nuffnang

Tuesday, December 18, 2012

Anti o Pro RHBILL ba ako?



R-18

"Patnubay ng iyong kukote ay kailangan"


Hindi ang paglubo ng population ang problema sa pilipinas, ang problema ay ang paglubo ng mga corrupt na pulitiko o mga officials ng goberno.

Kung maaayos ng goberno ang problema sa corruption, mababawasan ang pagdami ng population natin dahil magkakaroon ng trabaho ang karamihan sa mga Pilipino, magkakaroon ng sapat na sahod plus bunos at more benefits ang mga manggagawa. At kapag may trabaho, magkakaroon ng pangamba sa kanyang kinabukasan lalo na sa mga anak, mawawala ang magic words natin mga pilipino na "bahala na si Batman". 

Hindi na nila kailangan pa tumambay sa bahay para kantotin buong araw ang asawa, magkakaroon na ng social life, kikita ang businesses, magiging busy ang buhay. Magiging aware sa sariling pamilya, sa kapakanan ng pamilya, at kapag ganun ang nangyari, gagawn ng paraan para hindi lumubo na parang uhog sa ilong ang bilang ng pamilya niya.

Hindi ko nabasa ang nilalaman ng RHBILL. Kaya wala akong karapatan mag pro o mag anti tulad ng mga sumasakay lang dahil nauuso, wala akong karapatan magmarunong tungkol dyan. Nakakagago lang kasi dahil may mga nababasa akong reaksyon na kung makapanglait sa mga anti ay parang siya na ang tama sa buong mundo. Hindi porket iba ang paniniwala ng kabila ibig sabihin ay mga bobo at mga gago na sila o mga ignorante na. Hindi porket hindi sila sumangayon sa gusto mo ay mali na sila, tandaan hindi lang ikaw ang may prinsipyong pinaglalaban, hindi lang ikaw ang may karapatan ipahayag ang opinion, kaya puwedi naman sabihin ang opinion mo na hindi kailangan manliit ng ibang tao. State your opinion then shut the fuck up, naks.

Ibig ko sabihin ay wala akong idea dyan. Basta ang alam ko lang ay kaya kong bumuhay ng hanggang apat na pamilya, charot! Pero isa lang ang choice ko, ang gusto ko, mabuti na ang safe kay misis.

Sa mga ANTI, siguro ang mabuting gawin natin ay huwag tangkilikin ang lahat ng programa ng goberno about sa reproductive health, ganun lang yun kasimple. At Dahil sa naniniwala tayong kasalanan ito sa diyos, edi iligtas natin ang atin mga sarili, divaaaahhh? Tayo lang naman makakaligtas sa sarili natin eh. Sa huli naman eh tayo rin mismo ang magdidesisyon kung ano ang plano natin sa atin buhay, kahit ilang tambak pa na RHBILL ang nandyan, nasa atin parin ang desisyon, wala sa mga religious leaders o sa goberno. Takot lang tayo sa pagbabago at hindi natin kasalanan ‘yon, mahirap din naman iwanan ang isang paniniwalang kinalakihan. Kahit aprobado na ‘yan wala rin kwenta kung hindi mo tatangkilikin tulad ng mga propaganda ng mga pulitiko tuwing eleksyon. In short mga kapanalig, laging may choices, at lady’s choice. Basta ito lang alam ko, lahat ng bagay na makakapagdulot ng masama sa katawan/health ng tao o sa isang tao ay pinagbabawal. Dahil dyan, kung hindi naman makakasama sayo ang paggamit ng protection, go, wala kang pananagutan sa taas.

Sa mga PRO naman, apir! Mas magiging safe na ang sex, maiiwasan na ang unwanted pregnancy at kung anu-ano pang unwanted. Makakabawas na ng gastosin ang goberno sa atin pagdating ng pahanon dahil mapipigil ang paglubo ng population. Hindi na magiging mangmang ang karamihan sa usapin safe sex dahil ituturo na ito kung paano gagawin, ituturo na kung paano palalabasin ang tamod sa maayos na paraan. Sana magkaroon din ng actual demonstration ang safe sex at tamang paggamit ng condom sa lalake at babae at kung anu-ano pang pang protection sa sex, ang saya lang non, woohoooo. Mababawasan ang takot ng mga magulang na baka mabuntis ang anak nilang babae, mababawasan pa sila ng trabaho o tungkolin sa mga anak nila na ipaliwanag ang mga ganyang usapin dahil tutulong o ang goberno na mismo ang gagawa sa pagpapaliwanag sa mga kabataan, woohooo ulit. Mawawala na ang takot sa atin na baka makabuntis tayo o mabuntis, mas enjoy na ang pakikipagtalik, woohooooo. Hindi na nakakahiyang pag-usapan ang seks at magiging word of the year 2013 na parang jejemon noon ang salitang KANTOTAN, woohoooo, at puwedi na magyayang makipagseks kahit kanino dahil makakasanayan na natin ito, magiging normal na pagdating ng panahon, sana abotin ko pa yun, wooohoooo. Makakalimotan na natin ang moralidad, wooohoooo. Kaya ilabas ang mga condom at iwagayway sa ere like you just fucking don’t care dahil year 2013 kantotan days  are cumming naaaaa, wooohhoooooo!!!




7 comments:

  1. ang wholesome ng post mong ito akoni. wahhahaa :)

    ReplyDelete
  2. Andami kong tawa dito sir. Pro RH bill din ako. Masyadong malaki na ang populasyon ng Pinas at mahirap suportahan kapag madami ang anak (lalo na yung madami ang asawa hehe).

    ReplyDelete
  3. pro rh....

    para sa akin.... kelangan na kumilos at sugpuin ang paglobo ng populasyon. saka isama na yung sinabi mo na bawasan ang kurap at mga gagong politiko na umuubos ng kaban ng kash. :D

    ReplyDelete
  4. PRO... masyado na kasing huli ang orasan ng pilipinas at hindi namakasabay sa panahon ngayon. Napapag-iwanan na tayo. Ang pagkakapasa ng nasabing batas ay hakbang lamang sa ikauunlad ng gobyerno. Sa aking palagay lamang :)

    FOI na dapat ang isunod diyan... :)



    ReplyDelete
  5. PRO sa punto na dapat may choice ang mga kababaihan sa pagkakaroon ng tamang kaalaman ng pagbubuntis at ilang ma paraan ng kontrasepyon. ANTI ako sa aborsyon at pagkitil ng buhay. Hindi man nakasaad sa bill ang aborsyon, maaari pa ring maabuso ito.

    ReplyDelete
  6. Natututo ako sa mga komento ninyo. Maraming salamuch!

    ReplyDelete