nuffnang

Thursday, December 27, 2012

Pang MMK





Dear Ate Charo,

Magandang gabi po sa inyo, alam ko pong sa gabi ninyo ipapalabas sana ito. Isa po ako sa nakakasubaybay ng inyong programa dahil po sa paborito ito ng aking may bahay, wala po akong choice kundi manood din dahil iisa lang ang telebisyon namin at kapamilya channel po ang asawa ko, alam ninyo naman po mahirap kumontra sa asawa lalo na kapag nasa bahay ka, teritoryo po nila yun eh.

Ang dahilan po ng pagliham ko sa inyo ay para ibahagi sana ang kuwento ko tungkol sa kapitbahay namin na kabit ng isang congressman, joke lang po. Sempre po tungkol po sa akin at nang aking kaibigang lalake, best friend ko po at hindi po ito kahalintulad ng kwento sa broke back mountain mubi.

Nagsimula po ang pagkakaibigan namin nung madiskubre ni Magellan ang Pilipinas. Alam ko po hindi ka naniniwala dyan, ‘wag po kayo mag-alala ganun din po ako dahil nagbibiro na naman po ako ulit. Pasensya po, ganito po talaga ako magsalita kapag kinakabahan, pero ito na po ang kuwento, promise.

Nagsimula po ang aming pagkakaibigan noong 1994, uso pa ang pomade noon at hanggang po ay matatag parin ang pagkakaibigan namin. Oh kayo na po ang bahalang mag-imbento ng kuwento ko, kung ano ang nangyari at kung ano ang title na papahulaan ninyo sa mga viewers. Basta nag-umpisa ang kwento na magkaibigan kami, tapos magtatapos po na magkaibigan padin kami.

Aabangan ko po ang kuwento namin sa programa mong magpakailanman.

Maraming Salamat




8 comments:

  1. napakaexciting ng wento. detalyado! pedeng pede na to sa TV at ang aktors na gaganap ay maaaring manalo ng best actor award. nyahahaha

    pssst, merry christmas akoni

    ReplyDelete
  2. Ano kayang itutugon ni Ate Charo sa liham mo na ito? Ahaha, nautusan pa kasing mag-imbento na ipagtutuloy sa liham. Belated Merry Christmas! Teka, tama ba 'yung may "belated?" :D

    ReplyDelete
  3. sana magawan ni ate charo ng kwento hehehehe

    ReplyDelete
  4. haha at inutusan pa talaga si Mam Charo(t) haha

    ReplyDelete
  5. nyahaha..parang binigyan mo lang ng problema si ate charo!

    napaisip tuloy me, kasi possible naman to gawin nila for the ratings kumbaga...you genius so much my brotha, very genius!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Matagal nang ganyan ginagawa nila....hehe...pero siguro hindi lahat. siguro.

      Delete
  6. pang famas!! swerte ko naman nakilala kita! hahaha pagpunta ko ng manila, papicture naman! ha! hahaha kabag ang title niyan! kinakabag ako kakatawa! hahahaha

    ReplyDelete
  7. Haha. Ang haba ng kwento. At inunahan mo na agad na hindi pangbroke back mountain. Good luck naman kay ate charot! lol :P

    ReplyDelete