa ko sa gawa nila..ehehe

    tabian - haha..ano pala sayo? Aquarious? haha

    vin - parehas kayo ni tabian..haha

    ReplyDelete