nuffnang

Tuesday, November 13, 2012

Hello Class!




Our lesson for today is about teaching…amfufufufu!

Isa sa laging tinatanong sa atin nung bata pa tayo o nagbibinata na ay ‘yung kung ano ang gusto natin paglaki. Nung bata pa ako, marami akong gustong maging. Gusto ko maging Pulis, maging doctor, maging engineer, maging si batman, maging power ranger, maging manager, maging accountant, maging artista, maging gangster, maging porn star (imbento ko lang ‘yan) at kung anu-ano pang tinatamad kong isulat. Pero isa lang ang ayaw ko, ang maging titser.

Maraming dahilan kung bakit ayaw ko maging titser, ito’y tulad din ng mga dahilan ng mga titser kung bakit ayaw nila sa ibang propesyon. Tamad ako, oo ninuno ko si Juan tamad, ako ang last descendant niya dito sa mundo. Tamad ako mag-aral, tamad ako magsulat, tamad ako magturo, tamad ako gumising ng maaga, tamad sa karamihang ginagawa ng isang titser, kaya ayun ayaw ko maging titser. Nakakagulat nga kung paano ko natapos ang pag-aaral ko eh, siguro dahil hindi lahat ng matalino ay mautak/madiskarte. Nakuha ko lang sa diskarte siguro, ‘yung sa madaling paraan? basta!

Paano ba nagsimula ang dinadaldal ng utak kong ito?

Intro lang yan…ito ‘yun kuwento talaga.

Kaninang umaga ay muntik ko nang masinghot ang kape ko imbes na inumin. Nagulat lang ako sa post ng isang kaibigan sa kanyang FB status, oo, titser si kaibigan, lalake babae babae lalake babae lalake lalake…..hay naku, lalake siya!!!

Nakailang strikes na siya sa akin. Nung ko pa siya napapansin na minsan ang post niya ay tungkol sa katangahan at kabobohan ng mga estudyente niya. Kanina, medyo nalabuan na ako. Naisip ko na siguro kung isa ako sa mga students niya at nabasa ko ang post niyang iyon, siguro ma-o-offend ako at masasaktan. Oo, bobo ako, mahirap ako makaintindi, shunga ako, simple instruction lang ay hindi ko pa makuha, at minsan nakakakain ako ng panis, pero ‘yun lang talaga ang kayang abotin ng utak ko eh, kaya ka nga nandyan eh para ulit-ulitin sa amin ang tinuturo mo hanggang sa makuha namin, hanggang sa sumabog na mga almuranas namin, hangang sa matapos na ang responsibilidad mong turuan kami. Pero hindi naman kailangan ipangalandakan mo sa buong mundo na kami ay mga tanga, mga shunga, mga mahihina, unfair ‘yun sir, its hurt you know. 

Siguro kung ako’y isa sa students niya, lilipat na ako ng ibang school, don sa school kung saan ang mga titser ay hindi mahilig magpost ng kung anu-anong shit (Tungkol sa katangahan at kabobohan ng mga estudyente niya) sa FB niya.

Ang relasyon ng titser at studyente ay parang relasyon ng mag-asawa sa kama, sa sex. Oo, palitan na natin ang relasyon mag-ama/ina. ‘yung first time ng babae tapos ‘yung lalake ay beterano na, kailangan gabayan ng lalake si babae, kailangan niyang turuan para maging maganda ang relasyon nila sa kama. Ganun ang relasyon ng titser at studyente, ang titser ang lalake at ang estudyente naman ay ang babae, ang titser kelangan niyang ipasok ng dahan-dahan, swabe, masarap, tamang-tama at walang aray ang karunongan niya sa sa utak ng kanyang estudyente para hindi dumugo at hindi mabigla, yung sa sobrang swabe at sarap eh titirik ng maayos ang pens nila? Ganun!

Parang seks, diba?

Parang seks na relasyon ng mag-asawa, hindi naman tama na pagkatapos magtsuktsakan ng magpartner ay mag-oonline ang lalake at ipangangalandakan sa buong mundo kung gaano siya nababad trip sa partner niya dahil hindi marunong sa seks o hindi niya makuha-kuha ang tinuturo niyang napakasimpleng position para makuha nila ang orgasm na hinahangad nila. Hindi tama na sabihin mong, ‘yung asawa ko ang bobo niya sa seks, lagi kong tinuturo na kapag nasa ganun climax na kami ay ‘wag nga huminga at ‘wag lambutan ang kanyang katawan, hindi parin niya makuha-kuha, hindi tuloy makuha ang tamang orgasm.

Ang ibig ko lang naman sabihin ay siguro dapat gawin pribado ng isang titser ang mga kahinaan ng kanyang mga estudyente, I mean you know, ‘wag niya ipahiya sa buong mundo ang mga tinuturuan niya. Kapag nasa classroom siya, don siya magpost ng status niya sa blackboard nila na hindi naman black tungkol sa katangahan at kabobohan ng mga estudyente niya, at least don mababasa talaga ng mga bata at sila-sila lang. Dun niya sabihin ang lahat ng shit niya, kung gaano siya disappointed sa kanila, isulat niya lahat don hanggang sa magkaalmuranas na siya.

*Riiiiiiiiiiiiiingggggg* Uwian na.

Humihingi po ako ng pasensya sa mga titser kung iba ang dating nito sa inyo, hindi naman po big deal ‘yung  nabasa kung pangungutsya ng kaibigan kung titser sa mga bobo at mga shunga niyang students eh, pinapalaki ko lang ang isyu at para makaupdate lang ng blog. LOL

Goodbye Class!


14 comments:

  1. sabagay nakuha ko ang point mo.... di na naman kailangan na i post sa FB wall kung ano man ang mga problema sa mga estudyante

    dati naisip ko maging teacher pero di natuloy kasi naisip ko papasok na naman sa school hehehe lagi maaga ang gising hehehe .. pero naisip ko maganda din ang maging teacher...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat nakuha mo..hayy kinabahan ako.

      Delete
  2. ako isang titser pero hindi ko na tinuloy kahit may lisensya ako .. i dont want to stay in that four corners forever!

    ReplyDelete
  3. agree... or kung kelangan mag rants, dapat sa yung walang nakakakilala sa tao ang makakabasa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo, ibulong mo sa sarili mo, diba? hehe

      Delete
  4. Mas naintindihan ko ng lubos ang relasyon ng titser at istudyante ng ikumpara mo sa seks. lol. Natuwa ako sa paraan ng pagkwento mo. Pinangarap ko pala noon na maging guro din. Pero di ako magiging tulad nyang ikinuwento mong guro. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahaha..natawa ako sa comment mo..dapat pala lahat ng blogs ko sa seks ko ikumpara..haha

      Delete
    2. Oo sir ganyan. Napabisita ako ulit. Pinallow ko na pala etong blog mo. Pareho pala tayong may kastilyo sa bogsphere. hehe

      Delete
  5. gusto ko ring maging power ranger noong bata ako at hanggang ngayon.

    may mga teacher nga naman na ganito, buti nalang noong HS pa ako hindi pa uso ang paggamit ng FB, hindi naman kasi ikakadagdag ng talino ng nasabing teacher kung isasambulat niya sa buong mundo kung gaano kashunga ang mga estudeyante niya, teacher siya kaya dapat mas may pangunawa siya. sino na lang ang uunawa sa mga estudeyante niya kung siya mismo na teacher nila hindi niya magawa

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayaw ko na maging power ranger, porn star na gusto ko ngayon..hehehe..

      Delete
  6. ikumpara talaga sa sex? ang dami ko tuloy naalalang tsismis sa pinag-aralan kung school dati tungkol sa teacher-student not so wholesome relationship. Buti na lang wala pang FB noon.

    ReplyDelete
  7. Napaka unprofessional naman ng titser na yan! Eh kung ang estudyante kaya ang magpost ng kabobohan at kashungahan ng kanilang titser? Di ba masasaktan din sila?

    Nagtatanong lang...

    (x-porn star na ngayon ay may super powers na) lol

    ReplyDelete