Nabanggit ko na ata sa ibang blog na hindi ako mahilig
umattend sa mga okasyon. Basta maraming tao lalo na kung mga kamag-anak. Hindi
ko alam kung dahil nahihiya lang ako o talaga lang may issue ako noon at ang
arte ko lang.
“Paano kana kapag wala na kami kung wala kang kakilala sa
mga kamag anak natin o hindi ka nila kilala?” ‘yan ang laging linya sa akin ng
tatay kong may mukhang pinaghalong Vic Vargas at Dante Rivero at kunting George
Estregan sa tuwing pinipilit niya akong sumama sa isang pagtitipon.
Nasanay na kasi akong laging natambay sa bahay, kaya mas
nagustohan ko ‘yun. Laging may time limit ang paglalaro sa labas, may curfew.
5:30pm to 6:00pm dapat nakadapo na ako sa bahay at tumitilaok na, parang manok
lang.
May mga kinikimkim akong dahilan noon (o hanggang ngayon)
kaya ayaw ko pumunta sa mga okasyon, lalong lalo na kung kamag anak ang
magtitipon-tipon or isang family reunion.
1. Hindi ako sanay o nahihiya/natatakot akong makihalubilo sa mga rich kids – Mga bully sila. Nasa 6 taon gulang ata ako noon nang mapagtripan ako ng mga bata sa pinuntahan namin, mga kamag anak namin na mayayaman. Kinuha nila yung baril-barilan ko na gawa sa kawayan at mga goma ko, pati mga jolens magdangal ko. Wala akong nagawa kundi umiyak nalang, isipin mo nalang kung anong truma ang aabotin ng isang bata kapag igawaan mo ng kayaman (mga laruan), masaklap parekoy. Mula noon sinumpa ko na ang mga rich kids, dapat silang mabura sa planetang Earth, sila ay mga sugo ng kadiliman, sa isip ko.
2. Bata palang ako, alam ko nang cute ako. Pero dahil dugyot ako at pobre, walang pumapansin sa akin. Alam mo ‘yun? ‘yung confident ka na ang pogi mo, tapos hindi ka pinapansin? Walang pipisil sa bisngi mo? Mga bulag ba sila? Sila ang sumugo sa mga rich kids para gulohin ang mundo namin mga batang X.
3. Ayaw kong naa-out of place, taga earth din ako pero kapag nasa isang okasyon ako, feeling ko nasa ibang planeta ako. Ayaw ko nang ganun feeling, pakiramdam ko isa akong alien.
4. May diperensya ang tiyan ko, lagi ako natatae sa mga okasyon. Nananadya ata.
5. Laging may pagyayabang sa mga okasyon, hindi ko namamaster ‘yun. Lahat ng tao ay may yabang katawan, may oras at panahon na ayos lang gamitin ito, ayos lang magyabang. Pero ako, kahit may oras na ayos lang magyabang, wala talaga akong maipagyabang. Pabangohan lang ng kili-kili ang kaya ko.
6. Ayaw kong naja-judge. Mas gusto kong laitin nalang. Parehas lang ata yan.
Ang pinakamatindi sa lahat…
7. “’Tay, hindi ba pinsan mo mga ‘yun, mga tito ko?” Pekpeksman na kulay pink tandang tanda kong tanong ko kay tatay na may mukhang pinaghalong Vic Vargas at Dante Rivero at may kunting George Estregan. Oo, ang sagot sa akin ni tatay na may mukhang pinaghalong Vic Vargas at Dante Rivero t may kunting George Estregan? “Eh bakit hindi kayo pinansin, dinaanan lang tayo?” Tanong ko ulit. “Anak, kasi mga mayayaman mga ‘yun” ‘yan ang sagot niya sa akin.
Nasaktan ako, sa murang isipan at katawan ay nalaman ko na
kung gaano kalayo ang agwat ng langit at lupa.
Mahal ko ang tatay ko, kaya bilang isang bata na
sinasamba ang power rangers, maskman at bioman, sempre kakampi at ipagtatanggol ko ang
tatay ko. Mula noon ay iba na ang natamin sa isip ko, nagkaroon na ako ng
takot at hinanakit sa mga mayayaman sa pamilya namin o kahit sa ibang tao,
pare-pareho sila. Hanggang ngayon ay dala-dala ko parin ‘yun, kaya nangako
akong balang araw, balang araw tatama din ako sa lotto at kung hindi man ako
swertehin sa mundong ito, balang araw ay mamatay din kaming lahat.
Pero ngayon narealized ko na kasalanan ‘yun ng tatay ko, dahil yun ang naitanim niya sa
isipan ko, at dahil hindi na ako ngayon isang bata na umaasa na balang araw ay
tatamaan ng kidlat o maiipotan ng ibon sa ulo at magkakaroon ng powers, natuto na ako ngayon mag adjust,
natuto na rin ako magfeeling mayaman, LOL, makisama sa kanila.
*Ang haba ng intro…*
~~~
Last Friday naimbetahan ako sa isang pagtitipon, isang
thanks giving. Nakarecieved ako ng PM mula sa pamangkin ng asawa ko, “Tito
attend ka bukas after prayer sa thanks giving ni baby”. Nagulat ako, muntik na
akong magsaing ng kanin para kainin lahat pati rice cooker dahil sa kaba na naramdaman
ko, na parang kinukuryente ang laman loob ko, muntik ko nang gawin tea ang
medyas ko at isampal ang paa ko sa mukha ng kasama ko.
“Oh my betlog na aalog-alog” ang nasa isip ko, “pupunta o
hindi” ‘yan ang umiikot na tanong sa isip ko na tila kinakain ang laman ng utak
ko. Ang ginawa ko’y madali kong tsinek kung pasok sa criteria ng okasyon na
hindi ko dapat dalohan.
Mga rich kids, check, mga rich families, check, mga pogi at
magaganda, check, karamihan first time ko mamemeet, check, at mga langit,
check, paano na ito? Halos hindi na ako makatulog sa kakaisip kung pupunta ba
ako o iinom ng isang tasang downy na may halong tatlong kutsarang zonrox with
downy din, oo, dapat may downy lagi para swabe. Hanggang sa naglevel 2 ½ na ako
sa pag-iisip, kailangan ko pumunta dahil pamilya sila ng asawa ko. Ang dapat na
nandon ay ang asawa ko at dahil nasa dulo siya ng dila ng Saudi hindi siya
makakadalo, kaya kailangan ako ang nandon bilang kaisang diddib niya at kadikit
dila at oppsss. Kaya ang naging desisyon ko ay ang pumunta on behalf of my
wife, ‘yun ang inisip ko, pupunta ako sa digmaan alang-alang sa asawa ko.
Bahala na si batm…..si Ako.
Sabi ng asawa ko, “Be yourself honey” para hindi ka kabahan.
Lalo akong kinabahan, dahil kilala ko ang sarili ko, may pagka-naughty ako ng kalahati, bwehehehe, baka hindi nila 'yun magustohan. May
mga oras at panahon talaga na hindi kailangan maging “Be yourself” ka,
kailangan mo gamitin ang kabilang self-mo, para maging ibang tao. Paminsan-minsan kailangan maging ibang tao ka rin. Lahat ng tao ay may dalawang
personality, “Ang tunay na sarili mo” at ang “Isa pang tunay na sarili mo”
lahat ikaw ‘yon, malabo lang ako mageksplika.
Swerte ako dahil may kakayahan
akong lahat gamitin ‘yon sa tamang paraan at saktong oras, sa oras ng
pangangailangan. ‘yun iba kasi minsan dahil sa sobrang kaba nito, ang
naihaharap niya ay ‘yung maling “sarili” niya sa mga tao, kaya thumbs down at
middle finger ang nakukuha niyang grado. Hindi ko alam kung nagets niyo
ako, basta ‘yon na yon. BOOM!!! Ang gusto ko lang sabihin ay kailangan alam
natin gamitin pareho ang dual personality natin.
~~~
As expected, maraming tao sa salo-salong iyon. Sa pintuan parang
gusto ko nang magback out patumbling palabas at sumigaw ng “Saider”. Pero
nandon na eh, nakita ko na ang handa, sayang kung magbaback out pa ako, diba,
mukhang masasarap pa naman ang luto, mga paborito ko pa ata.
Tulad ng inaasahan ko, sa una, feeling alien na naman ako na
nakikihalubilo sa mga tao. Bago sa isang lugar eh, mga bagong mukha, at mga
hindi kaamoy. Pero salamat naman dahil marunong pala tumanggap ng tulad ko ang
bagong kapamilya ko, marunong silang ituring na tao ang alien na tulad ko.
Natuwa, nakitawa, nahiya, nakikuwento, nakikinig, nakibusog,
nasiyahan, at kung anu-ano pang masasayang feelings ang naisaksak nila sa
katawan ko. Umalis akong may baon pang mga pagkain, how cool is that eh?
Naging masaya ang gabing iyon, kahit medyo sinira ng isang
manyakis na driver na nasakyan ko pauwi. Tsk. Sumpa ang magkaroon ng kyut na
mukha dito sa bansang Saudi Arabia. Sa next story ko nalang ito ikukuwento.
Maraming salamat sa inyo…
Alam kong hindi nila ito mababasa, sana sa pamamagitan nito
ay medyo maiparating ko sa kanila ang aking pasasalamat.
I also have hesitations attending family gatherings. I dont enjoy the food served.too bland, too oily or too salty. I dont enjoy answering questions. I dont enjoy cleaning up the mess made by drunk people.
ReplyDeleteI feel you! Ganyan din ako, I have my own reason pero lagi akong awkward sa socialization. Weakness ko ata yan e, hindi lang sa kamaganak. Pati sa ibang tao. Tsk.
ReplyDeletesame here. Somehow.... awkward moments pag may okasyon. Plus factor yung umeeksena ang tyan na akala mo najejebs ka... patay. mga ganung moments.
ReplyDeleteNarealized ko na isa rin pala akong Batang X. Ang mga rich kid na yan dapat ay tapusin na sila. Sila ang kalaban ni sailor moon, mga hator, kampon ng kadiliman. dyuk! Katapusan na nila sa Dec. 21, dyuk. Ang galing ng motivation mo pagkain talaga. Alang alang sa pagkain di na nagback out. lol Mahiyain din ako sa party lalo na kung sa mga kamag-anak ko.
ReplyDeletelol, sa hator! encantadia? :D
DeleteNakarelate ako dito. Hanggang online lang naman ang kadaldalan ko at tanging mga malalapit na kaibigan ko lang ang nakakausap ko ng walang kimi o hiya.
ReplyDeleteNaexperience ko rin na ma-bully dati ng mga alta sa syudad na iyan, lol. Dati kasi wala akong baon ahaha. Kaya tinandaan ko yun at ang ginawa ko, nag-aral mabuti para sa darating na kolehiyo eh sila naman ang hihingi ng tulong sa akin. Hahaha, at nagtagumpay ako sa aking balak.
Insecurity ko lang ngayon sa buhay ay yung dahil hindi ako kaputian. Nahihiya ako minsan tumabi sa mas maputi sa akin.
Nakakatae rin nga kapag minsan nasa handaan ako, ewan dahil siguro sa lamon na ginagawa ko :D
ako din ayoko nakikipagsosyalan sa mga iba kong pinsan lalo na yung mga feeling mayaman!
ReplyDeleteGanyan din ako pati ngayon kaya kung may invitations na kailangang puntahan kung anu-anong dahilan ang nailalabas ng aking medyo malikot na pagiisip. Hindi pa rin maalis ang hiya ko sa ibang mga kamang-anak namin, hanggang ngayon baka next year hindi na haha, o kaya next next year. Pero alam ko maaalis din tong hiyang ito.
ReplyDelete