nuffnang

Thursday, December 27, 2012

Pang MMK





Dear Ate Charo,

Magandang gabi po sa inyo, alam ko pong sa gabi ninyo ipapalabas sana ito. Isa po ako sa nakakasubaybay ng inyong programa dahil po sa paborito ito ng aking may bahay, wala po akong choice kundi manood din dahil iisa lang ang telebisyon namin at kapamilya channel po ang asawa ko, alam ninyo naman po mahirap kumontra sa asawa lalo na kapag nasa bahay ka, teritoryo po nila yun eh.

Ang dahilan po ng pagliham ko sa inyo ay para ibahagi sana ang kuwento ko tungkol sa kapitbahay namin na kabit ng isang congressman, joke lang po. Sempre po tungkol po sa akin at nang aking kaibigang lalake, best friend ko po at hindi po ito kahalintulad ng kwento sa broke back mountain mubi.

Nagsimula po ang pagkakaibigan namin nung madiskubre ni Magellan ang Pilipinas. Alam ko po hindi ka naniniwala dyan, ‘wag po kayo mag-alala ganun din po ako dahil nagbibiro na naman po ako ulit. Pasensya po, ganito po talaga ako magsalita kapag kinakabahan, pero ito na po ang kuwento, promise.

Nagsimula po ang aming pagkakaibigan noong 1994, uso pa ang pomade noon at hanggang po ay matatag parin ang pagkakaibigan namin. Oh kayo na po ang bahalang mag-imbento ng kuwento ko, kung ano ang nangyari at kung ano ang title na papahulaan ninyo sa mga viewers. Basta nag-umpisa ang kwento na magkaibigan kami, tapos magtatapos po na magkaibigan padin kami.

Aabangan ko po ang kuwento namin sa programa mong magpakailanman.

Maraming Salamat




Tuesday, December 18, 2012

Anti o Pro RHBILL ba ako?



R-18

"Patnubay ng iyong kukote ay kailangan"


Hindi ang paglubo ng population ang problema sa pilipinas, ang problema ay ang paglubo ng mga corrupt na pulitiko o mga officials ng goberno.

Kung maaayos ng goberno ang problema sa corruption, mababawasan ang pagdami ng population natin dahil magkakaroon ng trabaho ang karamihan sa mga Pilipino, magkakaroon ng sapat na sahod plus bunos at more benefits ang mga manggagawa. At kapag may trabaho, magkakaroon ng pangamba sa kanyang kinabukasan lalo na sa mga anak, mawawala ang magic words natin mga pilipino na "bahala na si Batman". 

Hindi na nila kailangan pa tumambay sa bahay para kantotin buong araw ang asawa, magkakaroon na ng social life, kikita ang businesses, magiging busy ang buhay. Magiging aware sa sariling pamilya, sa kapakanan ng pamilya, at kapag ganun ang nangyari, gagawn ng paraan para hindi lumubo na parang uhog sa ilong ang bilang ng pamilya niya.

Hindi ko nabasa ang nilalaman ng RHBILL. Kaya wala akong karapatan mag pro o mag anti tulad ng mga sumasakay lang dahil nauuso, wala akong karapatan magmarunong tungkol dyan. Nakakagago lang kasi dahil may mga nababasa akong reaksyon na kung makapanglait sa mga anti ay parang siya na ang tama sa buong mundo. Hindi porket iba ang paniniwala ng kabila ibig sabihin ay mga bobo at mga gago na sila o mga ignorante na. Hindi porket hindi sila sumangayon sa gusto mo ay mali na sila, tandaan hindi lang ikaw ang may prinsipyong pinaglalaban, hindi lang ikaw ang may karapatan ipahayag ang opinion, kaya puwedi naman sabihin ang opinion mo na hindi kailangan manliit ng ibang tao. State your opinion then shut the fuck up, naks.

Ibig ko sabihin ay wala akong idea dyan. Basta ang alam ko lang ay kaya kong bumuhay ng hanggang apat na pamilya, charot! Pero isa lang ang choice ko, ang gusto ko, mabuti na ang safe kay misis.

Sa mga ANTI, siguro ang mabuting gawin natin ay huwag tangkilikin ang lahat ng programa ng goberno about sa reproductive health, ganun lang yun kasimple. At Dahil sa naniniwala tayong kasalanan ito sa diyos, edi iligtas natin ang atin mga sarili, divaaaahhh? Tayo lang naman makakaligtas sa sarili natin eh. Sa huli naman eh tayo rin mismo ang magdidesisyon kung ano ang plano natin sa atin buhay, kahit ilang tambak pa na RHBILL ang nandyan, nasa atin parin ang desisyon, wala sa mga religious leaders o sa goberno. Takot lang tayo sa pagbabago at hindi natin kasalanan ‘yon, mahirap din naman iwanan ang isang paniniwalang kinalakihan. Kahit aprobado na ‘yan wala rin kwenta kung hindi mo tatangkilikin tulad ng mga propaganda ng mga pulitiko tuwing eleksyon. In short mga kapanalig, laging may choices, at lady’s choice. Basta ito lang alam ko, lahat ng bagay na makakapagdulot ng masama sa katawan/health ng tao o sa isang tao ay pinagbabawal. Dahil dyan, kung hindi naman makakasama sayo ang paggamit ng protection, go, wala kang pananagutan sa taas.

Sa mga PRO naman, apir! Mas magiging safe na ang sex, maiiwasan na ang unwanted pregnancy at kung anu-ano pang unwanted. Makakabawas na ng gastosin ang goberno sa atin pagdating ng pahanon dahil mapipigil ang paglubo ng population. Hindi na magiging mangmang ang karamihan sa usapin safe sex dahil ituturo na ito kung paano gagawin, ituturo na kung paano palalabasin ang tamod sa maayos na paraan. Sana magkaroon din ng actual demonstration ang safe sex at tamang paggamit ng condom sa lalake at babae at kung anu-ano pang pang protection sa sex, ang saya lang non, woohoooo. Mababawasan ang takot ng mga magulang na baka mabuntis ang anak nilang babae, mababawasan pa sila ng trabaho o tungkolin sa mga anak nila na ipaliwanag ang mga ganyang usapin dahil tutulong o ang goberno na mismo ang gagawa sa pagpapaliwanag sa mga kabataan, woohooo ulit. Mawawala na ang takot sa atin na baka makabuntis tayo o mabuntis, mas enjoy na ang pakikipagtalik, woohooooo. Hindi na nakakahiyang pag-usapan ang seks at magiging word of the year 2013 na parang jejemon noon ang salitang KANTOTAN, woohoooo, at puwedi na magyayang makipagseks kahit kanino dahil makakasanayan na natin ito, magiging normal na pagdating ng panahon, sana abotin ko pa yun, wooohoooo. Makakalimotan na natin ang moralidad, wooohoooo. Kaya ilabas ang mga condom at iwagayway sa ere like you just fucking don’t care dahil year 2013 kantotan days  are cumming naaaaa, wooohhoooooo!!!




Saturday, December 15, 2012

ANG OKASYON: Sa piling ng mga bagong kapamilya



Nabanggit ko na ata sa ibang blog na hindi ako mahilig umattend sa mga okasyon. Basta maraming tao lalo na kung mga kamag-anak. Hindi ko alam kung dahil nahihiya lang ako o talaga lang may issue ako noon at ang arte ko lang.

“Paano kana kapag wala na kami kung wala kang kakilala sa mga kamag anak natin o hindi ka nila kilala?” ‘yan ang laging linya sa akin ng tatay kong may mukhang pinaghalong Vic Vargas at Dante Rivero at kunting George Estregan sa tuwing pinipilit niya akong sumama sa isang pagtitipon.

Nasanay na kasi akong laging natambay sa bahay, kaya mas nagustohan ko ‘yun. Laging may time limit ang paglalaro sa labas, may curfew. 5:30pm to 6:00pm dapat nakadapo na ako sa bahay at tumitilaok na, parang manok lang.

May mga kinikimkim akong dahilan noon (o hanggang ngayon) kaya ayaw ko pumunta sa mga okasyon, lalong lalo na kung kamag anak ang magtitipon-tipon or isang family reunion.

1. Hindi ako sanay o nahihiya/natatakot akong makihalubilo sa mga rich kids – Mga bully sila. Nasa 6 taon gulang ata ako noon nang mapagtripan ako ng mga bata sa pinuntahan namin, mga kamag anak namin na mayayaman. Kinuha nila yung baril-barilan ko na gawa sa kawayan at mga goma ko, pati mga jolens magdangal ko. Wala akong nagawa kundi umiyak nalang, isipin mo nalang kung anong truma ang aabotin ng isang bata kapag igawaan mo ng kayaman (mga laruan), masaklap parekoy. Mula noon sinumpa ko na ang mga rich kids, dapat silang mabura sa planetang Earth, sila ay mga sugo ng kadiliman, sa isip ko.

2. Bata palang ako, alam ko nang cute ako. Pero dahil dugyot ako at pobre, walang pumapansin sa akin. Alam mo ‘yun? ‘yung confident ka na ang pogi mo, tapos hindi ka pinapansin? Walang pipisil sa bisngi mo? Mga bulag ba sila? Sila ang sumugo sa mga rich kids para gulohin ang mundo namin mga batang X.

3. Ayaw kong naa-out of place, taga earth din ako pero kapag nasa isang okasyon ako, feeling ko nasa ibang planeta ako. Ayaw ko nang ganun feeling, pakiramdam ko isa akong alien.

4. May diperensya ang tiyan ko, lagi ako natatae sa mga okasyon. Nananadya ata.

5. Laging may pagyayabang sa mga okasyon, hindi ko namamaster ‘yun. Lahat ng tao ay may yabang katawan, may oras at panahon na ayos lang gamitin ito, ayos lang magyabang. Pero ako, kahit may oras na ayos lang magyabang, wala talaga akong maipagyabang. Pabangohan lang ng kili-kili ang kaya ko.

6. Ayaw kong naja-judge. Mas gusto kong laitin nalang. Parehas lang ata yan.

Ang pinakamatindi sa lahat…

7. “’Tay, hindi ba pinsan mo mga ‘yun, mga tito ko?” Pekpeksman na kulay pink tandang tanda kong tanong ko kay tatay na may mukhang pinaghalong Vic Vargas at Dante Rivero at may kunting George Estregan. Oo, ang sagot sa akin ni tatay na may mukhang pinaghalong Vic Vargas at Dante Rivero t may kunting George Estregan? “Eh bakit hindi kayo pinansin, dinaanan lang tayo?” Tanong ko ulit. “Anak, kasi mga mayayaman mga ‘yun” ‘yan ang sagot niya sa akin.

Nasaktan ako, sa murang isipan at katawan ay nalaman ko na kung gaano kalayo ang agwat ng langit at lupa.

Mahal ko ang tatay ko, kaya bilang isang bata na sinasamba ang power rangers, maskman at bioman, sempre kakampi at ipagtatanggol ko ang tatay ko. Mula noon ay iba na ang natamin sa isip ko, nagkaroon na ako ng takot at hinanakit sa mga mayayaman sa pamilya namin o kahit sa ibang tao, pare-pareho sila. Hanggang ngayon ay dala-dala ko parin ‘yun, kaya nangako akong balang araw, balang araw tatama din ako sa lotto at kung hindi man ako swertehin sa mundong ito, balang araw ay mamatay din kaming lahat.

Pero ngayon narealized ko na kasalanan ‘yun ng tatay ko, dahil yun ang naitanim niya sa isipan ko, at dahil hindi na ako ngayon isang bata na umaasa na balang araw ay tatamaan ng kidlat o maiipotan ng ibon sa ulo at magkakaroon ng powers, natuto na ako ngayon mag adjust, natuto na rin ako magfeeling mayaman, LOL, makisama sa kanila.

*Ang haba ng intro…*

~~~

Last Friday naimbetahan ako sa isang pagtitipon, isang thanks giving. Nakarecieved ako ng PM mula sa pamangkin ng asawa ko, “Tito attend ka bukas after prayer sa thanks giving ni baby”. Nagulat ako, muntik na akong magsaing ng kanin para kainin lahat pati rice cooker dahil sa kaba na naramdaman ko, na parang kinukuryente ang laman loob ko, muntik ko nang gawin tea ang medyas ko at isampal ang paa ko sa mukha ng kasama ko.

“Oh my betlog na aalog-alog” ang nasa isip ko, “pupunta o hindi” ‘yan ang umiikot na tanong sa isip ko na tila kinakain ang laman ng utak ko. Ang ginawa ko’y madali kong tsinek kung pasok sa criteria ng okasyon na hindi ko dapat dalohan.

Mga rich kids, check, mga rich families, check, mga pogi at magaganda, check, karamihan first time ko mamemeet, check, at mga langit, check, paano na ito? Halos hindi na ako makatulog sa kakaisip kung pupunta ba ako o iinom ng isang tasang downy na may halong tatlong kutsarang zonrox with downy din, oo, dapat may downy lagi para swabe. Hanggang sa naglevel 2 ½ na ako sa pag-iisip, kailangan ko pumunta dahil pamilya sila ng asawa ko. Ang dapat na nandon ay ang asawa ko at dahil nasa dulo siya ng dila ng Saudi hindi siya makakadalo, kaya kailangan ako ang nandon bilang kaisang diddib niya at kadikit dila at oppsss. Kaya ang naging desisyon ko ay ang pumunta on behalf of my wife, ‘yun ang inisip ko, pupunta ako sa digmaan alang-alang sa asawa ko. Bahala na si batm…..si Ako.

Sabi ng asawa ko, “Be yourself honey” para hindi ka kabahan. Lalo akong kinabahan, dahil kilala ko ang sarili ko, may pagka-naughty ako ng kalahati, bwehehehe, baka hindi nila 'yun magustohan. May mga oras at panahon talaga na hindi kailangan maging “Be yourself” ka, kailangan mo gamitin ang kabilang self-mo, para maging ibang tao. Paminsan-minsan kailangan maging ibang tao ka rin. Lahat ng tao ay may dalawang personality, “Ang tunay na sarili mo” at ang “Isa pang tunay na sarili mo” lahat ikaw ‘yon, malabo lang ako mageksplika. 

Swerte ako dahil may kakayahan akong lahat gamitin ‘yon sa tamang paraan at saktong oras, sa oras ng pangangailangan. ‘yun iba kasi minsan dahil sa sobrang kaba nito, ang naihaharap niya ay ‘yung maling “sarili” niya sa mga tao, kaya thumbs down at middle finger ang nakukuha niyang grado. Hindi ko alam kung nagets niyo ako, basta ‘yon na yon. BOOM!!! Ang gusto ko lang sabihin ay kailangan alam natin gamitin pareho ang dual personality natin.

~~~

As expected, maraming tao sa salo-salong iyon. Sa pintuan parang gusto ko nang magback out patumbling palabas at sumigaw ng “Saider”. Pero nandon na eh, nakita ko na ang handa, sayang kung magbaback out pa ako, diba, mukhang masasarap pa naman ang luto, mga paborito ko pa ata.

Tulad ng inaasahan ko, sa una, feeling alien na naman ako na nakikihalubilo sa mga tao. Bago sa isang lugar eh, mga bagong mukha, at mga hindi kaamoy. Pero salamat naman dahil marunong pala tumanggap ng tulad ko ang bagong kapamilya ko, marunong silang ituring na tao ang alien na tulad ko.

Natuwa, nakitawa, nahiya, nakikuwento, nakikinig, nakibusog, nasiyahan, at kung anu-ano pang masasayang feelings ang naisaksak nila sa katawan ko. Umalis akong may baon pang mga pagkain, how cool is that eh?

Naging masaya ang gabing iyon, kahit medyo sinira ng isang manyakis na driver na nasakyan ko pauwi. Tsk. Sumpa ang magkaroon ng kyut na mukha dito sa bansang Saudi Arabia. Sa next story ko nalang ito ikukuwento.

Maraming salamat sa inyo…

Alam kong hindi nila ito mababasa, sana sa pamamagitan nito ay medyo maiparating ko sa kanila ang  aking pasasalamat.





Wednesday, December 5, 2012

THE SIGN






*Sa salas*

Si Lorena, nagkaupo sa kanilang sofa, ahhh at nakasandal pala, nakapikit ang mga mata at taimtim na nagdarasal.

Lorena: Diyos ko po, kinakabahan po ako, hindi pa ata ako handa, bigyan ninyo po ako ng sign.

*Sa Kusina*

Mga labi lang ni Lorena na parang puwet ng manok ang galaw ang nakikita ng kanyang pamilya habang pinagmamasdan siya.

Kapatid nilang lalake: Ate Christine, ano sa palagay mo dinadasal ni ate Lorena?

Christine: Ogag ka? nandito tayo pareho, paano ko malalaman, ano ‘yun konektado ang tainga ko sa bibig niya?

Kapatid nilang lalake: Hahaha...ate naman, siyempre, babae ka eh, parehong may dugong umaagos sa inyo every month, so sigurado ako mahuhulaan mo.

*Batok sa ulo sa kapatid na lalake*

Nanay nila: Tumigil nga kayo dyan, birthday ng kapatid niyo at mukhang malaki ang problema. Puntahan muna natin, mamaya na ‘yang mga nilulutong handa.

*Sa salas ulit*

Tumabi ang nanay nila kay Lorena, si Christine naman at kapatid nilang lalake ay nasa kabilang upoan. Lumipat sa kabilang puwesto ang kapatid nilang lalake, malayo sa tatlong babae, malapit sa telebsisyon.

Nanay nila: Anak, may problem ka?

*Malungkot na titig mula kay Lorena sa kanyang nanay*

Lorena: ‘nay, pupunta dito mamaya si Rodel. Formal niyang hihingiin ang kamay ko.

*Napalingon ang kapatid nilang lalake, mukhang nagulat sa narinig*

Kapatid nilang lalake: ha? Hihingiin ang kamay mo? edi mawawalan ka ng kamay, paano na ang malamig mong gabi? Hahaha

*Tinamaan ng lumilipad na tsinelas ang kapatid nilang lalake, sapol*

Christine: Sira ulo. Akala ko kung ano na sasabihin mo, may pagulat-gulat effect ka pa.

Nanay nila: Hayy naku kayong dalawa talaga kahit kelan. Lorena ano naman problema don? Limang taon na kayong magkasintahan diba? Siguro naman sapat na panahon ‘yun para makilala niyo ang isa’t isa.

Lorena: ‘nay, OFW si Rodel, sa loob ng limang taon na ‘yun, limang beses lang kami nagkita ng personal. Kadalasan sa computer lang kami.

Kapatid nilang lalake: Kaya pala daming tissues sa trash can natin….hahahaha, buwahahaha, aksaya ka sa tissues. hahaha

*Matalim na mga tingin ang sumaksak sa kanilang kapatid na lalake mula sa kanilang tatlo*

Kapatid na lalake: Ok…ok..chillax lang kayo girls. Nagbibiro lang ang nag-iisang lalake sa buhay ninyo. hehehe..okay na, nakatahi na bibig ko. Hehe

Christine: So, ano plano mo?

Lorena: Wala. Hindi ko nga alam, kaya nga nagdadasal nalang ako, nagwish at dahil birthday ko naman ngayon baka magkatotoo, sana bigyan ako ng diyos ng sign.

Kapatid nilang lalake: Naks, parang sa pelikula ah…. *(Kinakanta) I saw the sign, when I open your legs wide open, and I saw the sign, its malaki* LOOOL

Sabay-sabay mga babae: ULOOOOOOOOOOLLL

*Laugh trip ang pamilya*

Nanay nila: Anak, anong sign ang hiningi mo?

Lorena: Hehehe. Kung sa pagpunta niya rito at may dala siyang bulaklak na pinaghalong kulay puti at pula, siya na. Siya na nga ang lalakeng para sa akin, oo ang isasagot ko sa kanya. Kasalan na.

Kapatid nilang lalake: Ang dali naman ng hiningi mong sign. Siyempre magdadala yun, birthday mo din kaya ngayon

Christine: Ungas, pinaghalong puti at pula na rosas, kung magdadala man ‘yun hindi ganun ang combination.

Lorena: At never pa ako nabigyan ng mga rosas ni Rodel.

Kapatid nilang lalake: Hahahahaha, kawawang mga nilalang, parehas kayo ate Lorena ni ate Christine, never din nakatanggap ng bulaklak mula sa kasintahan. Hahaha, kukuripot ng mga bf niyo, wtf lang.

Nanay nila: Nak, ito pera lumabas ka, manood ka ng sine, tatlong libo ‘yan, tatlong movies papanoorin mo sa sine, yung sukli bili mo condoms at lubricant, at wag ka magpapagabi.

Kapatid nilang lalake: Ayos, I love you ‘nay, kahit kailan nababasa mo ako at alam mo ang kiliti ko.

*hehehehe*

~~~~~~


*Si Rodel at ang kanyang best friend*


Rodel: Pare kinakabahan ako…paano kung hindi ang isagot sa akin ni Lorena?

Best friend: Edi, tuloy ang flight mo bukas pabalik Dubai. If oo naman siya, text mo lang ako para pa-cancel ko flight mo. ako na bahala kung ilang buwan ka ma-extend ng bakasyon.

Rodel: Thanks pare, sige alis na ako.

Best friend: Good luck pare…teka p’re, bakit may dala kang bag pack?

Rodel: ah…nilagay ko ang flowers na bibigay ko sa kanya..hehehe, ito oh.

Best friend: alanjo p’re, ano ‘yan, bakit pinaghalo mo ang pula at puti?

Rodel: Kasi, ang PULA, representing my RED BLOOD, handa ako ialay sa kanya, at ang PUTI siyempre my WHITE BLOOD, hindi na kailangan ng paliwanag dyan, hahaha.

Best friend: Gago! Sige na, good luck nalang sa’yo, sana dinamihan mo ang puti.

*Naglaugh trip ang dalawa*

~~~~~~


*Nasa tapat na ng bahay nila Lorena si Rodel, kinakabahan itong pinipindot ang doorbell*

*Doorbell: Putangina may tao*

Inulit….

*Doorbell: Hoy putangina niyo may tao*

Ulit pa…

*Doorbell: Putangina mo, umalis kana mga bingi ang nasa loob ng bahay*

*Nagkagulo ang tatlo sa loob ng bahay*

Christine: Nandyan na si Rodel sa labas!!!

Nanay nila: Sige, ako na magbubukas….

Lorena: ‘nay, the sign, the sign, the sign, the sign!!!

Nanay nila: oo, wag ka sumigaw!!!

*Pinagbuksan ng nanay nila si Rodel ng pinto …walang nakitang bulaklak, walang sign…nalungkot.*

Nanay nila: Pasok ka Rodel.

*Nauna na nang pumasok sa loob ng bahay ang nanay nila…*

Nanay nila: *suminyas sa dalawang anak* Walang sign…

*Nalungkot ang tatlo….*

Naupo si Rodel sa sofa kaharap si Lorena, kinakabahan ito kaya nakalimutan ang dalang bulaklak na ibibigay sana kay Lorena.

Rodel: Aummhh....Hi!

Lorena: Hello! Del, auhmmm….hindi ko alam kung paano ko ito uumpisahan.

Rodel: Ano ibig mong sabihin…?

Lorena: Del, I am sorry…

Rodel: Ohh please….

*Naghalo ang hiya, sakit at kalungkotan sa buong katawan ni Rodel, dahil nandon ang nanay at kapatid ni Lorena*

Lorena: I don’t think I am ready, sana maitindihan mo ako.

Nalungkot si Rodel, may naramdaman tubig sa kanyang mga mata. Hindi na nagsalita pa, tumayo nalang at nagpaalam sa kanila.

*Ngarag ang boses*

Rodel: Lo…lore…hhaayy…hanggad ko ang iyong kaligayahan.

Nanay nila: Rodel…..*buntong hininga*

Mahabang patlang ang namagitang sa kanilang tatlo….

*Patlang*

*Patlang*

*Patlang*

*Patlang*

*Patlang*

Si Christine na ang bumasag sa katahimikan…

Christine: Kailangan ba talaga Lorena na hayaan mo sa sign ang desisyon mo? kailangan ba talaga ang sign ang magdesisyon para sayo?

Nanay nila: Ganun talaga ang tao, kapag hindi sigurado sa desisyon niya o kahit na anong gagawin. Maghahanap ito ng tulong para magdesisyon para sa kanya, lalapit sa isang bagay o gawain na minsan ang tao lang may likha para matapos ang paghihirap ng kalooban niya. Parang maghahanap ng dahilan, ng excuses, ng kakampi, at kung anu man yung hanap niya.

Lorena: Oo, dahil, dahil, dahil….sa totoo lang hindi pa talaga ako handa, with or without the sign.

Nagyakapan ang tatlo…Si Rodel nasa harapan ng gate nang biglang naalala ang dalang bulaklak. Binuksan nito ang bag, kinukha ang flowers at nilagay sa tapat ng kanilang gate.

Makalipas ang ilang minuto…

1 minute, 2 minutes, 3, minutes, 4 minutes….

*Doorbell: Putangina may tao*

Nagkagulatan ang tatlo…

*Doorbell: Hoy putangina niyo may tao*

Nanay nila: Si Rodel!!!

Christine: Baka nakalimutan ibigay ang sign?!

Sabay sabay na silang pumunta ng gate para buksan ang pinto bago pa tumunog ulit ang doorbell.

Binuksan nila ang pintuan ng gate…Hindi si Rodel, walang Rodel na bumalik. Ang boyfriend ni Christine ang nasa tapat ng gate, nakangisi, masaya at may dalang bulaklak, mga bulaklak na pinaghalong kulay pula at puti.

Boyfriend ni Christine: Happy birthday Lorena, bulaklak para sa’yo…

*Sabay-sabay napasigaw ang tatlong babae*

Chorus: ANG SIGN!!!

* POKER FACE ANG LAHAT*


The End






Saturday, December 1, 2012

Ano ba dapat title nito? paki-comment sa baba kung ano sa palagay mo, wala ako maisip eh.



1. Sa tingin ko isa sa dahilan ng pagtaas ng crimes sa pinas ay dahil sa mga nagpopost ng mamahaling bagay at masasarap na pagkain sa facebook, okay LOL muna ako, LOOOL. Karamihan membro ng facebook ay mga social climber, mga pa-cool, mga sunod-sa-uso, mga mayayabang, at kung anu-ano pang "mga". Lahat ng katangian na yan ay pinamumunoan ng tinatawag na inggit. Oo. Mga social climber na yan? Mga pa-cool na yan? At mga sunod sa uso na ‘yan? Naglalagablab ang inggit sa kanilang katawan. Dahil sa tindi ng inggit sa katawan nila sahni ng mga nakikita nilang mga magagarang bagay sa facebook. Mahina ang mga ganyan tao, kaya nate-tempt gumawa krimen. Magnanakaw, manghuhold-up, basta gagawin ang lahat ng paraan para lang makakuha ng pera at nang sa gayon ay makabili ng gaya ng mga makikita nilang mga bagay sa facebook ng friends nila at para makakain sa mamahalin na restaurant tulad ng sa kaibigan nila. Para din may maipost sila, para hindi sila huli sa uso.
Hindi ko alam kung bakit yan sumagi sa isip ko, too much movie lang siguro ako, noh?

2. Last week pinanood ko ang movie na “TOP SECRET AKA BILLIONAIRE”, biography film tungkol sa youngest billionaire ng Thailand na si dksrj ioeruighwqfenl (Hindi ko na natandaan ang name dahil ang hirap e-pronounce). Nagsimula na siyang kumita ng pera at age of 16, naging millionaire at age of 19, at ngayon sa kasalukoyan sa edad na 27 ay isa na siyang billionaire. Inspiring film daw, pero bakit ganun after ko mapanood, gusto kong umiyak, gusto kong kumain ng panis na kanin habang inaamoy ang medyas ng roommate ko. Gusto kong sisihin ang sarili ko lalo na'ng magulang ko dahil pinag-aral nila ako. Bakit ganun karamihan sa mga milyonaryo o bilionaryo ay mga bulakbol sa school? Wala silang gana mag-aral, hindi nila tinapos pag-aaral nila. Nagsisi ako na tinapos ko ang pag-aaral ko. Para sa lumikha ng film na ‘yun, thank you very much for making me feel so bad, charot!
Seryoso, hindi ako nag-inspired sa movie na 'yun, talaga naisip ko na sana hindi ko tinapos ang pag-aaral ko.

3. Tatlong uri ang kaibigan.

Ikaw – Ito ‘yung si best friend. Sino best friend mo? Siyempre IKAW lang. 
Siya – Ang kaibigan mo na nandyan kapag wala si Ikaw na minsan ay pinagseselosan (ni IKAW). Siya ‘yung kaibigan mo na gusto niyang maging si IKAW. Sino kasama mo kanina sa mall? Tanog ni IKAW, SIYA ang sagot mo. 
Sila – Ito ‘yung mga taong nasa paligid mo, SILA. Ito ‘yung mga kasama at kakilala. Minsan mga kasamahan ninyo ni SILA at IKAW. Minsan sa kanila mo makikilala si IKAW at SIYA.

*Sana naitindihan niyo pinagsasabi ko, LOL.


4. May tatlo pa palang sangay ang KAIBIGAN, ito ay ang Ka-ibiganKa-landian at Kaibiglandian. Kahit saan dyan lahat masaya.
Naiisip mo naiisip ko? Tara.

5. Bakit masarap ang bawal? Isa sa hindi mahanapan ng saktong sagot, kalevel nito ang tanong na what is love? Minsan lagi ko din ‘yan naitatanong sa sarili ko, bakit nga ba masarap o masaya ang bawal? Ako na sasagot sa sarili ko, sa palagay ko kaya masarap o masaya ang bawal ay dahil minsan ang BAWAL ang kumukupleto sa kaligayahan ng isang tao. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit may mga taong hindi masaya, karamihan kasi sa kanila ay ‘yung mga hindi gumagawa ng bawal. 
Tara gawa tayo ng bawal, kumpletohin kita.

6. Good news. Nadiskubre ko na ang ingredients ng tae. Kung ano ang kinakain mo ‘yun ang ingredients ng tae mo. Sinubukan ko isulat lahat ng kinain ko, tapos naisip ko nalang na, “ayyy, ito ang ingredients ng tae ko”. Matanong ko lang, kung parehas tayo ng kinain buong araw, parehas din kaya ang magiging kulay, amoy, etc…ang tae natin? Pakisagot pls.
I need a volunteer para sa experiment ko na ito, pls.

7. Dati nagtataka ako kung bakit kelangan pa e-edit ang litrato para lang mapaganda mo ang sarili mo. Pero ngayon naiitindihan ko na. Ang “photoshop” o kahit ano mang pang-edit sa mukha natin sa litrato, ay isang make up sa online. Kung may make up sa totoong buhay (tulad ng....wala akong idea) siyempre meron din online, at ito ay ang Photoshop at kung anu-ano pang edit sa picture.
Mare, ano make up mo” comment ni Inday sa picture ng kumare niya sa FB/Istagram/etc. “Ahh mare, PiZap mare, maganda subokan mo. Friendly user at talagang nagmumukang natural ang beauty mo, lalo kang gaganda online” sagot ni kumara.