nuffnang

Saturday, December 1, 2012

Ano ba dapat title nito? paki-comment sa baba kung ano sa palagay mo, wala ako maisip eh.



1. Sa tingin ko isa sa dahilan ng pagtaas ng crimes sa pinas ay dahil sa mga nagpopost ng mamahaling bagay at masasarap na pagkain sa facebook, okay LOL muna ako, LOOOL. Karamihan membro ng facebook ay mga social climber, mga pa-cool, mga sunod-sa-uso, mga mayayabang, at kung anu-ano pang "mga". Lahat ng katangian na yan ay pinamumunoan ng tinatawag na inggit. Oo. Mga social climber na yan? Mga pa-cool na yan? At mga sunod sa uso na ‘yan? Naglalagablab ang inggit sa kanilang katawan. Dahil sa tindi ng inggit sa katawan nila sahni ng mga nakikita nilang mga magagarang bagay sa facebook. Mahina ang mga ganyan tao, kaya nate-tempt gumawa krimen. Magnanakaw, manghuhold-up, basta gagawin ang lahat ng paraan para lang makakuha ng pera at nang sa gayon ay makabili ng gaya ng mga makikita nilang mga bagay sa facebook ng friends nila at para makakain sa mamahalin na restaurant tulad ng sa kaibigan nila. Para din may maipost sila, para hindi sila huli sa uso.
Hindi ko alam kung bakit yan sumagi sa isip ko, too much movie lang siguro ako, noh?

2. Last week pinanood ko ang movie na “TOP SECRET AKA BILLIONAIRE”, biography film tungkol sa youngest billionaire ng Thailand na si dksrj ioeruighwqfenl (Hindi ko na natandaan ang name dahil ang hirap e-pronounce). Nagsimula na siyang kumita ng pera at age of 16, naging millionaire at age of 19, at ngayon sa kasalukoyan sa edad na 27 ay isa na siyang billionaire. Inspiring film daw, pero bakit ganun after ko mapanood, gusto kong umiyak, gusto kong kumain ng panis na kanin habang inaamoy ang medyas ng roommate ko. Gusto kong sisihin ang sarili ko lalo na'ng magulang ko dahil pinag-aral nila ako. Bakit ganun karamihan sa mga milyonaryo o bilionaryo ay mga bulakbol sa school? Wala silang gana mag-aral, hindi nila tinapos pag-aaral nila. Nagsisi ako na tinapos ko ang pag-aaral ko. Para sa lumikha ng film na ‘yun, thank you very much for making me feel so bad, charot!
Seryoso, hindi ako nag-inspired sa movie na 'yun, talaga naisip ko na sana hindi ko tinapos ang pag-aaral ko.

3. Tatlong uri ang kaibigan.

Ikaw – Ito ‘yung si best friend. Sino best friend mo? Siyempre IKAW lang. 
Siya – Ang kaibigan mo na nandyan kapag wala si Ikaw na minsan ay pinagseselosan (ni IKAW). Siya ‘yung kaibigan mo na gusto niyang maging si IKAW. Sino kasama mo kanina sa mall? Tanog ni IKAW, SIYA ang sagot mo. 
Sila – Ito ‘yung mga taong nasa paligid mo, SILA. Ito ‘yung mga kasama at kakilala. Minsan mga kasamahan ninyo ni SILA at IKAW. Minsan sa kanila mo makikilala si IKAW at SIYA.

*Sana naitindihan niyo pinagsasabi ko, LOL.


4. May tatlo pa palang sangay ang KAIBIGAN, ito ay ang Ka-ibiganKa-landian at Kaibiglandian. Kahit saan dyan lahat masaya.
Naiisip mo naiisip ko? Tara.

5. Bakit masarap ang bawal? Isa sa hindi mahanapan ng saktong sagot, kalevel nito ang tanong na what is love? Minsan lagi ko din ‘yan naitatanong sa sarili ko, bakit nga ba masarap o masaya ang bawal? Ako na sasagot sa sarili ko, sa palagay ko kaya masarap o masaya ang bawal ay dahil minsan ang BAWAL ang kumukupleto sa kaligayahan ng isang tao. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit may mga taong hindi masaya, karamihan kasi sa kanila ay ‘yung mga hindi gumagawa ng bawal. 
Tara gawa tayo ng bawal, kumpletohin kita.

6. Good news. Nadiskubre ko na ang ingredients ng tae. Kung ano ang kinakain mo ‘yun ang ingredients ng tae mo. Sinubukan ko isulat lahat ng kinain ko, tapos naisip ko nalang na, “ayyy, ito ang ingredients ng tae ko”. Matanong ko lang, kung parehas tayo ng kinain buong araw, parehas din kaya ang magiging kulay, amoy, etc…ang tae natin? Pakisagot pls.
I need a volunteer para sa experiment ko na ito, pls.

7. Dati nagtataka ako kung bakit kelangan pa e-edit ang litrato para lang mapaganda mo ang sarili mo. Pero ngayon naiitindihan ko na. Ang “photoshop” o kahit ano mang pang-edit sa mukha natin sa litrato, ay isang make up sa online. Kung may make up sa totoong buhay (tulad ng....wala akong idea) siyempre meron din online, at ito ay ang Photoshop at kung anu-ano pang edit sa picture.
Mare, ano make up mo” comment ni Inday sa picture ng kumare niya sa FB/Istagram/etc. “Ahh mare, PiZap mare, maganda subokan mo. Friendly user at talagang nagmumukang natural ang beauty mo, lalo kang gaganda online” sagot ni kumara.





13 comments:

  1. hahaha...XD rumarandom si pareng akoni. hayaan na sila hanggang sa bagay na lang sila. kahit nasa kanila pa ang pinakamagagandang bagay sa balat ng lupa kung pangit lang din sila, wala ring kwenta. And no one will steal their duck face profile photos. LOL!!

    Title: bitch please...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga noh? "bitch Please" hindi ko naisip yun ah...

      Delete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Title: Pinotoshop na tae ng kaibigan mong bilyonaryo na kinaiinggitan ng mga magnanakaw sa fb...

    Ayown, pinatulan ko ulet ang pakulo mo akoni... ganun talaga ako e... pumapatol... lalo na kung bawal... hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha..sa totoo lang mas natawa ako sa title mo..hahaha langya.

      Delete
  4. mukang pasok ang title ni Juan! mas okay sa isusuggest kong 'RANDOM' whahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. apir! wag nang pahabain ang title RANDOM nalang..wehehehe

      parang felt ko ang arrive ng ka-landian! waaaaa!

      nga pala brotha tigilan mo na ang pagsinghot ng tae mo, dapat flush agad...humahyper ka na naman at kung ano-ano na naman pumapasok sa utak mo!!!

      Delete
  5. Ang mga social climber ay billionaire sa kaibigan, bawal silang tumae dahil ang ingredients ng kalandian ay photoshop. <--- Iyan ang title. Lol sa post mo na'to. Dami mong alam master :P

    ReplyDelete
  6. Meron akong ka-ibigan at ka-landian, pero 'di ko pa natry yung kaibiglandian.

    Gusto ko rin yung title ni Sir Juan. Hahaha.

    ReplyDelete
  7. title:
    Ang laro ni Juan
    happy hunger games! don't forget to wash your hands.

    tinanong ko si Robin Jr. ito ang walang ka gatol-gatol na tinuran niya:
    Sa taas daw ng mga bilihin sa ngayon at patuloy na pagababa ng value ng dollars against peso,ito ay libre lang mula kay Mark pagbigyan na sa hilig.

    ReplyDelete
  8. Like any mаsѕіvely multiplaуеr online іΡhοne/ipaԁ Game releaѕed on the 7 Fеbгuary 2013
    by Glu Mobilе. I also hаd a hard time finding аny indeрendent online reviews of the neω Applе ipad a definitе edge wіth іts
    lоne mоԁel coѕting half
    of what theу paid. Onе apр that Ι cοuld one daу in thе laѕt threе mοnths, spend an
    hour withοut rаiѕing deservеs nο leѕs
    than sіх mοnths to" correct the damaging impression"
    lеft bу Applе's suit against Samsung. I almost forgot the blogs!

    Here is my webpage :: wiki.autojuvo.com

    ReplyDelete
  9. Ӏt's powered by a quad-core processor, but do not define the SoC by model number. It was also a major talking point of this phone has created a device that is unsurpassed in terms of contrast depends on ambient lighting, what material you're looκing at.
    No matter how hard it trіeѕ, it just isn't greater than the sum of its parts. Many of these websites contain the facility to compare the Samsung Galaxy S2. In simple words, this is a good thing.

    ReplyDelete