Grammar pulis, ang tawag sa mga taong eksperto sa English na
nanghuhuli ng maling grammar. Isa ako sa most wanted sa kanila, kaya nga panay
pagtatago ko sa kanila, hehehe. Pero itong si English Pulis na kilala ko, si Mr. Speck of dust ay siya ‘yung buong English na ang sakop niya, kumbaga ay ang grammar pulis ay sa
grammar lang sila nakafocus, siya ay mula sa pronunciation hanggang sa kahanggang-hangganan.
May English pulis dito sa company namin na isa palang patola. Feeling eksperto sa English at hindi lang grammar ang hinuhuli
niya pati pronunciation, laging sinasabi sa amin kung gaano kabobo daw ang mga
ibang lahi dito sa English. Lagi ko naman sabi sa kanya na hindi kakulangan
ng pag-iisip o katalinohan ng isang tao kung hindi ito eksperto sa English,
nagkataong lang na hindi interesado rito.
(Ako nagkataon lang na
matalino sa English ang gf ko nun kaya siya na pinapagawa ko sa mga assignments ko
at kung anu-ano pa, minsan siya na pumapasok para sa akin).
Ang mga arabo at ibang lahi dito ay hindi lang nila priority
ang English language, ang importante sa kanila ay ‘yung may nagagawa sila na
mapapakinabangan ng kompanya kesa makapagsalita ng tuwid na English. May sarili silang salita at sapat na sa kanila ‘yung nakakaintindi na sila
ng English, hindi na kailangan maging perfect o fluent, ang importante sa kanila ay
maiparating nila ang gusto nilang sabihin sa kausap. Kung napapaunlad ng
salita ang isang bansa, siguro isa ang Pilipinas sa magiging
panginoon ng mga bansa sa buong mundo.
Minsan hindi lang ibang lahi ang pinupuna parati ng
English Pulis Patola na'to, pati mga kapwa pinoy na. Feeling superior siya lagi sa kanila, feeling
niya porket sa loob ng kwarto na may air cone ang opisina niya ay lamang na siya sa mga
workers sa labas, ‘yun ang feeling ng patola na ito. Lagi niyang topic sa
amin tuwing lunch time kung paano mag-pronounce ng words ang (mga) kasama
niya. Tapos kapag may bagong kabayan (OFW) rito, una niyang papansinin ay kung magaling ba ito
mag-English o bopols, or kapag arabo naman ay tatanongin kung English ba ang CV nito. Kung
hindi English, ngingisingisi siya na parang asong napuwetan, at kung sinabi mo
naman na English ang CV nito, umiikot ang mata na parang mata ng kuwago.
Aaminin ko, minsan hinuhuli din niya ako sa mga
pronunciation ko. Matigas ang dila ko, hindi tagalog ang native language ko, kaya minsan para akong
nagrarap kapag nag-e-English, ano sabi mo Eminem, yu arr da riyal
slim CD?
Pero ang problema sa English Patola Pulis na ito ay kahit siya ay may mga
sablay din ang pronunciations at grammar, bago ko lang ito nalaman.
Isang araw biglang napuno ako sa kanya, nairita na ako sa
pagiging feeling matalino niya sa English, feeling Mr. Google siya na
lahat ay alam. Kaya gumawa ako ng patibong para mahuli ko siya, alam kong
kakagat siya sa patibong kong‘yun.
Alam niyo ba kung ano ‘yun?
Ito, ‘yan ‘yung mga tanong na pinasasagotan ko sa inyo.
Pinadala ko yan sa kanya para sagotin, alam ko kasi na magyayabang nanaman 'yun at English ang isasagot. Tama nga ang hinala ko, boom! English niya sinagot…at
narito ang sagot niya sa mga tanong ko, walang kulang, walang labis.
1. Yup the world is round is no longer a question because mans ingenuity take us to the moon and travel thru space. Who am I? I’m just speck of dust as we speak.
2. If I am a “kulangot” I don’t what’s the English word of that I would prefer to be stick into the wall at least I can see people passing by. Favorite food nothing in particular as long as it is edible.
3. Yup definitely ,If can help other why not I going to donate as much semen I can produced just give me somebody or someone to tap my thing. LOL.
4. Twice when I have LBM
5. No comment
6. I think I would prefer to talk to myself even those who are not, do. Don’t you think?
7. Wild imagination “you have a career after you finish Sabic” AWriter perhaps”
8. I definitely disagree to make the arguments short I like my eggs well done LOL
Pagkarecieved ko ng sagot niya ay sumakit bigla ang almuranas
ko. Nagmessage ako agad sa kanya, “What have you done?” sabi ko, naging
confident na ako bigla sa English ko. Hanggang sa binanatan ko na siya at
umalis akong duguan ang puwet niya.
*Alam kong mababasa mo ito, kaya HELLO! Congrats dahil
na-feature ka sa blog ko. Bwehehehe. Abangan mo ang susunod na blog ko tungkol
ulit sa’yo. Ang title ay, “Usapang Lalaki” hmmmm..usapang lalaki…hhmmmm I smell
paminta, achooo!!! Tungkol ito sa mga topic na hindi dapat pinag-uusapan ng mga
lalaki, achooo!!! Achooo!!!
Mga tanong:
Multiple choice
1. Kung gagawin title ng isang movie ang “I am speck of dust”,
anong movie genre ito? (10 points)
a. Gay Love
Story/Romance
b. Gay Comedy
c. Gay Adventure
d. Gay Horror
f. Gay porn
g. Gay film
2. Tama ba ‘tong ginawa ko na e-blog siya? (10 points)
a. Tama dahil wala
ka naman binanggit na pangalan, blogger ka kaya walang personalan.
b. Tama dahil gago ang
karamihan sa mga pulis natin
c. Tama dahil
corrupt ang mga putekliko sa atin
d. Tama dahil may tama ka
e. Mali dahil wala akong
pakialam sa’yo pero mahal kita, sana ako nalang, ako nalang ulit, ako nalang.
Essay
1. Ano ang nangyari at dumugo ang puwet niya, ano sa palagay mo
ang ginawa ko sa kanya? Explain in 140 words. (50 points)
2. Papayag ka bang palitan ng “Sumakit/dumugo ang almuranas ko
sa English mo” ang “Dumugo ang ilong ko sa English mo”? Huwag na sagotin, pero
bahala ka. Malaki kana, buhay mo ‘yan, walang kumukontrol sa’yo. (30 points)
Salamat pala sa mga kumasa sa mga tanong ko, lalo na kay IYAKHIN dahil "PINATULAN" ako, sana maulit muli.....LOL
Thanks to:
Si JUAN ay nakakita ng isang supot na DIAMOND sa may KHANTO, pero nakita siya ni ARCHIE. Tinawag ni Archie ang kanyang mga barkada na sina BAGOTILYO, JONDMUR, at JOANNE. Sa may tindahan ni TABIAN BETSIN MUCH nila pinagplanohan na aabangan si Juan para holdapin sana. Pero nang haranganin at gugulpihin na sana nila ito ay biglang dumating ang tagapagligtas na si SUPER JAID......at nailigtas niya ang kawawang Juan.
Sa supot na 'yun ay may isang liham pala.
DEAR ANNA
Hoy babae, ikaw bayad utang mo ha. Ito bigay mo diamond peke, ikaw akin huli pulis. Kaya ikaw bayad agad ah. Ako punta muna sa amin gusto ko ikaw bayad pagbalik ko, kaya ito muna sulat kasama peke mo diamond.
Naniningil,
MS. LEEH
emergerd! tambling much sa grammar ng nazi! wahahaha.
ReplyDeletelike.. ats if!.... The nerd!... Connect me if im wrong... Melanie marquez! lols.
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletenaaliw naman ako dito hehehe --- sa way ng pagkakasulat hehehe
ReplyDeletekahit ako hirap ako sa english... saka di rin okay ang pronounciation ko.... buti na lang di niya ako kilala.. malamang ako numero unong makikita niya hehehe
naaliw talaga ako.... astig ang post na to...
Grabe naman si English Pulis Patola. Haha baka mahuli nya ako. LOL Di rin ako ganun kagaling mag english e. Dito sa New Caledonia isa ang mga Pinoy sa mga hinahangaan sa inglisan. Salamat sa pag-tag mo sakin sa iyong blog. Nakakatuwa pala dito sa kaharian mo :)
ReplyDeletekupal netong si koyah mali mali naman english, sana sinapak mo ng isang buong volume ng encyclopedia brotha para mataohan naman...wahaha
ReplyDeletehehehehe...gusto ko ang google isapak ko, ang lap top ko. hahaha
Deletehongyomon! laptop talaga. hanep!
Deleteanep ang post na ito .. kaya kanina pinipigilan ko na naman ang tawa ko .. ang galeng mo talaga .. salamat sa pag-tag ng blog ko .. nga po pla .. Ms. Leeh talaga ang tawag sakin lalo dito sa office .. kaso ayaw tanggapin ng google nung dati ko pa pinapalitan .. hindi ko po ito isinunod sa "akoNi" mo po .. ngakataon lang .. yun lang po .. nabanggit ko lang naman .. hehehe ..
ReplyDeletebaka kasi ano isipin ng mga basahero mo ..
tnx tnx .. :)
nice post po
IkawSi Leeh - Ikaw na si DORA ng Akonilandiya...hehehe..haha. Maraming salamat nga pala, nakakataba ng pisngi pagpasyal mo sa kasuloksulokan ng kaharian ko.
Deleteui anlayo ng itsura ko kay DORA ha ... negra lang kami pareho pero hindi maiksi at sabog ang buhok ko .. hahaha .. medyo lang ..
Deleteur welcome :)
I agree na hindi porket hindi magaling sa english e bobo na.. Dumugo utak ko sa mga sagot ni Kuya, hehe!
ReplyDeleteNaaliw naman ako at na-extra ako sa short story dito sa blog mo.. :D
Kasi natutuwa ako sayo, sa inyo..charot.
Deleteang sakit sa bangs ni Pulis patola. Gusto ko sana sagutin ang mga tanong mo kaya lang wholesome ang image ko.
ReplyDeletehahaha dumugo ang tenga ko! lol
ReplyDeletemanong gawa ulit ako ng post about sa tanong-tanong na yan eklaboo!
wahaha katawa yung english nya. tss yan napapala ng mga taong masyadong mapanlait. gawin na tong chronicles! =D
ReplyDelete