*Sa salas*
Si Lorena, nagkaupo sa kanilang
sofa, ahhh at nakasandal pala, nakapikit ang mga mata at taimtim na nagdarasal.
Lorena: Diyos ko po, kinakabahan
po ako, hindi pa ata ako handa, bigyan ninyo po ako ng sign.
*Sa Kusina*
Mga labi lang ni Lorena na parang
puwet ng manok ang galaw ang nakikita ng kanyang pamilya habang pinagmamasdan
siya.
Kapatid nilang lalake: Ate
Christine, ano sa palagay mo dinadasal ni ate Lorena?
Christine: Ogag ka?
nandito tayo pareho, paano ko malalaman, ano ‘yun konektado ang tainga ko sa
bibig niya?
Kapatid nilang lalake:
Hahaha...ate naman, siyempre, babae ka eh, parehong may dugong umaagos sa inyo
every month, so sigurado ako mahuhulaan mo.
*Batok sa ulo sa kapatid na
lalake*
Nanay nila: Tumigil nga
kayo dyan, birthday ng kapatid niyo at mukhang malaki ang problema. Puntahan
muna natin, mamaya na ‘yang mga nilulutong handa.
*Sa salas ulit*
Tumabi ang nanay nila kay Lorena,
si Christine naman at kapatid nilang lalake ay nasa kabilang upoan. Lumipat sa
kabilang puwesto ang kapatid nilang lalake, malayo sa tatlong babae, malapit sa
telebsisyon.
Nanay nila: Anak, may problem
ka?
*Malungkot na titig mula kay
Lorena sa kanyang nanay*
Lorena: ‘nay, pupunta dito
mamaya si Rodel. Formal niyang hihingiin ang kamay ko.
*Napalingon ang kapatid nilang
lalake, mukhang nagulat sa narinig*
Kapatid nilang lalake: ha?
Hihingiin ang kamay mo? edi mawawalan ka ng kamay, paano na ang malamig mong
gabi? Hahaha
*Tinamaan ng lumilipad na
tsinelas ang kapatid nilang lalake, sapol*
Christine: Sira ulo. Akala
ko kung ano na sasabihin mo, may pagulat-gulat effect ka pa.
Nanay nila: Hayy naku
kayong dalawa talaga kahit kelan. Lorena ano naman problema don? Limang taon na
kayong magkasintahan diba? Siguro naman sapat na panahon ‘yun para makilala
niyo ang isa’t isa.
Lorena: ‘nay, OFW si
Rodel, sa loob ng limang taon na ‘yun, limang beses lang kami nagkita ng
personal. Kadalasan sa computer lang kami.
Kapatid nilang lalake:
Kaya pala daming tissues sa trash can natin….hahahaha, buwahahaha, aksaya ka sa
tissues. hahaha
*Matalim na mga tingin ang
sumaksak sa kanilang kapatid na lalake mula sa kanilang tatlo*
Kapatid na lalake:
Ok…ok..chillax lang kayo girls. Nagbibiro lang ang nag-iisang lalake sa buhay
ninyo. hehehe..okay na, nakatahi na bibig ko. Hehe
Christine: So, ano plano
mo?
Lorena: Wala. Hindi ko nga
alam, kaya nga nagdadasal nalang ako, nagwish at dahil birthday ko naman ngayon
baka magkatotoo, sana bigyan ako ng diyos ng sign.
Kapatid nilang lalake:
Naks, parang sa pelikula ah…. *(Kinakanta) I saw the sign, when I open your
legs wide open, and I saw the sign, its malaki* LOOOL
Sabay-sabay mga babae:
ULOOOOOOOOOOLLL
*Laugh trip ang pamilya*
Nanay nila: Anak, anong
sign ang hiningi mo?
Lorena: Hehehe. Kung sa
pagpunta niya rito at may dala siyang bulaklak na pinaghalong kulay puti at
pula, siya na. Siya na nga ang lalakeng para sa akin, oo ang isasagot ko sa
kanya. Kasalan na.
Kapatid nilang lalake: Ang
dali naman ng hiningi mong sign. Siyempre magdadala yun, birthday mo din kaya
ngayon
Christine: Ungas,
pinaghalong puti at pula na rosas, kung magdadala man ‘yun hindi ganun ang
combination.
Lorena: At never pa ako
nabigyan ng mga rosas ni Rodel.
Kapatid nilang lalake:
Hahahahaha, kawawang mga nilalang, parehas kayo ate Lorena ni ate Christine,
never din nakatanggap ng bulaklak mula sa kasintahan. Hahaha, kukuripot ng mga
bf niyo, wtf lang.
Nanay nila: Nak, ito pera
lumabas ka, manood ka ng sine, tatlong libo ‘yan, tatlong movies papanoorin mo
sa sine, yung sukli bili mo condoms at lubricant, at wag ka magpapagabi.
Kapatid nilang lalake:
Ayos, I love you ‘nay, kahit kailan nababasa mo ako at alam mo ang kiliti ko.
*hehehehe*
~~~~~~
*Si Rodel at ang kanyang best
friend*
Rodel: Pare kinakabahan
ako…paano kung hindi ang isagot sa akin ni Lorena?
Best friend: Edi, tuloy
ang flight mo bukas pabalik Dubai. If oo naman siya, text mo lang ako para
pa-cancel ko flight mo. ako na bahala kung ilang buwan ka ma-extend ng bakasyon.
Rodel: Thanks pare, sige
alis na ako.
Best friend: Good luck pare…teka
p’re, bakit may dala kang bag pack?
Rodel: ah…nilagay ko ang
flowers na bibigay ko sa kanya..hehehe, ito oh.
Best friend: alanjo p’re,
ano ‘yan, bakit pinaghalo mo ang pula at puti?
Rodel: Kasi, ang PULA,
representing my RED BLOOD, handa ako ialay sa kanya, at ang PUTI siyempre my
WHITE BLOOD, hindi na kailangan ng paliwanag dyan, hahaha.
Best friend: Gago! Sige
na, good luck nalang sa’yo, sana dinamihan mo ang puti.
*Naglaugh trip ang dalawa*
~~~~~~
*Nasa tapat na ng bahay nila
Lorena si Rodel, kinakabahan itong pinipindot ang doorbell*
*Doorbell: Putangina may tao*
Inulit….
*Doorbell: Hoy putangina niyo may
tao*
Ulit pa…
*Doorbell: Putangina mo, umalis
kana mga bingi ang nasa loob ng bahay*
*Nagkagulo ang tatlo sa loob ng
bahay*
Christine: Nandyan na si
Rodel sa labas!!!
Nanay nila: Sige, ako na
magbubukas….
Lorena: ‘nay, the sign,
the sign, the sign, the sign!!!
Nanay nila: oo, wag ka
sumigaw!!!
*Pinagbuksan ng nanay nila si
Rodel ng pinto …walang nakitang bulaklak, walang sign…nalungkot.*
Nanay nila: Pasok ka
Rodel.
*Nauna na nang pumasok sa loob ng
bahay ang nanay nila…*
Nanay nila: *suminyas sa
dalawang anak* Walang sign…
*Nalungkot ang tatlo….*
Naupo si Rodel sa sofa kaharap si
Lorena, kinakabahan ito kaya nakalimutan ang dalang bulaklak na ibibigay sana
kay Lorena.
Rodel: Aummhh....Hi!
Lorena: Hello! Del, auhmmm….hindi
ko alam kung paano ko ito uumpisahan.
Rodel: Ano ibig mong
sabihin…?
Lorena: Del, I am sorry…
Rodel: Ohh please….
*Naghalo ang hiya, sakit at
kalungkotan sa buong katawan ni Rodel, dahil nandon ang nanay at kapatid ni
Lorena*
Lorena: I don’t think I am
ready, sana maitindihan mo ako.
Nalungkot si Rodel, may
naramdaman tubig sa kanyang mga mata. Hindi na nagsalita pa, tumayo nalang at
nagpaalam sa kanila.
*Ngarag ang boses*
Rodel: Lo…lore…hhaayy…hanggad
ko ang iyong kaligayahan.
Nanay nila: Rodel…..*buntong
hininga*
Mahabang patlang ang namagitang
sa kanilang tatlo….
*Patlang*
*Patlang*
*Patlang*
*Patlang*
*Patlang*
Si Christine na ang bumasag sa katahimikan…
Christine: Kailangan ba
talaga Lorena na hayaan mo sa sign ang desisyon mo? kailangan ba talaga ang
sign ang magdesisyon para sayo?
Nanay nila: Ganun talaga
ang tao, kapag hindi sigurado sa desisyon niya o kahit na anong gagawin. Maghahanap ito ng
tulong para magdesisyon para sa kanya, lalapit sa isang bagay o gawain na
minsan ang tao lang may likha para matapos ang paghihirap ng kalooban niya. Parang
maghahanap ng dahilan, ng excuses, ng kakampi, at kung anu man yung hanap niya.
Lorena: Oo, dahil, dahil,
dahil….sa totoo lang hindi pa talaga ako handa, with or without the sign.
Nagyakapan ang tatlo…Si Rodel
nasa harapan ng gate nang biglang naalala ang dalang bulaklak. Binuksan nito
ang bag, kinukha ang flowers at nilagay sa tapat ng kanilang gate.
Makalipas ang ilang minuto…
1 minute, 2 minutes, 3, minutes,
4 minutes….
*Doorbell: Putangina may tao*
Nagkagulatan ang tatlo…
*Doorbell: Hoy putangina niyo may
tao*
Nanay nila: Si Rodel!!!
Christine: Baka
nakalimutan ibigay ang sign?!
Sabay sabay na silang pumunta ng gate para buksan ang pinto bago pa tumunog ulit ang doorbell.
Binuksan nila ang pintuan ng gate…Hindi
si Rodel, walang Rodel na bumalik. Ang boyfriend ni Christine ang nasa tapat ng
gate, nakangisi, masaya at may dalang bulaklak, mga bulaklak na pinaghalong kulay pula at puti.
Boyfriend ni Christine:
Happy birthday Lorena, bulaklak para sa’yo…
*Sabay-sabay napasigaw ang
tatlong babae*
Chorus: ANG SIGN!!!
* POKER FACE ANG LAHAT*
The End
Kulet! Sayang ang effort ni Rodel. Siguro 'di talaga sila para sa isa't-isa.
ReplyDeletemas naaangkop na title dito ay: DOOR BELL.
ReplyDeletengayon ko lang nalaman na nagti-tissue din pala ang mga babae? hehehe...
Ang lesson kasi jan wag ng maghintay ng sign. pag gusto, gusto. pag ayaw, ayaw. wag na papilit kay God o sa destiny. :P hehe
ReplyDeletePumiPBB Teen. dyuk! Hung kulit pero may lessson ah :P
ReplyDeletetsk tsk tsk.... bakamagkaroon pa ng secret affair dahil sa sign na yan. hahahahaha.
ReplyDeleteShunga din naman kasi ni Rodel, Bulaklak, ilalagay sa bag? hontongo lungs hhehehe
hangkulet lang pero like ko ang message na nakapaloob dito...
ReplyDeletepero minsan di maiwasan na maghintay tayo ng mag signs hehehe
nice one!
nyahaha! ayan paniwalang paniwala sa mga sign yan tuloy...
ReplyDeletesan ba nakakabili ng doorbell na yan? mas interesado ako sa doorbell!!!
iba talaga pag si sir Akoni na ang nag kwento kakaibang twist haha
ReplyDeletethey didn't saw the 'real' sign . hahaha
ReplyDeleteang kulit nito pare . kakaaliw.
Good read...real laugh!!! Ganda ng ending... Well, they're not meant to be...Dapat nilabanan ang batas ng destiny ant the absence of any signs is also a sign...tsk
ReplyDeleteThe most occurrences of Lupus. One day I will end up instilling
ReplyDeletethe wrong reasons.
Feel free to surf to my web page; Belspring lupus specialist
But what I do experience is in fact, prayers from approximately
ReplyDeletethe globe were being lifted up. They were warned that at one time Web web site.
That byword certainly stuck in shoes and that he cannot proceed forrad.
This cognition could someday star to feelings of isolation,
aloneness, fear, and more than. solely I was taking it at very endorse in patients of PD with dementedness.
Tremors with parkinson's diseaseUp to 70% of all tasks such as alternating movements between both work force or both feet.
Also visit my blog post :: Mc Cracken parkinson's disease specialists
solely by eating an apple protect the center since the
ReplyDeleteHDL cholesterol carries a protective purpose on the arteries.
my blog :: treatment reviews hair cholesterol
my site - treatment reviews hair cholesterol