PANGALAN/ALIAS*: | rpc_halang |
URL: | |
TANONG*: | Sir Akoni, magandang araw (gabi) sa iyo. isa ako (kasama ang mga dati kong ktrabaho) sa masugid mong taga subaybay simula nung napasok ko site mo. hehe ano na po ang nangyari kay Kap Bola? bitin kami dun, kelan kasunod? hehe. dito din nga pla ako ngayon sa KSA, dito sa Riyadh. sana ay marami ka pang maipost dito sa site mo na mga makabuluhang istorya para mawala ang home sick. God bless! Rez |
Matagal na ‘yan sa inbox ko, at hindi ko alam na mayroon palang sumusubaybay sa mga kuwento ko. Hindi ko alam kung magsasaya ako o kakatayin ko nalang 'tong roommate ko, basta naligayan ako, siyempre as usual parang orgasm na naman. Oo nga pala, pasensya na dahil bihira lang ako ngayon magkwento (naks), at dahil nagrequest ka ng kapitan bola, umasa kang pipilitin kong taposin ang kwento kahit magkaalmuranas pa ako. Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung paano 'yan tataposin. LOL
Maraming Salamat Ulit, salamat sa mga messages mo sir, ingat lang baka magka-inlaban tayo.
Sa mga gustong makiride on sa
trip ko, nandito ang part 1, tapos dito ang part 2 at narito na ang part
3.
Costume ni KAPITAN BOLA |
Sa akin paglalakad, hindi
parin mawala sa isip ko ang matanda, kinilabotan tuloy ako dahil
parang nakikita ko ang paglalandi niya sa akin. "Haayyyyy-eow, weird"
usal ko. Nagpatuloy na ako sa aking paglalakad hanggang sa biglang may
sumulpot sa harapan ko, mga nasa 10 meter ang layo nito sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa
ako o matatakot, dahil isa itong taong palaka. Kulay green,
yellowish ang sa tiyan niya na malaki, malapad ang mukha, malaki ang ulo, malaki
din ang bibig nasa isang dangkal ata, basta mukhang palaka.
"KEroKEroPEPE!!waaahhhh……ako’y
nagugutom..waaaahhh…Ikaw, mukhang yummy ka! Kakainin kita,
mmmmeehehehehehehe" Shit ng palaka.
"Ha? Ano ako, insekto?!!
Ayy teka, dapat ganito maging reaksyon ko, 1, 2, 3...aaaaaaahhhhhhhhhh!!!"
Sigaw ko.
"KEroKEroPEPE.... wwwssssssssssshhhhhhhhhhhhhhhh …Haaaaaaaaa…"
Nag-Oppa nganga style siya at naamoy ko ang hininga niya.
"Aaaaahhhhh... aaaammmmmbbbbaahhhhhoooo" Reaksyon
ko.
"Ouch! KEroKEroPEPE..ano
sabi mo sa aketch? Mabaho hininga ko? kakahurt ka naman, sempre gutom ako e."
Pagmamaktol ng taong palaka.
"SORRY" ako.
"Pero, kakainin parin
kita. mmmeeeeyyyhehehehehehehe—you can run, but you can’t hide! meoowhehehehe"
Sabi ng taong palaka.
"Ulol! Walng originality,
gaya-gaya ng linya.” Sabi ko sa kanya at tumakbo na ako.
Paglingon ko sa kanya ay biglang
nilawit ang pagkahaba-habang dila nito at inaabot ako, pero
mabilis ang takbo ko at nakakailag ako. Dahil sa hindi ako
maabot ng kanyang dila, bigla ito huminto at buwelo, at biglang talon, napatili
ako.
“Ayyyy puking palaka ni Kaka!!!” Tili
ko na tumakbo parin ako.
Sakto ang pagtalon niya, dahil
nasa harapan ko na siya, mga nasa 8 meter nalang.
"Sluprs" paglawit
ng dila ng palaka, "Ilag" reaksyon ko, "Slurps-Ilag-Slurps-Ilag"
Repeat 4x
"Eooww kader-der, ano
bang dila ‘yan?" Sigaw ko sa kanya.
"Mapapasaakin din ang
katawan lupa moooo…(trruusssppppp!!!!Lawit pa ng dila niya)" - Kokak
"Tullooooonnnggg,
puuulliiiiisssss, Iiinaaayyyyyyyyyyyyy" Paghingi ko ng saklolo pero parang
walang tao sa paligid.
Dahil sa paghingi ko ng
tulong, biglang may narinig akong boses, at malakas ito.
*Gamitin mo ang kapangyarihan
mo Akoni, gamitin mo!* Sabi ng boses.
"Ha? sino ‘yun?
Kapangyarihan? Ano naman ang kapangyarihan ko?" Mga tanong ko at
napalakas ang boses ko kaya napatigil ang halimaw sa harap ko.
*Gamitin mo tanga!!mag-isip ka!* Sabi
ng boses uli, pero ang pinagtataka ko, ito’y kaboses ko.
"Aba’y tanga ka din,
namputcha naman, sino ka?" Pagalit kong sabi na palingon-lingon sa
paligid.
"Teka lang itchuserang
palaka, may bumubulong sa akin eh, nakakainsulto na, time out muna tayo"
Pakiusap ko sa palaka.
"Okies..pagod na din ako
sa kakadila sa’yo. Umiilag ka naman e" Sagot ng taong palaka na parang may
tampo.
Patuloy parin ang boses na
naririg ko.
"Naririnig mo ba
‘yun?" Tanong ko sa palaka.
"Adik kaba? Wala akong marinig
kundi ang ingay ng tiyan ko dahil sa gutom. Magpakain
kana kasi sa akin ayyyiii, Hmp! Ano game na ba?" Sabi ulit ng palaka
at nag-ipon na ng lakas, handa ulit subokan kainin ako.
"Sandali nga lang, ‘wag
kang epal. Rest ka muna dyan" Sita ko sa kanya, at nakita kong nagtaas ng
kilay ang palaka.
*Gamitin mo ang kapangyarihan
mo ogag. Meron kang kapangyarihan, nagising ang natutulog mong kukote. May
kukote kana, gamitin mo!* Sabi ulit ng boses, at sobrang nagtataka parin
ako dahil pakiramdam ko ay ako ang nagsasalita, parang galing mismo sa akin ang
boses.
"Sino ka?” Bulong ko sa
aking sarili.
*Ako’y ikaw, ikaw ay ako
tanga! Ako ang kukote mo, nagkaroon ako ng sariling buhay* sagot ng boses
"Aaahhh ewaann..tumigil
ka na sa kakabulong mo sa akin..waaaaahhhhhh" Sigaw kong malakas.
"Hoy adik!! Game na
ako..game kana ba? Iniisnab mo ako ha..itong sa’yo" Naghanda na ulit
ang palaka.
"KEroKEroPEPE,
nakapahinga na ako, lalapain na kita. Waaaahhhhhhhh..trruusssppppp!! !!!!!!(nilawit
nanaman ang mahabang dila sa akin)"
Papalapit na sa akin ang dila niya
nang biglang may humawak rito, isa na naman nilalang ang biglang
sumulpot sa pagitan namin ng taong palaka. Pero this time hindi isang
halimaw, kundi isa atang diwata dahil sa taglay nitong kagandahan. Napanganga
ako, isang napakagandang babae, tumulo lalo ang laway ko nang
makita kong naka-two piece lang siya.
"Sino siya? Ang ganda
naman niya at ang sexy pa" laway dila ko.
"Ako si Liwanag, narito
ako para tulongan kang puksain ang kasamaan" Sabi ng mahiwagang babae
"Ha?
Liwanag??!!darn!!!!!!!cool.. go,go,go….ihampas mo sa pader ang itchuserang
frog na ‘yan" Sigaw ko sa tuwa.
Wala pang ginagawa ang
mahiwagang babae ay bigla nalang umalis ang taong palaka, nagtatalon
ito sa takot. Papunta na ito sa city.
"Sumakay ka sa akin, habulin natin ang taong palaka bago pa man may masaktan o makain" Sigaw
sa akin ni Liwanag na sa oras na 'yon ay parang naghahang akong nakatitig sa
kanya dahil sa sobrang ganda niya.
"Sasakay ako sayo? Bakit
nakakalipad ka? Ha?ha?" Pabalang na sagot ko sa kanya, dahil
naputol ang pantasya ko.
"Oo dahil may
kapangyarihan ako. Bilisan mo, baka hindi na natin maabutan ang palakang iyon,
kailangan mo siyang mapatay" Utos niya sa akin.
“Ha? Bakit ako? Bakit hindi
ikaw? Ikaw nga itong may kapangyarihan eh” Paliwanag ko sa kanya dahil natakot
ako sa sinabi niyang ako ang pupuksa sa halimaw na ‘yon.
“Basta ikaw ang dapat pumuksa
sa kanya, hindi ako puwedi, mamaya ko na ipapaliwanag sa’yo” Sabi niya at
nagpose na siyang lilipad na napanganga naman ako dahil ang ganda niya, shit.
"Bakit hindi ka pupuwedi, regla mo today?" Tanong ko sa kanya at nagsimangot si Ligaya kaya umangkas nalang ako sa likod niya.
Nasa likod na ako ni Liwanag
habang nasa ere kami,
“Nakakalipad nga siya, mayroon
nga siyang kapangyarihan” sa isip ko.
Nakayakap ako sa kanya,
at inaamoy ang buhoy. Grabe ang bango niya...kaya pinikit ko nalang ang aking
mga mata, ang sarap ng pakiramdam ko.
"Alisin mo ‘yang kamay mo
sa dibdib ko kundi ihuhulog kita" Medyo gumiyang ang lipad niya at
lalo tuloy ako napapisil sa dibdib niya.
"Oh, wag kasi...ayan
napahigpit pisil ko tuloy, hehehe. Sorry mali lang nakapitan ko. hehehe" Palusot
ko.
"Haayy naku, diyos ko. Bakit siya pa?" Sabi ni Liwanag at hindi ko na yun pinansin.
Ilang saglit lang ay nahanap
na namin ang taong palaka, hinabahol ang mga tao…….lumapag kami sa tuktok
ng building, nang biglang may narinig na naman akong boses.
“Ungas, may kapangyarihan ka,
hindi mo lang alam..gamitin mo” Sabi nito.
“Baka tama ang naririnig kong
boses baka may kapangyarihan nga ako dahil don sa nangyari” Sa isip ko.
“Ulopong, pabulong-bulong kapa
dyan e naririnig din naman kita...meron kang kapangyarihan, gamitin mo kasi”
Sabi ulit ng boses.
“Tangna na’to!” usal ko at
napatitig sa akin ng masama si Liwanag kaya nagsign peace ako sa kanya.
“Ok, gagamitin ko na kung ano
man un” Bulong ko.
“Liwanag, sabi mo ako ang
dapat pumuksa sa halimaw na ‘yon diba? Now watch me my dear, mwah!” sabi ko sa
kanya na may halong landi.
“Dapat lang bago pa niya kayo
maubos, kayong mga tao.” sagot niya sa akin na nagpaalog sa isip ko.
“Hindi siya tao?” Sumaglit sa
isip ko
“Okay, I think I am ready na,
huh, huh, huh.” Pagiinarte ko na parang Kris Aquino, pampawala ng kaba.
Nag-inat na ako at bigla akong tumalon sa
building………
“Eyyyeeaaaaahhhhh..ayan na ako
taoooong paaaalaaakkkaaaaa..waaaahhhh” sabi ko na nakasuperman pose ako.
“HOY!!!BAKIT KA TUMALON????!!!!!”
Malakas na sigaw ng boses sa akin na halatang gulat na gulat.
“Sabi mo, may kapangyarihan
ako, lilipad akooooooo….waaahhoooooooooo” sagot ko pero kinabahan ako dahil
pabulusok sa lupa ang direction ko.
“AYYY TANGAAAA!!!!!!ANG TANGA
MO TALAGA!! SINABI KO BANG MAKAKALIPAD KA??!!” Galit na sabi ng boses.
“Isip ang kapangyarihan mo
ungas…mga salita ang kapangyarihan mo...pambobola ang kapangyarihan mo. Tangnan
Style na ‘yan!!!” Galit parin ang boses.
“ANO??!WAAAAHHHH…NAKANAMPUTCHA, HINDI MO SINABI… LIIWAANAAAGGGG!!!! TUULLLOOOONGGGG!!!!!!” - Akoni
Itutuloy………….
haha napapakausapan naman pala si Etsuserang Palaka, gaabang abang ang kasunod nito sir Akoni, mukhang naka jackpot sa pagsakay kay liwanag haha
ReplyDeletebwahahaha, tengene, baket nababuy ang fave character kong si keropi, at naging kerokeropepe?
ReplyDeleteMay pans ka na, isa ka na sa sikat na blogger out there! At ang pans clab mo ay nasa KSA base pa! congratumalations!
ReplyDeleteeh sumusubaybay naman kami dito ah. hehehe.
Maraming salamat sa pagpapatuloy sa kwento ni Kapitan Bola. Napakaswerte ko at extra pa ako sa post mo Sir. Hehehe.
ReplyDeleteYari si KEroKEroPEPE. Kaabang abang talaga ito.
@ Khantotantra, sir, ako lang sa amin ang andito sa KSA, yung mga katrabaho ko dati ay nasa Pinas. hehehe
may typo ata si liwanag naging ligaya anyway..ang kulit ni kapitan bola at kukote. haha more kuya akoni!=D
ReplyDeleteNow ko lang napansin yun ah...Thanks..hehe...medyo iniba ko kasi yung first draft ko..hehe..ligaya ung unang name, pinalitan ko lang ng Liwanag. ;)
Deletehahaha .. at ako ay tagasubaybay mo narin ...!! aabangan ko ang susunod na kabanata .. :) buti na lang natagpuan ko ang iyong blog kay iyah_kin .. :)
ReplyDeleteang galing nyo po pareho ..!!
dalaw din po kayo sa blog ko ..
salamat pala sa mga post mo .. nabuhay ang kaantok-antok na araw ko :)