Father’s day pala, nalaman ko lang kay Iyakhin kaninang umaga, at isa lang pumasok sa isip ko, sana kahalikan ko siya
that time, choke!!!
"Father’s day na pala?"
‘yan namutawi (namutawi talaga) sa aking isipan, tapos parang may hinahanap akong emosyon sa akin katawan, parang may gusto akong maramdaman, parang may gustong balikan ang aking diwa, pero parang wala naman.
‘yan namutawi (namutawi talaga) sa aking isipan, tapos parang may hinahanap akong emosyon sa akin katawan, parang may gusto akong maramdaman, parang may gustong balikan ang aking diwa, pero parang wala naman.
Unang beses kong father’s day ito,
so, ano na?
ano ba dapat kong gawin?
Dapat ba akong humingi ng regalo na SAMSUNG
S3 sa anak ng biyanan ko, o makuntento nalang ako sa SAMSUNG S2?
Buong buhay ko, never ako
nakapag-celebrate ng Father’s day, never ko din na-greet ang tatay ko ng “Happy
father’s day”, sabi ko nga, hindi uso sa amin ang mga okasyon na pinauso ng mga
tao (take note: Tao ang nagtatag), hindi kami fanatic ng mga tao.
Relihiyoso kasi ang tatay lalo na nanay ko, kaya kung ano lang ang okasyon na
may kinalaman ang Diyos, ‘yun lang sini-celebrate namin.
Kaya naman talagang ang bait-bait kong
tao, ang linis ng budhi ko at ng puso ko, isa akong alangad ng kabutihan, pagdadarasal lang ang past time ko, at ang kapal talaga ng mukha ko at ang puwet ko sa mga
pinagsasabi ko.
Pero dahil sa mabuting pakikitungo ko sa mga tao, medyo natutunan ko na rin i-adopt ang mga okasyon na
pinauso nila. Pero hindi ko parin kinakalimutan ang turo sa akin ng aking mahal
na ina, okasyon muna ng Diyos, bago okasyon ng mga tao.
Pansin niyo, puro galing sa nanay
ang mga quotes ko, wala ang tatay ko? FYI, pipi ang tatay ko, choke. Pero
parang ganun na nga, hindi kasi siya masalitang tao, isa siyang tunay na
lalaki. Walang kung anu-anong shit, simple pero bato.
ano feeling maging ama?
MASAYA!
Una, alam mong may laman ang
tamod mo, masaya at masarap ang ganun feelings. Pangalawa, kung ang asawa mo’y
ang “Tunay na pag-ibig” mo, ang anak naman ay ang “Tunay na responsibility” mo.
Oo, responsibility mo din ang asawa mo, pero mas lamang ang sa anak mo eh.
Maliit pa kasi, bagong salta lang dito sa mundo ng mga tao, sa mundo na punong
puno ng kababalaghan at hiwaga, sa mundo na magulo, sa mundo na madaming mapanlinlang at
kung anu-ano pang nakakatakot na kamumulatan niya. Kaya nasa mga kamay mo kung
paano mo siya tuturoan maging “atapang, atao”, kung paano mo siya huhubogin maging
isang mabuting tao, kung paano maging isang mabait na mamayan at kapitbahay, paano maging huwarang
anak, paano maging matatag sa lahat ng bagay, at higit sa lahat responsibility
mong ituro at maitanim sa kanyang puso ang takot sa Diyos.
Kapag nagawa ko na mga 'yan, puwedi na akong batiin ng "HAPPY FATHER'S DAY" dahil sigurado akong HAPPY and PROUD ako sa mga oras na 'yun.
Para kay Tatay: Ama, patas na
tayo ngayon, isa na rin akong ama. Hak! Nakalista parin sa utak ko ang mga
mabubuting ugali na nakita ko sa'yo, nakaukit parin dito sa puso ko ang pagmamahal na pinaramdam mo sa akin, at nakatatak parin sa balat ko ang pag-aalaga mo sa akin. Kaya ngayon, ako naman ang
mag-a-apply nito sa akin anak sa higit na makakaya ko. Pero this time,
hihigitan kita! lintek lang ang walang ganti.
Para kay Nanay: Namimiss kita.
Para kay Heaven: Salamat.
Para kay Akoni: Anak, please,
paglaki mo, ‘wag kang mahihilig sa mga telenobelas, sa mga love teams at sa iba
pang nakakalason sa isip ng mga kabataan na palabas.
MahalKoKayongLahat
“Sumasaludo sa lahat ng naging mabuting ama at sa
lahat na magiging mabuting ama” - Akoni
happy father's day sa iyo, at sa iyong ama! :)
ReplyDeleteParekoy...happy father's day!
ReplyDeleteHappy Fathers Day sayo at sa iyong Ama!Mabuhay ka SIr Akoni!
ReplyDeletehahahahahaha!!!
ReplyDeletenakakakatawa naman ito!!!! heheheheh!!!
happy erpats day parekoy. tulad mo, sana manatiling mabuting ama din ako sa aking mga anak. mga kasi dalawa na sila hehehe pero isa lang nanay ha..
ReplyDeletemuli, maligayang araw ng mga ama. :_)
happy father's day sayo at sa tatay mo! :)
ReplyDeletebelated happy fathers day sa iyo pare :)
ReplyDeleteat xempre sa tatay mo na bumuo sayo.
Godbless u ( dahil sabi mo banal ka kaya may pagkabanal din ang comment ko) hahaha
belated tatay day brotha!!!
ReplyDeletesabi nila reflection daw tayo ng ating mga magulang...yun lang! hehehe
Happy fathers day to all fathers!~
ReplyDeletePara kay Akoni: Anak, please, paglaki mo, ‘wag kang mahihilig sa mga telenobelas, sa mga love teams at sa iba pang nakakalason sa isip ng mga kabataan na palabas. >>> iwasan ang PBBTEENS :D
ReplyDeletebelateds happy paders day :D
belated happy father's day kuya.
ReplyDelete"..lintek lang ang walang ganti." - wahahaha